Share

Chapter 1 : The Magnate

Chapter 1

The Magnate

***

Pagkaparada ko ng aking kotse sa parking lot ng Santillan Corporation ay agad kong isinukbit sa balikat ko ang sling bag na dinampot ko mula sa passenger's seat bago bumaba. Agad naman akong sinalubong ni Laarni, ang assistant ko.

"Good morning, sir," bati niya sa akin saka inagaw ang bag na dala ko. Naroon ang laptop ko at iba pang mga mahalagang dukumento ng kompanya.

"Good morning, Laarne," tugon ko. "Kumusta ang love life?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Naku, sir. 'wag mo nang itanong dahil zero pa rin hanggang ngayon." Tumawa siya sa sarili niyang biro.

Tumawa na lang din ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakabuntot naman siya sa akin.

"Good morning, Sir Rojan," halos sabay namang bati sa akin ng dalawang guwardiya na naka-assign sa entrance ng Santillan Building. Sabay din nilang binuksan ang magkabilang pinto na yari sa salamin upang malaya akong makadaan sa gitna. Malawak ang ngiti nila na bumagay sa asul nilang unipormi at itim na slacks.

"Mang Toni, kumusta si misis? Nanganak na ba?" baling ko sa mas nakakatanda sa dalawa.

Buntis ang asawa niya kaya todo kayod siya ngayon para makaipon. Mabait na tao si Mang Toni, isa iyong dahilan kaya tumagal siya sa trabaho niya. Magmula noong si daddy pa ang namumuno dito, dito na siya nanibilbihan sa Santillan Corporation magpahanggang ngayon.

"Hindi pa po, sir. Baka ho bukas,"   masigla naman niyang tugon.

"Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka. 'Wag kang mahiya," ani ko saka ngumiti.

"Salamat, sir," tugon naman niya na abot tainga pa rin ang ngiti.

"Ikaw, Mario. Kailan ka kaya sasagutin ni Laarni," biro ko sa kasama ni Mang Toni.

"Naku po! Paano ko naman sasagutin, eh, torpi naman," sabat naman ni Laarne sa likuran ko.

Nagtawanan na lang kami sa inasal ni Laarni. Laman kasi sila sa tuksuhan sa Santillan Corporation dahil napapansin namin ang paggiging malapit nila sa isa't isa. Mukhang gusto nila ang isa't isa ngunit walang umaamin.

"Hayaan mo, kapag nakapag-ipon na ako, idi-date kita kahit saan mo gusto," palaban na tugon ni Mario.

Napansin kong umirap si Laarni at nilagpasan si Mario. "Che, aasa lang ako sa 'yo," pag-inarte niya.

"Kunwari ka pa, kinikilig ka naman," ani ni Mario na ngayon ay sobrang pula na ng mukha.

Pinaikot lang muli ni Laarni ang mga mata niya at nauna na sa akin. "Tara na, Sir. Wala akong mapapala diyan," nakasimangot niyang ani.

Natawa na lang ako sa dalawa. Parang mga teenager kung umasta. Daig pa ang bangayan at asaran ng mga paborito kong loveteam sa TV.

Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa paghakbang.

Nang tuluyan na akong makapasok ay agad akong dumeretso sa opisina ko. Umupo ako sa upuan at agad na binuksan ang laptop.

Mukha ng babaeng mahal ko ang naroon. Si Marjorie de Guzman. Apat na taon na kaming magkasintahan. Marami mang hadlang sa relasyon namin ay aming napagtatagumpayan.

Napapangiti ako at hinawakan ang pisngi niya sa screen. "I love you," bulong ko doon. Para na akong tanga, kahit hindi niya ako naririnig ay kinakausap ko siya. Ganoon ko siya kamahal.

I have everything. Looks, wealth, friends a loving family, and a supportive girlfriend. I am a businessman and a magnate.

It's because of being a top businessman in the country. I have a lot of achievement at age of twenty seven. Simula noong nag-retire si daddy sa kompanyang pinaghirapan niya— Ang Santillan Corporation, ako ang namuno dito. Ako ang ginawa niyang CEO upang ipagpatuloy ang legacy na nasimulan niya. Wala akong kapatid kaya walang ibang susunod sa mga yapak niya kundi ako lang at kailangan kong mag-work hard upang itaguyod ang kumpanyang pinaghirapan niya.

I did everything in the company dahil ayokong mapahiya kay daddy. So far, in my first year as a CEO of Santillan Corporation, I did a great job. I received a lot of positive feedback from our clients and tumaas ng 15% ang stocks namin.

May mga nagsasabing na super successful na daw ako. Siguro! Maybe! But I'm not sure. Dahil sa pagyakap ko sa Santillan Corporation ay nabago ang buhay ko pati na ang kumpanyang pinapalago ko. Santillan Corporation is now leading and top real state company in the Philippines and now started expanding it all over the world. Masaya ako dahil sa na-achieved kong success.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon. Pumasok si Laarni. "Sir, nandito na po si Mr. Cheng."

Tumango ako sa kanya. "Sige, susunod ako," ani ko at inayos ang aking sarili bago tumayo at lumabas sa pinto.

Nasa kalagitnaan ako ng meeting with Mr. Cheng nang tumunog ang cellphone ko.

Huminto ako sa aking mga sinasabi at sinilip kung sino ang tumawag. "I'm sorry," ani ko nang makita ang pangalan sa screen. Pinatay ko ito at nagpatuloy sa discussion.

Masaya akong natapos ang meeting na matagumpay. Nakuha namin ang Cheng Metals as our new client.

Nang makabalik ako sa aking opisina, saka ko lang muling binuksan ang aking cellphone. Tatlong magkasunod na text messages ang pumasok at lahat galing kay Marjorie.

"Roj, can we talk?"

"Please aswer the call. I'ts very important."

"Magkita tayo mamaya sa Calle Santiago Resto, pagkatapos mo sa trabaho."

Napakunot ang noo ko mula sa mga nabasa. Agad ko d-in-ail ang numero niya at agad naman niya itong sinagot.

"Marj, what's up? Sorry for not aswering your call kanina, nasa gitna ako ng meeting."

"It's okay. I understand," tugon niya sa kabilang linya.

"Ano pala ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Magkita na lang tayo mamaya sa Calle Santiago Resto."

"Okay, I love you..." napahinto ako sa aking sasabihin ng binaba na niya call.

Napabuga ako ng hangin. May kakaiba kay Marjorie ngayon na hindi ko maintindihan. Ang weird lang.

Hindi ko na lang pinansin iyon. Pagkatapos ko sa mga ginagawa ko ay agad akong nagtungo sa lugar na sinasabi niya. Pasado alas cinco na ng hapon ng tingnan ko ang aking orasan. Inayos ko muna ang suot na coat bago pumasok sa Calle Santiago Resto. Maraming tao roon. Halos puno ang mga mesa. Sikat kasi ang restaurant na ito lalo na sa tema nilang vintage na patok na patok ngayon sa masa.

Inilibot ko ang aking mga mata. Napangiti ako nang mahagip ng tingin ko si Marjorie, she's pretty with her simply looks today. Isang navy blue cocktail dress ang sout niya at nakalugay lang ang buhok niya. Agad ko siyang nilapitan. Hinalikan ko siya sa labi bago ako umupo sa tapat niya.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya bago tumawag ng waiter.

"Kakarating ko lang din. A minute ago," tugon niya na tila ba wala sa mood makipag-usap.

Wala siyang gana at malalim ang iniisip. Wala akong nakitang kislap sa mga mata niya. Hindi katulad dati na kapag nagdi-dinner kami ay makikita ko talaga sa mga mata niya ang tamis at ligaya na nadarama niya. Iba ngayon, nakakapanibago at mukhang hindi siya masaya.

"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling siya. "No! May sasabihin lang sana ako sa 'yo. Sana mapatawad mo ako."

Kumunot ang noo ko. "What is it?"

Pagkatapos makalipas ang nakakabinging katahimikan ay muli na siyang nagsalita. "Itigil na natin 'to, Roj. Hindi na ako masaya sa relasyon natin."

Natahimik ako. Hindi agad rumehestro sa utak ko ang mga sinasabi kiya. Kumurap ako bago nagsalita. "What?"

"Ayoko na, ayoko nang magpanggap na masaya ako kapag kapiling ka. Ang hirap magkunwari." tuluyan nang bumagsak ang luha niya sa mata na kanina pa niya pinipigilan.

"Tell me that you're just kidding,"

Umiling siya. Dahil doon ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa dibdib ko. Nahirapan akong huminga.

Ano ang nagawa kong kasalanan kung bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit niya ginawa sa akin 'to?

Tumayo siya, hinabol ko siya hanggang makarating kami sa parking lot. Nagbangayan kami doon hanggang sa naiwan akong walang kalaban-laban and the rest of the story, nawalan ako ng malay.

Written by Thomas Esguerra

  


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status