Share

The Broken Magnate
The Broken Magnate
Author: TheDarkPrince

Prologue

The Broken Magnate

Prologue

- - -

Matapos makalipas ang nakakabinging katahimikan, muling nagsalita si Marjorie. "Gusto kong itigil na natin 'to. Hindi na ako masaya sa relasyon natin, Roj." 

Napakurap ako mula sa binitawan niyang mga salita. Hindi ako makapaniwala na iyon ang sasabihin niya sa akin.

"What's wrong with you?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi niya iyon. Masyadong biglaan. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan niya.

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Hinawakan niya ito ng mariin. "I'm sorry, Roj. Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Patawarin mo ako."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Umaasa ako na nagbibiro lang siya ngunit sa mga mata pa lang niya ay nakikita kong totoo ang mga sinasabi niya.

"Tell me that you're just kidding."

Umiling siya. "Gusto kong itigil na natin 'to. Ayokong magkunwari na masaya ako kahit ang totoo ay hindi na."

Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay sumasabay naman ang pagbagsak ng maliliit na butil ng luha mula sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng habag pero, bakit?

"Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo? Hindi ganoon ka bilis 'yon, Marj," mahinahon kong ani.

Ano ba ang nagawa ko para gawin niya sa akin ito? I did everything for our relationship. Lahat ginawa ko upang mapaligaya lang siya pero, ano 'to?

"Roj, patawarin mo ako pero hindi mo na ako mapipigilan sa pasya ko," mahinahon niyang ani pero tagos sa kalooblooban ko.

Bigla kong hinila ang aking kamay na hawak niya. Napakasarap magmura pero pinipigilan ko lang ang aking sarili dahil nandito kami ngayon sa isang mamahalin na restaurant. Ayoko kong ma-eskandalo dahil ayokong may makarating sa Santillan Corp. lalo na kay daddy. Kung maaari ay pipigilan ko ang emosyon ko.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Bakit? May nagawa ba akong kasalanan sa 'yo?"

Muli siyang umiling. "Wala!"

"Then, why?" nagsalubong na ang kilay ko.

"Nagising na lang ako isang umaga, hindi na kita mahal."

"How come? Pinagloloko mo ba ako?" mariin kong ani.

"Just let me go and find someone better than me." nanginig na ang boses niya.

I can't stop her hurting me. Napamaang na lang ako sa huling mga salitang lumabas sa bibig niya. Pakiramdam ko ay tila ba may patalim na biglang tumusok sa dibdib ko. Masakit, mahapdi at kumikirot ito. Habang tumatagal ay unti-unti itong bumabaon ng mas malalim pa.

"I'm not the girl for you. Makakahanap ka pa ng babaeng mas deserving kaysa sa akin, Roj."

"Seriously? Gano'n lang ba sa'yo kabilis bumitaw?" singhal ko ng hindi ko na kayang kumalma. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin."Apat na taon, Marj. Apat na taon ang sasayangin mo!"

"I'm sorry," sambit niya saka biglang tumayo mula sa pagkaka-upo at mabilis na tumalikod sa akin.

Mabilis niyang nilisan ang restaurant kung saan kami kumakain ngayon.

Hinabol ko siya dahil ayokong mawala siya sa akin. Ayokong itapon na lang basta-basta ang apat na taon naming pinagsamahan.

Hinabol ko siya dahil gusto ko nang malinaw na kasagutan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ano ba talaga ang dahilan niya?

Siya ang naging buhay ko at hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay 'pag mawawala siya sa akin. Siguro, hindi ko kaya.

Naabutan ko siya sa parking lot. Tangka na niyang buksan ang pinto ng kotse niya ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya dahilan para sapilitan siyang mapaharap sa akin.

"Ano ba, Roj? Sinabi ko na sa'yo na ayoko na! Tigilan mo na ako!" singhal niya sa akin. Sa pagkakataong ito ay galit na siya at salubong ang kilay.

"Sabihin mo nga sa akin!" Hindi ko na mapigil ang aking sarili. Napataas na ang boses ko dahil sa sobrang inis. "Gusto ko lang naman malaman kung bakit ayaw mo na? Marj, four years! Four years ang itatapon mo lang nang basta-basta?"

Hinawakan ko ng mariin ang dalawa niyang braso. Ayoko siyang makawala, ayoko siyang mawala sa akin.

"I love you so much, Marj. Nagmamakaawa ako sa'yo. Please don't do this to me," mahinang pakiusap ko sa kanya. Namalayan ko na lang ang mahinang paglalakbay ng luha ko sa pisngi. Tuluyan na itong bumagsak matapos ang mahabang minutong pagpipigil.

Naging mahinahon ulit ako at tinitigan siya sa mata para makuha ang simpatya niya. "Just tell, Marj. Why?"

"Rojan, I'm sorry," ulit niya.

"Sorry? Gano'n na lang ba 'yon?"

"Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?" Garagal niyang ani dahil sa pag-iyak. Tinitigan niya ako sa mukha bago nagpatuloy. "May mahal na akong iba, Roj. Matagal na kitang niloloko kaya tigilan mo na ako."

Namilog ang mga mata ko.Tila nabingi ako at 'di narinig ang sinasabi niya. "Ulitin mo nga ang sinasabi mo," I asked her again dahil hindi ako sigurado sa narinig ko kanina.

"May mahal na akong iba kaya tigilan mo na ako." She cried as she said it. She's also in pain pero bakit niya hinahayaang mangyari ito sa amin? Mukha namang hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Is that true?" Mahinahong tanong ko.

Tumango lang siya at muling bumuhos ang luha niya. "I'm sorry,"

Nanghina ako. Parang biglang nawala ang lakas ko sa mga oras na ito. Nanlambot ang aking mga binti dahilan upang mapadaosdos ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na namalayang nabitawan ko na pala siya dahil sa matinding emosyon. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse niya at pinaharurot ito.

Shit! Napapamura na lang ako.

Ano ba ang nagawa ko? Bakit niya ako niloko? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Nagkulang ba ako sa kanya?

Sa sobrang galit ko ay pinag-susuntok ko ang sementong pader sa parking lot.

"Aahhhhh!!!" Napapasigaw na lang ako sa matinding galit na nararamdaman ko ngayon.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Hanggang sa hindi ko na naramdaman ang sakit. Nakikita ko na lang ang mga mapupulang likido sa kamao ko pero 'di ko ramdam ang sakit nito. Namanhid ang buo kong katawan. Wala na akong naramdaman sa mga oras na ito.

Wala na akong dahilan para mabuhay pa. Wala na akong dahilan para huminga pa. Wala na! Wala na ang lahat.

Parang gusto ko nang mawala na lang bigla na parang bola.

Ayoko na!

Unti-unti na lang naglaho ang aking paningin. Wala na akong ibang nakita kundi kadiliman.

Patay na ba ako?

Tama, gusto ko na mamatay.

Ilang saglit lang ay nilamon na ako ng kadiliman at nawalan ng ulirat.

A novel by Thomas Esguerra

(TheDarkPrince)

All Right Reserved 2020

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status