Share

Chapter 2: Hurting Heart

[2]

Hurting Heart

***

Nagising na lang ako sa isang malawak at puting kwarto. Malawak na ngiti ni Mommy ang bumungad sa akin na tila ba natutuwa dahil nagising na ako.

"How are you, Son?" Tanong niya agad sa akin.

Hindi ko muna siya sinagot. Nilibot ko muna ng tingin ang buong silid upang tingnan kung nasaan ako. Napabuga na lang ako ng hangin nang ma-realized na nasa hospital pala ako.

"May nakakita sa 'yo sa parking lot ng isang restaurants malapit sa office mo. Wala ka raw malay kaya agad ka nilang itibakbo dito sa hospital," paliwanag niya. Sa tuno pa lang ng pananalita niya ay alam kong nag-wo-worry siya sa akin. That's my mom, she's always care for me. "Mabuti't kakilala natin ang doctor na naka-duty kaya agad niya akong tinawagan."

Nanatili akong nakatitig sa kanya ngunit hindi ko makuhang magsalita.

"Ano bang nangyari sa 'yo? Hindi ka ba kumakain? Bakit ka hinimatay eh, wala ka namang sakit?" usisa niya habang nakakunot ang noo. "Sabi ng doctor dahil lang daw sa depression. Bakit ka ba na-di-depress?" She continued.

Hindi ko pa rin siya sinagot. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Kahit si mommy.

Palagi ko pa ring naririnig ang boses ni Marjorie na tila ba umi-echo sa tainga ko lalo na 'yong huling salitang sinabi niya.

"May mahal na akong iba kaya tigilan mo na ako."

Biglang may bumaon na tila ba matulis na bagay sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga sa sobrang sakit nito. Why? Bakit niya ako ginaganito? Bakit niya ako sinasaktan? Masaya na man kami pareho. Wala akong nakikitang dahilan upang iwanan niya ako. Wala akong nakikitang mali sa relasyon namin upang kumawala siya. Our love story is almost perfect. Our both parents are business owners and we have a lot of similarities.

Ang hindi ko lang matanggap ay ang pag-iwan niya sa akin sa hindi malinaw na dahilan. Para akong tanga na ini-imagine at iniisip kung ano ba ang nagawa ko. May nagawa ba akong hindi niya gusto? It's fucking make me crazy. Nakakabaliw isipin ang gano'ng mga bagay. She's my first love and this is my first time to be broken hearted. First time kong masakatan kaya hindi ko alam kung paano i-handle ito.

My mom hug me as he saw my tear slowly flowing down to my chicks. She hug me as tight as she can to comport me as if she knows what's the reason why I'm crying right now. Maybe she knows I'm not okay. Siguro alam niyang sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon kaya nandiyan siya upang damayan ako.

"Marjorie calls me and she's asking an apology. Humihingi siya ng tawad sa ginawa niya sa 'yo." Muli niya akong niyakap ng mahigpit. "Son, I know it already. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa akin pero sa tingin ko, hindi mo pa kaya," bulong niya.

Mas lalo lang akong humagulgol ng iyak. Totoo pala talaga ang nangyari. Talagang iniwan na ako ng Marjorie. Gusto ko sanang isipin na panaginip lang ang lahat pero it's fucking true.

"Son, it's okay. God's have a better plan for you. Maybe Marjorie and you are not meant for each other." Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang i-comport ako. I know she's also in pain seeing me in this situation. "Nandito ako, ang daddy mo. We love you more that anyone else. Mas malalim ang pagmamahal namin sa 'yo."

Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Akala ko nga mauubusan na ako ng luha pero meron pa rin. Hindi siya basta basta nauubos.

Dalawang linggo na ang lumipas pero nasa gano'ng sitwasyon pa rin ako. Wala akong ganang kumain, wala akong ganang lumabas ng kwarto at ang tanging katabi ko lang ay ang alak. Pinipilit ako ni mommy na kumain o lumabas man lang upang masikatan ng araw pero hindi ko siya pinakinggan. I tried to contact Marjorie pero out of coverage. I think nagpalit na siya mg number upang hindi ko na siya ma-contact at magulo pa.

Sinubukan kong puntahan siya sa kanila pero hinarang ako ng guard nila. Nagmukha pa akong masamang tao sa ginawa ko. Sumisigaw ako calling her name. Begging for a second chance. I'm asking for another chance upang patunayan sa kanya na karapatdapat niya akong mahalin pero she didn't listen. Hanggang kinaladkad ako ng dalawang guard na umawat sa akin. "Sandali lang. Gusto ko lang makausap si Marjorie!" Sigaw ko sa mga ito.

"Wala nga ho diyan si Marjorie, Sir. Umalis po siya kahapon." Anang nasa kanan ko.

"Sir, kung ayaw na so 'yo ng babae. Hayaan mo na. Huwag ka nang manggulo pa. Nakaka-purewesyo na ho kayo." Sabad naman nang nasa kaliwa ko.

Uminit lalo ang ulo ko sa sinabi niya. "Ano?" singhal ko at sinuntok siya sa mukha. Dahil sa ginawa ko ay nahaharap ako sa isang kaso.

Mabuti na lang napakiusapan ni daddy si Mr. de Guzman, ang daddy ni Marjorie. Dahil doon ay hindi na niya itinuloy ang pagdemanda sa akin.

"Are you out of your mind, Rojan?" Ngayon ko lang narinig na sigawan ako ni daddy ng ganito. Nagalit siya sa ginawa ko kaya pinapagalitan niya ako. "Alam mo ba kung ano ang magiging epekto nito sa Santillan Corporation? Mabuti na lang dahil mabait si Mr. de Guzman at pinagbigyan ka niya."

Nakayoko lang ako habang nakikinig sa mga sermon niya. Ayoko siyang sagutin dahil tama lahat ang mga sinasabi niya. Aminado akong kasalanan ko at hindi ko dapat ginawa iyo lalo pa at CEO ako ng isang malaking kumpanya. Malaking eskandalo iyon kapag nagkataon. Masisira ang reputasyon at masisira ang legacy na pinaghirapan ko. Mabuti na lang at napakiusapan ni daddy si Mr. De Guzman na sana ay hindi iyon aabot sa media. Malaking gulo iyon kapag nagkataon.

"I'm sorry, dad," mahinahong sambit ko ngunit hindi ko makuhang tumingin sa kanya dahil sa sobrang kahihiyaan. Nakaupo lang ako sa sofa ng sala namin habang siya ay nakatayo lang sa harapan ko.

"Sorry?" Balik niya sa akin ng sinabi ko. "Nababaliw ka na ba? Nagpapakabaliw ka dahil lang sa isang babae?" He shouted.

"Stop it, Ramon." Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako. "Alam mo namang may pinagdadaanan ang anak mo."

"Pagsabihan mo 'yang anak mo na huwag niyang sirain ang buhay niya dahil lang sa pag-iwan sa kanya ng isang babae." Ani niya at tumalikod na sa amin.

Hinayaan ko na na lang si daddy sa mga sinabi niya. Ayoko siyang sagutin dahil malaki ang respeto ko sa kanya. Maaring tama siya, maaring sinira ko nga ang sarili ko dahil sa lentik na pagmamahal ko kay Marjorie.

Gugustuhin ko mang kalimutan siya pero paano? Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata ay mukha niya ang aking nakikita. Ang maganda niyang ngiti na siyang bumihag sa akin noon.

Paano nga ba?

Isang buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin makakalimutan si Marjorie.

Isang umaga, nilapitan ako ni mommy habang tahimik akong nagkakape sa veranda.

Sabi niya sa akin, naawa na raw siya sa akin dahil sobrang laki na ng ipinayat ko. Malaki ang ipinagbago ng hitsura ko simula noong araw na maging empyerno ang buhay ko. Napabayaan ko na raw ang sarili ko na kahit sa pag-ahit ng balbas sa mukha ay 'di ko na nagagawa. Humaba na rin ang buhok ko dahil hindi na ako nakapagpagupit.

"Son, what if magbakasyon ka muna? Doon ka muna sa resort para kahit papaano ay malayo ka sa stress. Doon, makapag-isip ka mg maayos at maaring makalimutan mo na siya."

Nilingon ko siya at bahagya akong ngumiti. Ngiting plastic dahil hindi ko naman kayang ngumiti ng totoo sa kabila ng pinagdadaanan ko.

Maybe she's right. It's a good idea na pumunta ako ng Palawan upang makalimutan si Marjorie. Siguro, ito ang best option na nakikita ko. Thanks to mom.

"Don't worry to our company. Ipapaasikaso ko muna sa pinsan mo. Just enjoy yourself and make it free from bad memories." Ani niya.

Niyakap ko si mommy at hinagkan sa dulo ng tainga nga. "Thank you, Mom." Bulong ko sa kanya.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status