LOGINSobrang occupied ako. Pasensya na kayo. Alam niyo naman po siguro na bumalik ako sa corporate kasi hindi na po kayang suportahan ng pagsusulat ang daily needs namin. It happens na mag-xmas party. ANg daming ganap after work. Di ko tuloy natutukan ang pagsusulat sa gabi. Pero hindi pa naman po ako nakakalimot. bear with me na lang po. Pipilitin ko pa rin naman po. Thanks po. -AVA NAH
Gwen’s POV“WHAT are you doing here, Mr. Madrid?”“What do you think, Mrs. Leander Madrid?” Sinundan niya nang kakaibang ngiti kaya napalunok ako.Paano niya nalamang nandito ako? At paano niya nalaman na ito na ang suot ko? Pinaghihinalaan niya si Aurora at ako ay iisa kaya pumayag akong magpalit na rin ng damit. Pero hindi ko akalaing makikilala pa rin ako ni Leander.“Who’s Mrs. Leander Madrid?” maang-maangang tanong ko.Natawa nang malakas ang asawa. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya.“God, Gwen. You think maloloko mo ako? No, Amore,” seryosong sabi niya na ikinalunok ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naka-side view na nga ako pero parang magkaharap pa rin dahil langhap na langhap ko ang mabangong hininga niya. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Kaya hindi ko talaga pinapayagang lumapit siya sa akin. Pero wala na akong magagawa.“I know every inch of your body, Gwen. Even the way you breathe… So you can’t fool me,” aniya nang pilit niyang ihara
Leander’s POVAkmang sasakay ako ng sasakyan nang mapansin ko ang isang babaeng bumababa mula sa sasakyang huminto sa harap ko.Walang iba kung hindi si Aurora. Wala pa siyang suot na mask kaya nakilala ko agad siya. Pero habang habang tumatagal, mukha ng asawa ang nakikita ko talaga. Magkaiba man ng buhok pero ang hubog at kutis, iisa lang. “Wait. Bumalik tayo. Dumating si Aurora.”Tumango si Aldrin sa akin. Palihim kong pinasundan ang dalaga para alam ko ang mga kilos niya. Bumalik kami at agad kong sinuot ang isang extra mask. Hindi na ako lalapitan ng kung sino man kaya makakapag matiyag na ako. Nakasunod lang ako nang tingin kay Aurora na noo'y nag-iisa lang. May hinahanap siya. Mayamaya lang ay bigla siyang umalis. Alerto ang mga tauhan ko kaya nang makita nila ang dalaga, sinundan nila ito. “Are you sure nasa loob siya?” Tinuro sa akin ni Aldrin ang suite na pinasukan umano ni Aurora. “Wala pa bang access sa loob?” CCTV ang tinutukoy ko. “Wala pa pong update pero ginagaw
Leander’s POV“SIR, ready na po ang susuotin niyo.” Tinuro sa akin ni Aldrin ang mga nakahanger na suit na gagamitin ko ngayon sa party. Imbitado ako sa isang party na hindi ko inaasahan. Halos lahat ng mga boses o mga mafia head ay dadalo sa hindi ko alam na kadahilanan. Iba ang anual gala ng mga big boses kaya nagulat ako sa imbitasyon.“Any news about Aurora?”“Wala pa pong movement. Hindi siya lumalabas ng villa. Pero kanina, may bisita sila mula sa boutique na hindi konektado sa mga Baldassano. And guess what, Sir?”Napataas ako ng kilay. “You think manghuhula ako?” inis kong sabi sa alalay. “Bakit hindi mo na lang sabihin?”Kumamot siya sa ulo. “Ang boutique na iyon ay isa sa mga pinagkakatiwalaang mananahi ng pamilya Russo.”“Russo?” ulit ko sa apelyidong binggit ni Aldrin. “As in Uncle Zale Russo? Earl?”“Yes, Sir.”Gumana agad ang isipan ko. Sa dinami ng boutique rito sa Florence, bakit mula pa sa Pilipinas? At bakit konektado sa mga Russo? Hindi kaya si Nathaniel ang nagpapad
Gwen’s POV“I’M so sorry po sa nangyari kay Ermo, Auntie,” hinging paumanhin ko sa tiyahin. Kaagad kong sabi nang kami na lang na dalawa ni Auntie.“Hayaan niyo po, pagsasabihan ko si Leander.” Nakita ko na ang pagkunot ng noo ni Auntie. “Ang dami na niyang kasalanan sa akin, dinagdagan pa niya.” Hindi ko na napigilang ihayag ang inis na nararamdaman ko.“‘Yong totoo, Gwen. Kilala mo si Irwin— I mean si Leander Madrid?” Mukhang kumpirmasyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.Napalabi ako bago ako tumango.Napatitig siya sa akin.“Siya ba ang tinutukoy mong asawa?”Muli akong tumango na ikinaawang niya ng labi.“Bakit hindi mo sinabing siya? Akala ko ibang bisita lang ang tinutukoy mo!”“Hindi ko po ba nabanggit na si Leander?”“Hindi yata. Nawala sa isipan ko kung sino ang tinutukoy mo.” Umawang ang labi niya kapagkuwan nang may mapagtanto. “Oh God. So you’re the Lady Boss!” Amusement ang nakita ko sa mukha ng tiyahin.Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagmalaki ito o hindi.“H-h
Leander’s POVHNDI ko alam kung gaano ako katagal sa bahaging iyon ng bahay ng mga Baldassano, pero naiinip na talaga ako. Hindi naman kasi gatherings ang pinunta ko rito kung hindi ang ginang. Gusto kong itanong kung nakita ba niya ang asawa sa loob ng barko ni Amato. Napatago ako bigla nang makita ang paglabas ni Aurora. Hindi naman dapat dahil magkakilala na kami, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasa hardin ako noon. Doon ako nakakita ng tahimik na lugar m Marahil magpapahangin lang siguro ang dalaga kaya nagpunta rin dito. Nakatutok lang siya sa screen ng cellphone kaya kita ko ang mukha niya dahil sa ilaw na hatid ng cellphone.Kung hindi lang dahil sa buhok at ayos, baka sabihin kong si Gwen siya. Pero hindi, e.Matagal ko nang nakita si Aurora at malaki ang pagkakahawig nila ng asawa. Pero kahit na ganoon, hindi ko naramdaman sa kanya ang pagtingin na meron ako sa asawa. Hindi nga ako nagkainteres kay Aurora kahit na pinakilala na noon ni Mr. Baldassano sa akin ang
Gwen's POV NAKANGITING tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ibang-iba sa Gwen na unang tumuntong sa villa ng mga Baldassano. Aurora na Aurora na ako kung tingnan, kahit sa mga kilos. Ang problema ko lang, hindi ako nakakaintindi ng Italian. Mula sa ulo, nagpagupit ako ng buhok hanggang leeg. May kulay ang buhok ko, blonde dahil iyon ang kulay ng buhok ni Aurora. Messy style siya pero bagay sa akin. Magpapakulay na lang ako bago ako umuwi, baka manibago si Ivan.Sa totoo lang, bagay naman pala sa akin, hindi lang ako nagpapa-full blonde dahil akala ko hindi bagay sa akin. May anggulo naman pala akong parang foreigner.Muli akong napababa nang tingin sa repleksyon ko. Isang satin dress na itim at fitted bodice, off shoulder at may mahabang slit ang aking suot. Hulma na hulma ang magandang hubog ko, na para bang hindi ako nanganak. Napaka-elegante niyang tingnan kaya nakakatuwa.Bumagay din ang suot kong makinang na diamond necklace na mas lalong nagpakinang sa aking le
Gwen’s POVMAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.Siya ba talaga ang ama ko?Medyo hawig an
Gwen’s POVNAGPAHINGA ako sa practice dahil sa aksidente na iyon. Saka naka-schedule ang alis namin papuntang Dubai para sa 3-day rehearsal sa mismong circuit na paggaganapan kaya sabi ni Coach, doon na lang daw ako bumawi.Kahit na masama ang pakiramdam, pumasok pa rin ako noong araw na iyon. Hinat
Leander’s POVVerona, Italy…TINANGGAL ko ang suot kong black aviators nang makalabas ng sasakyan. Kita ko agad ang mga tauhan na naghihintay sa akin, maging ang mga kasambahay ng malaking bahay na iyon. Bakas man ang kalumaan pero mas bakas kung gaano iyon katatag gaya na lang samahang nabuo rito s
Leander’s POV“ANDAMI naman niyan, Amore,” ani ko nang makita ang pasalubong ni Gwen sa mga katrabaho niya.Right after naming pumunta sa bahay nila dumaan kami sa isang store na nagbebenta ng mga souveneir. Si Gwen lang ang bumaba dahil baka nga may makakita sa amin. Pero hindi ko akalaing marami s







