Share

TBIFTL—Chapter 81

Author: AVA NAH
last update publish date: 2026-05-03 23:58:01

Gwen’s POV

“WHAT are you doing here, Mr. Madrid?”

“What do you think, Mrs. Leander Madrid?” Sinundan niya nang kakaibang ngiti kaya napalunok ako.

Paano niya nalamang nandito ako? At paano niya nalaman na ito na ang suot ko?

Pinaghihinalaan niya si Aurora at ako ay iisa kaya pumayag akong magpalit na rin ng damit. Pero hindi ko akalaing makikilala pa rin ako ni Leander.

“Who’s Mrs. Leander Madrid?” maang-maangang tanong ko.

Natawa nang malakas ang asawa. Pero nagulat ako nang bigla niya akong
AVA NAH

Hahahah wala rin pagtakas mo, Gwen.

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
joime
minadali mo lalo ang pagkuha sayo ni Leander
goodnovel comment avatar
Mary Cesista
ay naku Gwen sabihin mu kasi ky Leander kung ano ang nkita mu wala ka ng mgawa ma nga Madrid yan ng mana yata yun sa. lolo nya hahaha
goodnovel comment avatar
Isang Bulagao
24/7 may matang nakabantay sayo gwen kaya dapat nagiingat ka ayan tuloy matatangay ka na naman ni leander hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 81

    Gwen’s POV“WHAT are you doing here, Mr. Madrid?”“What do you think, Mrs. Leander Madrid?” Sinundan niya nang kakaibang ngiti kaya napalunok ako.Paano niya nalamang nandito ako? At paano niya nalaman na ito na ang suot ko? Pinaghihinalaan niya si Aurora at ako ay iisa kaya pumayag akong magpalit na rin ng damit. Pero hindi ko akalaing makikilala pa rin ako ni Leander.“Who’s Mrs. Leander Madrid?” maang-maangang tanong ko.Natawa nang malakas ang asawa. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya.“God, Gwen. You think maloloko mo ako? No, Amore,” seryosong sabi niya na ikinalunok ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naka-side view na nga ako pero parang magkaharap pa rin dahil langhap na langhap ko ang mabangong hininga niya. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Kaya hindi ko talaga pinapayagang lumapit siya sa akin. Pero wala na akong magagawa.“I know every inch of your body, Gwen. Even the way you breathe… So you can’t fool me,” aniya nang pilit niyang ihar

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 80

    Leander’s POVAkmang sasakay ako ng sasakyan nang mapansin ko ang isang babaeng bumababa mula sa sasakyang huminto sa harap ko.Walang iba kung hindi si Aurora. Wala pa siyang suot na mask kaya nakilala ko agad siya. Pero habang habang tumatagal, mukha ng asawa ang nakikita ko talaga. Magkaiba man ng buhok pero ang hubog at kutis, iisa lang. “Wait. Bumalik tayo. Dumating si Aurora.”Tumango si Aldrin sa akin. Palihim kong pinasundan ang dalaga para alam ko ang mga kilos niya. Bumalik kami at agad kong sinuot ang isang extra mask. Hindi na ako lalapitan ng kung sino man kaya makakapag matiyag na ako. Nakasunod lang ako nang tingin kay Aurora na noo'y nag-iisa lang. May hinahanap siya. Mayamaya lang ay bigla siyang umalis. Alerto ang mga tauhan ko kaya nang makita nila ang dalaga, sinundan nila ito. “Are you sure nasa loob siya?” Tinuro sa akin ni Aldrin ang suite na pinasukan umano ni Aurora. “Wala pa bang access sa loob?” CCTV ang tinutukoy ko. “Wala pa pong update pero ginagaw

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 79

    Leander’s POV“SIR, ready na po ang susuotin niyo.” Tinuro sa akin ni Aldrin ang mga nakahanger na suit na gagamitin ko ngayon sa party. Imbitado ako sa isang party na hindi ko inaasahan. Halos lahat ng mga boses o mga mafia head ay dadalo sa hindi ko alam na kadahilanan. Iba ang anual gala ng mga big boses kaya nagulat ako sa imbitasyon.“Any news about Aurora?”“Wala pa pong movement. Hindi siya lumalabas ng villa. Pero kanina, may bisita sila mula sa boutique na hindi konektado sa mga Baldassano. And guess what, Sir?”Napataas ako ng kilay. “You think manghuhula ako?” inis kong sabi sa alalay. “Bakit hindi mo na lang sabihin?”Kumamot siya sa ulo. “Ang boutique na iyon ay isa sa mga pinagkakatiwalaang mananahi ng pamilya Russo.”“Russo?” ulit ko sa apelyidong binggit ni Aldrin. “As in Uncle Zale Russo? Earl?”“Yes, Sir.”Gumana agad ang isipan ko. Sa dinami ng boutique rito sa Florence, bakit mula pa sa Pilipinas? At bakit konektado sa mga Russo? Hindi kaya si Nathaniel ang nagpapa

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 78

    Gwen’s POV“I’M so sorry po sa nangyari kay Ermo, Auntie,” hinging paumanhin ko sa tiyahin. Kaagad kong sabi nang kami na lang na dalawa ni Auntie.“Hayaan niyo po, pagsasabihan ko si Leander.” Nakita ko na ang pagkunot ng noo ni Auntie. “Ang dami na niyang kasalanan sa akin, dinagdagan pa niya.” Hindi ko na napigilang ihayag ang inis na nararamdaman ko.“‘Yong totoo, Gwen. Kilala mo si Irwin— I mean si Leander Madrid?” Mukhang kumpirmasyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.Napalabi ako bago ako tumango.Napatitig siya sa akin.“Siya ba ang tinutukoy mong asawa?”Muli akong tumango na ikinaawang niya ng labi.“Bakit hindi mo sinabing siya? Akala ko ibang bisita lang ang tinutukoy mo!”“Hindi ko po ba nabanggit na si Leander?”“Hindi yata. Nawala sa isipan ko kung sino ang tinutukoy mo.” Umawang ang labi niya kapagkuwan nang may mapagtanto. “Oh God. So you’re the Lady Boss!” Amusement ang nakita ko sa mukha ng tiyahin.Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagmalaki ito o hindi.“H-h

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 77

    Leander’s POVHNDI ko alam kung gaano ako katagal sa bahaging iyon ng bahay ng mga Baldassano, pero naiinip na talaga ako. Hindi naman kasi gatherings ang pinunta ko rito kung hindi ang ginang. Gusto kong itanong kung nakita ba niya ang asawa sa loob ng barko ni Amato. Napatago ako bigla nang makita ang paglabas ni Aurora. Hindi naman dapat dahil magkakilala na kami, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasa hardin ako noon. Doon ako nakakita ng tahimik na lugar m Marahil magpapahangin lang siguro ang dalaga kaya nagpunta rin dito. Nakatutok lang siya sa screen ng cellphone kaya kita ko ang mukha niya dahil sa ilaw na hatid ng cellphone.Kung hindi lang dahil sa buhok at ayos, baka sabihin kong si Gwen siya. Pero hindi, e.Matagal ko nang nakita si Aurora at malaki ang pagkakahawig nila ng asawa. Pero kahit na ganoon, hindi ko naramdaman sa kanya ang pagtingin na meron ako sa asawa. Hindi nga ako nagkainteres kay Aurora kahit na pinakilala na noon ni Mr. Baldassano sa akin ang

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 76

    Gwen's POV NAKANGITING tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ibang-iba sa Gwen na unang tumuntong sa villa ng mga Baldassano. Aurora na Aurora na ako kung tingnan, kahit sa mga kilos. Ang problema ko lang, hindi ako nakakaintindi ng Italian. Mula sa ulo, nagpagupit ako ng buhok hanggang leeg. May kulay ang buhok ko, blonde dahil iyon ang kulay ng buhok ni Aurora. Messy style siya pero bagay sa akin. Magpapakulay na lang ako bago ako umuwi, baka manibago si Ivan.Sa totoo lang, bagay naman pala sa akin, hindi lang ako nagpapa-full blonde dahil akala ko hindi bagay sa akin. May anggulo naman pala akong parang foreigner.Muli akong napababa nang tingin sa repleksyon ko. Isang satin dress na itim at fitted bodice, off shoulder at may mahabang slit ang aking suot. Hulma na hulma ang magandang hubog ko, na para bang hindi ako nanganak. Napaka-elegante niyang tingnan kaya nakakatuwa.Bumagay din ang suot kong makinang na diamond necklace na mas lalong nagpakinang sa aking le

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 55

    Gwen’s POVSABI na nga ba, ako ang pakakasalan ni Leander. I think oras na rin para sabihin sa kanya na naalala ko na siya. Ayoko muna kasing sabihin hangga’t wala akong kasiguruhan. Muli akong napangiti nang maalala ang huling usapan…***“Fine. Next month na ang kasal ng mga bata,” ani ni Tatay k

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 54

    Gwen’s POVKAHIT na sabihing tumira ako sa mga Madrid nang mahabang panahon, kinakabahan pa rin ako sa pagpunta nila sa bahay ni Daddy. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin noon pero hindi kasi madali itong pinasok ko ngayon. Ang maging totoong Madrid na.Nakangiti agad ang ginang kahit na pab

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 53

    Gwen’s POV “ANAK, we’re here.” Kasunod niyon ang pagyugyog kaya nagmulat ako. Nakatulog pala ako sa biyahe. Tumingin ako sa labas, isang lumang mansion pero halatang preserved na bahay ang hinintuan namin. Malinis at alaga ang mga halaman kaya salam kong may nakatira rito. “K-kaninong bahay po it

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 52

    Gwen’s POVMaaga akong gumayak nang umagang iyon dahil susunduin ako ni Leander at ihahatid sa coffee shop na pinapasukan ko. Pinapatigil na ako ni Leander doon pero hindi pa pwede dahil naka-leave pa ng dalawang buwan ang isang empleyado na pinalitan ko. Supposedly, sa Narvaez Group naman talaga da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status