MasukInampon si Gwen ng pamilyang Madrid, at akala niya, sa wakas, nahanap na rin niya ang tahanang matagal niyang hinanap. Pero may isang hindi sang-ayon. Si Leander, ang panganay na anak na kailanman ay hindi siya tinanggap. Sa mga mata nito, isa lang siyang pakialamerang hindi kailanman magiging tunay na bahagi ng pamilya. Sa bawat tagpo nila, laging may banggaan, laging may tensyon. But one night shattered the boundary between hate and desire. Now, Gwen holds a secret that could tear apart the family she’s learned to love. Hanggang kailan niya kakayaning itago ang nararamdaman sa lalaking kinalakihan niyang ‘kapatid’, pero minahal ng higit pa roon?
Lihat lebih banyakGwen’s POVMAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.Siya ba talaga ang ama ko?Medyo hawig ang mata namin pati ang kilay, the rest, sa Mommy ko na, e. Napasandal ako sa headrest ng kama saka muling tinitigan ang litrato. May excitement naman akong nararamdaman kahit na lukso ng dugo, pero parang hindi ako masaya na makita siya.Oras na magkita kami, sigurado akong maraming magbabago sa amin ni Leander. Una sa lahat, baka kunin na ako ng ama ko base sa pagkakasabi ni Fajardo na pinapahanap niya rin ako. Sasama naman talaga ako sa kanya kung sakali. Pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Baka sakaling maging busy ako at makalimutan si Leander. Kaya nga dapat magpasa na ako ng resignation. Saka pwede naman akong pumasok sa iba para tuluyang makaiwas kay Leander.Napatingin ako sa
Gwen’s POVNAGPAHINGA ako sa practice dahil sa aksidente na iyon. Saka naka-schedule ang alis namin papuntang Dubai para sa 3-day rehearsal sa mismong circuit na paggaganapan kaya sabi ni Coach, doon na lang daw ako bumawi.Kahit na masama ang pakiramdam, pumasok pa rin ako noong araw na iyon. Hinatid ko pa si Bastian dahil wala siyang driver. Hindi rin siya makapag-drive dahil sa coding siya. Ayaw naman niyang makialam sa sasakyan ni Leander dahil madalas silang nag-aaway pagdating sa bagay na ‘yan, kaya naman hinatid ko na lang siya.Wala rin si Aldrin dahil biglang umalis para sumunod kay Leander. Hindi naman nila nabanggit ang dahilan sa akin.Maaga pa naman kaya saglit akong nag-stay sasakyan ko. Maaga akong gumising talaga para ihatid si Bastian kaya talagang maaga akong makakapasok ngayon.Nag-scroll lang akong video sa social media noon nang may kumatok sa sasakyan ko. Tumingin ako sa labas. Napalunok ako bigla nang makita si Fajardo sa labas. “A-anong kailangan mo?”“Wala ako
Gwen’s POVHINANAP ko ang cellphone ko nang maalalang hindi ko na-text si Leander simula nang pumasok ako. Sigurado akong maraming call at text na naman siya. Sa loob ng isang linggo, ganoon siya. Madalas gusto niya akong kausap. Kahit nga na may duty ako, talagang tumatawag. Kaya nag-aalala akong magalit siya. Dalawang text at call lang ang meron si Leander nang buksan ko. Himala. Pero okay na ‘yon kaysa tadtarin niya ang cellphone ko.May practice kami ngayon kaya nagpaalam ako kay Leander na pupunta ng circuit sa pamamagitan ng text. Alam naman niyang tauhan ako ni Blaze.“Saan po tayo, Ma’am?” tanong ni Aldrin sa akin.“Sa circuit,” sagot ko naman.“Ho? Alam po ni Sir?”“Nag-text na ako, hindi pa nag-reply. Baka busy lang o tulog pa.”“Sige po.”Hanggang sa labas lang naman si Aldrin sa circuit maghihintay sa akin. Nawala sa isipan ko na nandoon si Cyrus kaya hindi ko siya napansin nang pumasok ako sa circuit, mabuti na lang at lumapit siya sa akin. “I’m glad nakarating ka ngayo
Leander’s POVVerona, Italy…TINANGGAL ko ang suot kong black aviators nang makalabas ng sasakyan. Kita ko agad ang mga tauhan na naghihintay sa akin, maging ang mga kasambahay ng malaking bahay na iyon. Bakas man ang kalumaan pero mas bakas kung gaano iyon katatag gaya na lang samahang nabuo rito sa Italy.“È un onore rivederla, Il Giovane Don,” ani sa akin ng sumalubong na matanda. Ang ibig niyang sabihin ay ikinagagalak niyang makita akong muli. Matagal na siyang naninilbihan si Tirso sa amin. Ang pamilya nila ang isa sa pinaka-loyal sa mga Madrid. Mula pa sa great-grandfather ko, ganyan na sila hanggang sa mamuno si Don Sebastian, ang ama ni Tatay.“L’onore è mio,” sagot ko rin. Kaseryosohan lamang ang makikita sa mukha ko nang sumunod sa kanya. Ini-expect ko nang maraming sasalubong sa akin kaya hindi muna ako nagpahinga sa kwarto ko. Ganoon si Tatay kapag bagong dating noon, lahat kakausapin para sa update. Kapag nandito ako tapos wala si Tatay, sa akin sila pwedeng mag-report.






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak