Share

TBIFTL — Chapter 9

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-10-01 22:37:24
Gwen’s POV

ILANG beses akong nag-unat ng kamay. Hinilot ko rin ang balikat at likuran ko na abot ng kamay ko. Straight ang duty ko ngayon kaya kailangan ko ng magsusundo sa akin ngayon. Mahirap na, baka makatulog ako sa jeep o ‘di kaya sa ibo-book ko na sasakyan. Delikado pa naman ang panahon ngayon.

May apat na oras pa bago matapos ang shift ko pero parang bibigay na ang mata ko. Hindi ako handa kasi sa biglaang straight na ito. Nagpuyat pa naman ako nakaraan. Kung alam ko lang, sana, nagpahinga ako.

Nang makita ang text ni Manang na may magsusundo sa akin after ng shift ko, nakahinga ako nang maluwag. Magte-text pa naman sana ako kung may available na driver. Hindi ko pa napaayos ang motor ko kasi.

After ng shift ko, para akong lantang gulay. Nang maupo nga ako sa bench malapit sa information nakasandal ako. Talagang hinahanap na ng likod ko ang kama.

Dahil sa pagod, nakatulog ako. Mabilis na tumayo ako para itanong sa guard kung may sundo na ako.

“Wala po, ma’am, e.” Kilala naman ni
AVA NAH

Hahahhapppy reading!

| 25
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Iz Ah
pa update po miss na nmn si leander
goodnovel comment avatar
Resyl May Erania B
hahaha selos
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 63

    Leander’s POVAKMANG pipikit ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Good news, Sir!” biglang sabi ni Aldrin.Napamulat ako. “About Gwen?” Tumango siya. “Opo. P-pero m-may bad news po.”“What?”“S-si Miguel Estrella po talaga ang kasama niya.”“Fvck!”“Where is she now?”“Hindi pa po ako binabalikan, e. Pero kapag nakuha ko na po ang kinaroroonan ni Ma’am, ibabalita ko agad sa ‘yo.” Tumango ako kay Aldrin.Muli akong napapikit. Ilang araw ko nang hinahanap si Gwen. Hindi ko mantindihan kung bakit pati numero niya, hindi ko makontak. Sabi ni Nanay, kakaiba ang mga kilos ni Gwen nang gabing iyon. Hindi naman biglang yayakap si Gwen sa kanya at magsasabi ng ganoon. Ang dating sa kanya, parang namamaalam.Dahil ba sa nakita niya? Dahil kay Livia?Ang inaalala ko, baka nakakaalala na talaga siya, kaya ayaw na niya akong makita. Minsan, pinapanalangin ko na hindi siya nakakaalala dahil alam kong magagalit siya sa akin ng sobra. Pero may explanation naman ako, e. Kung papakinggan niy

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 62

    Gwen’s POV“MANANG, pakiinit ng pagkain. Kakain na yata si Gwen.” “Yes, Sir.”“Hindi pa ako nagugutom, Dad.” Dumeretso ako sa ref para kumuha lang ng mineral water.“Ilang araw ka nang ganyan, Gwennyth. Ano ba ‘yan?” Pabagsak pa niyang nilapag ang newspaper na hawak.“Wala lang po akong gana.”Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya.“Ilang araw nang pabalik-balik si Leander sa bahay. Nag-away ba kayo?” Natigilan ako. Ilang araw na kaming nandito sa hacienda na pag-aari ni Miguel. Dito niya ako dinala after kong umalis sa bahay ng mga Madrid. Halos kararating lang din ni Daddy. Hindi rin nakatiis si Miguel, umamin siya kay Daddy na kasama niya ako rito.“Hindi na matutuloy ang kasa, Dad.”“What?! Bakit?”“Hindi ko na siya mahal,” mabilis kong sagot.“Huh? Ganoon kabilis?” Kunot ang noo ni Daddy.“Oo. Na-realize kong hindi pala kami bagay.”“Dahil sa sinabi ko?”“Maybe?”“Gwen, seryoso ka ba?”Napaikot ako ng mata. “Tingin niyo po ba?” Lumagok ako at naupo saka humarap sa

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 61

    Gwen's POVKINAPA ko ang dibdib ko bago humakbang palayo sa pintuang iyon. Hindi ko marinig ang boses nila Leander kaya naipagpasalamat ko. Maging si Tatay, wala rin. Hindi ko na naman alam kung paano magpaalam kaya mas mabuti talaga. Kay Nanay nga, kinuntsaba ko pa si Miguel at sinabing tawagan ako. Kaya heto, nakapag-alam ako at sinabi kong may urgent sa bahayNagmamadali akong bumaba noon para makaiwas kay Leander at Livia, pero natigilan din ako nang marinig ang boses ni Livia. Nagmumula iyon sa kusina. Napatingin din tuloy ako dala ng kuryusidad. Pero hindi lang ito, namalayan ko na lang na palapit ako sa kusina. Bahagya pa akong sumilip para makita ang ginagawa nila.Nakatalikod si Leander sa akin pero si Livia, kita ko mula sa kinatatayuan ko.l dahil nakaharap siya sa binata. Kumapit si Livia sa leeg ng binata kaya parang magkadikit na ang mukha nila kapag nasa kinatatayuan ko ang tingin.“I never imagined I’d see you again after our little moment in New York, much less have

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 60

    Gwen’s POVNATIGILAN ako sa pagtawa nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Tatay, agad kong sinagot iyon.“Anak, pwede ka bang makausap ngayon? Nandito ako sa bahay,” aniya.At first, nag-hesitant ako na sumagot, pero kalaunan, pumayag din ako dahil saglit lang naman. Wala naman siguro doon si Leander at Livia.Hindi ko matanaw ang sasakyan ni Aldrin kaya tumingin ako kay Miguel.“Busy ka ba?”“Hindi naman. Tapos na ang errands ko kanina pa kaya huminto talaga ako.”Tumango ako. “Pwede mo ba akong samahan?”“Sure!” Mabuti na lang at nandoon si Miguel. May maghahatid sa akin papunta sa bahay ng mga Madrid. Wala naman kasi akong sasakyan nang pumunta rito dahil kasama ko nga si Leander.“Okay lang ba kung hintayin mo na lang ako rito?” ani ko nang huminto ang sasakyan niya sa labas. “Sandali lang naman siguro ako.”“Sige. Dito lang ako, Gwen.”Napalabi ako. “Thanks.”Mukhang alam ko na ang pag-uusapan namin ni Tatay— ang tungkol kay Livia at Leander. Magtatanong

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 59

    Gwen’s POV “NEED company?” Napaangat ako nang tingin nang marinig iyon. Pamilyar din sa akin ang boses niya. “M-Miguel,” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo rito?” Luminga pa ako para hanapin si Aldrin. Hindi ko siya makita. Pagkagaling na pagkagaling sa restaurant, dumaan ako rito sa malaking simbahan at pagkatapos na magdasal ay lumabas ako at naupo sa may bench. Hindi ko akalain na makikita rito si Miguel. “Napadaan lang,” aniyang nakangiti. “Hindi, nakita kita. Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw pala talaga,” bawi niya kapagkuwan. “Kaya pala.” Tumango-tango din ako. “Kumusta ka na nga pala?” “Ito, busy-busyhan.” “Busy ka pala tapos huminto ka rito?” “Eh, nakita kita, e. Gusto ko lang bumati.” “Ganoon?” “Oo.” Tumawa pa siya. “Para ka kasing binagsakan ng langit dito kaya tumigil ako.” Natawa ako pero bigla ring napalis. “Ganoon? Halata ba?” Tumango ang binata. Nagbaba rin ako nang tingin sa paa. “May nang-away ba sa ‘yo? Sabihin mo lang.” Tumatawa siya nito

  • The Brother I'm Forbidden To Love   TBIFTL—Chapter 58

    Gwen’s POVLALONG nagpagulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Daddy sa akin tungkol sa pagkatao ni Leander.Yeah, sanay ako sa maraming bantay dahil nga sa uri ng business nilang Alleanza, pero hindi ko akalain ang isa pang lihim nila. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangang mag-merge ang dalawang pamilya, lalo na kung parehas na makapangyarihan, mas lalong lalakas sila. Pero sa kabila ng background ng mga Mafia, hindi ko iyon maramdaman sa mga Madrid. Kaya ang hirap paniwalaan. Pero ang makakapagpatunay ay ang sobrang yaman nila. Siguro, matagal nang alam ito ni Nanay pero tinanggap niya si Tatay dahil sa pagmamahal. Kilala ko na kung anong klaseng tao si Nanay, kaya sigurado akong mabuting tao rin si Tatay.Pero ang hindi ko kasi kayang paniwalaan si Leander. Ni hindi ko pa siya nakitang pumatay ng tao. Kaya mahirap paniwalaan na miyembro siya ng Mafia. Oo, nakita ko ang side niya kung paano magalit sa akin noon, pero never pa niya akong nasaktan, physically.Tumingin ako kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status