Someone POV
Habang nagmamaneho ako ay panaka-naka ang tingin ko sa babaeng nakahiga sa tabi ko, habang ang boses ko naman ay kinakabahan habang kausap si Elise na ngayon ay natataranta na sa kabilang linya.
"Elise... damn, I need your help. I found a girl," kinakabahan kong saad sa kabilang linya kaya nagsimula itong tumili.
"For you?" Napapikit ako sa sobrang inis nang marinig ko ang sagot ni Elise sa akin. Fuck! This is not the right time for a joke.
"Fuck, no! She's bleeding!"
"Omy! Anong ginawa mo sa kaniya. Nakipag-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya nang sumigaw ulit ako sa kabilang linya dahil sa pagkataranta.
"Bullshit! Hindi ito ang tamang oras para magbiruan tayong dalawa! She's bleeding and I don't know why. Kung nasaksak ba siya or what. Just... please, go to my house and check her, dapat ikaw ang mauna sa akin dahil malala ang kalagayan niya."
Tanging nasabi ko na lamang at pinatay ang tawag. Mas binilisan ko pa ang pagma-maneho ko at ilang minuto lamang ang nakalipas ay nandito na ako sa tapat ng bahay namin kaya bumusina agad ako at pinagbuksan ako ng mga guards.
Pagpasok ko ay nakita ko na ang kotse ni Elise, mabuti na lamang ay nandito na agad siya. Hindi ko na pinarada ng ayos ang kotse ko at agad na bumaba at dali-daling kinuha ang babae sa sasakyan ko.
"Cardo, ikaw na lamang ang magparada nito nang ayos," bilin ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ng mansiyon ay natulala ang mga kasambahay na nakasalubong ko kaya't hindi na sila nakabati, sumigaw agad ako pagpasok.
"Elise!"
Biglang sumulpot si Manang sa harapan ko nang marinig niya ang boses ko, siguro ay nahalata niya ang kaba sa boses ko. Natulala rin siya nang makita kung sino ang kasama ko.
"Jusmiyo, mahabaging neptune! Sino iyang dalaga, Lucas? At bakit ganan ang itsura niya?! Anong ginawa mo sa kaniya?!" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Manang at sinamaan ako nang tingin.
"Hindi kita pinalaking nangunguha ng babae, Lucas!" Muling sigaw ni Manang kaya nagsalita na ako bago pa magtuloy-tuloy ang bunganga niya.
"Manang, mamaya na lamang po ako magpapaliwanag. Nasaan po ba si Elise. I need her help," taranta kong saad at siya namang pagbaba ni Elise na gulat na gulat rin.
"Lucas, dalhin mo siya sa kwarto, baka mas lalo siyang maubusan ng dugo. Ihahanda ko lang ang mga gagamitin ko," sabi niya sa akin kaya dali-dali akong umakyat at dinala ang babaeng buhat ko.
Napamura na lamang ako nang maalala kong kailangan siyang palitan agad ng damit, kaya pinikit ko na lamang ang mga mata ko at nang akmang huhubaran ko siya ay siya namang pagdating ni Elise.
"I will do that. Just wait outside until I finish checking her." Seryosong saad ni Elise na ngayon ay nakasuot na ng lab gown para tingnan ang babaeng dala ko.
Paglabas ko ay si Manang naman ang bumungad sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya. Kaya huminga ako nang malalim at nagsimulang magpaliwanag na sa kaniya.
"Manang, it's not what you think. Hindi ko siya nasagasaan or what. I..." fuck! I lost my words. My voice cracked when I spoke again.
"I almost hit her, bigla na lamang siyang sumulpot sa daan kaya agad kong tinigil ang kotse ko at nakita ko siyang ganiyan na ang kalagayan. And, I swear and pray to God na hindi ko gagawin ang ganoong bagay," mahaba kong paliwanag at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
Kaya huminga ng malalim si Manang at ngumiti.
"Alam ko, Lucas. Nagulat lang ako, kasi first time mong magdala ng babae at ganoon pa ang kalagayan. At saka may tiwala naman ako sa'yo. Magpalit ka muna ng damit dahil puro dugo. Ako muna ang maghihintay." Nagaalinlangan pa ako bago umalis kaya ngumiti si Manang sa akin muli kaya umalis na ako nang tuluyan.
...
Makalipas ang apat na oras.
Napatayo ako nang makita kong nagtanggal na si Elise nang mask niya at gloves. Kitang-kita ko ang awa sa mga mata niya.
"We almost lost her, Lucas, but I did my best to keep her alive," saad niya kaya nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko.
"What happened to her? Bakit gano'n ang itsura niya?"
"Kung maririnig mo man ang mga sasabihin ko, ay alam kong magagalit ka rin. You need to calm down first," paalala niya tila tinatantiya kung ano ang magiging reaksyon ko.
"I'm calm, Elise."
"I found a two bullet near in here right abdomen at akala ko noong una ay isa lamang ang tumamang bala ng baril sa kaniya but no, dalawa pala. and..." pinutol ni Elise ang pagsasalita niya na tila ay ayaw ng ituloy ang susunod na sasabihin.
"Continue, I'm waiting..."
"And... She got raped. And because of that, there's a possibility that she will be traumatized, Lucas." Nang sabihin niya iyon ay nakakuyom ang kamao at ramdam ko ang galit na lumulukob sa akin.
Hindi ko kilala ang babae pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Elise ay parang gusto kong hanapin ang gumawa nito sa kaniya at pagbayarin.
"Lucas, we need to stay by her side and guide her when she woke up," dugtong niya na ikinatahimik ko.
Napatingin ako sa babaeng nasa loob ng kwarto. May nakakabit na oxygen sa kaniya. Her face was pale also her skin, kitang-kita sa katawan niya bawat pasa na nakuha niya mula sa taong 'yon.
Naalala ko ang huling salitang sinambit niya sa akin bago siya mawalan ng malay.
"Save me, please..."
Don't worry, I will save you.
...
Tatlong linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising ang babaeng nakaratay ngayon sa kama. Kada araw na uuwi ako ay agad ko siyang tinitingnan kung gising na ba siya o kung ayos na ba siya.
Pansin ko pa rin ang mga sugat at pasa niya sa pisngi. Ang ilan sa mga pasa niya ay gumaling na. Ayos na rin daw ang abdomen niya kung saan tumama ang bala. Hinihintay ko na lamang ang paggising niya.
I was looking at her face and memorizing it. Her heart face shape, her eyes, pinkish lip, her cheek and her nose. Elise is right, she's too pure and innocent. She's like an angel sent from above.
Ang hindi ko lang malaman ay bakit ganito ang igaganti sa kaniya ng mundo. She don't deserve it. She deserves love and everything. Paano kaya nakatulog ng mahimbing ang taong gumawa sa kaniya no'n?
Nagulat na lamang ako ng biglang gumalaw ang mga daliri niya at kasabay no'n ay ang pagbukas ng mata niya. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niya sa sobrang pagka-taranta.
"Hi? How are you?" I ask her nervously without thinking what I did to her. Pero imbis na sumagot siya ay nagulat ako sa ginawa niya.
Binato niya ako ng unan.
...
Lilie
May nakatutok na baril sa akin ngayon, anumang minuto o oras ay maaari niya akong barilin. Umiling ako at nakiki-usap na pakawalan niya na ako. Pero napahagulgol na lamang ako nang ngumisi siya at...
Binuksan ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko. Nagulat na lamang ako nang may humawak sa akin.
Biglang kumabog ng husto ang puso ko, nilukuban ako nang takot. Nagsasalita siya pero ni isang salita niya ay hindi ko maintindihan.
Parang gusto kong tumakbo o kaya ay magtago dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon ay binato ko siya nang unan.
Aalis na sana ako sa kinahihigaan ko nang bigla niya akong yakapin kaya nagpupumiglas ako.
"Damn! Miss, don't move. Baka dumugo ulit ang sugat mo," sabi niya sa akin pero mas lalo lang akong nagpumiglas para makawala sa kaniya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Napapikit ako nang mariin dahil sa ginawa niya. Mas lalo lamang akong natakot at nataranta sa paraan pa lamang ng paghawak niya sa akin. Kaya mas lalo akong nagpupumiglas sa yakap niya.
Ayokong may humawak sa akin na kahit na sino, pakiramdam ko ay may gagawin siya sa aking masama. Baka mamaya ay kasabwat niya pala ang taong iyon at tuluyan na akong patayin.
"Please, I'm begging. Don't move. Nagdudugo ulit ang sugat mo."
Nagulat na lamang ako ng may doktor na pumasok at agad akong tinurukan. Bigla na lamang bumigat ang talukap ng mata ko miski ang paghinga ko.
Gusto ko man aninagin ang mga mukha nila ay hindi ko na naggawa dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
...
Idinilat ko ang mata ko at purong kadiliman ang bumungad sa akin. Pinilit kong umupo kahit sobrang sakit ng katawan ko, isama mo na rin ang ulo ko. Napahawak na lamang ako dito at iniinda ang sakit.
Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng madilim kwarto at napabuntong hininga. Baba na sana ako pero napasigaw na lamang ako nang may humawak sa akin dahilan para siklaban ako ng takot.
Nanlamig ako nang makita kong isang lalaki ang may hawak sa akin ngayon kaya nagsusumigaw ako at pilit na lumalayo sa kaniya.
"H-huwag, huwag mo 'kong hawakan!" Pumiyok ako ng muli akong sumigaw pero mas lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak niya sa akin, kitang-kita ko kung paano siya mataranta.
"W-wait... I will not hurt you but please, stop shouting. I will not hurt you, promise," malumanay na saad ng lalaki pero umiling lamang ako.
Kaya naglakas-loob akong tumayo at sinipa ang gitnang bahagi niya dahilan para lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at kinuha ko ang pagkakataong tumakbo palayo sa kaniya.
"Fuck! It hurts! Damn!" Rinig ko ang sunod-sunod niyang mura pero hindi ko na inintindi siya at tuluyan ng lumabas.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay bumungad sa akin ang isang hallway. Kaya dali-dali akong tumakbo at hinanap ang hagdan.
May nakasalubong pa akong isang doktor na may dalang medical kit. Nabitawan niya ang hawak niya at ng akmang haharangan niya na ako ay may naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko. Naramdaman kong nagtutubig ang mata ko dahil sa kaba at takot na nadarama ko. Pakiramdam ko ay sasaktan din nila ako.
Lumapit sa akin ang doktor na babae at nagsalita, "Ms... please calm down. We will not hurt you."
Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa narinig ko sa kanila. Nanghihina akong napaluhod sa sahig pero dahil sa taong nasa likod ko ay inalalayan niya akong makatayo. Naramdaman kong may nagpunas ng luha sa pisngi ko.
"Stop crying Lilie, we will not hurt you."
LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli
LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati
LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,
Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m
LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p
Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi