The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

last updateLast Updated : 2024-03-21
By:  LunoxlovesyouOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
9Chapters
2.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?

View More

Chapter 1

PROLOGO

"Anong ibig sabihin nito Harry?"tanong ni Julia sa kanyang asawa habang nanginginig ang tuhod.

Alam na niya ang lahat tungkol sa relasyon ng salawahan niyang asawa at ng babae nito ngunit ayaw parin niyang maniwala dahil sa laki ng pagmamahal niya sa lalaki.

Sa sobrang pagmamahal sa asawa ay hindi siya makapaniwala na kaya siyang lokohin nito. Gusto niyang papaniwalain ang sarili hindi totoo ang kanyang mga nakikita dahil hindi niya matatanggap na ipagpapalit lamang siya sa Isang bayarang babae.

"Totoo ang iyong mga nakikita Julia. Hindi ko na ito itatago pa dahil alam ko naman na malalaman mo din ang katotohanan tungkol sa aming dalawa ni Aubrey"ang walang emosyong sabi ni Harry.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa asawa. Parang dinudurog ang kanyang puso sa mga nangyayari.

"Mahal ko siya Julia! Umiibig ako sa kanya!"

Gusto niyang umalis at tumakbo palayo para hindi niya marinig ang mga sinasabi ng Asawa pero tila ba naestatwa siya at hindi makagalaw.

"At siya ang babaing gusto kong makasama habambuhay"wika ng lalaki na dumudurog sa puso ng asawa nito.

Tila ba gumuho ang kanyang Mundo sa mga narinig.

Ito ang kanilang 1st anniversary pero sa halip na maging masaya ay tila ba isa na ito sa pinakamalungkot na nangyari sa buhay niya dahil dinala ng asawa niya ang kabit nito sa bahay nila.

"So balak mong makipag-divorce sakin?"tanong ni Julia habang pinipigilan ang pagluha.

"Gusto ko mang makipag-divorce sayo o hindi ay Wala ka nang pakialam. Gagawin ko ang aking gusto!"ang madiing turan ng lalaki. Dahilan ito para magkuyom ang mga kamay ni Julia at matapang na nagsalita.

"Hindi! Hindi ko ito matatanggap! Hindi ka pwedeng magpakasal sa babaing iyan dahil lang Mahal mo siya! Alam mo kung bakit? dahil tiyak na magiging katawa-tawa ka lamang. Isang CEO nakapangasawa ng isang pok-"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang biglang tumabingi ang mukha niya dahil sa sinampal siya ng lalaki.

"Huwag na huwag kang magsasalita ng ganyan laban sa kanya!"ang mariing wika ng lalaki

Lalampasan na sana nila siya nang muli siyang magsalita.

"Bakit mo ito ginagawa sakin?"tanong niya sa asawa kaya napahinto ito sa paglalakad Kasama ang babae nito

Bahagya siyang natahimik pero nakapagsalita din kalaunan.

"Kung divorce lang ang paraan para mawala ka sa buhay ko ay iyon ang aking gagawin. Hindi kita mahal at kailanman ay hinding-hindi kita mamahalin!"

"

"Bakit siya Harry? Bakit hindi nalang ako? Ako ang lagi mong kasama, lagi akong nandito para sayo kaya bakit siya at Hindi nalang ako?"

"Hindi mahalaga sakin ang ating pagsasama. Ang mahalaga sakin ay mahal ko siya at siya ang gusto kong makasama!"

Ginawa na niya ang lahat para kay Harry. Mula nang ikasal sila ay wala na siyang ginawa kundi ang mahalin at pagsilbihan ang asawa. Ginagawa siya nito para lang siya ay mahalin at pagtuunan ng pansin ng asawa pero bigo siya.

"Minahal mo ba Ako?"ang naiiyak na tanong ni Julia

"Hindi Julia! Kailanman ay hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin"

Iyan ang mga salitang patuloy na dumudurog sa puso niya habang nakikitang paalis ang Asawa niya Kasama ang babae nito. Dati ay maayos ang kanilang pagsasama kaya hindi niya inakala na magkakaganito. Iniwan siya ng kanyang Asawa kaya tinagurian siyang The CEO'S Abandoned Wife.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
Gregorio Pasahol
Hi author. Ang ganda NAMAN po ng story nyo. sana ipagpatuloy nyo pa ang pag update. Lagi Kong aabangan Ang mga update mo
2024-03-09 15:15:21
2
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status