Share

IKATLONG KABANATA

JULIA POV

NANDITO ako ngayon sa may garden at nakaupo habang humihigop ng kape habang katabi ko si Chela. "Ma'am sorry po pinilit po kasi kami ni Sir na sabihin kung saan ka nagpunta"

"It's okay, I understand"sa totoo lang ay Hindi pa maproseso ng isip ko ang mga nangyari kagabi. Hinila ako ni Harry papasok ng kotse at nakiusap siya na huwag na akong umalis. Aminado naman ako na sadyang marupok ako kaya pumayag ako. Inutusan niya si Mang Carlos na bumalik sa bahay ni Kyla para kunin ang mga gamit ko. Siguro ay isa lang ang paraan para maging okay kami, iyon ay ang pagkakaroon ng anak.

"Ma'am bakit po ba kasi pumayag kayong bumalik dito? Hindi sa itinatavot kita Ma'am nakikita lang po kasi namin ang paghihirap mo"sabi niya.

"Balewala sakin ang hirap Chela at isa pa kinumbinsi ako ni Harry na bumalik dito"sabi ko nang bigla akong nakarinig ng tawa sa likuran ko kaya napalingon ako at nakita ko siya. Walang iba kundi si Daniella na kabit ni Harry.

"Ohh really? Ginawa ni Harry iyon?? Ayos ang imagination mo hah?"ang panunuya niya. Ano kaya ang ginagawa ng babaing ito dito? Biglang tumayo si Chela at nagsalita. "Hoy babaing higad sumosobra kana! Akala mo kung sino kang kabit ka!"ang madiing turan ni Chela bago sinampal ang babae. Ikinagulat namin ito Lalo na si Daniella na nakahawak sa pisngi niya..

"Anong nangyayari dito?"tanong ni Harry na bagong dating at lumapit sa babae niya. Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Ayaw niya akong mawala pero ganito ang trato niya sakin? Napatingin siya sa babae niya at tinanong ito.

"Anong nangyari sa pisngi mo?? bakit namumula??"bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kailanman ay hindi niya ipinakita sakin ang ganong pag-aalala.

"Sinampal ako ni Julia pero huwag kang mag-alala bhabe okay lang ako"sabi ng kabit niya kaya nagulat ako. Napatingin sakin ngayon si Harry na nagdidilim ang mukha. Magsasalita sana siya nang maunahan siya ni Chela.

"Sir Ang totoo po nito ako po ang sumampal kay Daniella at hindi si Ma'am"ang kinakabahang turan ni Chela habang nakayuko.

"At pagtatakpan mo pa ang babaing ito?? At sino ka para tawagin siya sa pangalan niya?? Madam ang itatawag mo sa kanya!"ang madiing turan ni Harry kay Chela na ngayon ay nangangatal na. "O-opo sir"

"Umalis kana dito Chela"

Hinarap ako ngayon ni Harry na nagdidilim ang mukha. "Ano ang karapatan mong saktan siya?!"tanong nito habang pamatay ang tingin sakin.

"Hindi ko siya sinaktan!"

Magsasalita pa sana ako nang maunahan ako ng babae niya "Sinungaling ka ang sakit kaya ng ginawa mo sakin!"

"Tinatanong kita kung ano ang karapatan mong saktan siya??"

Kitang-kita sa mga mata niya ngayon ang sobrang galit. Sinalubong ko ng malamig na tingin ang mga mata niya bago nagsalita. "Because I'm your wife Harry! And that woman is not rather than your bitchy mistress!"

Lalong nagdilim ang mukha niya at hindi niya inaalis ang nagbabaga niyang tingin habang ako naman ay malamig siyang tinititigan. "Sa papel lang tayo mag-asawa Julia!"

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Kagabi lang ay ayaw niya akong mawala pero bakit ngayon ay nagkakaganito na naman siya?? Kahit na nasasaktan ay pinigilan ko ang aking nararamdaman. "But still I'm your wife! at kabit lang ang babaing iyan!.

Napangisi siya bago sumagot. "Sa ngayon Asawa kita pero darating ang araw na mawawalan ng bisa kasal natin at tinitiyak ko sayo na sa lupa ka pupulutin.

Nasasaktan man ako ay hindi ko ito ipinahalata. "Alam mo nakakatawa ka Harry dahil bukod sa pagiging bipolar mo ay nalaman ko na mahilig ka rin pala sa tira-tira"ang mapanuyang wika ko habang nakatingin sa babae niya.

Napapikit ako dahil akmang sasampalin niya ako pero ilang Segundo ang lumipas ay walang palad na dumadampi sa pisngi ko kaya napamulat ako at nakita ko si Herbert sa harapan ko na hawak ang kamay ni Harry.

"Hindi ka lang pala talunan Harry! Pati babae sasaktan mo??"

Nagbabagang tingin ang ipinukol sa kanya ni Harry "Anong ginagawa mo dito?? sino ang nagsabi na pwede kang pumasok sa pamamahay ko??"

"Pamamahay mo?? The last time I check kay Papa parin nakapangalan ang mansion na ito Harry!"ang madiing wika ni Herbert habang nakahawak parin sa kamay ni Harry

"Bitawan mo ako at umalis ka dito!! Usapang mag-asawa ito!!"

Napatawa naman ng pagak si Herbert bago nagsalita. "Kailan pa naging usapang mag-asawa ang pananakit??"

"Napakaoakialamero mo talaga!"

"Alam mo Harry ayusin mo ang buhay mo at pagbutihin mo din ang trabaho mo sa kompanya dahil Malay mo sooner or later mapasaakin ang lahat ng tinatamasa mo. Pati ang napakagandang Asawa mo"wika ni Herbert bago napatingin sakin.

Nagbabaga ang tingin ni Harry sa kapatid at kinuwelyuhan ito. "Ang kapal din ng mukha mo ehh ano?? Matapos kang itakwil ni Papa dahil sa illegal drugs ngayon babalik ka dito at pagbabantaan ako??"

"Itinakwil niya ako dahil na frame up ako. At alam ko kung sino ang nagfeame up sakin, walang iba kundi ang nag-iisang taong Malaki ang inggit sakin!"

"Sumosobra kana!"ang madiing turan ni Harry at akmang susuntukin si Herbert sa mukha pero naawat namin sila ni Daniella. Hinawakan ko sa kamay si Herbert at hinila palayo para maiwasang tumindi pa ang gulo. Bago kami mapalayo ay napatingin ako kay Harry na nakadako ang tingin sa mga kamay naming dalawa ni Herbert. Pero Hindi ko na siya pinansin pa at hinila ko siya patungo sa may gate.

Nakangiti ito habang nakatingin sakin. "Bakit?"

"Napakalambot ng kamay mo Mrs. Warner"ang nakangisi pang wika niya. Doon ko lang napagtanto na magkaholding hands parin kami kaya binitiwan ko ako kamay niya.

Hinawi niya ang buhok ko sa may Tenga ko at lumapit sakin. Dahil sa pagkailang ay aatras sana ako nang lumapat ang likod ko sa pader. Inilapit niya ang mukha niya sa mukho ko.

"Hahalikan mo ba Ako??"

"Kung gusto mo ay bakit Hindi?? sabihin mo lang sakin Mrs. Warner"

"Nababaliw kana Herbert! Asawa ako ng bunsong kapatid mo kaya kilabutan ka nga!"ang madiing turan ko pero ngumisi lang ito habang pinagmamasdan ang mukha ko at bumulong sakin.

"Lahat ng gusto ko ay napapasaakin Julia"

Dahil sa ginagawa niya ay natulala ako at Hindi makaimik. Nasa katinuan paba ang isip ng Isang ito?? Wala na ata

"Mapapasaakin ka din Julia. Manood ka lang!"Sabi nito bago umalis. Siya talaga ang tipo ng tao na mahilig sa gulo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status