Tanghali na ng magising ako. Wala na din si Ivan sa kama. Mag-uumaga na kasi nang makatulog ako kaya hindi ko na siya naramdaman na bumangon. Naligo muna ako bago ako lumabas ng kuwarto namin. Nakahanda na ang ngiti ko sa aking nga labi, ngunit agad itong nabura dahil sa nakita ko. Nandito si Maureen! Nakaupo silang dalawa ni Ivan sa sofa. Alas-nuebe na pasado kaya nakaalis na ang mga byenan ko. Pumasok na din sa trabaho ang mga kapatid ni Ivan. Sandali ko silang pinagmasdan na dalawa. Nakangiti si Ivan habang si Maureen ay panay naman ang kuwento. At sa tuwing tatawa sila, napapayakap si Maureen sa kaniya. At si Ivan naman ay inaakbayan naman siya. Naramdaman ko na naman ang matinding kirot sa aking dibdib. Akala ko manhid na ako, pero hindi pa din pala. Masakit pa din. Hindi ko alam kung tutuloy ako sa kusina at lalagpasan sila o babalik ako sa silid at hintayin na makaalis si Maureen. Bakit ba pilit pinapaliit ng babaeng ito ang mundo ko? Hindi sa wala akong karapatan. Mayroo
Dire-diretso akong naglakad at kahit sulyap hindi ko ginawa. Dapat mag-aalmusal ako sa garden pero sa inis ko, lumabas ako ng bahay. Naglakad hanggang sa may makita akong taxi—na agad kong pinara. Dala ko ang celphone ko kung saan nakaipit ang aking ATM card. Sinabi ko sa taxi driver na ihinto muna ang taxi sa malapit na ATM machine upang makapag-withdraw ako. Sa simbahan ako dumiretso. Nagdasal ako ng taimtim habang pinipigilan na maiyak, pero kalaunan pinakawalan ko din ang emosyon na kanina ko pa kinikimkim. Mabuti na lang at pa-isa-isa lang ang tao na pumapasok sa simbahan. Hindi nakakahiyang umiyak sa Ama upang kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam. Alas-dose na ng tanghali nang magpasya akong lumabas ng simbahan. Ngunit bago ako umalis, nagtirik muna ako ng kandila para sa mga magulang ko sa gilid. Sa mall ang huling destinasyon ko. Kumain ako at nanood ng sine. Bandang alas-singko nang magpasya ako na umuwi na. Tiyak na wala na si Maureen sa bahay. Habang nasa biyah
Nanatili ako dito sa living room habang sinusuri ng doktor si Ivan. Ang kaniyang mommy at daddy ay nasa loob. Ang mga kapatid naman niya ay nakatayo sa labas ng pintuan. Bente minutos na ang nakalipas mula nang pumasok ang doktor sa loob ng silid. Sana lang ay maging maayos ang kalagayan ni Ivan. Nabigla yata siya kaya sumakit ang kaniyang ulo. Napatayo ako nang lumabas ang doktor kasama ang mga inlaws ko. "Dalhin niyo siya bukas sa ospital para matignan siya nang mabuti," bilin ng doktor sa mga magulang ni Ivan. Tinanguan ako ni Doktor Cheng bago siya tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay. "Mommy, kumusta po si Ivan?"Ngumiti si Mommy. "He's fine now. Hinahanap ka niya. Pumasok ka na sa silid niyo.""H-Hindi pa po ba bumalik ang alaala niya?" Umiling si Mommy. "Sumakit lang daw ang ulo niya. Sabi ko huwag niyang puwersahin ang sarili na makaalala. Myla..." Hinawakan ni Mommy ang aking kamay. "Alam kong nahihirapan ka na, pero..." Nangungusap ang kaniyang mga mata na tumingin
"PUPUNTA kami ng daddy niyo sa Vietnam sa Friday. May dadaluhan kami doon na conference," sabi ni Mommy habang nagmemeryenda kami. "And I was thinking, that you two should come with us... What do you think?" Sa isang araw na iyon. Tinignan ko si Ivan na nagkibit balikat lang. Nang mapansin ang mga mata ko na nakatuon sa kaniya, taas kilay niya akong tinignan. "Gusto mong sumama?" "Ikaw." Siya pa din naman ang magdedesisyon. May mga sugat pa siya sa katawan na hindi pa gaanong naghihilom kaya baka mahirapan siya. "Kung gusto mo, sige sumama tayo.""Hindi ka ba mahihirapan?" "I'm fine. A little vacation won't do me harm.""Thank you, mahal..." Niyakap ko siya at tinapik naman niya ang aking likuran. Pagkatapos magmeryenda, inempake ko na ang mga damit namin ni Ivan. Hindi ako makapag-focus dahil ginugulo niya ako. Niyayakap-yakap niya ako at ninanakawan ng halik. Kilig na kilig tuloy ako. Hindi ko ine-expect na aabot kami sa ganitong punto ni Ivan. Pasuko na ako dapat, e. E, k
Gulat kaming lahat nang dumating si Maureen. Maging siya ay nagulat din habang nakatingin sa mga maleta namin sa living room. "What are you doing here?" matabang na tanong ng aking byenang babae sa kaniya. Ibubuka pa lang niya ang kaniyang bibig upang magsalita nang muling magsalita si Mommy. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na layuan mo ang anak ko?" Lumunok si Maureen. Akala ko hindi na siya sasagot pa pero mukhang nag-ipon lang ng kakapalan ng mukha. "Ako po ang mahal ng anak niyo. At saka maghihiwalay na sila."Naikuyom ko na lang ang kamao ko at pinilit na kontrolin ang sarili habang nakatingin sa akin ang babae. Nakangiti ito, ngiti na animoy nakikisimpatya. Simpatya dahil ako ang asawa pero hindi ako ang mahal. Bumuntong hininga ako at iniwas ang aking mukha sa kaniya. Ayaw kong masira ang araw ko kaya hindi ko siya papatulan. I don't want to be like her. IlNang marinig ko ang mga yapak ni Ivan na pababa ng hagdanan, tiningala ko siya. Natigilan ito sa paghakbang nang maki
"Hindi mo ako ginising..." Marahang hinaplos ni Ivan ang aking likuran. Katatapos ko lang maligo. Nakasuot na ako ng undies at kasalukuyang nagpapahid ng lotion sa aking mga hita. "Ang himbing ng tulog mo, e. Saka maaga pa naman." Napapakagat labi ako sa ginagawa niyang paghaplos sa aking balat. Nakadikit pa man din ang kaniyang katawan sa aking pang-upo. Ramdam ko ang bahagyang pagsagi ng kaniyang pagkalalake na ngayon ay buhay na buhay. Hinalikan niya ang aking likod na nakapagpasinghap sa akin. He gently kiss my skin. His lips traces my spinal cord. My body tingled but I tried to fight it. Hinarap ko siya at marahang hinaplos ang magkabilang braso niya. "Maligo ka na para makapag-almusal na tayo." "Dito na lang tayo," nakangisi niyang sagot habang ang kamay ay nakatutok sa aking dibdib na bagamat may suot na bra. "You have a very beautiful breast, baby..." he said using a rasp voice. "I wanted to touch them, lick and suck."Parang nanginig ang buo kong sistema sa sinabi niya
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Ivan na bumalik na kami sa hotel. Habang nasa biyahe kami, ramdam ko ang kaba sa aking dibdib. Hindi naman ako natatakot. Sa totoo lang ay excited na ako. Kung ano-ano na din ang mga malalaswang mga bagay ang pumapasok sa aking isipan. Will it hurt like the first time? Mag-e-enjoy kaya siya sa akin? I wish he would. I want to satisfy him also—para hindi na siya maghanap ng iba. Kinagat ni Ivan ang balikat ko na nagpaigtad sa akin. "Ivan!" saway ko dito pero niyakap lang niya ako. "Excited lang," nakangisi niyang bulong at bahagya pang kinagat at dinilaan ang aking tenga. "When was the last time that we—"Nang malasing ka at kinaumagahan pinakasal tayo ng mga magulang mo.""Hindi na... nasundan?" "You hate me to the core, Ivan. Kahit nga ang tignan ako, hindi mo magawa. Iyon pa kaya?" Nagkaroon ng samu't saring emosyon sa kaniyang mga mata. "I'm sorry... I'm sorry that I can't remember.""It's okay. I'm glad na nagbago na ang paki
"Mamayang hapon pa ang meeting namin ng daddy niyo kaya naisipan namin na magsalo-salo tayo ngayon," sabi ni Mommy. Nandito kami ngayon sa kanilang suite. Alas-sais y media pa lang nang tumawag sila, upang sabihin na sabay-sabay nga daw kaming mag-breakfast. Kung hindi lang malakas sa akin ang mga byenan ko, mas gusto kong matulog lang sana at gumising na lang mamayang hapon. Alas-tres na yata ng madaling araw nang makatulog ako ng maayos. Ang kulit ni Ivan. Hindi talaga niya ako tinantanan sa pangungulit. Masakit daw ang katawan pero nakailan din naman siya. Mukha siyang masaya at punong-puno ng energy ngayon. Samantalang pagod na pagod naman ako at mahapdi ang mga mata. Nakangiti si Mommy habang nakatingin sa kamay kong nakapatong sa mesa, na hawak ni Ivan. "Ang ganda naman ng simula ng umaga namin ng daddy niyo," sabi ni Mommy habang ang mga mata ay nagniningning. Mahina akong tumawa at tumingin kay Ivan na malambing na nakatingin sa akin. Pinisil ko naman ang kaniyang pisngi