Lahat ng Kabanata ng The CEO'S Orphan Wife: Kabanata 1 - Kabanata 10
96 Kabanata
Chapter 1
Pinunasan ko ang basa kong kamay bago ko sinagot ang tawag ng aking byenan sa aking celphone. "Hello, Mommy?""Anak, magpunta ka ngayon sa St. John's Hospital," bungad niya sa akin. "P-Po? Bakit po?""Hihintayin ka namin doon. Papunta na din kami." Agad na niyang pinatay ang tawag. Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang dahilan. Ganoon na lamang ang kaba sa aking dibdib. Sa sobrang pag-aalala at pagkataranta agad kong kinuha ang wallet ko na nakapatong sa taas ng refrigerator. Hindi ko na inabala pang magbihis. Tingin ko importante ang tinawag ng byenan kong babae. At sana lang hindi ito masamang balita. Pumara ako ng taxi at pagkatapos ng kulang trenta minuto, nakarating ako sa ospital. "Kuya, ano pong nangyari?" Humahangos kong tanong sa panganay na kapatid ng aking asawa. "Si Ivan—"Ano'ng nangyari sa kaniya? Ano'ng nangyari sa asawa ko, Kuya?" Naiiyak kong tanong. "Nasaan siya?" "Nasa operating room siya. Nadisgrasya siya. May nakabanggaan na truck.""Dios ko po!"
Magbasa pa
Chapter 2
Kahit gusto ko pa sana siyang bantayan, pinilit nina mommy na umuwi na lang muna ako sa bahay upang makapagpahinga. Mamayang hapon na lang daw ako bumalik. Kaso hindi ko naman magawang matulog ng maayos kaya bago pa mananghalian, bumalik na ako ng ospital. Nagulat ako nang hindi ko na makita si Ivan sa ICU. Mabuti na lang at sakto namang tumawag si Mommy. "Nagising siya kanina kaya nilipat na namin siya sa regular room."Salamat po, Diyos ko! Nagmamadali kong hinanap ang private room na kinuha ng mga in laws ko para kay Ivan. Marahan kong binukan ang pintuan. Sinalubong naman ako ni mommy ng mahigpit na yakap. Hindi ko naman mapigilang maging emosyonal. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ligtas na siya sa panganib. Masaya ako na maayos na si Ivan pero hindi ko din maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil ibig sabihin, nalalapit na ang paghihiwalay naming dalawa ng landas. Nilapitan ko siya. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko din ang kaniyang labi dahil ngayon ko na lang
Magbasa pa
Chapter 3
DAHIL sa kalagayan ni Ivan, pinauwi daw ni Tito si Maureen at sinabihan na kung puwede huwag nang magpakita dito dahil nagugulo lang nito lalo ang sitwasyon. Sinabi daw dito na may asawa na si Ivan kaya dumistansya na siya dito. Nagulat talaga ako na bumalik na siya ng bansa. Nang makasal kami ni Ivan, galit na galit siya sa akin. Sinugod niya ako at halos kalbuhin niya ako sa lakas ng pagsabunot niya sa aking mga buhok. "Malandi kang babae! Ahas!" Paulit-ulit niyang sigaw sa aking pagmumukha. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang. Niyakap siya ni Ivan. Humingi ng sorry ng paulit-ulit. Umalis sila ng bahay at gabi na siya umuwi. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila o kung ano ang pinag-usapan nila. Pero may takot ako sa dibdib na baka magtuloy-tuloy pa din ang kanilang relasyon kahit na kasal na kaming dalawa. Lalo at sa papel lang naman kami mag-asawa. Papel lang ang pinanghahawakan ko at hindi ang kaniyang puso. Pero pagkaraan ng isang linggo, nabalitaan ko na lumipad si M
Magbasa pa
Chapter 4
"GAGAMIT ako ng banyo." Hinintay ko ang isang minuto bago ako dahan-dahang nagmulat ng mata. Bumangon ako at dinaluhan siya. Tinulungan ko siyang makababa ng kaniyang kama. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa banyo. Hinintay ko na lang siya sa labas dahil mukha maging siya ay hindi din naging komportable sa presensya ko. "Okay na?" tanong ko mula sa labas. "Yeah," sagot naman niya kaya binuksan ko na ang pintuan. Nang makahiga siya, bumalik na ako sa sofa. Nahiga ako at nang mapatingin ako sa gawi niya, nagkasalubong ang aming mga mata. Tinititigan na naman niya ako. "Paano tayo naging mag-asawa?" Tanong niya. Marahil litong-lito na siya kaya ito na ang paulit-ulit niyang tinatanong mula nang magising siya. Tingin ko mas makabubuting sa akin na niya marinig ang totoo kaysa kay Maureen pa. Baka mamaya kung ano-ano pa ang sabihin sa kaniya ng babaeng iyon. Nang magkasintahan pa lang sila, pansin ko ang pagiging maldita ng babae. Madalas ko noong naririnig na tinatanong niya
Magbasa pa
Chapter 5
Ginupitan ko ng kuko sa kamay at paa si Ivan. Natutuwa ako na kahit hindi siya komportable sa akin, hinayaan lang niya ako. Tahimik lang siya at panaka-nakang napapatingin sa akin. "Ayan, okay na." Nakangiti ko siyang binalingan. Pangatlong araw niya ngayon dito sa ospital. At bukas, baka makalabas na siya ng ospital. Walang kurap siyang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Ahm, nagugutom ka na ba?" Umiling siya. "Gusto mo bang ipagbalat kita ng prutas?" Marahan siyang tumango. Akala mo tuloy pipi siya. Pinagbalat ko siya ng apple at orange. Pinatong ko sa bed table ang mangkok na pinaglagyan ko ng prutas. Bumalik ako sa sofa upang ayusin ang ilang mga kalat pero tinawag niya ako. "Hindi mo ba ako susubuan?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko. "Magaling naman na ang kamay mo, ah," sagot ko naman. "Masakit pa kaya." Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero kahit na ganoon, nilapitan ko pa din siya. Sa totoo lang, kamuntik na akong maglayas kagabi. Nag
Magbasa pa
Chapter 6
SA kabila nang nangyari kagabi ay inasikaso ko pa din si Ivan. Pinakain ko siya at tinulungang magbihis. May go signal na ang doktor na puwede na siyang umuwi kaya hinihintay na lang namin na ma-settle ang bills niya. Nakaupo ako sa sofa, habang si Ivan naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Ang kaniyang kapatid ay nasa hamba ng pinto at tila ba nakikipagparamdaman sa amin. Pansin ko ang paninitig ni Ivan pero ni minsan hindi ko siya sinulyapan. "Let's go," sabi ni Mommy. Hawak na niya ang resibo at ilang reseta ng take home medicine ni Ivan. Sa kaniyang likod ay may nakasunod na nurse na may tulak-tulak na wheelchair. "Sa bahay na lang kayo umuwi, habang nagpapahinga kayo." Hindi ako sumagot at hinintay ko si Ivan na magreklamo pero tanging buntong hininga lang ang sagot niya roon. Inalalayan siyang sumakay sa wheelchair. Nauna na siyang lumabas ng pinto habang tulak ng kaniyang kapatid ang wheelchair. Pilit akong nginitian ni Mommy. Inakbayan niya ako at giniya palabas. Hindi ako
Magbasa pa
Chapter 7
"Masarap ba?" Tanong ko kay Ivan kahit na kitang-kita ko naman sa kaniyang reaksyon na nasarapan siya sa luto kong ulam. Ngumiti siya at tumango. Linunok niya ang pagkain at muling ngumanga. Ganado siyang kumain kaya hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking mga labi. "Bakit pala hindi ka kumakain?" Tanong niya. "Mauna ka nang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom." Alas-sais pa lang kasi ng hapon. Kailangan niyang uminom ng gamot kaya pinakain ko na siya. "Nag-da-diet ka ba?" Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to. "Hindi naman," sagot ko. "Ang payat mo na kaya." "Anong payat. Sexy kaya ako." Ngumuso ako at pinigil ang mapairap. Ang payat si Maureen, gusto kong sabihin kaso pinigilan ko. Ayaw kong isingit ang pangalan ng kaniyang kabit. Ngumuso siya. "Bakit, hindi ba ako sexy?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti lang naman siya. Ewan ko sa'yo. "Last na," sabi ko sa kaniya. Naubos na ng baby damulag ang pagkain na hinanda at niluto ko para sa kaniya.
Magbasa pa
Chapter 8
Habang hinihintay siyang matapos maligo, hinanda ko na ang kaniyang mga damit na susuotin. Pinalitan ko na din muna ang kobre kama at punda. Hindi pa naman madumi, pero bago pa siya magkaamnesia, maselan siya sa kaniyang mga gamit. Ang tuwalya niya, gusto niya nilalabhan kada araw. Ganoon din ang mga beddings. Dinaig pa niya ang babae sa kaartehan. Ako lang ang nagpapalit, pero ang labandera na ang bahalang maglaba ng mga ito. Nang magbukas ang pintuan ng banyo, agad akong lumingon sa kaniya. Pero dahil nakatapis lang siya ng tuwalya, mabilis don akong nag-iwas ng tingin. May bathrobe naman siya doon sa banyo, bakit di na lang iyon ang ginamit niya? Tumikhim ako dahil nanuyo ang aking lalamunan. Nilapitan ko siya habang ang tingin ko ay nasa baba lang. Tinulungan ko siyang lumapit sa may couch kung saan ko nilagay ang mga damit niya. Dapat siya na lang din mag-isa ang magbihis e. Hindi siya komportable sa kaniyang nurse kaya wala na ito. Kaya ako na lang mag-isa ang aasikaso sa
Magbasa pa
Chapter 9
Hindi na muna ako bumalik sa aming silid. Nagpalipas ako ng oras sa garden at pumasok lang ako nang masiguro kong tulog na siya. Bawat araw na lumilipas pabigat din nang pabigat ang aking nararamdaman. Sarili ko lang talaga ang pinahihirapan ko dahil sa ginagawa ko. Tama nga si Rachelle, isa talaga akong martir... Nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig. But all of this are temporary. Soon, I'll leaving this house. I'll be leaving Ivan. And soon, everything are just part of the past. Alaala na babalikan at tatawanan na lang. Sa ngayon, kailangan ako ni Ivan, kaya mananatili ako para alagaan siya. Ako pa din naman ang asawa niya hangga't hindi ako umaalis at sinasabi na mag-file na siya ng annulment. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Puno ng bituin sa langit. At ang buwan ay bilog at maliwanag. "Kumusta na kayo diyan sa langit, Mama at papa?" Naalala ko nang mamatay ang lolo ko nang ako ay maliit pa. Ang sabi ni Mama nagpunta daw si Lolo sa buwan. At mula doon ay nakatin
Magbasa pa
Chapter 10
Tanghali na ng magising ako. Wala na din si Ivan sa kama. Mag-uumaga na kasi nang makatulog ako kaya hindi ko na siya naramdaman na bumangon. Naligo muna ako bago ako lumabas ng kuwarto namin. Nakahanda na ang ngiti ko sa aking nga labi, ngunit agad itong nabura dahil sa nakita ko. Nandito si Maureen! Nakaupo silang dalawa ni Ivan sa sofa. Alas-nuebe na pasado kaya nakaalis na ang mga byenan ko. Pumasok na din sa trabaho ang mga kapatid ni Ivan. Sandali ko silang pinagmasdan na dalawa. Nakangiti si Ivan habang si Maureen ay panay naman ang kuwento. At sa tuwing tatawa sila, napapayakap si Maureen sa kaniya. At si Ivan naman ay inaakbayan naman siya. Naramdaman ko na naman ang matinding kirot sa aking dibdib. Akala ko manhid na ako, pero hindi pa din pala. Masakit pa din. Hindi ko alam kung tutuloy ako sa kusina at lalagpasan sila o babalik ako sa silid at hintayin na makaalis si Maureen. Bakit ba pilit pinapaliit ng babaeng ito ang mundo ko? Hindi sa wala akong karapatan. Mayroo
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status