Share

Chapter 10

Tanghali na ng magising ako. Wala na din si Ivan sa kama. Mag-uumaga na kasi nang makatulog ako kaya hindi ko na siya naramdaman na bumangon.

Naligo muna ako bago ako lumabas ng kuwarto namin. Nakahanda na ang ngiti ko sa aking nga labi, ngunit agad itong nabura dahil sa nakita ko. Nandito si Maureen! Nakaupo silang dalawa ni Ivan sa sofa.

Alas-nuebe na pasado kaya nakaalis na ang mga byenan ko. Pumasok na din sa trabaho ang mga kapatid ni Ivan.

Sandali ko silang pinagmasdan na dalawa. Nakangiti si Ivan habang si Maureen ay panay naman ang kuwento. At sa tuwing tatawa sila, napapayakap si Maureen sa kaniya. At si Ivan naman ay inaakbayan naman siya.

Naramdaman ko na naman ang matinding kirot sa aking dibdib. Akala ko manhid na ako, pero hindi pa din pala. Masakit pa din.

Hindi ko alam kung tutuloy ako sa kusina at lalagpasan sila o babalik ako sa silid at hintayin na makaalis si Maureen.

Bakit ba pilit pinapaliit ng babaeng ito ang mundo ko? Hindi sa wala akong karapatan. Mayroo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Amie Gagani
ang hirap pla kpg wla kng pngbyad kc kailngn lging my pngbyad.
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
bkt kelangan mo pa ng isang buwan myla bago ka umalis jan sa asawa mo,dpt ngaun pa lng simulan mo nang umalis
goodnovel comment avatar
RL Gervacio
Maxado kang marter myla kung ako sau ewan ko lang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status