Share

Chapter 5: The Breakfast

Penulis: SERENYR
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-05 00:12:51

Nagising si Dorothy sa mabangong amoy ng bacon at kahit ano pang niluluto sa kusina kaya agad naman siyang lumabas ng kwarto kahit hindi pa tuluyang nakadilat ang mata niya. Naabutan niyang nasa kusina si Theodore at patapos na sa niluluto nito.

Nabigla siya sa dami ng pagkain. May tuyo, itlog, bacon, luncheon meat, tocino, hotdog, pati pancake.

“Kakatayin na ba ako?” tanong niya na hindi naman nakalagpas sa tenga ni Theodore.

“Suhol lang ‘to. Baka magbago pa isip mo.” Natawa naman si Dorothy at kumuha ng dalawang pinggan para sa kanila ni Theodore.

“Puwede ba akong magtanong? Hindi mo naman ako papatayin ‘di ba?” saad ni Dorothy.

“Depende sa tanong.” Seryosong sagot ni Theodore.

Agad naman siyang napako sa kinauupuan niya at gusto niyang tumakbo habang mas maaga pa. Napatitig naman sa kanya si Theodore sa biglaan nitong pananahimik habang paupo dala ang dalawang kape na tinimpla niya.

“Huwag mong sasabihing naniniwala ka sa sinabi ko?” tanong nito.

“He?”

Agad namang natawa si Theodore. “Ano ba ang tanong mo?”

“Wala ka ba talagang asawa o nobya? Mabango ang pangalan mo online at hindi ka naman pangit. Mayaman ka pa. At bakit ako? Nagkaasawa na ako, hindi ba turnoff ‘yon?”

“Sabi ko nga kagabi, dahil sa pangangailangan nating dalawa. At sapat na ang koneksyon natin kay Agatha para ikaw ang piliin ko.”

“Teka, alam mo bang maghihiwalay kami ni Lucas?” Hindi agad nakasagot si Theodore. Nasaktan naman si Dorothy dito, pero wala siyang karapatan sumbatan ito dahil wala naman itong kinalaman sa kanila ni Lucas. “Kailan pa?”

“Tatlong buwan na nang nakita ko silang pumasok sa isang motel. Mumurahin iyon at hindi ang tipikal na puntahan ng mayayaman kaya yata’y naisip nilang walang makakahuli sa kanila. Noong araw na iyon ay nanananghalian ako sa isang karinderya na katabi ng motel na pinasukan nila. Sinundan ko siya ng ilang araw, at doon ko nakumpirma. Akala ko ay aabot pa ng taon bago siya makapaghiwalay sa’yo.”

“Wala ka bang balak na sabihin sa’kin?” kalmadong tanong ni Dorothy.

“Hindi ko naisip na kailangan mong malaman iyon, lalo na’t ang presensya niya ay ang dahilan kung bakit hindi ka nila malapitan.” Paliwanag ni Theodore. “Ayoko ring isipin mo na baka paraan ko lang iyon upang makuha ka. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo. Hindi ko rin naman inasahan na handa ka na pala sa hiwalayan niyong iyon.”

“Tss. Ayoko nang isipin ang kupal na iyon.” Saad niya sabay tusok sa tatlong hotdog ng sabay.

“May lakad ka ba ngayon?” tanong ni Theodore.

“Maghahanap sana ng trabaho. Nang simulan naming asikasuhin ang paghihiwalay namin, ginawa ng pamilya niya lahat para matanggal ako sa trabaho ko.”

“Ganun ba? Alam mo kung nasa anong floor tayo?”

“20th.”

“Ang buong building na ito ay nakapangalan sa’kin–“

“Ha? Sabagay, sa estado mo ang dapat ko nalang ikagulat e kung ikaw ang nagmamay-ari ng Pilipinas.” Napabungisngis naman dahil dito si Theodore.

“Mula 1st hanggang 10th floor ay okupado ng mga opisina ng iba-ibang kompanya. Ang 11th hanggang 20th floor e condominium na. Pumili ka lang ng floor na gusto mo, at ibibigay ko sa’yo. O kung gusto mo itong buong–“

“Tama na at baka pumayag ako. Gusto kong maghanap ng trabaho at patunayang kaya ko ang sarili ko. Gusto ko maging CEO ng isang design firm. Kapag kaya ko na ‘yun, bigyan mo ako ng opisina sa mga pinagyayabang mong floors.” Matikas na sagot ni Dorothy.

“Hindi mo naman kailangan magtrabaho, kapag ako na ang asawa m–“

“Ayokong umasa lang sa’yo, o maging pagmamay-ari mo. Kahit sa pangarap ko, gusto ko na sariling hirap ko ang aking ipupundar.”

Namangha naman si Theodore sa narinig niya at mas lalong napanatag siya na hindi mali ang kanyang desisyon.

“Kung gayon ay gagawin ko ang lahat para suportahan ka.”

“Thank you.”

“Pero, sa oras na may maling mangyari, hindi ka dapat magdadalawang isip na gamitin ang pangalan ko at ang kapangyarihan mo bilang Mrs. Dorothy Velasco.”

Namula naman si Dorothy nang marinig iyon. Hindi na niya alam kailan ang huling beses na natawag siyang misis, o tinawag ba siya kahit isang beses lang bilang isang Mrs. Moreno, bakit wala siyang matandaan?

“Ang sarap ng itlog mo!” saad niya sabay nguya ng isang buong nilagang itlog. “Ha?”

Gulat pero marahan naman siyang tiningnan ni Theodore. Nagpipigil ng tawa.

“Hindi. ‘Yung nilagang itlog tapos itong hotdog mo-k-ko-ha? Basta ang sarap niyong lahat!” saad niya sabay yakap sa isang parte ng mesa.

Lupa, kainin mo na ako.

“Gusto mo bang matikman, Ms. Navarro?” tanong ni Theodore. Namilog naman ang mata niyang napatingin dito at nakita niya itong iniaabot sa kanya ang pancake. “Busog ka na ba?”

Inosente ba siya o tinutukso niya lang ako?

“Please, huwag mo nang palalain.” Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Mahinang humalakhak naman si Theodore. “Ubusin mo ‘to lahat. Aalis na ako. Inuna kong pumunta dito dahil naisip ko baka mahiya kang magluto para sa sarili mo. Babalik rin ako ng tanghalian para dalhin ang kontrata. Ihahatid na rin kita sa pupuntahan mo.”

“Huwag na…”

“At least, let me do that to my future wife.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 20: The Catch

    Umaga pa lang, alam na ni Dorothy na magiging mahirap ang araw. Hindi dahil may paparating na bagong banta, kundi dahil naramdaman niyang masyado nang tahimik ang paligid. Isang uri ng katahimikan na parang hinihintay ng mundo na may mangyari.Nakatayo siya sa kitchen island, hawak ang tasa ng kape, nakatingin sa wall clock na tila hindi gumagalaw. Suot niya ang isang loose cotton shirt at pajama pants, wala siyang plano lumabas, walang plano maging formal. Hindi pa man siya nag-aalmusal, at hindi niya rin alam kung gusto ba talaga niya.Sa kabilang sulok ng unit, naroon si Theodore, pinipindot ang mga control buttons ng built-in surveillance system. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon nito, nakayuko lang, tahimik. Gaya ng dati.“Are you ever not calm?” tanong ni Dorothy, mahina ngunit may halong biro.Nag-angat ng tingin si Theodore. “Do you want me to panic?”“Hindi naman,” sagot niya, umiikot ang tasa sa kamay. “Just curious.”Wala itong binigay na sagot. Pero may bahagyang pag-

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 19: The Smile

    Tahimik ang gabi.Pagkatapos ng araw na puno ng impormasyon, pangalan, at mga tanong na walang kasiguraduhan, ngayon lang muling nakaramdam si Dorothy ng katahimikan. Hindi dahil natapos na ang gulo. Sa totoo lang, ngayon pa lang ito nagsisimula. Pero sa mga sandaling ito, sa loob ng apartment na pansamantalang nagsisilbing mundo nila, may pahinga. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon.Nasa sulok si Theodore, nakaupo sa isang lounge chair malapit sa bukas na bintana, hawak ang tablet. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Dorothy ang presensya nito, tulad ng isang tahimik na alon sa baybayin. Hindi kailanman umaabala, pero palaging nariyan.Si Dorothy naman ay nasa sofa, nakabalot sa isang light gray na throw blanket, may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Sa harap niya ay isang tray ng natirang pastry na hindi niya nagalaw buong araw. Ang liwanag mula sa reading lamp sa tabi ay lumilikha ng malambot na tingkad ng liwanag, sapat upang magmukhang buhay ang paligid kahit halos wala naman

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 18: The Threads

    Tahimik ang apartment nang umalis si Mr. Ilustre.Hindi agad nagsalita si Dorothy. Sa loob ng ilang minuto, hawak pa rin niya ang envelope, parang takot siyang buksan ito nang hindi sapat ang kanyang lakas ng loob. Mabigat iyon sa kamay, ngunit mas mabigat ang ideya kung anong laman nito. Hindi niya alam kung anong mas mahirap, ang manatiling walang alam, o ang malaman ang buong katotohanan at mawalan ng kakayahang umiwas.Si Theodore ay naroon pa rin, tahimik sa gilid ng sala, pinapanood siya ngunit hindi nanghihimasok. Ang kilos nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi siya nagtatanong kung kailan bubuksan. Hindi rin ito naghihintay ng pahintulot. Nandoon lang siya, gaya ng nakasanayan, isang presensyang hindi man palagi nagsasalita ngunit laging naroroon.“Gusto mo ba munang magpahinga?” tanong nito, mahinahon.Umiling si Dorothy. “Hindi ko na kayang ipagpaliban 'to. Lahat ng ito, pakiramdam ko parang may pader sa harap ko. At alam ko, ito ang susi na bubuwag sa pader na iyon

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 17: The Visit

    Hindi kasama sa plano ang lumabas.Gustong manatili ni Dorothy sa loob ng unit kung saan kahit papaano ay may seguridad. Ngunit sa kabila ng bagong apartment na may tinted glass, reinforced locks, at layers of surveillance na pinaglaanan ng pera at atensyonni Theodore, ang katahimikan sa loob ay masyadong maingay para sa isip niyang hindi mapakali. Kailangan niya ng hangin, hindi mula sa air purifier, kundi ‘yung totoong hangin. Isa lang siyang simpleng babae ngayong umaga, hindi target, hindi kasosyo sa kontrata, hindi pangalan sa headline.“Maglalakad lang ako saglit,” aniya, habang isinusukbit ang sling bag. “Isang kape lang. Baka magbabawas lang ng iisipin.”“Okay,” sagot ni Theodore. Tahimik itong lumapit at iniabot ang coat niya. Gaya ng inaasahan hindi man lang siya nito pinigilan. “Keep your phone on.”“Of course. I should.”Wala nang ibang salitaan. Ganoon lang palagi sa pagitan nila. Walang pilitan. Walang drama. Isang presensya na may bigat kahit walang salita.Pagkababa ni

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 16: The Memory Box

    Ang langit ay kulay-abo nang magising si Dorothy. Tahimik ang silid, at ang malamig na liwanag mula sa labas ng bintana ay dahan-dahang sumisiksik sa pagitan ng blinds. Hindi pa siya sanay sa bagong apartment masyado itong malinis, masyadong moderno, parang hindi pa rin totoo. Wala pa rin ang amoy ng lumang kahoy, o ang mga ingay na pamilyar sa dating bahay nila ni Agatha.Ngunit ito ang pinili nilang pansamantalang tirhan isang ligtas na lugar, malayo sa mga mata ng publiko at sa aninong sumusubaybay sa kanila.Dahan-dahan siyang bumangon. Sa kabilang sulok ng kwarto, naroon si Theodore, nakaupo sa armchair, tahimik na binabasa ang tablet. Hindi ito natulog sa kama kagabi, pero hindi rin lumabas ng silid. Gaya ng dati, hindi niya kailangang magsalita para malaman mong nandiyan lang siya.Naglakad si Dorothy sa sala, huminto sandali sa may estante kung saan naroon ang ilang kahong dala nila mula sa lumang bahay, iilang pinili lang niyang isama mula sa mga gamit ni Agatha. Hindi niya ak

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 15: The Leak

    Maaga pa lang ay may nagbago na sa atmosphere ng unit.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, may halong tensyon at katahimikan na sa pagitan nila. Hindi ito galit, hindi rin tampo, isa itong antisipasyon. Pareho nilang alam na mula sa sandaling inilathala ni Dorothy ang kanyang pahayag kagabi, may mga mata na ring nakatutok sa kanila ngayon. Tahimik lang si Theodore habang binubuksan ang blinds sa sala, dahan-dahang pinapapasok ang liwanag ng araw. Sa kabila ng pagbabadya ng gulo, ang kilos nito ay palaging kalmado. Predictable. Grounding.Nakahawak si Dorothy sa tasa ng mainit na tsaa, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik na nag-aabang. Wala pang email. Wala pang reply mula sa sinumang media outlet o opisyal. Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng katahimikan. Ang mundo ay hindi laging sumisigaw kapag gumagalaw, madalas, gumagapang ito sa likod ng mga screen, sa pagitan ng mga share at retweet.Pagkatapos ng isang tahimik na almusal, pinili niyang umupo sa t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status