Share

Chapter 4: The Proposal  

Penulis: SERENYR
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-04 00:12:16

“Ha?” tila lumabas ang mga salitang iyon sa kabilang tenga ni Dorothy. “Ano?”

Napangisi naman si Theodore. “Pakasalan mo ako, Dorothy.”

“Bakit? Kakagaling ko lang ng divorce. Kasal?” dire-diretsong tanong niya dahil hindi niya lubos maunawaan ang sinasabi nito. “Hindi nga natin mahal ang isa’t isa.”

“Hindi emosyon ang magdudugtong sa ating dalawa kung hindi ang pangangailangan ng bawat isa. Kailangan mo ng proteksyon laban sa magtatangka ng buhay mo ngayong nawalay ka na kay Moreno, at kaya kong ibigay iyon. At sa akin naman…”

Napatitig sa kanya si Theodore na parang sinusuri ang katawan niya dahilan para hablutin niya ang kamay niya at takpan ang sarili niya.

Ngumiti ito. “Hindi katawan mo ang kailangan ko. Gusto kong maging malaya sa kamay ng Lolo ko at nang tuluyan ng matapos ang pagpapadala ng imbitasyon sa akin ng mga gusto akong maging kabiyak.”

Napangiwi naman si Dorothy. Sa kanya, napakalaking bagay ang ibibigay nito pero ‘yun lang ang hinihingi nito sa kanya? Hindi naman sa gusto niyang ibigay ang katawan niya sa estrangherong kaharap ngayon, pero hindi ba ganoon ang karaniwang senaryo?

“Mukhang hindi ka masaya.” Pansin ni Theodore. “Gusto mo bang ibigay sa akin–“

“Hindi!” sigaw niya na nagpatawa kay Theodore.

Napahinto naman si Dorothy nang masilayan ang pagtawa nitong napakadalisay. Malayo sa kanyang blangkong awra.

“Ako na ang bahala sa lahat. Ipapadala ko nalang dito ang dapat mong pagpilian mula pagkain hanggang sa iyong susuotin.” Saad ni Theodore. “Gusto kong ikaw ang maging pinakamaganda sa lahat ng kinasal.”

Naramdaman ni Dorothy ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi naman niya masisisi iyon dahil ang mga salitang sinabi nito ay ang mga salitang gustong marinig ng isang babae. Sa iba yata’y imposibleng mangyari, pero sa isang Velasco? Higit pa ang puwedeng mangyari.

“Pumapayag ka na ba?” tanong ni Theodore. “O kailangan ulit kitang tanungin?”

“Tatanggapin mo ba kung hindi ako papayag?” tanong ni Dorothy.

“Hindi ko iyon inisip dahil alam kong hindi ka hihindi.” Tapat na sagot ni Theodore. “Wala kang rason para humindi, at alam kong gusto mo ang iminungkahi ko.”

Tama ito. Nang sinabi palang nito na maghihiganti ito, gusto na niyang sumigaw na sasama siya, pero pinigilan niya ang sarili pero wala siyang kapangyarihan.

“Magiging mag-asawa tayo sa papel at sa mga panahong kinakailangan. Pero hindi ko papakialaman ang desisyon mo. Libre mong matatanggap ang lahat, at hindi ako mangingialam sa mga gagawin mo. May kanya-kanya tayong kuwarto sa oras na tumira na tayo sa isang bahay. Hindi kita oobligahin sa mga responsabilidad ng isang asawa.”

Unti-unti nang nabubuo ang desisyon ni Dorothy habang patagal nang patagal ang kanilang usapan. Kung tutuusin kanina pa niya gustong tumango, pero gusto pa rin niyang marinig ang mga iaalok at sasabihin nito, nang hindi rin siya nito makita bilang isang madaling target.

“May katanungan ka pa ba?” tanong nito. Buong pasensyang hinihintay ang sagot niya.

Umiling si Dorothy sabay titig sa mga mata niya. “Tinatanggap ko ang alok mo.”

“Mabuti. Matulog ka na at aalis ako.”

“Aalis ka? Hindi ba dapat ako ang uuwi?”

Napalingon naman sa kanya si Theodore. “Ang condong ito ay sa’yo na simula ngayon. Ito ang susi.”

Marahan nitong ibinuka ang palad niya sabay tayo. “Dito ka na matutulog mula ngayon, hanggang sa gabi bago ang kasal natin. Ako na ang bahala sa paglipat mo ng gamit.”

Nagulat naman si Dorothy sa sinabi nito pero para sa isang apo ng isang heneral ng bansa at batikang negosyante sa ibang bansa, hindi pa yata ito nangangalahati sa yaman nila.

Kung ang Moreno ang nangungunang negosyante sa Pilipinas, ang Velasco ang nangunguna sa Espanya at karatig bansa nito. Nanatili lamang silang simple sa Pilipinas pero usap-usapan na sa sampung pamilya ng pinakamayayaman, may share sila sa bawat isa. Hindi nga lang ito nakapangalan sa kanila kaya mahirap paniwalaan.

“Hindi ka ba nabibingi sa sinabi mo?” tanong ni Dorothy na nakaramdam ng hiya kung tatanggapin niya ang susi ng condo.

“Karapat-dapat lang ‘yan lalo na’t engagement natin ngayon. Pasensya na at hindi ako masyadong nakapaghanda.” Saad nito. “Hindi ko lubos akalain na magmamadali ako. Sana’y naghintay pa ako ng bukas.”

Napatingin naman si Dorothy sa relo niya at sampung minuto na ang lumipas pagkatapos ng hatinggabi.

“Babalik ako bukas dala ang kontrata para sa karapatan mong idemanda ako kung may labagin man ako sa sinabi ko at para sa mga gamit mo. Hindi mo naman na kailangang maghanda pero para hindi ka mabigla, bukas ng gabi ay ipapakilala kita kay Lolo.”

“Ano?!”

“Dati pa niya ako kinukulit sa magiging asawa ng apo niya.” Matamis na sabi nito sabay lakad paalis. “May pagkain sa ref, at may mga damit ako sa taas. Isa lang ang susi kaya hindi ako makakapasok kapag hindi mo ako pinagbuksan.”

Natawa naman si Dorothy at dahan-dahang lumapit sa likod ni Theodore sabay abot ng kamay nito at nilagay ang susi sa palad nito. “May tiwala naman ako sa’yo. Kung masama kang tao, hindi ako sasama sa’yo.”

Bahagyang gulat man ay tinanggap niya iyon. Nagkaroon ng maikling katahimikan at agad iyong binasag ni Dorothy bago pa bumigat ang tensyon. “At saka, baka tanghali an ako magising hehe.”

Natawa naman si Theodore at binuksan ang pinto sabay alis.

Paano kung mali na naman ako? Isip ni Dorothy. Bahala na.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 20: The Catch

    Umaga pa lang, alam na ni Dorothy na magiging mahirap ang araw. Hindi dahil may paparating na bagong banta, kundi dahil naramdaman niyang masyado nang tahimik ang paligid. Isang uri ng katahimikan na parang hinihintay ng mundo na may mangyari.Nakatayo siya sa kitchen island, hawak ang tasa ng kape, nakatingin sa wall clock na tila hindi gumagalaw. Suot niya ang isang loose cotton shirt at pajama pants, wala siyang plano lumabas, walang plano maging formal. Hindi pa man siya nag-aalmusal, at hindi niya rin alam kung gusto ba talaga niya.Sa kabilang sulok ng unit, naroon si Theodore, pinipindot ang mga control buttons ng built-in surveillance system. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon nito, nakayuko lang, tahimik. Gaya ng dati.“Are you ever not calm?” tanong ni Dorothy, mahina ngunit may halong biro.Nag-angat ng tingin si Theodore. “Do you want me to panic?”“Hindi naman,” sagot niya, umiikot ang tasa sa kamay. “Just curious.”Wala itong binigay na sagot. Pero may bahagyang pag-

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 19: The Smile

    Tahimik ang gabi.Pagkatapos ng araw na puno ng impormasyon, pangalan, at mga tanong na walang kasiguraduhan, ngayon lang muling nakaramdam si Dorothy ng katahimikan. Hindi dahil natapos na ang gulo. Sa totoo lang, ngayon pa lang ito nagsisimula. Pero sa mga sandaling ito, sa loob ng apartment na pansamantalang nagsisilbing mundo nila, may pahinga. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon.Nasa sulok si Theodore, nakaupo sa isang lounge chair malapit sa bukas na bintana, hawak ang tablet. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Dorothy ang presensya nito, tulad ng isang tahimik na alon sa baybayin. Hindi kailanman umaabala, pero palaging nariyan.Si Dorothy naman ay nasa sofa, nakabalot sa isang light gray na throw blanket, may hawak na tasa ng mainit na tsaa. Sa harap niya ay isang tray ng natirang pastry na hindi niya nagalaw buong araw. Ang liwanag mula sa reading lamp sa tabi ay lumilikha ng malambot na tingkad ng liwanag, sapat upang magmukhang buhay ang paligid kahit halos wala naman

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 18: The Threads

    Tahimik ang apartment nang umalis si Mr. Ilustre.Hindi agad nagsalita si Dorothy. Sa loob ng ilang minuto, hawak pa rin niya ang envelope, parang takot siyang buksan ito nang hindi sapat ang kanyang lakas ng loob. Mabigat iyon sa kamay, ngunit mas mabigat ang ideya kung anong laman nito. Hindi niya alam kung anong mas mahirap, ang manatiling walang alam, o ang malaman ang buong katotohanan at mawalan ng kakayahang umiwas.Si Theodore ay naroon pa rin, tahimik sa gilid ng sala, pinapanood siya ngunit hindi nanghihimasok. Ang kilos nito ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi siya nagtatanong kung kailan bubuksan. Hindi rin ito naghihintay ng pahintulot. Nandoon lang siya, gaya ng nakasanayan, isang presensyang hindi man palagi nagsasalita ngunit laging naroroon.“Gusto mo ba munang magpahinga?” tanong nito, mahinahon.Umiling si Dorothy. “Hindi ko na kayang ipagpaliban 'to. Lahat ng ito, pakiramdam ko parang may pader sa harap ko. At alam ko, ito ang susi na bubuwag sa pader na iyon

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 17: The Visit

    Hindi kasama sa plano ang lumabas.Gustong manatili ni Dorothy sa loob ng unit kung saan kahit papaano ay may seguridad. Ngunit sa kabila ng bagong apartment na may tinted glass, reinforced locks, at layers of surveillance na pinaglaanan ng pera at atensyonni Theodore, ang katahimikan sa loob ay masyadong maingay para sa isip niyang hindi mapakali. Kailangan niya ng hangin, hindi mula sa air purifier, kundi ‘yung totoong hangin. Isa lang siyang simpleng babae ngayong umaga, hindi target, hindi kasosyo sa kontrata, hindi pangalan sa headline.“Maglalakad lang ako saglit,” aniya, habang isinusukbit ang sling bag. “Isang kape lang. Baka magbabawas lang ng iisipin.”“Okay,” sagot ni Theodore. Tahimik itong lumapit at iniabot ang coat niya. Gaya ng inaasahan hindi man lang siya nito pinigilan. “Keep your phone on.”“Of course. I should.”Wala nang ibang salitaan. Ganoon lang palagi sa pagitan nila. Walang pilitan. Walang drama. Isang presensya na may bigat kahit walang salita.Pagkababa ni

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 16: The Memory Box

    Ang langit ay kulay-abo nang magising si Dorothy. Tahimik ang silid, at ang malamig na liwanag mula sa labas ng bintana ay dahan-dahang sumisiksik sa pagitan ng blinds. Hindi pa siya sanay sa bagong apartment masyado itong malinis, masyadong moderno, parang hindi pa rin totoo. Wala pa rin ang amoy ng lumang kahoy, o ang mga ingay na pamilyar sa dating bahay nila ni Agatha.Ngunit ito ang pinili nilang pansamantalang tirhan isang ligtas na lugar, malayo sa mga mata ng publiko at sa aninong sumusubaybay sa kanila.Dahan-dahan siyang bumangon. Sa kabilang sulok ng kwarto, naroon si Theodore, nakaupo sa armchair, tahimik na binabasa ang tablet. Hindi ito natulog sa kama kagabi, pero hindi rin lumabas ng silid. Gaya ng dati, hindi niya kailangang magsalita para malaman mong nandiyan lang siya.Naglakad si Dorothy sa sala, huminto sandali sa may estante kung saan naroon ang ilang kahong dala nila mula sa lumang bahay, iilang pinili lang niyang isama mula sa mga gamit ni Agatha. Hindi niya ak

  • The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress   Chapter 15: The Leak

    Maaga pa lang ay may nagbago na sa atmosphere ng unit.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, may halong tensyon at katahimikan na sa pagitan nila. Hindi ito galit, hindi rin tampo, isa itong antisipasyon. Pareho nilang alam na mula sa sandaling inilathala ni Dorothy ang kanyang pahayag kagabi, may mga mata na ring nakatutok sa kanila ngayon. Tahimik lang si Theodore habang binubuksan ang blinds sa sala, dahan-dahang pinapapasok ang liwanag ng araw. Sa kabila ng pagbabadya ng gulo, ang kilos nito ay palaging kalmado. Predictable. Grounding.Nakahawak si Dorothy sa tasa ng mainit na tsaa, pinagmamasdan ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik na nag-aabang. Wala pang email. Wala pang reply mula sa sinumang media outlet o opisyal. Ngunit hindi iyon nangangahulugan ng katahimikan. Ang mundo ay hindi laging sumisigaw kapag gumagalaw, madalas, gumagapang ito sa likod ng mga screen, sa pagitan ng mga share at retweet.Pagkatapos ng isang tahimik na almusal, pinili niyang umupo sa t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status