Share

The CEO's Bedwarmer
The CEO's Bedwarmer
Author: InkNylde

CHAPTER 1

Jeaneia’s Point of View

I was just looking at the people coming in and out of the club where I was working, I can say that there are many people today, not like before or the previous days, because today is Sunday, you can really expect a lot of people, I woke up from my deep thoughts when someone suddenly touched me so I looked at her. Si Vanessa pala.

“Besh, pwedi bang ikaw nalang ang magdala nito sa Room 205 na-si-CR na kasi ako. “Saad niya habang nakahawak sa tyan niya. Masasabi kong kanina pa pala siya pabalik-balik sa CR kaya tumango nalang ako, tanda ng pagsang-ayon ko.

Kinuha ko na ang tray na naglalaman ng mga mamahalin alak kaya dahan-dahan at maingat ko itong dinala sa patutunguan nito.

Nang nakarating na ako sa room 205 ay kumatok na ako tanda ng paggalang ko. Hindi naman tagal bumukas na ang pinto at mula roon lumabas ang isang mala-anime na lalaki.

“Hello sir ito na po ‘yong order ninyo,” magalang na saad ko. Ngunit hindi niya pa rin tinatanggap kaya nahihiya ko itong binaba.

“Can you bring that inside?” saad niya. Sa wakas nagsalita na rin siya kala ko magdamag na ako sa labas. When I finally got in I was amazed at the beauty of this VIP room it was like a house after all. When I had placed their order and planned to go out, the thin man spoke, “dude, you ordered food?” saad niya kaya nagtaka ako. Dahil drinks lang ang in-order nila maliban doon ay wala na.

“Come here baby girl sit in my lap,” saad niya kaya umiling ako sapagkat hindi gan’on ang aking trabaho.

“Sorry sir, hindi po pwede at hindi po ako gan’on na klaseng babae, excuse me po kung wala na po kayong ipapaorder pwede na po ba akong makaalis, may trabaho pa po kasi akong gagawin.” Magalang na saad ko.

“Oh common, don’t feel like a virgin, how many men have tasted you?” Saad ng isa nilang kasama hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil nasa may bandang madilim s’ya.

“I can double the pay if you want. What do you think?” dagdag pa niya. Umiling lang ako.

“Sorry sir! Hindi po ako gan’ong klaseng babae kung naghahanap po kayo ng magpapaligaya sa inyo, iba nalang po.” Saad ko sapagkat nakakasakit na s’ya hindi por que nagtratrabaho ako sa club ay binebenta ko na ang puri ko. ‘Yun nalang nga ang aking mapagmamalaki sapagkat ang tingin nila sa akin pariwara.

Kung makapanghusga ang lalaking ‘yon, akala mo’y kilala niya lahat ng babae. Nang nakarating na ako kong saan ako umalis pinagpatuloy ko na ang aking naudlot na trabaho. Hindi naman nagtagal natapos na ang duty namin inaayos nalang namin ang mga upuan at ibang gamit upang makaalis na. Habang nag-aayos ako ay biglang lumapit sa akin si Vannesa at nagsimulang mag-ayos na din. Nasa kalagitnaan na ako ng pagaayos ng biglang nagsalita si Vanessa.

“Best salamat pala kanina masama lang talaga ang tiyan ko.” Saad niya kaya natawa ako.

“Baliw! ayos lang at nga pala ayos na ba yang tiyan mo?” tanong ko sapagkat nag-aalala ako kay Vannesa. Si Vanessa lang ang nag-iisang kaibigan ko dito sapagkat gaya ko, waitress lang din s’ya.

“Ayos na, hindi na masyadong masakit,” saad niya habang palabas na kami ng club na aming pinagtratrabahohan. Pauwi na sana ako ng may inabot si Vannesa sa aking invitation kaya tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

“Best nakalimutan kong sabihin sayo birthday kasi ni Sir Adrian at dito gaganapin sa club, kaya invited tayo,” saad niya. Kaya pala naghahanda ang lahat, hindi ako updated.

“Ah, kaya pa naghahanda sila,” sabi ko. Tumango naman siya.

“At may isa pa akong good news,” saad niya nananatiling nakatingin lang ako sakanya kasi hinihintay ko ang sinasabi niyang good news daw.

“Hindi daw tayo nagtatrabaho sa araw ng kaarawan ni Sir Adrian at balita ko kasama daw ang mga kaibigan niya alam mo ang popogi at ang yayaman pero lahat babaero,” saad niya, hindi na ako magtataka kong bakit alam na alam niya ‘yan isa ba naman siyang dakilang Marites.

“Ano naman kong pogi at mayayaman sila?” saad ko na may halong inis hindi naman sa pagiging better pero wala naman talagang forever.

“Alam mo best ang better mo, ah basta magpapaganda ako alam mo na naman baka mapansin ako ng isa sa kaibigan ni Sir Adrian, at maging billionaire agad ako,” saad niya kaya napailing nalang ako.

“Pupunta ka ba best?” tanong niya. Kung pupunta ako wala naman akong magandang susuotin at syempre wala rin akong ireregalo.

“Hindi siguro best, alam mo naman ang situwasyon ko.” Saad ko nalungkot naman siya.

“Pero best sabi ni Sir Adrian dapat daw nandoon tayo may pasok daw tayo pero nag-eenjoy lang daw at best ngayon lang naman ito, pumayag ka na please,” sabi niya kaya wala akong nagawa kong ‘di ang pumayag kahit ayaw ko.

Nang natapos na ang daldalan namin ay uuwi na ako. Pero bago ako uuwi dumaan muna ako sa karenderya ni aling Presing, ito kasi ang nag-iisang bukas na karenderya kahit madaling araw na.

Nang nakabili na ako naglakad na ako, hindi naman sa wala akong pamasahe pero kailangan ko lang talagang magtipid lalo na malaki na ang gastusin sa bahay.

Nang nakarating na ako sa bahay para akong dinurog sa narinig ko.

“Ate sa tingin mo iiwan din tayo ni ate Jeaneia gaya ni mama?” saad ng bunso kong kapatid.

“Hindi naman siguro bunso, mahal kaya tayo ni ate Jeaneia,” saad ng pangalawa kong kapatid.

“Bakit si nanay sabi niya mahal din niya tayo,” sagot ni Jesean. Kong tatanungin ninyo kong nasaan ang magulang namin ay wala na sila. Nang namatay ang tatay naming ay iniwan na kami ng nanay naming at sumama sa ibang lalaki, kaya ako na ang tumayong nanay at tatay sa mga kapatid ko.

“Nandito na ako at may pasalubong ako!” saad ko kaya sabay silang napatingin sa akin. Tumayo sila para hagkan ako.

Isang halik lang nila sa’kin tangal na agad ang pagod ko.

Pagkatapos nila akong hagkan kinuha na ni Jessica ang dala kong plastic bag na naglalaman ng ulam upang ihanda na ito sa hapagkainan. Nang matapos na, ay kumain na kam. Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili, sapagkat meron pa akong trabaho na pupuntahan hindi lang pagiging waitress sa bar ang aking pinagkakakitaan. Nagtratrabaho din ako bilang vendor sa palengke, pero sa pagkakataong ito kasama ko ang aking nakababatang kapatid.

Nang nakapag-ayos na ako inayusan ko na rin si Jesean hindi pa nag-aaral si Jesean samantalang si Jessica naman ay nag-aaral na, kaya kailagan kong magdoble-kayod.

Nang nakarating kami sa palengke nagsimula na akong magtinda

“Pampano po ma’am fresh po ‘yan,” saad ko sa babaeng nakatingin sa Pampano kaya lumapit naman siya sa akin.

“Magkano isang kilo, miss?” tanong niya habang namimili ng Pampano.

“350 isang kilo ma’am fresh po ‘yan,” saad ko patuloy lang siya sa pagpili.

“Dalawang kilo, miss.” Saad niya pagkatapos niyang mamili kaya inabot ko sakanya ang basahan upang ipamunas niya sa kamay n’ya.

“Ma’am, sobra po ito okey lang po ba 2.4 kilos po ito, ma’am,” saad ko tumango lang siya kaya pinastic ko na

“840 pesos po lahat, ma’am,” saad ko kaya binigyan niya ako ng isang libo. Binaryahan ko siya ng 160 pesos. Sobrang saya ko talaga ngayon kasi maraming bumibili sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status