Jeaneia’s Point of View
Pagmulat ko ng aking mata bumungad sa akin ang puting kisame. Napagtanto ko na nasa hospital ako kaya inilibot ko ang aking patingin. Napatigil ako at napatingin kay Vannesa ang sama ng tingin niya saakin kaya nagtaka ako.“Bakit buntis ka?” malakas na sigaw ni Vannesa kaya nagulat ako. Ako buntis hindi ito pwede.“Ano? Ako?” gulat na saad ko dahil hindi kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi niya.“Alangan namang ako?” masungit na saad ni Vannesa kaya napayuko nalang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot.“Ngayon mo sabihing wala kang boyfriend, sabi mo walang lihiman?” Saad niya kaya nanatiling nakayuko lang ako alam kong sa pagkakataong ito galit talaga siya.“Sorry besh patawarin mo ako please,”s aad ko at lakas-loob na tumingin sakanya sabay hawak sa kamay niya ako naman ang may kasalanan kong sinabi ko lang sa kanya una palang hindi siya magagalit ng ganito.“Mapapatawad lang kita kong sasabihin mo sa’kin kong sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo,” saad niya kaya tumanggo ako.“Eh, kasi besh naalala mo ba ‘yong birthday ni Sir Adrian?” tanong ko kaya tumango siya.“At yung nagpaalam ako sayong mag-C-CR ako,” tanong ko ulit kaya tumanggo ulit siya.“Kasi besh habang naglalakad ako papuntang CR nawalan ako ng balanse at hinintay ko nalang na bumagsak ako pero lumipas na ang oras wala akong naramdaman kaya iminulat ko nalang ang aking mata tapos nakita ko ang isang mala-anghel na mukha tapos wala na akong naalala. Noong nagising ako nasa hotel na ako at walang suot na damit.” Saad ko at umiyak. Niyakap naman niya ako.“Sorry besh kong nagalit ako sayo. Hindi ko kasi alam, sorry talaga.” Saad niya kaya lalo akong naiyak habang nagkayakap kami.“Besh may tanong ako, sino ang ama ng batang dinadala mo?” tanong niya kaya umiling ako, dahil hindi ko naman talaga kilala kong sinong ama nito.“Hindi ko alam besh pagising ko wala na akong kasama tanging pera at necklace lang na naiwan.” Saad ko kaya tumanggo siya.“Nasaan ‘yong pera at necklace?” tanong niya.“’Yong pera iniwan ko ‘yong necklace lang dinala ko,” saad ko kaya tumaggo siya.“Besh pano na ako? Hindi ko alam ang gagawin ko, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong kapatid.” Saad ko.“H’wag kang mag-alala nandito lang ako, tutulungan kita, promise.” Saad niya kaya niyakap ko siya napakaswerte ko kay Vannesa dahil meron akong kaibigan na parang kapatid ko na din. Hindi na din ako nagtagal sa hospital dahil baka lumaki lang ang bayarin ko kaya minabuti kong lumabas na lang.Kinabukasan. Pumasok na agad ako. Ayaw sana akong papasukin ni Vannesa dahil magpahinga nalang daw ako, pero, hindi pwedeng pabayaan ko ang trabaho ko. Dala ko rin ngayon ang kwentas na iniwan ng estangherong lalaki para ipakita kay Vannesa.Habang naglalakad ako may nabangga ako kaya nahulog ang kwentas na hawak-hawak ko.Napatingin nalang ako sa taong nabangga ko isa pala ito sa kaibigan ni Sir Adrian.“Sorry po, sir Ethan.” Saad ko habang nakayuko pero wala akong narinig na sagot kaya napatinging ako kay Sir Ethan nakatingin pala ito kwentas na nahulog.“Kay Draven ‘yang kwentas.” Saad niya kaya nagtaka ako.“Sure po kayo sir?” tanong ko paano ba naman kung kay sir Draven ‘yong necklace ibig sabihin siya ang ama ng dinadala ko.“Matagal na niyang hinahanap ‘yan, pagkatapos kasi ng party ni Adrian nawala daw yan. Saan mo nakita yan?” Saad niya.“Ah, nakita ko po ito habang naglilinis kaya nga po dala-dala ko kasi hinahahap ko po ‘yong may ari,” pagsisinungaling ko.“Ah okey mauna na ako sayo, I have something important to do, ikaw na din ang magbalik kay Draven ng necklace, important kasi sakanya yan at ito ‘yong address niya,” saad niya kaya tumanggo nalang ako. At umalis na siya pagkatapos ibigay sa’kin ang address ni Sir Draven. Nanatiling nakatingin lang ako sa pinaglabasa ni Sir Ethan. Nagulat nalang ako ng may tumawag saakin ng malakas.“Jeaneia Arevalo, pumagpag-ibig si buntis ah!” Saad niya kaya inirapan ko siya kaya tumawa ni Vanessa. Gaga talaga!“Hindi kaya,” pagtanggi ko.“Anong hindi daw, ayaw mo na ngang tanggalin ang tingin mo kay sir Ethan,” saad niya patuloy lang siya sa pang-aasar sa’kin.“Pwede ba besh tumigil ka na may importante akong sasabihin sayo.” Saad ko kaya sumeryoso siya alam niya sigurong seryoso ako. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nalaman ko na kay sir Draven ang kwentas kaya, ayon, gulat na gulat siya.“Sure ka besh?” Tanong niya kaya tumango ako. Alam kong hindi siya makapaniwala na gaya ko.“Hindi naman siguro magsisinungaling si Sir Ethan ‘di ba?” Saad ko kaya tumango siya.“Tama Hindi naman nagsisinungaling si Sir Ethan.” Saad niya.“At besh ano na plano mo ngayong alam mo na kung sino ‘yong ama ng anak mo?” tanong niya na hindi ko alam ang isasagot ko o gagawin.“Hindi ko alam, besh. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Sagot ko.“Besh naman! May karapatan siyang malaman na may anak kayo, kaya pumunta ka sa address na binigay ni Sir Ethan at sasabihin mo na dinadala mo ang anak niya.” Saad niya kaya umiling ako.“Besh, hindi ganoon kadali, natatakot ako sa pwedeng mangyari paano kong hindi niya tanggap. Paano kong ayaw niya?” Saad ko.Kinakatakot ko talaga na baka hindi niya ito ituring na kaniya.“Tanggapin man o hindi ang mahalaga sinabi mo.” Saad niya.Tama naman siya. “Pupunta ka sa address na binigay ni Sir Ethan at sasabihin mo na buntis ka, nagkakaintindihan ba tayo?” Saad niya kaya tumanggo na lang ako.JANELA'S Point of viewNAALIPUNGATAN naman ako ng maramdaman kong may maingat na humahaplos sa pisngi ko, minulat ko naman ang mga mata ko at dun tumambad sakin ang seryosong mukha ni señorito na nakatingin sakin, habang ang palad niya ay nasa pisngi ko parin.Hindi naman agad ako naka galaw dahil sa mata niyang kulay asul na mapang-akit. Hindi maikakaila na ang ganda ng mata ni señorito dahil sa mahaba ang pilik mata na bagay sa hugis ng mata niya at sa kulay asul niyang eyeball, ang makapal niyang kilay nababagay din sa seryosong mukha niya, labi niyang mamula-mula na sing tamis ng strowberry at ilong niyang matangos kaya kahit seryoso man ang mukha nito hindi parin matatakpan na gwapo siya.Nabalik naman ako sa reyalidad ng maramdam ko ang pag haplos nito sa pisngi ko at biglang pag kabog ng dibdib ko kaya naman ay dali-dali na akong umalis sa pag kakandong sa kanya."Pasensiya na po señorito." nahihiya kong saad sa kanya at umayos sa pag kakaupo."It's okay. Alam kong hindi ka mak
JANELA'S Point of viewIlang araw na ang nakalipas simula ng nangyayari ang family day sa school ng mga bata, kaya ilang araw na rin akong umiwas kay señorito Draven.Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala ng bahay ni señorito Draven, ng may narinig akong yapag mula sa hagdan. Kaya napatingin ako." Magandang araw po señorito." Magalang na saad ko. Kahit iniiwasan ko rin hindi naman pwedeng hindi ko siya batiin pag nagkasalubong kami o nagkita."Ahmm can I ask?"Napatingin naman ako kay señorito ng bigla na lang ito nag salita sa likod ko. Kahit na nag tataka ay tumango na lang ako sa kanya."Ano po iyun?" nahihiya kong tanong sa kanya at pinagpatuloy ang pagwawalis."May gagawin kaba, tomorrow?" Tanong niya sakin bago sumandal sa gilit ng lababo at uminom ng tubig sa hawak niyang mineral water."Ahmm bukas po?",Nag iisip ko pang isagot sa kanya. Dahil iniisip ko kung may gagawin ba ako."Wala naman po." napapailing kong sagot sa kanya ng maisip na wala naman. Nandito lang ako sa mansiyo
JANELA'S Point of viewTahimik lang akong nanonood, maraming pamilyang naglalaro kaya hindi ko maiwasang mapangiti, ang saya kasi nilang tignan." Tay, i want to play too." Saad ni Dawn. Kaya napatingin ako sa'kanya."Janela, can we?" Tanong ni señorito. Kaya hindi ko alam ang isasagot pamily play kasi yun hindi naman kami pamilya." Ahh ehh kasi." Utal na sagot ko. Ng napatingin naman ako kay Dawn nakita ko itong malungkot na nakatingin sa'kin, nararamdaman nya siguro na ayaw ko." Sige na, halika na kayo para makasali tayo sa next game." Nakangiting saad ko. Hindi ko naman maiwasang nakaramdam ng tuwa ng bigla akong yakapin ni Dawn at Dew." Let's go." Masayang tawag ni Dawn at hinila ako papunta sa mga pamilyang masayang maglalaro." Can we join?", Magalang na tanong ni Dew sa magpapalaro." Oo naman." Nakangiting sagot ng babae habang nakatingin kay señorito Draven. Hindi naman si señorito Draven ang kinakausap, hindi ko naman maiwasang magselos kaya nakatatlong iling ako bago kinu
JANELA'S Point of viewNAGISING ako banda alas singko ng madaling araw para ako na ang gumawa ng almusal at makapag pahinga naman rin si nanay Helen.Kararating lang niya kasi, kaya ako na muna ang gagawa ng mga gawanin ni Nanay.Pagka tapos maligo at mag bihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at agad ng dumeretyo papuntang kusina.Nang makarating ay agad naman na ako nag simulang mag luto ng almusal.. Natigilan naman ako sa pag luluto ng nakaramdam ako ng uhaw, kaya naman ay lumapit muna ako sa freezer at agad kumuha ng mineral water. Pagkatapos uminom ay agad ko nang sinarado ang freezer at agad ng humarap, pero agad rin natigilan ng mabunggo ako sa matigas na dibdib.Napaangat naman ang tingin ko sa nag mamay- ari ng dibdib na ito, at dun naman sumalubong sakin ang seryosong mukha ni señorito at ang magulo nitong buhok na mukhang kagigising niya lang."Magandang umaga señorito." saad ko sa kanya at umatras ng konti kahit alam ko naman wala nang maatrasan.Hindi naman ito nag sali
JANELA'S Point of viewNAGISING naman ako dahil sa malakas na pag busina sa labas at dun ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa dahil sa kakahintay kay señorito, sa tingin ko ay ala una na nang madaling araw ngayon.Agad naman na akong lumapit sa pinto at agad binuksan dun ko nakita si señorito pangewang- ngewang na bumaba sa kotse niya, lumapit naman agad ako ng makita ko itong natumba."Señorito ayos ka lang po ba?" May pag alala kong tanong at tinulungan na siyang tumayo sa pag kakaupo niya sa semento."Señorito" pag tawag ko ulit sa kanya ng makita ko lang ito pilit na binubukas ang mata niyang tumingin sakin."Hmm, love is that you" yun lang ang narinig ko sa kanya dahilan na maamoy ko ang hininga niya na amoy alak.'uminom siya?'"Señorito, ano pong sinasabi mo, kaya mo po bang mag lakad?" Tanong ko at inalalayan siya. Hindi naman siya nag salita at pilit lang ginagalaw ang katawan niya, kaya naman tinulungan ko na siyang alalayan sa pag lakad. Medyo nahihirapan pa ako
THIRD PERSON point of viewBUMABA naman si Draven ng nakaayos para pumunta sa puntod ng namatay niyang asawa dumeretso naman siya sa kusina at dun niya nakita ang dalaga na nag titimpla ng kape.Bigla naman siyang nakaramdam ng konsensiya dahil sa ginawa niya na alam niyang natakot ang dalaga. hindi niya alam tuwing sa nakikita niya ang dalaga ay hindi niya mapigilan ang sarili niya.Nakakaramdam siya ng hindi mapaliwanag, alam siya sa sarili na simula ng namatay ang asawa niya pinangako niya sa sarili na hindi na muli siya iibig pero hindi niya napigilan ang nararamdaman.Napatingin naman ang dalaga sa kanya pero agad rin napayuko na parang natatakot sa kanya, pero hindi niya na lang ito pinansin at agad na lang lumapit sa freezer para kumuha ng maiinom.Nang matapos uminom nang tubig ay agad naman siyang napatingin sa dalagang nanatili lang sa kinatatayuan at hindi makatingin sa kanya ng deretso.Aalis na lang sana siya sa harap nito ng bigla itong mag salita."Señorito hindi ka po