Puno ng pighati si Cecelia na bumalik sa kanyang silid. Nahihilo s’ya at kumikirot ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Nawala s’ya ng boses at parang mawawalan siya ng lakas. Hindi n’ya matatanggap ang natuklasan kanina. Gusto n’yang lokohin ang sarili na hindi ‘yon totoo. Subalit sinasampal s’ya palagi ng realidad.
“Wala na…” anas n’ya na s’ya lang ang nakakarinig nang binagsak ang katawan sa kama. “Wala na ang lalaking tiniis ko at pinaghirapan ko ng husto.” Pinatong niya ang braso sa mga mata. “Inagaw s’ya ng ahas kong kaibigan. Buong buhay ko pinagkatiwalan ko s’ya pero ano ito, nagpapakalkal pala s’ya sa asawa ko!” Mapait s’yang humiyaw at nilakasan ang iyak. “Mga hayop kayo! Siguraduhin kong magbabayad kayo!” Naalala rin n’ya na gusto s’yang ipapatay ng mga ito. Hinimas n’ya ang tyan, tumingala sa krus na nakasabit sa dingding at nangako na kahit anong mangyari ay hindi n’ya hahayaan na magtagumapay ito sa plano. Hindi sila pwedeng mamatay ng anak niyang nasa sinapupunan pa lamang. Kinabukasan, maaga s’yang nagising upang ipaghanda ng almusal ang kanyang pinamahal na asawa. Nagkunwari s’yang masaya at malambing. Titiisin n’ya muna ang kasinungalingan ng asawa. “Good morning, mahal ko,” sabulong niya sabay halik sa pisngi nito nang makaupo. “I really miss you.” Hilaw na tumawa si Maxwell pero namamangha sa kinikilos niya. “Good morning din, mahal. Mukhang maganda ang gising mo ha. Ano’ng meron?” Niyakap n’ya muna mula sa likod pero sa loob n’ya ay gusto niya itong sakalin. “Wala naman. Natutuwa lang ako kapag masilayan kita tuwing umaga. You’re my inspiration everyday, you know?” Napailing ito at sinimulan ang pagsandok ng kainin. “Hey, ako na.” Inagaw niya ang bandihado at siya ang naglagay ng kanin saka sinunod ang tortang talong at chorizo. Kabisado n’ya ‘yon kahit hindi niya makikita kasi ganito ang gawain niya araw-araw. “Masyado mo naman akong ini-spoiled baka mamaya magsawa ka na sa akin,” panunukso nito pero alam niyang superficial lang. “Never akong magsasawa sa’yo. Ang swerte-swerte ko nga kasi ikaw ang asawa ko kaya deserve mong ma-i-spoil.” Nasa tono nito na tila nahihiyang tumawa. Ngumuso s’ya’t umupo. Sumasandok s’ya ng kanin nang masalita ulit ito. “Excited na ako sa vacation natin sa Hawaii, mahal. Did you already prepare your bikinis? Malay mo doon natin mabubuo ang first baby natin.” Sinimsim nito ang capucchino. She batted her eyelashes, pero pumuputok na ang loob niya. “Wala naman mawawala kung susubukan ‘di ba?” “Gusto mo mag-stay tayo ng one month? Parang second honeymoon na rin ‘di ba?” Sinubo nito ang kanin, saglit na hinintay ang sagot niya. Huminto s’ya, kunawari nag-iisip. “Depende sa’yo. I just follow what my husband wants.” “Pasens’ya na kung ngayon ko lang naisipan magpunta ng Hawaii. Matagal mo na itong pinapangarap kaya pinapangako ko na lilibutin natin lahat ng isla doon.” Tatawa ba s’ya o sasapakin ito? Ni minsan ay di niya binanggit na pangarap n’ya magpa-Hawaii! Ang totoo ay pangarap nitong patayin siya sa Hawaii! Sa inis ay hindi n’ya di niya mapigilan na ikuyom ang kamay. “Thank you, mahal ko, for remembering my dream. You really are a dream come true—just when I least expect it. I guess luck really does love me,” sarkastiko niyang turan. Matunog itong ngumisi. “Aww, really? I’m happy I remembered it then. I just want to make you feel special all the time. You really are lucky to have me, no?” pa-inosente nitong tugon pero alam n’yang naaasar na sa kanya. “Marrying you is easily the highlight of my life — but loving you? That’s the part that makes everything feel like it’s exactly where it should be,” hirit pa niya. Nasa likod ng isipan niya na naduduwal s’ya. Kung pwede lang ay hinampas na niya ng silya ang tarantadong taksil. Naningkit ito. Umabot na sa limitasyon ang pasensiya ng pagpapanggap. Inayos nito ang pag-upo, sinandal ang mga siko sa lamesa at kiniling ang ulo sa kanya. “Well, excited ka na ba magpa-Hawaii?” Peke s’yang ngumiti. “Yes, I’m so excited more than you,” aniya sabay bungisngis. Yes, excited na s’yang takasan ito at ipakulong. “Siguradong mag-e-enjoy ka doon,” anito bago tumayo. “Check mo ulit ang mga papeles mo baka may kulang. Sayang naman kung pipigilan ka ng immigration.” “Wala akong problema sa papers, inayos na ‘yon ng abogado ko…” talagang sinusigurado mong makakapunta ako ha, aniya. “Our vacation in Hawaii will be memorable,” sabi nito ulit. Bukambibig palagi ang lugar kung saan s’ya papatayin. Siguro na-set up na ang lahat kaya naatat ng isagawa ang plano. “Of course. Basta ikaw ang kasama ko ay siguradong memorable,” hirit pa niya. Lumabi ito. “I’ll go ahead first. Marami pa kasing tatapusin na trabaho. Sinisigurado ko lang na may peace of mind ako kapag nandoon na tayo.” Trabaho? Ganito kaaga? Usually, alas dyes ng umaga ito pupunta ng opisina. Ngayon naiintindihan na niya kung saan ito dadaan—kakainin ng pangalawang almusal sa kanyang ahas na kaibigan. Pagkaalis nito ay tumayo rin siya. Tumungo sa sala at kinuha ang cellphone na para sa PWD na kagaya n’ya. Nag-speed dial siya. Sandaling pinakinggan ang busy tone hanggang sa nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. “Good morning, Atty. Yarros,” mahinahon n’yang bati. “Oh, good morning, Cece! Napatawag ka, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” masayang tugon ni Louie Yarros, ito ang kababata niyang abogado at takbuhan niya kapag may legal issue siya. “H’wag ka ngang pormal d’yan. Napatawag ako dahil may gusto sana akong ipagawa sa’yo.” Nasa boses nito ang pagkamangha. “Ano, passport ba, o visa o baka—” “Napagdesisyonan kong mag-file ng annulment. Please start drafting the papers,” pamumutol niya. “Ha? What?” “Naging PWD ka rin ba gaya ko? Sabi ko, gumawa ka ng draft ng annulment paper!” Lumunok ito. “Why? What happened? Sinaktan ka ba? Nag-cheat? Nagsinungaling? Did something happen to force this decision?” “All of the above, Attorney. Ang lalaking inakala ko na mamahalin din ako ay pinagtaksilan ako kay Valentina! Pinakatiwalaan ko s’ya, Louie, pero anong ginawa niya, inahas niya ako!” Di n’ya mapigilan lumuha. “I’ll finish this immediately and I’m sorry to hear that. Nandito lang ako, huwag kang mag-alala,” he said assuringly.Marahas na napabuntong hininga si Maxwell habang pinapasadahan ng tingin ang maganda at maalindog na babae. Tila pinabibilis nito ang pintig ng kanyang puso.He never loved her, but something stirred within him—an ache, a pull—as if her beauty were poison, and he had already taken the fatal sip.Pinakasalan n'ya lamang ito para gamitin at kunin ang yaman nito. Bakit bigla itong gumaganda sa paningin niya? Simple ang suot nitong kulay crema flowing gown, pero hapit sa katawan, magaan din ang make up nito at nakapusod ang kulay kastanyas nitong buhok na iniwan ang ilang hibla ng buhok. Nasa tabi nito ang tiyuhin n'yang kinamumuhian niya. Namuo ang suspetsa sa kanyang dibdib. Paano, saan at kailan nagkakilala ang mga ito? At ano ang totoong intensyon ng babaeng ito? Gusto yata s'yang paghigantihan?Natuod s'ya nang magsalubong ang kanyang mga mata. Sandali silang nagtagisan ng tingin hanggang gumuhit ang nakaka-uyam nitong ngiti sa mukha. Kumurap s'ya't napauwang ang bibig nang may huma
Sunod-sunod na napabuntong hininga si Cecelia habang nakatayo sa dambuhalang double door ng De Silva Estate. Gaya ng sinabi ni Magnus ay dadalo s'ya kasama ito. Kanina pa pinipigilan ang gumagapang na kaba, sandali s'yang naghintay sa binata dahil may tumawag dito.Nanginginig ang kamay niya nang hinawakan ang gold handle ng pinto. Malaki ang duda n'ya na mawawalan s'ya ng ulirat kapag haharapin muli ang pamilya ng dating asawa. The truth is they're not in good terms, his ex-husband's family hate her so much! Minamaliit s'ya noon dahil isa s'yang bulag kaya malamang isa ito sa nag-trigger kay Maxwell na pagtaksilan siya. She never actually saw their faces, so this is her first time seeing them."Are you ready?" Muntik s'yang tumikso sa malalim na boses ni Magnus. Tapos na pala ito at saka n'ya nalaman na nakaabrisyete ang mga kamay nilang naglalakad papasok sa loob."Baka hindi ko kaya," nakayuko niyang bulong.Naningkit si Magnus. "Ano ba'ng hindi mo kaya?" Pet peeve niya kasi ang m
Mahinang napatikhim ang Dad niya pero wala na itong pakialam kung ano ang pinanggagawa niya sa buhay. Pero takot siya na baka pagalitan siya ngayon. Namula si Cecelia. Wala siya maalala sa hitsura ng lalaki pero naalala siya nito kagabi kaya sigurado s'yang ito ang naka-one night stand niya. "Sumusobra ba ang kagwapuhan ko kaya natutulo na ang laway mo?" biro nito. She flinched. Sekreto s'yang nainis sa pagiging mayabang nito. Malamang sa iba ay gwapo na ito subalit para sa kanya ay pangkaraniwan lamang ang mukha nito. Common na ito sa pinapanood niyang telenovela. Simula kasi noong nakakakita s'ya ay nakahiligan na niya itong panoorin. Ang masasabi niya rito ay parang si Leonardo di Caprio ito noong bata pa. Hinipo n'ya ang gilid ng bibig. Sumimangot s'ya nang malaman na nagbibiro ito. "You can sit, Miss Raymundo," anito. Napakurap siya at laglag ang panga na umupo sa bakanteng upuan. Sumunod na umupo ang Dad niya. "This is my first-born daughter, Cecelia Raymundo,
Two years later Nasasabik na sinalubong si Cecelia ng nakakabata niyang kapatid na si Chiara. Matapos ng matagumpay na cornea transplant noong nakaraang taon ay nakikita siyang muli. Malaki ang pasasalamat niya kay Doctor Greyson. Pagkatapos ng operasyon ay nanatili pa siya ng matagal doon upang kompletuhin ang healing process. Naging magkaibigan din sila ng doctor at regular itong nagtatanong ng kalagayan niya. Kalalapag niya lamang sa airport ay muli itong nag-tex. Binalik niya sa ba ang cellphone para salubungin ng yakap ang bunso nilang kapatid na autistic. “Na-miss ka talaga ni Ate!” aniya. “Ako rin po, ate. Na-miss po kayo ni Chiara.” Pinupog siya ng halik. “As a promise…” may nilagay siyang keychain sa palad nito. “Ang paborito mong statue of Liberty.” “Wow! Thank you, Ate!” Niyakap siya ulit. Para itong pusa na naglalambing. Lumuwag ang tawa niya nang makita ang daddy niya. Sa excitement nito ay ito rin mismo ang personal na sumundo sa kanya. Kumalas siya kay Chiara at
“H’wag mo kong gawing tanga, Cecelia. Pinaplano mo ba’ng pahiyain ako sa ibang tao?” Lumakas ang boses ni Maxwell. “Wala kang ebidensiya na may babae ako. Ginawa mo lang ito para makuha mo ang kompanya!”Taimtim niyang pinanlisakan ito ng tingin kahit bulag s’ya. “Kailan ba kayo nagsimula maglampungan ni Valentina? Ha, sabihin mo!”Natigilan ito. Nagulat ang madla at nagsimulang magbulungan. “Sa dami ng babae sa mundo, ang kaibigan ko pa talaga!” dugtong niya.“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Pinagbibintangan mo ako para makuha mo ang gusto mo. Kung alam ko lang na ganito ka sana matagal na kitang pinaghiwalayan!”“Pero hindi mo ginawa dahil gusto mong kunin ang kompanya at ipapatay ako sa Hawaii!” Buong pwersa niyang sigaw para marinig ng lahat.Lumapit ang mga magulang niya. Sumama ang mukha ni Maxwell, di na maitago ang galit. “H-Hindi totoo ang sinasabi mo!”“Bitawan mo ko! Simula ngayon wala ka ng papel sa buhay namin ng anak mo! Ako na lang ang magpapalaki sa kanya!” Humagal
Bago dumating ang araw ng bakasyon nila sa Hawaii ay dumating muna ang araw ng 59th founding anniversary ng kompanya ni Cecelia. May-ari ng maraming hotel at resort ang kanilang pamilya at sikat na sikat ito, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Bilang heiress ay inaatasan siyang dumalo kasama ang asawa. Suot ang niregalong gown ng asawa niya ay pumasok sila sa bulwagan ng banquet. Kulay pula ang kanyang damit na medyo hapit sa katawan, pinaresan niya ng gintong stiletto at gintong mga alahas, pulang-pula rin ang kanyang lipstick at nakalugay ang itim at maalon na hanggang balikat na buhok. Excited si Maxwell dahil ito ang araw na iaanunsyo ni Mr. Raymundo ang magmamana ng kompanya nito at umaasa siya na sa kanya mapupunta dahil siya ang panganay na manugang. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may pinaplanong masama si Cecelia na ikakagulat niya mamaya.Binati sila ng lahat nang pumasok sila sa loob. Puro sikat at maimpluwensiyang businessmen ang mga bisita nila. Ito ang mga