Home / Romance / The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight / Chapter 1: Blinded by His Love

Share

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight
Author: Winter Red

Chapter 1: Blinded by His Love

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-07-22 17:33:07

“Congratulations, Misis, you’re four weeks pregnant,” bati ng doktor.

Matagal bago maproseso ni Cecelia ang narinig. Hindi s’ya makapaniwala na mabubuntis siya matapos ang tatlong taon na maging asawa ni Maxwell De Silva. Akala n’ya wala na talagang pag-asa pero hindi n’ya inaasahan na makatanggap s’ya ng magandang balita sa araw ng 3rd wedding anniversary nila.

Pinaskil n’ya sa mukha ang matamis na ngiti habang hinihimas ang maliit na umbok ng tyan.

“Pero maselan ang inyong pagbubuntis. Kailangan niyong mag-ingat, take some vitamins and a lot of bed rest,” dugtong nito.

Sa katunayan ay nakahiga s’ya sa kanyang malambot na kama. Nahimatay s’ya kaninang umaga habang tinutulungan magluto ang kasambahay nila.

“Opo, doc. Naiintindihan ko. Maraming salamat po,” tugon niya, halos maluluha sa sobrang tuwa.

Pagkaalis ng doktor ay kumislot s’ya nang maramdaman ang banayad at mainit na kamay na dumantal sa kanyang tyan. Hindi n’ya ito makita dahil bulag s’ya pero alam niya kung sino ‘yon.

“Vale,” anas niya. “I can’t believe this. Finally! God is really helping me.”

Narinig niya ang mahinang bumungisngis nito pero para bang nang-uuyam. “I-I’m happy for you. Makikita mo na rin ang lahi mo kay Maxwell… opps, I forgot, bulag ka pala. Pero besh, masaya talaga ako. Congratulations!”

“Salamat, Vale saka salamat din dahil hindi mo ako iniiwan. Kung wala ka hindi ako aabot dito.” Nagsimulang umagos ang mga luha niya.

“Ay, ano ba? ‘Wag ka nga’ng emosyonada d’yan pati ako dinadamay mo sa paiyak-iyak mo eh. Well, dapat mo na itong sabihin sa asawa mo, ok?”

“Yes, yes, of course! Siguradong matutuwa s’ya kapag malaman niya na may anak na kami!” Malapad ang ngiti niyang ginagap ang kamay ng kaibigan. Subalit bigla nitong binawi.

Tila may iba s’yang nararamdaman kaya bigla siyang nagdududa kung totoo ba ang pinapakita nito ngayon.

Narinig n’yang hinatak nito ang silya at umupo sa tabi ng kama. “Tatlong taon din ang tiniis mo para mangyari ‘yan!”

“Salamat sa payo mo. Hindi ko alam na magaling ka pala'ng mang-akit,” natatawa n’yang wika sabay pahid ng mga luha.

“That’s my expertise, but no one stayed on me. Maswerte ka nga dahil may asawa kang mapagmahal at loyal. Minsan naiinggit na ako,” biro nito.

Tumawa s’ya sabay punas ng mga luha. “Mahahanap mo rin ang the one mo at mas loyal pa ‘yon sa asawa ko.”

“Sana nga magdilang anghel ka.”

“Vale! Gusto ko ikaw ang magiging ninang ng anak ko. Okay ba ‘yon?”

Matagal bago ito sumagot. “Okay na okay! I will be her or him second mother soon,” pagpayag nito. 

Hindi n’ya maipaliwanag ang abot-langit na katuwaan ngayon. Sana ang anak niya ang magiging paraan para hindi na magiging malamig ang asawa niya sa kanya. Matagal niya itong tiniis, binigay ng buong-buo ang sarili at hindi pumapalya na pagsilbihan ito. Pinakita niyang hindi handlang ang pagiging bulag para hindi s’ya mahalin ng asawa niya.

Sandaling nanatili ang kanyang kaibigan at nagkwentuhan sila ng mga masasayang karanasan noong nag-aaral sila sa kolehiyo.

Kinahapunan, hindi niya kaagad nasabi dahil nakaidlip s’ya at namalayan niyang wala na ang kaibigan niya sa kanyang tabi. Matapos s’yang kumain ng late niyang tanghalian ay naisipan niyang puntahan ang asawa sa study room nito. Sabado ngayon kaya siguradong nasa bahay nila saka mamaya ay ise-celebrate nila ang wedding anniversary. Marami s’yang hinanda na sorpresa at siguradong magugustuhan nito. Pero mas matindi ang unang sorpresa n’ya.

Wala s’yang problema sa pagpunta sa study nito dahil kabisado na niya ang daan. Nasa cloud nine ang isipan n’ya nang pinahinto s’ya ng matinis na ungol. Umalingawngaw iyon sa buong pasilyo. Bumilis ang tibok ng puso niya sanhi para mapahawak s’ya sa pader.

“M-Maxwell?” tanong niya. “Maxwell ikaw ba ‘yan?”

Walang sumasagot kaya pinatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makapkap niya ang pintuan na gawa sa mahogany. Bahagya iyong nakasiwang pero lalong lumalakas ang ungol at halinghing ng babae na nasa loob.

Nalaglag ang puso n’ya nang marinig ang pamilyar na boses ng dalawang tao. Galit na nag-uusap habang habol ang mga hininga saka sinundan ng mga salpukan ng katawan at parang mga tunog ng halik.

Ginapang ng lamig ang batok niya, parang tatakas sa lakas ng kabog ng puso niya sa rib cage niya at nangatog ang mga tuhod n’ya.

“Kailan ba ako magiging legal wife mo? Naiinip na ako, Maxwell… ah! Pinaliligaya naman kita araw-araw ha! Uhmm… make her disappear na!” usal ni Valentina sa ilalim ng hininga.

“Just be patient, babe. Malapit ko ng dispatsahin ang bulag na iyan. You’re wait will be over,” tugon ng asawa niya saka nahihirap huminga na tila may tinutulak.

“Aahh, babe… fvck me harder! I really miss you!” Pagkasabi nito ay sinundan ng ingay na naghahalikan.

“I miss you too, babe. Balang araw ay malaya na tayong magagawa ang gusto natin. Sa darating naming vacation sa Hawaii, isasagawa ko na ang plano. You’ll be my one and only later!”

“Ahh! That’s why I like you, babe! You always do everything for me. I’m so lucky.”

“Of course, because I love you!”

“More than her, right?” malandi nitong tanong.

Bumuga ito ng hangin. “I never loved her, you know. I’m just doing this for our business. Ngayon na nakuha ko na ang gusto ko ay buburahin ko na siya sa buhay ko.”

Tinutop niya ang bibig. Kahit hindi n’ya nakikita ay alam niya kung ano ang nagaganap. Isang nakakadiri na eksena. Nakakasuka. Subalit hindi niya mapagkakaila na sinasaksak  ng milyong-milyong punyal ang kanyang dibdib. Parang gusto niyang maglaho. Hindi s’ya gumawa ng ingay para hindi maistorbo ang dalawa. Dahan-dahan s’yang umatras. Sumisikip ang dibdib habang umiiyak.

Nanginginig sa lungkot, sa sakit at sa galit. Sa araw ng wedding anniversary nila ay hindi lang good news ang matatanggap niya kundi bad news din. Hindi lang s’ya bulag kundi tanga rin!

Pinagtatakasilan siya ng kanyang asawa at ng kanyang bestfriend! Kailan pa ba ito nagsimula?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ellainef06
more more pa po!
goodnovel comment avatar
Winter Red
ihanda niyo na ang inyong puso dahil manakit ito, slight. Parang kagat ng dinosaur hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 69: Catch the Arsonist

    Kanina pa pumaroon at parito si Lucrezia. Nakatangas nga siya sa pinangyarihan ng sunog pero alam niyang tutugisin siya ng mga pulis dahil may matibay na ebidensiya si Cecelia. Wala siyang ideya kung paano at saan nito nakuha. Natural pumasok siya sa lungga ng kanyang kaaway at maraming mga mata ito. Sa kagagawan niya ay madadamay si Valentina–ang minamahal niyang mangugang.Nanginginig siyang kinuha ang cellphone, mabilis na pinindot ang video call. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang manugang. Malapad ang ngiti na tila wala kamuwang sa mundo habang pinapadede ang anak. Lumalaking malusog ang kanyang apo at natatakot siya na baka hindi na ito masisilayan habang buhay.“Mom, what’s wrong?” Medyo garagal ang boses nito dahil mahina ang signal pero halata sa mga mata na batid nito ang pinagdadaanan niya.Matagal bago niya sinagot. “I-I don’t know. What if huhulihin nila ako. Wala pa naman ang dad mo. Walang tutulong sa akin.”“Bakit naman kayo huhulihin kung di kayo guilty. ‘Wa

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 68: The Culprit

    Pinasuot ni Magnus kay Cecelia ang kanyang coat jacket nang buhat s’ya nito palabas ng hotel. Mabilis s’yang inagaw kay Louie kanina at muntik pa’ng magsapakan ang dalawa. Gusto n’yang bulyawan ang asawa kaso napuno ng usok ang kanyang lalamunan hanggang baga. Samantala ngayon, masikip ang dibdib niya, parang tinutusok ang puso niya, nangagalaiti siya sa kalaspatangang ginawa sa kanyang pinaghirapan at puno ng determinasyon ang kanyang isipan na dalhin sa bilanguan si Lucrezia at Valentina. Sana ito na ang magiging katapusan ng mga ito.Nagdatingan din ang mga bombero, rescue team, mga pulisya at iba pang media practitioner. Simula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga ay magiging laman sila ng balita. Saglit niyang sinilip ang natutupok niyang bagong rinnovated na hotel. Humigpit ang pagkapit niya sa batok ng asawa, saka sinubsob ang ulo sa balikat nito. Nanginginig siya sa magkahalong lungkot, hinayang, takot at galit. Sa tinding ng emosyon ay di na namalayan na nahimatay siya.“Cece

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 67: Arson

    Sinira ng dalawa ang magandang gabi ni Cecelia. Talagang sinadya na dumalo para maghasik ng lagim. "Oh, it's nice to see you here, my beloved friend. Don't worry, hindi ko naman sasaktan ang biyenan mo. Binabalak ko pa lamang ikutin ang ulo niya. Salamat dumating ka para iligtas siya," pang-uuyam niya.Umasim ang mukha ni Valentina. "Ang sahol mo! Sino ka ba sa inakala mo? Porket naasawa mo lang si Magnus ay namamataas ka na!"Inangat niya ang kamay at pinaglapit ang hintuturo at hinalalaki. "Kunti na lang, Valentina. Kapag mawala itong pasensiya ko, ihanda mo na sarili mo dahil puputulin ko yang dila mo! Hindi lang iyon, ibabalik kita sa lansangan kung saan ka nangaling." Nakataas ang kilay niyang umikot-ikot dito. "Huwag kang makampante dahil may katapusan ang lahat! Babawiin ko ang inagaw mo sa akin!"Tinawanan siya dahilan para lingunin sila ng lahat. Wala silang takas ngayon dahil nandito ang iilang media personnel. "Ilusyunada na ka pa rin eh 'no? Ba't hindi mo matanggap na a

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 66: Damn Woman

    Nakahinga ng maluwag si Cecelia matapos ang mahaba at mainit na pagbati sa kanyang bisita. Binalewala niya muna ang mga asungot. Tinapos ang cutting of ribbon ceremony at inaugaration speech. Saka sandali siyang nagpaalam para mag-retouch ng kanyang make up. Para siyang nalalantang gulay. "Where's that bitch? Nauubusan na ako ng pasensiya!" naiiritang wika ni Valentina. Kahit na nasa loob siya ng cubicle ay alam niyang iyon ang kaibigan niya. Humaba ang nguso niya habang pinapakinggan ang usap ng dalawa. "Oh, relax. Magkakaroon pa tayo ng pagkakataon. Di pa naman tapos ang gabi. Magagawa rin natin ang gusto nating gawin," pampakalma nito. Bigla niyang naisipan na i-record ang usapan ng dalawa, malakas ang kutob niya na may gagawing kalokohan ang mga ito laban sa kanya. Kinuha niya an saka pinindot ang vioce recorder. "Heto na nga kaso kinakabahan ako. Itutuloy mo talaga ito. Sayang naman ang hotel." Bumakas sa boses nito ang pag-alinlangan. "Iyon lang ang tanging paraan

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 65: Fairytale Party

    "You're so beautiful tonight," bulong ni Magnus sa tenga ng kanyang asawa. Kanina pa siya nagtitimpi subalit likas itong nakakaakit. Pinisil nito ang braso niya."Nililinlang ka lang ng mga mata mo," hirit nito. Pumalatak siya at napahugot ng malalim na hininga."Galing sa puso ko ang sinasabi ko. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Kunwari nagtatampo siya. Nakaabresite silang binabagtas ang carpeted floor ng hotel nito.Inipit ni Cecelia ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tenga. Nakalimutan niyang nakaayos pala ang mukha niya at masisira iyon kapag ginulo niya. Naaasar kasi siya sa pagiging malandi ni Magnus. Sa katunayan, na-flattered siya. Hindi niya pinakita dahil natatakot siyang malaman nito na nahulog siya sa patibong nito.Umaangat ang dulo ng labi niya nang masilayan ang mala-fairytale na dekorasyon ng pinakamalaking bulwagan ng hotel. Tila may pumapatak na kumikinang na mga luha mula sa kisame. Sumasabog na parang bahaghari ang kinang ng chandeliers na sumasayaw sa makinta

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 64: Dress in Red Wine

    Samantala, ilang araw ng pabalik-balik sa isipan ni Cecelia ang ginawang kalokohan ng kanyang asawa. Aba! Naging headline siya sa tsimis dahil sa iniwan nitong chikinini sa leeg niya. Dinagdagan pa ng panunukso ng kanyang kaibigan. Matapos niyang bisitahin ang hotel ay agad siyang umuwi para sa maghanda sa inaugaration party. Sumalpok ang kilay niya nang masalubong ang di kilalang mga tao pero ayon sa pananamit ng mga ito ay tila mga fashion stylist. Kasama ang bagong recruit niyang personal assistant na si Ginger Flores at ang body guard Graziano ay maingay silang pumasok sa loob. "Sino-sino kayo at sino ang nagpapasok sa inyo rito?" tanong niya, sandaling pinakalma ang sistema. "I'm Messy, personal stylist ni Sir Magnus. Pinatawag po ako rito para tulungan kayo sa susuotin niyo ngayong gabi," magalang nitong pakilala sa kabila ng pagiging mataray niya. Lumambot ang mukha niya. "Tsk! Nag-abala pa siya. Hindi ko na kailangan—" Huminyo siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status