Home / Romance / The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight / Chapter 3: His Excitement to Die

Share

Chapter 3: His Excitement to Die

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-07-22 17:34:38

Bago dumating ang araw ng bakasyon nila sa Hawaii ay dumating muna ang araw ng 59th founding anniversary ng kompanya ni Cecelia. May-ari ng maraming hotel at resort ang kanilang pamilya at sikat na sikat ito, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Bilang heiress ay inaatasan siyang dumalo kasama ang asawa. 

Suot ang niregalong gown ng asawa niya ay pumasok sila sa bulwagan ng banquet. Kulay pula ang kanyang damit na medyo hapit sa katawan, pinaresan niya ng gintong stiletto at gintong mga alahas, pulang-pula rin ang kanyang lipstick at nakalugay ang itim at maalon na hanggang balikat na buhok. 

Excited si Maxwell dahil ito ang araw na iaanunsyo ni Mr. Raymundo ang magmamana ng kompanya nito at umaasa siya na sa kanya mapupunta dahil siya ang panganay na manugang. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may pinaplanong masama si Cecelia na ikakagulat niya mamaya.

Binati sila ng lahat nang pumasok sila sa loob. Puro sikat at maimpluwensiyang businessmen ang mga bisita nila. Ito ang mga tipong low-key lang pero milyon-milyon ang kita araw-araw. Kaibigan ito lahat ng ama n’ya.

“I’m happy to see you here, my dear,” bati ng Ginang na sa palagay niya ay tita niya. Naiwan siyang mag-isa sa tabi dahil umalis ang asawa kasama ang ama niya para makipag-usap sa ibang bisita.

Ginagap nito ang kamay niya. “Matagal din tayo hindi nag-uusap. Kamusta na ang mga pinsan ko?”

“Hayun, wala ng oras magka-lovelife dahil subsub palagi sa trabaho.”

Nagtawanan sila at saglit na nagkwentuhan. Mayamaya’y nagtanong ito. “Tama ba ang balita ko na ipapasa ng dad mo ang kompanya sa asawa mo?”

“Tama na ipapasa niya pero hindi ko alam kung kay Maxwell talaga. Auntie, may kilala ka bang mahusay na ophthalmologist?”

“Hindi ako sigurado pero parang meron doon sa US. Sa wakas na isipan mo na rin magpa-opera. Ah, may naalala akong doktor, siya si Ambrose Greyson. Magsabi ka lang, ko-contact-in ko siya agad.”

“Salamat po, Auntie.”

Ilang sandali ay umalis na ito. Kumain muna s’ya ng ilang apperatives nang maramdaman ang pamilyar na presensiya.

“Cece, how’s the baby?” bati ni Valentina.

Malamig niyang sinagot. “Ok naman, bakit?”

“Nasabi mo na ba sa kanya? Ano ang reaksyon ni Maxwell? Siguro masaya siya, ‘di ba?”

“Malamang,” naiinip niyang sagot saka tinalikuran ito.

“Hey, why are you like that? Did I offend you about something?” Pinigilan nito ang kamay niya.

Sobra ba sa offend, ahas ka! “Bitawan mo ko, mood swing lang ito,” rason n’ya. Winaksi niya ang kamay nito saka naglakad  palayo pero sinusundan pa rin siya.

“Nag-aalala lang ako sa’yo, Cece. Kumain ka na ba? Gusto mo kunan kita ng food. Madali kasi magugutom ang mga buntis eh—”

“Ah, ‘wag na! Baka mamaya may lason pa ‘yan,” putol niya. 

“Ba’t naman kita lalasunin? Wala ka na bang tiwala sa akin ngayon? I'm a loyal friend and I’ll do everything for your good, Cece.”

Umigting ang panga niya. “Kung loyal friend talaga kita, pwede layuan mo muna ako? Wala ako sa mood ngayon para makipag-usap sa’yo.”

Bigla itong suminghap at parang naiiyak. “Nandito ako para samahan kita pero ba’t mo ako pinagtatabuyan?”

“H-Hindi kita pinagtatabuyan? Ano bang pinagsasabi—”

“What the hell is happening here?!” Galit na boses ni Maxwell ang pumutol sa pagsasalita niya. Kasama nitong dumating ang kapatid nito. Nag-aalala itong lumapit kay Valentina at inabutan ng panyo.

“Pinagtatabuyan kasi ako ni Cece. Gusto ko lang naman s’ya samahan…” madrama nitong wika.

Sumalpok ang kilay ni Maxwell at may kalamigan sa tono. “Why did you do that? Gusto lang naman niyang alalayan ka! Maraming tao ngayon dito kaya baka mabangga ka nila!”

“Kahit bulag ako, malakas ang sensasyon ko sa paligid. Alam ko kung may taong babangga sa akin saka hindi ko naman siya pinatatabuyan. Sinabi ko na layuan niya muna ako kasi wala ako sa mood,” giit n’ya.

“Huwag kang umasa na ipagtatanggol kita dahil mali ang ginawa mo! Where’s your manners? Nasa publiko tayo at ayusin mo ang pananalita mo!”

Magsasalita sana siya pero dumating ang ama niya. “What’s happening here, Cece?”

“Wala, dad. Talagang mainit lang ang ulo nila sa akin dahil sinabayan nila ang pagiging bad mood ko. Pwede mo ba akong samahan, dad?” rason niya saka inangkla ang kamay sa braso nito.

Matalim na tiningnan ni Mr. Raymundo sina Maxwell at Valentina bago sila umalis.

Makalipas ng ilang sandali ay nakatayo na sa stage ang ama niya at masayang nag-aanunsyo hanggang sa dumapo ang usapan sa pag-tu-turn over nito ng kompanya sa bagong CEO.

“Marami sa inyo ang naging bahagi sa paglago ng aming kompanya. Subalit darating talaga ang panahon na ipapasa ko na ito. Matapos kong pag-isapan ng mahabang panahon ay may tao na akong mabibigyan nito.”

Nagtinginan ang mga board member, shareholders, at empleyado dahil inaasahan nilang kay Maxwell mapupunta ang kompanya. Lumawak ang ngiti nito. Tahimik lang si Cecelia pero bigla siyang umakyat sa stage at inagaw ang mikropono sa ama.

“Ang susunod na Chief Excutive Officer ng ang aking kompanya ay walang iba kundi…ako… si Cecelia De Silva. Ang panganay na anak ni Henry Raymundo,”

Sandaling natulala ang lahat pero mabilis na pumailanglang ang palakpakan ang buong bulwagan. Tila gumuho ang mundo ni Maxwell, nanginig siya sa hiya at galit. Umuusok ang ilong at gusto ng sugurin ang asawa.

“And one more thing — I think it’s only fair to be honest. Maxwell De Silva and I are finalizing our annulment. Why? Because apparently, one woman wasn’t enough for him,” dugtong niya.

Lumakas ang bulungan ng mga tao. Natulala ang mga magulang niya at naging bato si Maxwell sa kinatatayuan nito. Kinindatan pa niya bago bumaba ng stage.

Hinuli siya kaagad at mahigpit na pinisil ang kanyang braso. “What’s this? Y-You? Why are you doing this??!” pabulong nitong sabi pero madiin. “Anong pinagsasabi mong may babae ako kaya gusto mong makipag-annul? Nababaliw ka na ba?”

“Let me go, there’s no need to explain why. Alam mo na ang sagot, ‘di ba?” Sinubukan niyang tulakin ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ellainef06
punyetang Valentina!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 151

    Erica~ I quit. I quit being manipulated by the man. I'm not sure if I also have feelings for him. Walang kasiguraduhan. Basta ko na lamang binigay ang sarili na inaakala kong liligaya ako sa piling niya. Langit siya at lupa ako. They are like a polished diamond: kumikinang, mamahalin. Samantala ako, isang patay na bato: walang buhay, walang value. Bakit ko naman ipagsisikan ang sarili ko sa mundo nila? Hindi naman ako si Sanchai na ipaglalaban ni Daomingxi sa pamilya niya. Alam kong nadala si Tyrone sa obsession niya at gusto lamang akong paglaruan. Mabilis akong lumayas ng sa bahay niya at lumipat sa probinsiya. Mabuti na lamang ay nagkataon na lilipat kami sa Baler, Aurora. Malayong-malayo ako sa Maynila, tahimik akong nag-aaral at nagpa-part time job sa isang coffee shop. Natutu akong gumawa ng milk shake, frappe at bubble tea. Anim na buwan na rin ang nakalilipas. Kontento, komportable at maginhawa ako ngayon. Winala ko rin ang contact kina Cassie at Francesca kasi baka

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 149

    Erica~ Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinagsasampal ang pisngi ko. I still can't believe what happened to me after that cruiseship tour. Tatlong araw na-feel kong nasa impyerno talaga ako, matapos mag-confess ni Tyrone ng feelings niya ay parang linta kung dumikit. Pinagmamayabang niya na kami na raw pero di ko pa siya sinasagot. Jusme! Naiilang akong harapin ang mga kaibigan ko, mga kaibigan niya at ibang mga tao—lalo na ang mga parents niya. Sabi ng Mama niya ay hindi na raw ako magtatrabaho bilang maid kundi magbubuhay prinsesa na. Malaya akong makakauwi sa bahay at pumasok sa eskwela pero of course, nakatali ako sa tabi ni Tyrone. Binigyan niya ako ng bagong smartphone at hindi na di-keypad phone ko. Niregaluhan niya ako ng magagandang damit, pinakain ng masasarap na pagkain at libre sakay palagi sa mercedez benz. Bigla akong nagbuhay mayaman pero hindi ko ito deserve. Nunca akong nagtapat ng totoo kong nararamdaman. Nalilito ako. Naawa sa sarili ko. Hindi ko nai

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 150

    Tyrone~ Kung gaano ka bilis na-develop ang pagtingin ko kay Erica ay gano'n din ka bilis ang naging kami. Pinagtapat ko ang feelings ko at pumayag siyang maging girlfriend ko. Unti-unti akong nagbabago at sinisikap kong maging mabuting tao sa harap niya at sa iba. Sabi nila nagiging tupa na raw ako, di na lion. Masarap din sa pakiramdaman kasama ang babaeng mahal ko. Kung pwede ko lang siya itali eh, ginawa ko na pero nirerespeto ko ang freedom at privacy niya. Kinikontrol ko ang sarili sa pagiging obsess at di na nagseselos sa kaibigan niyang si Liam. Nabawasan rin ang mga babaeng sumusunod sa akin at nabuwag ang fandom na binuo niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng kalayaan sa piling niya. "Salamat sa damit, pero hindi ako kompartable,"reklamo niya. Naasar ako sa pagkakamot niya ng braso. Halatang hindi siya sanay sa sleeveless. "Suotin mo 'yan ngayon. Bibilhan na lang kita ng iba bukas. Saka mali-late na tayo sa potlock party,"sabi ko sabay kabig ng beywang niya. "Ty nahi

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 148

    Ty~ Noong nalaman ko na tutungo si Erica sa Neuveu Cruiseship ay agad kong binili ito gamit ang tatlong taon kong savings. Salamat na lamang ay medyo mura nasa 50 million, wala 'yon sa kalahati ng ipon ko. Inimbitahan ko sina JK at Min para hindi maging boring. Plano ko rin naman na dalhin dito si Erica, at eksaktong nagkataon. Marahil ito ang hudyat upang ipagtapat ko ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko matiis na maging one-sided at hayaan siyang palibutan ng ibang lalaki. Ano pa ba ang ipagdududa ko sa nararamdaman ko sa kanya? Matapos ng mahabang pagninilay ay napagdesisyonan kong pag-ibig ang nararamdaman ko sa kanya. Iyong tipong gusto ko siyang makasama habambuhay. "Ty, ano'ng kalokohan naman ba ang binabalak mo?" Agaw-pansin ni Min kaya bumalik ako sa huwesyo. Hindi muna ako sumagot. Sinalpukan ko siya ng kilay habang abala siya sa pag-aayos ng tuxedo niya. Hinawi ko patalikod ang buhok bago siya nilapitan. "Tonight, I will confess to Erica,"sabi ko saka pinato

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 147

    Maingay at masigla ang mga tao sa paligid nang bumaba ako sa pyer. Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang tumunghay sa akin ang dambuhalang cruise ship. Kumikinang ang napakagandang barko sa malambot na liwanang ng araw sa umagang ito. Hindi ko inanda ang maingay na lagaslas ng alon sa pier at tanging dagundong ng puso ko ang naririnig ko. "Wow! Makakaya ko ba'ng sumakay rito?" Usal ko sabay hawak ng mahigpit sa bag. "Tatlong araw lang pero parang nakakatakot." "Wag ka nga'ng patawa d'yan,"ani Cassie. Saka ko namalayan na nasa tabi ko pala siya. Kailan kaya sumulpot sa tabi ko? Mataman ko siyang tiningnan. "Ano ba? Barko lang iyan. Hindi kakainin. Baka nga ayaw mo nang umuwi pagkatapos mo sumakay d'yan,"dugtong niya. Tumikhim si Francesca sa tabi ko. "Anak ng— Cesca? Kailan ka lang sumulpot?" Pinawindang pa ako. "Erica, just think of it as a floating hotel. It'll be fun! Saka nandyan kami kasama mo. Walang dapat ipag-alala,"aniya na tinaas ang suot na sunglasses. "Parang nagsisi a

  • The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight   Chapter 146

    Erica~Ang una kong ginawa sa umagang ito matapos makawala sa kamay ni Tyron De Silva ay ang hulihin si Liam. Hindi ko kayang mawala ang tanging kaibigan na nagpakita ng totoong ugali at sumasabay sa lahat ng kalokohan ko. Ora-orada akong nagpaalam kina Cassie at Francesca nang makita si Li. Tawag ako nang tawag sa kanya pero di lumingon hanggang sa humantong kami sa labasan ng eskwelhan."Li! Maawa ka naman. Nakikiusap ako, tumigil ka muna." Humihingal kong tawag.Bagamat nakatalikod alam kong galit siya—dalawang rason lang. Una sa boss ko, pangalawa sa di ko pag-inform na may gano'n aking boss. Nasabi ko lamang sa kanya na nagtatrabaho ako kay Ty matapos siya nitong bubugbugin kahapon kaya sumama ang loob niya at ayaw na akong kausapin. Tinukod ko ang dalawang kamay sa mga tuhod, pinahupa ang init at pagod na nararamdaman at pinalitan ng sariwang hangin ang baga."'No kailangan mo?" Paunang salita niya matapos akong lingunin.Medyo kinabahan ako pero dapat kong mag-sorry kasi ako an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status