Thank you for reading po :)
Napabuka ng bibig si Cecelia nang masalubong ang taong hindi niya inaasahang makita ngayong araw. Isang sulyap pa lamang niya kay Maxwell ay pumasok agad sa isipan niya kung ano ang parusang ihahataw ni Magnus mamaya sakali man malalaman nito ang magaganap ngayon. Walang imik niyang inabot ang elevator button para isara muli. Napuna niya ang paggalaw ng kanyang mga body guard. Apat na lamang ang natira dahil tinanggal na si Graziano. Ligtas na daw siya ngayon dahil nasa kulungan ang dalawa, namatay ang isa at tumatago ang isa. Sa kasamaang palad, nakawala sa kulungan ang isa. “Oh—Wait! Cecelia!” tawag ni Maxwell. Lumipad pa ang ilang tululot ng rosas nang pinigilan ng kamay nito ang pinto ng elevator.Ginulong niya ang mga mata.Naalerto ang kanyang mga bantay at handa ng atakehin ito ‘pag sasaktan siya. Bumukas pabalik ang pinto kasabay ng mahinang pagtahip ng kanyang puso. She’s not in the mood to entertain him partida na ayaw niyang gumawa ng gulo. Kung maaari lang ay dapat niyang
“Patay na si Valentina,” balita ng sekretaryo ni Maxwell. Kalalabas lang niya sa bilangguan matapos pikutin ang mga awtoridad. Binayad niya ang kahuli-hulihang natitira niyang kayaman at ngayon ay mahahantong na siya sa lansangan. Minasahe niya ang noo. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya—matutuwa, malulungkot o magagalit? Fvck this life! Yeah, galit siya kay Valentina pero ang mahantong ito sa ganoong sitwasyon—ang mamatay dahil sa tindi ng kasakiman, galit at inggit kay Cecelia. She doesn’t deserve it. Lumaki itong walang mga magulang, pamilya at kulang sa pagmamahal. Nabulag sa paniniwala na mamahalin ito ng lahat sa kabila ng masamang ugali nito. Tao lang si Valentina, at hangad din nitong lumigaya. Minsan din niyang minahal ang babae, ito ang pumuno ng pangungulila niya kay Cecelia. Nabibigay nito ang hindi kayang ibigay ng dati niyang asawa. Napoot lamang siya matapos malaman na gusto lamang siyang gamitin. Nahihirapan tuloy siyang tanggapin na namatay ito. “P
Pinawisan ng malagkit si Cecelia. Umabot na sa lalamunan ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nanlaki at nanginginig ang kanyang mga mata. Mariin kinagat ang mga labi. Halos takasan siya ng hwesyo habang hinahayaan ang sarili na tangayin siya ni Valentina. Hindi niya sukat akalain na isasakripisyo nito ang buhay para paghigantihan siya.Kinaladkad siya patungong exit. Naging bato ang mga empleyado niya. Walang magawa si Brylle kundi ang matulala. Sinubukan silang harangan ni Graziano kasama ang iba pa niyang body guards ngunit walang magawa. Tinutuk ng mga ito ng baril kay Valentina. Hindi natinag ang babae, sa halip ay lalong umapoy ang mga mata nito.“Sige! Subukan niyo kung ayaw niyong pasabugin ko ang tagiliran nito!” banta nito, matigas at puno ng lason ang boses.Sumusukong binagsak ng mga ito ang kamay hudyat para makatakas si Valentina. “Kung ano man iyang binabalak mo, huwag mo ng ituloy, Valentina. Nilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo!” kumbinsi niya. Sinikap na pal
Hindi pa rin mapigilan ni Cecelia ang uminit ang pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. Nawawala siya sa pokus imbes na atupagin ang trabaho at maging sabik sa tuluyang pagkakulong ni Maxwell. Huli na bago sumagi sa isip niya ang ginawa kahapon, umaasa siya na nataggap ni Maxwell ang mga litrato na pinadala niya. Pinaghirapan niyang kunin iyon. Binayaran niya ng mahal ang bastardong kabit ni Valentina para makakuha lang. Nag-away na ba ang dalawa? Kinasusuklaman na ba ito ni Maxwell? Inaabangan niya ang balita na nagpakamatay ang ex-bestfriend niya. Kapag nangyari iyon, siya na ang pinakamasayang avenger sa buong mundo!“Ma’am Cecelia,” pangugulo ni Brylle sabay siko sa kanyang braso.Awtomatikong gumuhit ang yamot sa kanyang mukha. “What?”&l
Nakababa ang kurtina dulot ng kadilim ng silid ni Valentina, mabigat ang hangin na may kasamang amoy kulob na pabango at malamig na kape. Nagkalat ang mga gamit niya sa sahig: mga pinunit na papel, basag na picture frame, at basag na mwebles. Walang ingay maliban sa wall clock, pero pakiramdam niya ay lalong bumabagal ang bawat segundo.Nakaupo siya sa sahig, yakap ang mga tuhod habang nakasandal sa sahig. Tanging puti at mahabang night dress ang kanyang suot. Nangangatog ang kamay niya, hindi sa lamig kundi sa mga bagay na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Iniisip niya na ilusyon lamang iyon. Hindi siya pinagtabuyan ng taong minahal niya ng lubusan.Muli siyang napahikbi nang maalala ang sinabi nito. Magang-maga na ang mga mata niya at wala na siyang luhang ilalabas. Pero dumudurugo pa rin ang kanyang puso. Pagod na siya magwala.
Mahaba ang nguso ni Cecelia nang nanaog siya bibit ang isang itim na kahon. Hindi niya kasi nagustuhan ang regalo sa kanya ni Magnus. Lumalampas na naman sa bakuran at may balak pang gawing intense ang laro nila sa kama. Natagpuan niya ang asawa sa bar counter, sa gilid ng infinity pool ng bahay nila. Tumutungga ng whiskey habang may kausap sa cellphone. Bagamat nakatalikod ay alam niyang may inaanda itong problema. Gusto niyang mang-usisa pero parang wala itong balak ibahagi ang problema nito.Magtatatlong buwan pa lamang silang naging mag-asawa, hindi pa niya buong kilala ito pero naiinis siya sa sarili dahil binigay niya ng buong-buo ang tiwalarito. Sana hindi maging si Judas. Alam niya ang ilang bahagi ng nakaraan nito. Namatay ang unang asawa nito pero tila bigla siyang nagseselos sa portrait painting nito. Binabalak niyang ipatapon iyon isang araw. Bukod doon, alam niya kung ano ang tra