ホーム / Romance / The CEO's Cold Ex-Wife / Kabanata 1 First Love

共有

The CEO's Cold Ex-Wife
The CEO's Cold Ex-Wife
作者: Maria Bonifacia

Kabanata 1 First Love

last update 公開日: 2024-06-06 20:01:38

“Bakit hindi ka pa bihis?” bungad ni Daddy Alfredo ng pumasok ito sa kwarto ni Isabella. Nagulat pa siya dahil ito ang unang pagkakataon na sinilip siya ng ama sa kwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din nito nakakalimutan na siya ang dahilan ng pagkamatay ng ina. Kaya malamig pa din ang pakikitungo nito sa kanya. Kung minsan nga ay sumasagi sa isip niya kung anak nga ba siya ng ama. Ngunit hindi maipagkakaila dahil kuha niya ang hugis almond nitong mata. Ang matangos na ilong at mapulang labi ay namana niya sa ina na tanging sa larawan lang niya nakita dahil namatay ito sa panganganak sa kanya. Hindi niya masisi ang ama dahil alam niyang sobrang sakit ang pinagdaanan nito sa pagkawala ng ina.

"Dad, parang ayokong umatend sa birthday party ni Jace,” mahinang sabi niya.

“Huwag ng madaming arte, kaya kita binili ng mamahaling damit at alahas ay para maakit mo ang tagapagmana ng mga Malvar. Hihintayin kita sa labas,” matatag at pinal nitong sabi.

Wala siyang nagawa kundi mag-ayos at sumunod sa ama. Ayaw niya itong magalit. Ngayon nga lang siya kinausap at ibinili nito ng gamit kaya masaya siya.

Maraming tao sa bakuran ng mansion ng mga Malvar. Bigla siyang naalangan. Puro mayayaman at nasa alta sosyedad ang mga bisita. Pinilit niyang tumayo ng deretso. Alam niyang mamahalin ang suot niya mula ulo hanggang paa. Na pawang binili ng ama na ikinagulat niya dahil alam niyang lubog ito sa utang mula ng nalulong sa casino. Maging ang sinabi nitong akitin niya si Jace ay palaisipan sa kanya. Desperado na ba ang ama at pati siya ay balak nitong gamitin para sa pansariling kapakanan?

Hindi naman siguro magagawa ng ama niya ang ganoong bagay. Kahit pa alam niyang may malaking utang ang ama kay Don Ricardo. Ito ang tumubos sa bahay at lupa nila bago pa mailit ng bangko. Magkaibigan ang dalawa mga bata pa lang at magka-klase mula elementary hanggang kolehiyo. May mga pinasukang negosyo ang ama na nalugi hanggang malulong sa sugal at nalubog na nga sa utang. Nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Sinalubong sila ni Don Ricardo na makisig pa din sa kabila ng edad nito at ni Donya Carmelita na ang angking ganda ay hindi kumukupas. Ang mag-asawa ay larawan ng isang masayang pagsasama.

“Alfredo, pumasok kayo sa loob. Napakaganda ng inaanak ko,” bati ng Don sabay halik sa kanyang pisngi. Maging ang Donya ay yumakap at humalik din sa kanya.

Isang kiming ngiti ang iginanti niya sa mag-asawa na parehong maganda ang pakitungo sa kanya. Madalas siyang anyayahan ng mag-asawa na pumasyal sa mansyon. Marahil ay naiinip din ang Donya dahil nasa bahay lamang ito at tanging ang garden sa maluwang na bakuran ang pinagkakaabalahan. Tinutulungan niya ito sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga roses and orchids. Talagang madalas siya sa mansyon para na din makita si Jace, ang kanyang first love. 

Maraming nagsasabing maganda siya, namana daw niya sa kanyang ina. Hugis puso ang kanyang mukha, makipot at mapula ang kanyang labi at expressive ang kanyang mga mata na may mahaba at makapal na pilik-mata. Kailangan lang niya ng konting diet. At dapat daw hindi puro t-shirt at maong ang isinusuot niya. Ngunit sa ganoong damit siya kumportableng kumilos. Kaya nga ngayon ay asiwang asiwa siya sa suot na off-shoulder dress at five-inch stiletto na tila anumang oras ay matutumba siya dahil puro rubber shoes ang madalas niyang gamitin. Gayunpaman, bago siya umalis ng bahay kanina ay kuntento siya sa nakitang repleksyon sa salamin.

At eto na nga ang eksenang ayaw niyang makita. Si Maecy, nakayakap sa mga braso ni Jace na animo sawang nakalingkis sa puno ng mangga. At napangiwi siya sa suot nitong red dress na masyadong maiksi na kitang kita ang mga hindi dapat makita.

“Batiin mo si Jace,” bulong ng ama sabay tulak sa kanya palapit sa binata.

"Jace, happy birthday."

Araw-araw niyang nakikita ang binata ngunit palaging kumakabog pa din ang dibdib niya. Lalo ngayon na sobrang gwapo nito sa suot na coat and tie. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito.

"Thank you,” sabay halik sa kanyang pisngi.

Muntik siyang himatayin sa kilig, pisngi lang yun, edi lalo na kung sa labi. Sinaway niya ang sarili sa naisip. At si Maecy ay nakasimangot ng todo at panay ang irap sa kanya. Hindi siya nagpaapekto.

"Kumain na po kayo,” anyaya ng binata.

"Sige Hijo, harapin mo na ang na mga bagong dating. Huwag mo kaming intindihin,” nakangiting sabi ng kanyang ama.

Umalis na ito upang asikasuhin ang mga bisitang nagsisidating.

Naging kabagot-bagot ang gabi. Pasulyap sulyap lang siya sa mga bisita. Nagsimula na ang sayawan ng mga kabataan. Sumasakit na ang ulo niya sa ingay. Mas gusto niya ang tahimik. Kundi lang dahil sa ama ay malamang umakyat na siya ng bakod at umuwi na. May ilang binatang nagtangkang yayain siyang sumayaw ngunit magalang niyang tinanggihan. She’s not interested. Buti kung si Jace ang magyayaya sa kanya. Pero malabong mangyari ang nasa isip niya. Grabe magbantay si Maecy. Daig pa ang guardiya sibil sa panahon ni Jose Rizal. Kulang na lang ay ikadena si Jace para hindi makawala.

Lumapit si Don Ricardo sa kanya at niyaya siyang sumayaw. Pinagbigyan niya ang Don para na din hindi maging kainip-inip ang gabi. Habang sumasayaw ay panay ang kwento ng Don tungkol sa kanyang unico hijo. At madalas siyang natatawa sa mga kwento nito lalo at puro kalokohan ni Jace ang ibinibida nito. Maswerte si Jace sa pagkakaroon ng amang kagaya nito. Hindi niya maiwasang mainggit. Wala siyang naalalang my bonding moment silang mag-ama o marahil ay hindi lamang expressive ang ama sa pagmamahal sa kanya o talagang hindi siya mahal. Kung hindi pa namatay ang kanyang lola ay hindi siya kukupkupin ng kanyang ama.

Pumailanlang ang isang love song. Binitiwan siya ng Don upang ibigay kay Jace. Isang ngiti ang pinakawalan nito bago siya tuluyang iwan sa anak. The old man is playing cupid. Tumigil ang mundo. Tila siya idinuduyan sa langit.

Tila may mahika ang paligid. Ipinikit niya ang mga mata. She‘s just feeling his heart against hers…praying that someday they will beat as one. Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay niya.

Nang imulat niya ang mata ay nakatunghay si Jace sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Sa sobrang saya ay hindi mawala ang kanyang ngiti.

“Happy Birthday!” tanging nasambit niya. At muling niyakap ang binata. She wishes this dance will last for a lifetime. She felt his arms around her waist. Awtomatikong isiniksik niya ang sarili sa binata dahil pakiramdam niya ay iyon ang pinakatamang gawin.

Hinalikan ng binata ang punong tenga niya. Napasinghap siya sa hindi inaasahang ginawa nito. Tumayo ang balahibo niya. Nilinga niya ang paligid, madilim sa bulwagan. Halos mga anino lang ng mga pares na nagsasayaw ang nakikita niya. He was gently kissing her bare shoulders. Hindi niya alam ang gagawin, itutulak ba niya o kakabigin si Jace. Naglalakbay ang kamay nito sa kanyang katawan.  The kiss went up to her neck. At para na siyang mapaparalisa. Her bones were slowly melting under his spell. Lumapat ang labi nito sa gilid ng kanyang labi.

Nang pumailanlang ang isang rock music breaking the spell. At nagliwanag sa paligid dahil sa ilaw mula sa disco ball. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang tumakbo palayo. Bumitaw siya sa binata na siyang-siya sa sindak na makikita sa kanyang mga mata.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 80 Choosing to Love Again

    Pagsapit ng madaling-araw, nanatili pa rin si Bella sa tabi ng kama ni Jace.Ilang ulit na siyang pinapahinga nina Crissy at Donya Carmelita, ngunit tumanggi siyang umalis sa ICU. Hindi niya kayang ipikit ang mga mata habang hindi niya alam kung muli pa bang magigising ang lalaking minamahal.“Bella, kailangan mong magpahinga kahit sandali,” mahinang sabi ni Crissy. “Hindi makabubuti sa inyo ng baby ang sobrang pagod.”“Dito na lang ako,” sagot niya. “Kapag nagising siya, gusto kong ako ang una niyang makita.”Marahang pinisil ni Donya Carmelita ang kanyang balikat bago ito sumunod kay Crissy palabas. Naiwan si Bella sa tabi ni Jace, kasabay ng mahinang ugong ng mga makina.Hinawakan niya ang kamay nito.“Marami pa tayong kailangang ayusin,” bulong niya. “Kaya huwag mong isipin na sapat na ang pagsalo mo sa bala para mapatawad kita agad.”Huminga siya nang malalim upang pigilan ang panibagong pagdaloy ng kanyang mga luha.“Galit pa rin ako sa’yo. Nasasaktan pa rin ako. Kaya bumangon ka

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 79 Between Life and Love

    “Jace!”Napasigaw si Bella habang pilit na sinasalo ang katawan nitong unti-unting bumibigat sa kanyang mga bisig.Muling itinaas ni Maecy ang baril, ngunit bago pa nito maitutok sa kanila, sinunggaban ng security officer ang pulsuhan nito. Pumailanlang ang sigaw ng babae habang pilit na kumakawala.“Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!”Mabilis na inagaw ng isa pang guwardiya ang baril bago pinadapa si Maecy sa semento at ipinosas. Patuloy ang pagsigaw at pagmumura nito, ngunit halos hindi na iyon marinig ni Bella.“Tumawag kayo ng ambulansiya!” sigaw niya. “Bilisan ninyo!”Marahang inihiga ni Bella si Jace sa semento. Nang makita niyang mabilis na kumakalat ang dugo sa suot nitong polo, hinubad niya ang kanyang jacket, itinupi iyon, at mariing idiniin sa sugat sa dibdib nito.Napangiwi si Jace.“Sorry… Kailangan kong pigilan ang pagdurugo.” Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Jace, tumingin ka sa akin. Huwag mong ipikit ang mga mata mo.”Bahagyang gumalaw ang mga labi nito. “Ikaw… ligt

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 78 A Love Worth Dying For

    Parang tumigil ang paligid ni Bella habang nakatitig sa mensaheng nasa monitor.Napalingon siya kay Jace. Namutla ito at mahigpit na nakakuyom ang isang kamay sa gilid ng mesa.“Si Maecy…” halos pabulong nitong sambit. “Siya ang mastermind sa tangkang pagkidnap at pagpatay sa’yo?”“Hindi pa natin siya kokomprontahin,” mariing sabi ng imbestigador. “Hindi rin muna dapat malaman ni Maecy na nakita natin ang mga mensaheng ito.”“Pero malinaw ang pangalan niya,” ani Jace.“Contact name lang iyan. Kailangan muna nating mapatunayan na sa kanya nakarehistro o konektado ang numerong ginamit. Kukunin din natin ang buong message history at call records. Kapag kumpleto na ang ebidensiya, saka tayo kikilos.”Huminga nang malalim si Bella. Kahit malinaw ang nabasa niya, alam niyang hindi maaaring emosyon lamang ang pairalin. Isang maling hakbang at maaaring makatakas sina Maecy at Jonathan.“Mahahanap ba ninyo si Jonathan gamit ang cellphone?” tanong niya.Tumingin ang imbestigador sa digital foren

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 77 The Enemy from Their Past

    “Ulitin mo,” ani Bella.Kahit natatakpan ng sombrero at face mask ang malaking bahagi ng mukha nito, may kung anong pamilyar sa mga mata at tindig nito.“Sabihin mo kung saan ko ihihinto.”“Diyan.”Pinindot nito ang pause nang bahagyang tumingala ang lalaki habang inaayos ang identification card na nakasabit sa dibdib. Pinalaki ni Anthony ang larawan.Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Bella. Malinaw na ngayon ang manipis na peklat sa gilid ng kaliwang kilay nito.“Si Jonathan nga.”“Gaano ka kasigurado?” tanong ni Anthony.“Siguradong-sigurado siya,” singit ni Jace. “Dating boyfriend niya ang lalaking ’yan.”Napalingon si Bella rito. Mabilis na napalitan ng inis ang takot na gumapang sa dibdib niya.“Talagang hanggang ngayon, pinaniniwalaan mo pa rin si Maecy?”Bahagyang kumunot ang noo ni Jace. “Hindi ba—”“Hindi ko naging boyfriend si Jonathan.” Hindi na niya napigilang tumaas ang boses. “Same school natin siya, kaya kilala ko siya. At nakita ko siyang kahalikan ni Maecy. Pati ang

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 76 Getting Back His Wife

    Hindi nakaligtas sa paningin ni Bella ang biglang pagliwanag ng mukha ni Jace.“Kung totoo ang narinig ko,” sabi nito, hindi maitago ang pag-asang sumilay sa mga mata, “ibig sabihin, hindi kayo legal na mag-asawa.”“Jace, tunay man o hindi ang kasal, it does not matter.” Pinilit ni Bella na manatiling malamig ang boses. “Ang mahalaga, nagmamahalan kami.”Naging mapait ang kasinungalingan sa kanyang bibig, ngunit iyon lamang ang naisip niyang paraan upang pigilan ang pag-asang mabilis na nabubuo sa mukha nito. Hindi pa nga niya lubos na nauunawaan ang ginawa ni Matthew, sinusubukan na agad ni Jace na humanap ng puwang sa buhay niya.“Well, hindi naman siguro masamang isipin na may pag-asa pa ako sa’yo.”“Baliw ka ba?”Bahagyang ngumiti si Jace. “Oo. Baliw na baliw sa’yo.”Mabilis na umiwas ng tingin si Bella nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso. Hindi ito ang tamang panahon upang maapektuhan siya sa mga salitang matagal na niyang hinintay marinig noon.“Umalis ka na. May meeti

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 75 Love and Lies

    Naghintay si Fiona banggitin ni Matthew si Lyneth. Nais niyang bigyan ito ng pagkakataong magsabi ng totoo, ngunit nanatili lamang itong tahimik habang mariing nakatitig sa daan.“Wala akong relasyon sa babaeng nakita mo,” mariing sabi nito.Hindi na kumibo si Bella.Pagdating sa bahay, agad na pumarada si Matthew. Kakabukas pa lamang ni Bella ng seat belt nang huminto rin sa tapat ang kotseng kanina pa nakabuntot sa kanila.Bumukas ang p***o niyon at bumaba si Jace.Nanlaki ang mga mata ni Bella. “Jace, anong ginagawa mo rito?”Lumapit ito sa kanila, kalmado ngunit matigas ang mukha. “Gusto ko lang masigurong ligtas kang nakauwi.”Biglang isinara ni Matthew ang p***o ng sasakyan. “Gago ka talaga! She’s my wife! Huwag mo kaming guluhin!”“Matthew, huwag—”Hindi na siya nito pinakinggan. Mabilis nitong nilapitan si Jace at walang babalang nagpakawala ng suntok.Ngunit bago tumama ang kamao nito, sinalubong iyon ng kamay ni Jace—at sa unang pagkakataon, nakakita si Bella ng tunay na tako

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 65 A Cheating Husband

    Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. Thi

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 61 Time to Say Goodbye

    “Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 60 Giving Up the Company

    “Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siy

  • The CEO's Cold Ex-Wife   Kabanata 59 Wishing It Was You

    Kinabukasan ay nagkasabay sa pagpasok sila Bella at Jace. Humahabol si Maecy sa kanila. As usual, kita ang singit nito sa iksi ng skirt.“Jace, babe. Bakit hindi mo sinasagot ang chat at tawag ko?”“Tapos na tayo, Maecy,” malamig na sabi nin Jace habang naglalakad patungo sa elevator.Nagulantang si Ma

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status