Share

Chapter 6

Author: CathxxJames
last update Last Updated: 2025-07-03 22:23:36

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Nang makitang muli ang lalaking naging parte ng kanyang nakaraan, tila siya'y natahimik sa loob. May kung anong humalukay sa kaloob-looban niya at sumikdo ang puso niya. Mula sa pagiging kalmadong doktor, bigla siyang naging si Felicia muli, anim na taon na ang nakararaan. Hindi si Dra. Ramirez na hinahangaan, kundi si Felicia, ang babaeng minsang itinuring na isang malaking pagkakamali ng dating asawa. 

"Doktora Ramirez, let me introduce you to Mr. Xander Buenaventura. He is my wife’s elder brother," masayang sabi ni Mayor.

Mabagal ang bawat hakbang. Mabigat. Para bang ang kinatatayuan niya ay biglang lumambot at pinipilit siyang hilahin paatras. Pero hindi siya puwedeng umatras. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong walang alam sa nakaraan at pinagdaanan nilang dalawa. 

Nakasuot si Xander ng simpleng black long sleeves, pero kahit ganoon, nandoon pa rin ang lakas ng aura niya. Matikas pa rin, matangkad, at nakakakaba ang mapanuring mga mata na tila tinititigan ang kaluluwa niya.

"Nice to meet you, Dr. Ramirez," maiksing bati nito, sabay abot ng kamay.

"Pleasure to meet you too, Mr. Buenaventura," ani Felicia na pinilit ang ngiting propesyonal.

Tumango si Xander. Walang bakas ng pagkilala. O baka nagtatago lang.

"You saved my sister's life," Xander said flatly. "Thank you."

"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko," sagot niya. Pilit niyang pinanatili ang mahinahong boses, pero sa loob-loob niya, halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

"Dr. Ramirez is one of the best young doctors we have," sabat ni Dr. Lim.

"Top 3 sa board exam. She had multiple offers from big hospitals, pero dito siya napunta. Noble, isn't it?"

"Wow," sabay angat ng kilay ni Mayor. "Hindi lang pala maganda, matalino pa."

Napangiti si Felicia sa papuri pero panandalian lang. Naalala niya ang kaharap niya. Nanghina siya bigla. Kailangan niyang makalayo.

"Excuse me po, I have to check on another patient," paalam niya.

“Sure,” sagot ni Dr. Lim. Tumingin ito kay Mayor Espanto na tumango naman bilang pagsang-ayon. 

“Thanks again, Doktora. See you around.”

Ngumiti siya ng matipid bilang sagot. “Please, excuse me.” 

Pagkaalis niya sa opisina ni Dr. Lim, mabilis ang naging bawat hakbang niya, pero hindi dahil sa pagmamadali. Kundi dahil baka bumigay siya. Halos nanginginig ang kamay niya sa halo-halong emosyong nararamdaman. Napahawak siya sa puso niyang pilit niyang pinapakalma. 

Hindi niya alam anong eksaktong emosyon ang nararamdaman niya. Takot? Kaba? Galit? Saya? Pinipigilan niyang lumuha kaya’t umalis siya agad. Malapit nang bumigay ang mga tuhod niya sa lugar kasama ang lalaking iyon. Gusto na niyang makauwi. Sa lugar kung saan may rason pa siya para maging matatag.

Kay Caleb.

Mabilis siyang lumulan ng sasakyan at tumungo sa bahay nila Diane upang sunduin ang anak. Nadatnan niyang nanonood ng cartoons ang anak niya kasama ang kalarong si Nicole. Mabilis niyang nilapitan ang batang lalaki at niyakap ng mahigpit. Nabigla naman ang bata at yumakap pabalik. Tila ba'y kay tagal nilang hindi nagkita.

"Mommy… You okay?" gulat na tanong ng bata.

Numiti naman siya at hinaploas ang pisngi nito. "Yes, baby. Mama just missed you."

Pero hindi niya ito missed. Ang totoo, yakap ‘yon ng takot na ina. Natakot siya na muling masangkot sa isang bangungot na pilit na niyang tinakasan noon. Ngayong nagkita na silang muli ni Xander, tiyak na magbabago na ang lahat.

Paano kung malaman nito ang tungkol kay Caleb at kunin ang bata mula sa kanya?

Hindi! Hindi siya makakapayag! Mamamatay muna siya bago mahawakan ni Xander ni dulo ng buhok ng anak niya. Selfish na kung selfish ngunit mananatiling lihim ang ugnayan ni Xander at Caleb. 

Hinding-hindi niya ipapaalam kay Xander na nagbunga ang isang gabing pag-angkin nito sa kanyang pagkababae.

“Mars? What happened?”

Tinig iyon ni Diane. Nag-aalala. Hinalikan niya ang noo ng anak bago tumungo sa kinaroroonan ng kaibigan. Hindi na niya napigilan na yumakap dito dala ng matinding pag-aalala. 

“Wag naman ganyan, Mars. Medyo kabado bente na ako sa nangyayari sa’yo eh,” usal nito. Kumalas si Felicia mula sa pagkakayakap sa kaibigan at hinila ito patungo sa kusina malayo sa anak. 

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagpaliwanag. “It’s him, Mars. Nagkita na kaming muli ng ex ko.”  

**************

Samantala, naiwan sa loob ng opisina si Mayor Espanto, Dr. Lim, at si Xander. Tahimik ang huli, tila wala sa sarili habang pinagmamasdan ang pintuang nilabasan ni Felicia.

Si Felicia? Doctor?

Hindi siya makapaniwala. Ang babaeng dati’y akala niya’y walang alam kundi magmanipula at manloko ng tao, ngayon ay pinupuri ng mga kapwa doktor. Topnotcher pa raw. Pinili pang magsilbi sa malalayong lugar kaysa magpakasasa sa malaking sweldo sa siyudad.

Pero hindi niya matanggap. Hindi agad. Sumiklab ang ego niya, at sa halip na humanga, nagdududa siyang napangiti ng bahagya. Imposible.

Paano siya naging doctor? Talaga bang sariling sikap o may kalokohang paraan? Baka ginamit lang ang ganda. Baka nakipagrelasyon sa isang PRC board official. Baka may koneksyon. May nilapitan. May inakit.

His mind was a mess.

Napansin ni Dr. Lim ang katahimikan ni Xander kaya tinanong niya ito. “Everything okay, Mr. Buenaventura?”

“I’m just curious,” sagot ni Xander. “How did someone like her become a doctor? I mean, young, pretty… usually, you’d see girls like her on print ads or TV commercials.”

Napatawa si Dr. Lim. “Oh, she gets that a lot. But no, Dr. Ramirez is the real deal. Beauty and brains. But most of all, sumikat siya because of her heart to serve. As I said, she had so many offers from big hospitals like St. Luke’s, Makati Med, and even abroad. Pero mas pinili niya rito. Rural service. Public health. Iba siya.”

Tahimik si Xander. Pinipilit panatilihin ang mahinahong itsura, pero sa loob-loob niya, nagkakagulo na ang isip niya.

Paanong sa anim na taon, malaki ang naging ipinagbago niya?

Paanong ang dating babaeng palaging takot, palaging iwas, ngayon ay kayang tumindig sa harap niya nang tila wala siyang bigat sa puso?

Kayang ngumiti. Kayang magpakilala na parang estranghero siya.

Kayang itago ang lahat. Kayang magpanggap. Kayang magpatuloy.

“What happened to her all these years?” bulong niya sa sarili.

Hindi niya alam. Pero gusto niyang malaman. Gusto niyang halukayin ang anim na taon na nakaraan buhat nang umalis ito sa poder niya nang walang paalam. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 6

    Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Nang makitang muli ang lalaking naging parte ng kanyang nakaraan, tila siya'y natahimik sa loob. May kung anong humalukay sa kaloob-looban niya at sumikdo ang puso niya. Mula sa pagiging kalmadong doktor, bigla siyang naging si Felicia muli, anim na taon na ang nakararaan. Hindi si Dra. Ramirez na hinahangaan, kundi si Felicia, ang babaeng minsang itinuring na isang malaking pagkakamali ng dating asawa. "Doktora Ramirez, let me introduce you to Mr. Xander Buenaventura. He is my wife’s elder brother," masayang sabi ni Mayor.Mabagal ang bawat hakbang. Mabigat. Para bang ang kinatatayuan niya ay biglang lumambot at pinipilit siyang hilahin paatras. Pero hindi siya puwedeng umatras. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong walang alam sa nakaraan at pinagdaanan nilang dalawa. Nakasuot si Xander ng simpleng black long sleeves, pero kahit ganoon, nandoon pa rin ang lakas ng aura niya. Matikas pa rin, matangkad, at nakakakaba ang mapanuring mga

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 5

    ANIM na taon ang lumipas…"Doctor Ramirez, I'm sorry to interrupt, but Dr. Lim needs you in operating room number 2. He requested your help.""Si Dr. Lim?" paglilinaw niya. Napatango ang nars bilang kumpirmasyon. Ang operating room number 2 ay para lamang sa mga VIP na pasyente. May rule silang sinusunod sa Summit Hospital na tanging mga senior doctors lang ang pwedeng mag-handle ng mga VIPs. Nakakapagtakang kailangan ni Dr. Lim ng assistance niya gayong nasa ikatlong taon pa lamang siya ng kanyang residency.Gayun man, dali-daling siyang tumalima. "Tell him I’m on my way,” sagot niya. Agad siyang tumayo at naghanda. Pagkatapos maglinis ng sarili, agad na siyang nagtungo sa operating room. Pagpasok ni Felicia sa operating room, nakita niyang nasa tabi ng pasyente si Dr. Lim. Kitang-kita ang pagkabahala ng lahat. Malinaw na ang sitwasyon ay kritikal. Ang mga vital signs ng pasyente ay hindi stable, at ang tibok ng puso ng bata ay bumababa. Tumingin si Dr. Lim kay Felicia at nagwika

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 4

    “CONGRATULATIONS, you’re four weeks pregnant.” Hindi agad tumatak sa isip ni Felicia ang sinabi ng doktor.Buntis siya? Sinabi ba talaga ng doktor na buntis siya?Pakiramdam ni Felicia ay bigla na lang huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo. Patuloy ang malakas na kabog ng kanyang puso habang nakatitig siya sa doktor. Sinubukan niyang magsalita, pero walang lumabas sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwalang narinig niya ang mga salitang iyon.Nagpatuloy sa pagsasalita ang doktor. Sinabi nito ang kalagayan ng kanyang dinadala sabay abot ng resulta ng sonogram sa kanya. Doon lang tuluyang naunawaan ni Felicia na totoo ang lahat.Nagbunga ang gabing ibinigay niya ang sarili kay Xander! Namuo ang luha sa mga mata ni Felicia. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan niyang hinaplos ang kanyang tiyan at pinikit ang mga mata. Parang panaginip ang lahat. Hindi pa rin siya makapaniwala, isang bagong buhay ang nabubuhay sa loob niya. Marahan niyang kinuha ang cellphone gamit ang

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 3

    TATLONG taon. Tatlong taon silang kasal ni Xander subalit kahit minsan, hindi niya naramdamang itinuring siya nito bilang asawa. Sa loob ng tatlong taon, walang ginawa si Felicia kundi manlimos ng pag-ibig mula sa lalaking pinakamamahal niya. Batid niya na ang pagpapakasal ni Xander sa kanya ay walang halong pagmamahal ngunit sa kabila nito, natuto pa rin siyang umasa. After all, Xander’s grandmother, Doña Minerva Buenaventura, gave Felicia her words. “Just be patient. Pasasaan ba at matututunan ka ring mahalin ng apo ko.”Have she not been patient enough? Sa bawat pamamahiya, pang-iinsulto at galit na ipinapakita ni Xander sa kanya, wala itong narinig ni katiting na pag-alma. Araw-araw pa rin siyang umaasang magagawa siyang mahalin ni Xander. Ngunit sino ang niloloko niya? Ni hindi siya magawang tingnan ng lalaki ng walang halong pandidiri o galit. Lalo na ngayon na bumalik na ang babaeng pinakamamahal nito. At si Felicia? She was nothing but his wife on paper. Siguro ay ito ta

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 2

    NAPANGISI si Xander at tumayo sa kama. Kumuha siya ng isang bote ng whiskey mula sa kanyang expensive Macallan Red Collection at maingat na nagsalin ng alak sa kanyang baso. Dapat lamang na ipagdiwang ni Xander ang gabing iyon dahil minsan pa, muli niyang ipinakita kay Felicia kung sino ito para kanya at kung ano lamang ang magiging papel ng babae sa buhay niya.Isang basahan. Isang parausan. Buong pagmamalaki niyang nilagok ang laman nang kanyang baso. The liquor burned smoothly down his throat, drawing a low moan of satisfaction from his lips. Kung tutuusin, siya pa nga ang lugi sa sitwasyon. Batid niyang matagal na siyang pinagpapatansiyahan ni Felicia kaya kung ano man ang naganap sa kanila ngayon? Tiyak niyang mas nag-enjoy ito kaysa sa kanya. Humarap si Xander sa kama upang tingnan ang reaksyon ng babaeng kinamumuhian niya. Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang kalagayan ni Felicia. Napapangiwi ito sa sakit habang dahan-dahang kumikilos pababa ng kama. Bakas ang mga

  • The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor   Chapter 1

    NAPAPIKIT si Felicia habang tumatama ang bawat patak ng tubig sa kanyang balingkinitang katawan. Oh, how she loves taking warm baths! Ito na lamang kasi ang pumapawi sa lamig ng kanyang pag-iisa. Paano ba naman? Naturingang may asawa siyang tao subalit hindi naman niya ito nakakasama. Napapailing na lamang si Felicia tuwing maaalala ang mga marites sa kanilang lugar. Maraming miron ang nagsasabing siya na ang pinakamaswerteng babae sa Baryo Pulang Lupa dahil naka-jackpot siya ng isang mayamang lalaki. Everybody was calling her a real-life Cinderella. After all, she married Xander Buenaventura. THE ALEXANDER BUENAVENTURA; ang kasalukuyang may-ari ng pinakamalaking hotel and restaurant chain sa Pilipinas—ang Bell Hotel. Subalit kung nalalaman lang nila ang buhay na mayroon siya, masasabi pa rin kaya nila ang mga bagay na ito?Na sa kabila ng yaman at karangyaan, nabubuhay siya sa mansiyon ng mga Buenaventura na walang…pag-ibig? Pinihit niya ang shower knob at nagsimulang tuyuin ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status