Share

Kabanata 10

Author: LalaRia
last update Last Updated: 2022-05-21 18:50:27

Mag a-alas sinco ng umaga nang magising si Nicole, gusto pa sana niyang bumalik sa pag tulog dahil bukod sa late na siyang naka tulog kagabi sa kangangawa ay nanakit rin ang ilang parte ng katawan niya na mukhang napuruhan yata sa pananakit ng pamilya ni hudas.

Impit na napa ungol si Nicole kasabay ng mariing pag pikit nang bahagyang kumirot ang kaliwa niyang braso nang bahagya siyang mag inat, sumabay pa ang pag hapdi ng sugat sa gilid ng kaniyang labi.

Napa irap na lamang sa hangin si Nicole nang maalalang may lakad nga pala sila ngayon ng kaniyang boss para business keneme nito sa kung saang lugar.

Bigla tuloy siyang na mroblema nanaman kung paano siyang mag papakita sa masungit niyang boss mamaya ng ganito ang itsura, nanakit ang katawan at may mga baon pang pasa sa mukha at gilid ng labi.

Malakas na buntong hinga ang pinakawalan ni Nicole saka pilit na kinilos ang katawan para bumangon mula sa hinihigaang banig. Nanakit na nga ang katawan niya pero heto siya at halos kasing tigas ng sahig ang tinutulugan, well wala naman yata siyang magagawa tungkol doon dahil tiyak na mag huhuramintado lang ang kaniyang tiyang Norma at ang mga anak nito kapag nag uwi siya ng bagong kutson na ipapalit niya sa pamana pa ni kupong kupong na banig na ginagamit niya, eh saksakan ng sama ng ugali ang mga kamag anak niya eh, kandila nga lang na siyang pang pa liwanag sa madilim na bodegang iyon sa gabi eh bawal na bawal na eh, ayaw naman siyang kabitan ng kaunting liwanag kahit sa likod ng bahay man lang sana.

“Lord sorry po ah? Hindi naman po sa nag ri-reklamo ako kaya lang baka naman po pwedeng bigyan niyo sina tiyang ng kahit kaunting kabaitan sa katawan para naman po kahit papano eh gumaan ng kaunti ang buhay ko, salamat po.”

Maingat na bulong ni Nicole sa pang umagang dasal na iyon, ma buti nang bumulong nalang dahil baka mamaya marinig siya ng isa sa kapamilya ni hudas eh mapahamak nanaman siya, mabuti na nag maingat. Baka din kasi madagdagan pa ang mga pasa at sugat niya sa katawan, itong kaunti pa nga lang ay na mumroblema na siya kung paanong lulusutan sa masungit niyang boss na tiyak niyang hindi siya titigilan sa pag tatanong lalo pa at naroon pa ito nang awayin siya ng tatlo niyang pinsan sa tindahan kagabi.

Matapos mag ayos ng sarili ay saka niya sunod na inayos ang pinag higaan, nangunot pa ang noo niya nang makita ang mamahaling cellphone na ibinigay nga pala sakaniya ng kaniyang boss kagabi, nawala na iyon sa isip niya.

Napa ngiti si Nicole saka dinampot ang cellphone na natatabunan ng manipis niyang unan, saglit nya ring kinalikot iyon saka lalong napa ngiti nang makita sa gallery ang ilang pictures ng kaniyang boss.

“Hmm akalain mo nga naman, ang gwapo mo rin pala talaga no? Kung sana lang palaggi kang ngingiti at hindi masyadong mag susungit papasa ka nang heartthrob eh.”

Kausap ni Nicole sa litrato ng boss, agad namang nawala ang ngiti niya nang ma-realize kung ano ang pinag sasabi niya. Hindi niya naman pinag papantasyahan ang CEO hindi ba? Na gagwapuhan lamang siguro siya, oo tama. Gwapo lang talaga ang CEO, well palaging masungit at parang galit pero gwapo at tsaka mabait din naman kahit papano.

“May girlfriend na kaya siya?”

Wala sa sariling sabi ni Nicole, mayamaya pa ay marahas din siyang napailing saka inis na sinaway ang sarili sa pag iisip tungkol doon. Kay aga aga kasi sa halip na mga gawaing bahay ang atupagin niya heto siya ngayon at pinag papantasyahan ang litrato ng kaniyang boss.

Naiiling na kumilos nalang si Nicole, nagawa niya pang itago sa pinaka ilalim ng damitan niyang karton ang mamahaling cellphone na iyon, mahirap na kasi at baka makita pa ng mga pinsan niyang masasama ang ugali.

Alas onse ng tanghali nang matapos sa gawaing bahay si Nicole, nagawa niya na ring mag luto ng tanghalian na siyang kaainin ng mga tamad niyang pinsan na kakabangon lang mula sa mahimbing na pag tulog, mabuti na rin na maagang na tapos ang gawain niya, wala kasi ang kaniyang tiyang Norma nang pumasok siya sa bahay nito, marahil ay maagang nag punta iyon sa karenderya. Hindi na nga rin pala siya naka pag paalam na ilang araw siyang mawawala para sa business trip nila ng kaniyang boss mamaya, ipag bibilin niya nalamang iyon sa mga pinsan.

Hapong hapo na pasalampak na naupo si Nicole sa magaspang na sahig ng bodegang kaniyang tinutuluyan, napa simangot pa siya nang hindi pa nga halos siya nakaka hinga eh narinig niya ang mahinang pa ring ng cellphone na itinago niya sa karton kanina, tinatamad pa siyang kumilos at halos pa gapang na nilapitan ang kaniyang damitan para kunin ang cellphone, bahagya pa siyang nataranta kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso nang makitang naka rehistro sa malaking screen niyon ang pangalan ng kaniyang boss. Dali dali niya iyong sinagot at humahangos pang bumati ng hello dito, bahagya niya ring inilayo sa kaniyang tenga ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw nito mula sa kabilang linya.

“Why the hell aren’t you picking up the God damn phone Lorenzo?”

Galit na sabi nito, sunod sunod naman na pag lunok ang ginawa ni Nicole bago niya nakuhang sumagot.

“Eh-eh sir pa-pasensya na po, medyo busy lamang ho dahil sa mga gaw-“

“What the hell is more important than your job? I told you to get ready early!”

Putol nito sa sasabihin niya, hindi niya man makita ang boss ay alam niyang nanlalaki nanaman ang butas ng ilong nito at umuusok ang tenga sa galit at inis.

“O-opo sir, bibilisan ko nalang po ang pag aayos, sandali lang po ah?”

Wala nang sabi sabing ibinaba ni Nicole ang celphone saka pinatay ang tawag. kahit nangangatog ang tuhod dahil sa pagod sa kanina pang pag kilos at pag ta trabaho ay nagawa pa rin naman ni Nicole na bilisan ang pag aayos.

Halos tatlumpong minuto lamang ang ginugol niya sa pag ligo, ni hindi niya na nga nakuhang sagutinn ng maayos ang pag susungit nanaman ng pinsan niyang si Luciferia na inutusan siyang ipag kuha ito ng tubig na maiinom dahil nag mamadali na siyang tumakbo pabalik sa bodegang tinutuluyan niya, isang kulay puting t-shirt at maong na kupasing pantalon na lamang ang napiling isuot ni Nicole, bukod kasi sa wala na siyang oras para mag hanap pa ay tiyak niya naman na wala na siyang ibang matinong damit.

Kasaluuyang nag susuklay ng mahabang buhok si Nicole nang marinig niyang muli ang pag ring ng mamahaling cellphone, nag mamadali ang kilos na agad niyang sinagot ang tawag at tama nga siya ang boss niya nga iyon, inis pa rin ang boses na sinabi lamang nito sakaniya na nasa may labasan na daw ito kung saan siya nito hinatid kagabi, nag mamadaling dinala na lamang ni Nicole ang suklay saka kinuha ang bag at mabilis na nag tatakbo pa labasan.

Bumungad sakaniya ang naka simango at bihis na bihis na CEO Shawn Alexander Montefalco, naka sandal ito sa magara nitong kotse habang naka simangot at masama ang tingin sakaniya, saglit pa siyang nahiya sa damit na suot niya, sa itsura kasi ng kaniyang boss ngayon ay mukhang kahit katulong ay hindi siya papasa dito.

“Hurry up ang get in the car, we’re late!”

Inis na utos nito, tumalima naman agad si Nicole, saglit pa siyang napasimangoot nang mauna pang pumasok sa sasakyan ang kaniyang boss.

“Sus, napaka ungentleman naman, ang ibang lalaking gwapo sila pa nag bubukas ng pinto ng sasakyan para sa babae.”

Bubulong bulong na reklamo ni Nicole saka binuksan ang pinto ng sasakyan ng kaniyang boss, gusto niya namang pagalitan ang sarili dahil sa inaasta niya ngayon, eh bakit naman ba kasi niya naiisip na dapat pag buksan siya nito ng pinto? Ano ba siya nito? Hindi ba’t alalay lamang naman siya? Kahit nga siguro crush ng kaniyang boss ay hindi siya papasa.

Hindi napigilan ni Nicole ang mapa irap sa isiping iyon, agad din naman siyang nag ayos ng mukha nang makitang naka tingin pala sakaniya ang CEO, kunot na kunot pa ang noo nito na matamang naka titig sa mukha niya.

“Uhh sir, may problema ho ba?”

Hindi na naka tiis na tanong ni Nicole sa kaniyang boss, agad naman itong nag iwas ng tingin sakaniya saka siya matalim na inirapan.

“Why are you letting other people hurt you? Hindi ka na bata para hindi mo magawang ipag tangol ang sarili mo. You claim to be a summa cum laude right? Then you should have known that by now.”

Napa tanga na lamang si Nicole dahil sa sinabing iyon ng kaniyang boss, tama nga ang hinala niya nakita nga nito ang nangyari kagabi.

Pilit inayos ni Nicole ang sarili saka pilit na ngumiti sa masungit niyang boss.

“Ha? Ano ho bang sinasabi niyo? Ayo s lang ho ba kayo?”

Sinamaan naman siya nito ng tingin na siyang nag pa tikom sa kaniyang bibig.

“I can see all your bruises so don’t try to hide it anymore.”

Pa cool na sabi pa nito saka pinaandar ang sasakyan, hindi naman malaman ni Nicole kung tatakpan niya ba ang mukha sa parte kung nasaan ang mga pasa o hahayaan nalang dahil total eh nakita naman na nito nag mga pasa niya, pinili na lamang niyang gawin ang huli saka tahimik nalang na tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ng kaniyang boss.

Ilang sandali pa ay halos ma sampal ni Nicole ang noo nang maalalang dapat nga pala siyang mag hanap ng maleta na siyang pag lalagyan niya ng mga gamit na pinamili nila kahapon, nakaka hiya naman na mag sabi pa sa boss niya dahil baka sabihin nito na masyado siyang nag papabaya sa mga obligasyon niya sa trabaho, nag dadalawang isip na pa simpleng lumingon si Nicole sa likod ng sasakyan nito kung saan naka lagay ang mga shopping bags na pinamimili nila kahapon at lalo lamang naman siyang na taranta nang makitang wala na ang mga iyon doon.

“if you are looking for your clothes I already have it packed. I asked my maids to do it. Akala ko kasi bugbog sarado ka na kagabi kaya baka hindi mo na maasikaso ma late pa tayo lalo, mukhang tama naman ako.”

Sabi bigla ng kaniyang boss na nagawa pa siyang tingnan mula ulo hangang paa.

“Those people who hurt you last night.”

Muli siyang napalingon dito, seryoso lamang ang mukha nito habang nabalik na sa kalsada nag atensyon.

“Who are they?”

“Po?”

Takang tanong ni Nicole dito, narinig niya naman talaga ang sinabi ng kaniyang boss, ang hindi niya lamang maintindihan eh kung bakit kailangan pa nitong mag tanong ng tungkol doon.

“Sabi ko sino yung tatlong babaeng nanakit sayo? I saw what happened at the store last night.”

Mukhang napipikang sabi nito na sinamahan pa ng pag irap, saglit namang natahimik si Nicole. Wala naman kasi siyang balak na mag salita, bakit pa ba naman kasi nito tinatanong ang tungkol sa bagay na iyon?

“P-po?”

Sabi ni Monique nang samaan siya nito ng tingin, napalunok naman siya saka napilitang sumagot.

“Mga p-pinsan kop o sila sir, doon po ako naka tira sa bahay nila.”

Naiilang na kwento ni Nicole, saglit namang natahimik ang kaniyang boss saka tumango tango.

“They always hurt you like that?”

Muling tanong nito na nagawa pang ituro ang kaniyang mukha na puno ng pasa, tanging pag tango lamang naman ang sinagot niya dito.

Nakita pa ni Nicole ang bahagyang pag iling ng kaniyang boss at tila mukhang inis na ang ekspresyon ng mukha na binilisan lalo ang pag papa takbo ng sasakyan, naguluhan naman si Nicole sa inaakto nito ngunit sa huli ay pinili nalang ang manahimik.

Ilang minuto pa ang ginugol nila sa pag bibiyahe nang marating din nila nag isang tila open field, napa nganga pa si Nicole habang pa baba ng sasakyan at salubungin sila ng malakas na hangin at ingay na dala ng isang sa tantya niya ay private helicopter dahil sa malaking pangalan na H.Montefalco sa may bandang pinto niyon.

Hindi pa siya nakaka sakay sa ganoon kaya hindi maiwasan ni Nicole ang makaramdam ng takot at excitement, sinalubong sila ng isang naka ngiting lalaki na mukhang kasing edad lamang ng CEO, may saglit lamang itong pinag usapan saka may inutusan na ilan pang tao para kunin ang mga bagaheng dadalhin nila sa kung saan para sa business trip kuno ng kaniyang boss.

Mayamaya pa ay siya naman ang sunod na nilapitan ng lalaking kausap ng CEO kanina para alalayang sumakay sa helicopter na iyon, kinabitan pa siya ng kung ano anong ka ek-ekan katulad na parag head phones na may kasamang mic pati na rin seat belt.

Tahimik lamang na nag hintay ni Nicole hangang sa manlaki ang mga mata niya nang makitang sumampa sa tila driver seat ang kaniyang boss.

Aba balak pala nitong mag pakamatay bakit kailangang isama pa siya? Para ba may alalay din ito pag dating sa impyerno? Na hintakutang pilit inaalis ni Nicole ang suot na seat belt na hindi naman naka wala sa atensyon ng CEO, halos mapasigaw siya sa gulat nang marinig ang boses nito sa suot niyang headphones.

“Don’t be scared, I am a licensed pilot Miss Lorenzo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO's Fling   Epilogue

    Agad na napa ngiti si Nicole nang magising, mukha kasi agad ni Alexander ang bumungad sa kanya.“Morning beautiful wife.”Naka ngiting bati ni Alexander kay Nicole habang mataman siya nitong tinititigan.“Good morning naughty husband.”Ganting pag bati niya naman dito saka inangat ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap na mabilis naman nitong tinangap, agad niya pang iniwas ang mukha nang tangkain siya nitong halikan sa labi, agad namang nangunot ang noo ng kanyang asawa dahil doon.Bago pa man ito mag salita at mag reklamo ay naunahan niya na.“I know this is our honeymoon, alam ko rin na mag asawa na tayo pero hindi pa ako nag to-toothbrush, kaya alis na… mag hihilamos ako.”Sabi niya rito, dahilan ng malakas nitong tawa, pabiro naman itong inirapan ni Nicole saka mahinang itinulak palayo.Muli pang nangunot ang noo niya nang sa halip na lumayo sa kanya si Alexander ay lalo pa itong umusod palapit sa kanya, agad pang napalitan ng mahinang hagikhik ang kunot na kunot niyang

  • The CEO's Fling   Kabanata 55

    Nasa labas pa lamang ng naka sarang pinto ng simbahang iyon ay rinig na ni Nicole ang malamyos na musika sa loob ng simbahan, hindi niya rin mapigilan ang ngumiti dahil sa excitement.Ikakasal na siya sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa nag iisang lalaking minahal niya ng sobra sobra.Sa ama ng pinakamamahal niyang anak na si Alexandrea.Sa kanyang CEO.Naramdaman ni Nicole ang pag higpit ng hawak sa braso niya ng kanyang lola, agad niya naman itong tiningnan.“I know I have said this countless times already iha, but congratulations again. I am very happy for you.”Naka ngiting sabi ng matanda, mariin pa siyang napa pikit nang halikan siya nito sa noo kasabay ng pag ayos nito sa suot niyang belo.Hindi na nakuhang mag pasalamat ni Nicole nang marinig ang hudyat ng wedding organizer na mag uumpisa na ang seremonya.Nahigit niya ang pag hinga kasabay ng pag bukas ng pinto ng simabahang iyon, bumungad sa kanya ang napakagandang ayos sa loob ng simbahan, nag kalat ang mga kulay put

  • The CEO's Fling   Kabanata 54

    “Ang ganda mo Besh.”Puri sa kanya ng kaibigang si Leah matapos siyang ayusan ng baklang make-up artist na siya ring nag aasikaso ng lahat.Ngayon ang araw ng kasal nila ni Alexander at pakiradam niya ay kulang ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.Napa ngiti na lamang si Nicole sa kaibigan saka nag pasamat.“Salamat ng marami Leah, Salamat din at pumayag kang maging maid of honor ko.”Sabi niya sa kaibigan saka iminuwestra ang kamay para bigyan ito ng mahigpit na yakap.“Wala iyon ano ka ba, sino pa ba naman ang kukunin mong maid of honor eh ako lang naman nag isang bestfriend mo na ubod ng ganda.”Pabirong sabi nito, sabay pa silang natawa dahil doon.Sabay rin sila halos natigilan nang titigan siya ni Leah.Hindi pa man siya nakakapag salita para mag tanong kung bakit ay naunahan na siya nito.“Wala, hindi lang ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga.Masaya ako para sa iyo Nicole, sobrang saya ko para sayo.”Sabi nito saka matamis siyang

  • The CEO's Fling   Kabanata 53

    Hindi mapigilan ni Nicole ang ngumiti ng ubod ng tamis habang matamang tinititigan ang bagong silang niyang sangol, pakiramam niya ay kaya niyang gugulin ang buo niyang mag hapon sa pag titig sa mahimbig na natutulog na anak.“Hey, you should rest too…”Agad na napalingon si Nicole sa kinaroroonan ng pinto nang bumukas iyon kasabay ng pag sasalita ni Alexander.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang makita ito.“Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan na hindi siya titigan, ang ganda niya Alex, ang ganda ganda ng anak ko.”Masaya niyang sabi, napangiti na rin pabalik si Alexander saka marahang nag lakad palapit sa kanya, ingat na ingat itong huwag maka gawa ng ingay na maaring mag pagising sa bata.“Anak natin, and yes I agree. She’s pretty, I mean what do you expect? Her dad and your soon to be husband is handsome too”Malokong sabi nito, aga naman siyang napa irap dahil doon.“Hindi ka gwapo, at sinong nag sabing papakasalan kita?”Pa biro niya ring sabi na ikinasimangot nama

  • The CEO's Fling   Kabanata 52

    Ilang sandaling katahimikan, hindi makuhang mag salita ni Nicole dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin iyon sa kanya ni Alexander.Inaaya siya nitong mag pakasal…Ano nga ba ang isasagot niya doon gayong sa pagkaka alam niya ay mayroon na itong asawa, sa paniniwala niya ay mayroon na itong sariling pamilya.“Say something baby…”Masuyong sabi sa kanya ni Alexander, ngunit katulad kanina ay nanatili lamang naman siyang tahimik, nanlalaki sa gulat ang mga matang matamang naka titig sa binata.“Look, I know our relationship before never turned out fine. Alam ko din na sobrang galit ka saakin, dahil sa ginawa ko, but believe me baby everything has a reason, I only did that to protect you.”Halos pabulong lamang na sabi nito, dahil doon ay hindi malaman ni Nicole kung dapat niya bang paniwalaan ang mga pinag sasabi nito, alam niyang gusto niyang malaman ang lahat, gusto niyang maintindihan ang lahat ngunit hindi niya itatanging hindi iyon ang gusto niyang marinig.“Marry me, Nicole

  • The CEO's Fling   Kabanata 51

    Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya.At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina.Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi niya man lang pinag isipan.Sino pa ba naman ang makakapag isip ng matino sa ganong sitwasyon?Mabuti na lamang at hindi na nag salita pa at nag tanong ang kaibigan niyang si Leah at nanatili na lamang

  • The CEO's Fling   Kabanata 50

    Pitong buwan, pitong buwan na ang lumipas at malaki na rin ang tiyan ni Nicole, hangang ngayon ay wala pa ring may alam sa dati niyang trabaho tungkol sa kanyang pag bubuntis, iyon naman talaga ang gusto niya at ipinakiusap niya sa lahat. Pumayag naman ang kanyang mga ka-anak lalo pa noong malaman ng mga ito na ang CEO ng kapartner nilang kumpanya ang ama ng barang dinadala niya. Ayaw niya nang malaman pa ni Alexander ang tungkol sa magiging anak nila at naiintindihan naman iyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin nag tanong pa ang mga ito kung bakit nga ba iyon ang gusto niyang mangyari, para sa kanya ay sapat nang alam niya na may sarili nang pamilya si Alexander, pilit niya na lamang sinisiksik sa kanyang sistema na hindi niya kailangan si Alexander at lalong hindi ito kailangan ng magiging anak nila. “Hi, ready ka na?” Agaw sa kanyang pansin ng kaibigang si Leah, mabilis naman niya itong tinanguan saka muli pang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa malaking salamin na

  • The CEO's Fling   Kabanata 49

    Halos manginig ang mga kamay ni Nicole sa sobrang kaba, hindi niya nga rin makuhang galawin ang mga pagkaing nasa plato niya at tahimik lamang na pinakikiramdman ang kanyang paligid, tahimik na nakikinig sa pag uusap ng kanyang mga ka-anak na pinangungunahan ng kanyang lolo at lola.Kasalukuyan silang nasa dining at mag kakasalong nag aalmusal, nariyan ang mga tawanan at biruan ngunit hindi magawang makisali ni Nicole at alam niya kung bakit.Buong gabi niya ring pinag isipan ang balak niyang sabihin na sa mga ito ang tungkol sa pag bubuntis niya, ano man ang magiging resulta niyon maging ang mga magiging reaksyon ng mga ito ay buong puso niyang tatangapin.Mukha ring alam na ng pinsan niyang si Domenic ang balak niya dahil kanina pa siya nitong pasimpleng tinititigan, sasagutin niya naman iyon ng matalim na irap na alam niyang hindi nito nagugustuhan.“Natalia iha, I am glad that you are feeling better now.”Masuyong ang tinig na agaw sa kanyang pansin ng kanyang butihing lola, ma

  • The CEO's Fling   Kabanata 48

    Pag pasok pa lamang sa clinic na iyon ay halos manlambot na ang mga tuhod ni Nicole, hindi siya mapalagay sa magiging resulta ng test na gagawin sa kanya.Tila ba siya isang taong sakitin na nag hihintay na sabihin ng doctor kung ilang araw, buwan o taon na lamang ang itatagal niya.Idagdag pang talagang malakas ang kutob niyang magiging positibo ang pregnacy testing na ginagawa ng mga espisyalista sa clinic na iyon ay halos manginig na siya sa kaba.Tahimik siyang naka upo sa waiting area katabi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya. Naiintindihan niya naman ang pinag mumulan ng inis at galit nito, alam kasi nito ang halos lahat ng pasakit na pinagdaanan niya kay Alexander, ito pa ang nanguna sa desisyong huwag na niyang lalapitan ang CEO ng kumpanyang dati niyang pinapasukan tapos bigla ay malalaman nitong buntis siya at tiyak na alam din nitong si Alexander ang ama.Agad ang pag ragasa ng kaba sa kanyang sistema nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nag madali pa siyang mag

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status