Share

kabanata 8

Mag iisang buwan na rin nang mag umpisang mag trabaho si Nicole sa malaking kumpanyang iyon bilang executive assistant ni CEO Shawn Alexander Montefalco, hindi pa rin sila mag ka sundo ng kaniyang boss dahil para kay Nicole ay ubod pa rin ng sungit at sama ng ugali ng CEO. Pero so far maayos naman, napag tiyatiyagaan pa rin naman ni Nicole dahil kahit saan siya dalhin ay wala naman siyang choice.

Kahit pa minsan ay na bubuwisit siya sa ginagawa ng ng Alexander na ito, katulad nalang ngayon, pasado ala una na ay ayaw pa rin siyang payagang kumain ng lunch dahil ang rason ay hindi niya pa daw natatapos i-review ang napaka raming papeles na ibinagsak nito sa lamesa niya kaninang umaga.

“Ahh sir, baka naman po pwedeng mag lunch po muna ako babalikan ko nalang po agad ang pag ri-review nitong mga papeles kapag tapos.”

Magalang na untag ni Nicole sa masungit niyang boss, nagugutom na kasi talaga siya dahil bukod sa late na ay hindi din siya naka pag almusal sa bahay kanina dahil na late siya ng bangon at inabot nanaman ng high blood ang kaniyang tiyang Norma.

Katulad ng kanina pang isinasagot sa kaniya ng kaniyang boss, isang masamang tingin nanaman ang ibinigay nito sakaniya saka bumalik sa kung anong ginagawa.

Napa irap naman si Nicole saka wala nang nagawa kundi ang bumalik nalang sa trabaho, dahil sa inis at sa nararamdamang gutom ay hindi na napigilan ni Nicole ang padabog na kunin ang ilang folders para iyon naman ang sunod na basahin.

Wala rin naman siyang magagawa, baka mamaya kapag nag reklamo pa siya ay saniban nanaman ng masamang ispirito ang boss niya lalong hindi siya makakain.

“Grrruuuuukkkk”

Napa pikit si Nicole nang marinig ang malakas na pag tunog ng kaniyang sikmura.

“Shh, huwag kang mag alala makaka kain ka rin. Quite ka lang muna diyan.”

Pa bulong na kausap ni Nicole sa kaniyang tiyan na nag wawala na yata dahil sa gutom.

“Hahaha!”

Kunot noong napa lingon si Nicole sa malaking table na kinaroroonan ng kaniyang boss na si Alexander, naka yoko pa rin ito habang sinisipat ang isang maliit na modelo ng eroplano, sa tingin niya ay gawa iyon sa metal, kahit nasa malayo siya ay alam niyang maganda ang pag kakagawa ng disenyo ng mini airplane na iyon.

Hawak iyon ni Alexander habang tawa ito ng tawa, naka ramdam yata ang loko na naka tingin siya dito nang naka kunot ang noo kaya napa lingon rin ito sa gawi niya, ang pwesto kasi ng opisina niya ay nasa loob lang ng opisina ng kaniyang boss na masungit, naka pwesto siya sa katabi ng table nito kung saan malapit sa pinto ng kusina.

Lalo lang nangunot nag noo ni Nicole nang mas lumakas pa ang pag tawa nito.

“Haha sorry, you look like some crazy woman talking to yourself.”

Sa wakas ay nag salita na rin ito.

“Ay nakaka baliw po talaga ang gutom sir Alex, hindi mo pa siguro nararanasan iyon ano? Ang swerte niyo naman. Anyway, hindi ko po kausap ang sarili ko. Kausap ko po ang tiyan ko, gutom na gutom na daw po kasi siya. Tingnan niyo nga oh umiiyak na siya.”

Seryosong sabi ni Nicole na lalo lamang namang ikinatawa ng kaniyang boss, hinayaan nalang ni Nicole na tumawa ito ng tumawa at hindi nalang nag salita, nailing na ibinalik niya nalang din ang atensyon sa mga papel sa harap niya.

“Why are you always hungry Lorenzo? Tell me, ganon ka ba kahirap at hindi ka maka kain sa inyo?”

Seryoso ang boses na tanong pa nito sakaniya, napilitan tuloy siyang lumingon dito, malungkot siyang napa ngiti saka mataman itong tinitigan sa mata.

“Oo sir eh, ganon talaga ako kahirap na hindi ko po magawang maka kain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya nga ako nandito ngayon, nag tiyatiyagang mag trabaho bilang EA niyo kahit gustong gusto ko na pong gamitin ang pinag aralan ko bilang engineer eh dahil kailangan ko po ng trabaho pang bili ng pagkain. Pasenya na po ah? Hindi po ako kumportableng pag usapan ang tungkol sa buhay ko, excuse me po.”

Hindi mapigilan ni Nicole ang malungkot, simpleng tanong lamang naman iyon mula sa kaniyang boss pero pang iinsulto ang tunog niyon sakaniya. Hindi na umimik si sir Alexandader kaya tahimik din siyang tumayo mula sa kinauupuang swivel chair para mag tungo sa banyo.

Saglit lamang naman siya doon, nang matapos ay agad din siyang lumabas para sana bumalik na sa trabaho. Nagulat pa si Nicole nang makita ang isang pang mayamang garapon na naka patong sa kaniyang lamesa, katabi niyon ang isang bote ng gatas na mukhang mamahalin din, madalas niyang makita iyon na iniinom ng kaniyang boss.

Kunot noo niyang nilapitan ang garapong iyon saka saglit na sinilip mula sa labas kung may laman, transparent kasi ang garapong iyon. Kunot noong nilingon ni Nicole ang pwesto ng kaniyang boss ngunit wala ito doon.

Sa halip na lantakan ang pagkain ay itinabi niya nalang iyon kahit pa nag lalaway na siyang kainin iyon, baka kasi mamaya pinag ti-tripan nanaman siya ni Alexander, kapag kinain niya tapos ay bigla siyang singilin.

Hindi alam ni Nicole kung gaano katagal siyang naka titig sa garapong iyon pati na rin sa bote ng mamahaling gatas, napa talon pa siya sa gulat nang biglang may mag salita sa likod niya.

“Hindi ka mabubusog if you will only stare at it. Eat Lorenzo.”

May tunog pag utos na sabi ng kaniyang boss mula sa kaniyang likuran, agad niya naman itong nilingon.

“A-akin nalang po ito sir? Kanino po ito galing?”

Maang na tanong niya na ikina irap naman nito.

“That’s my lunch, malamang galing saakin tayo lang naman ang nandito. Kumain ka nalang.”

Masungit na sabi nito. Napa ngitin naman si Nicole.

“Pa-paano ka po sir?”

“I will only have these, I am on a diet anyway.”

Tipid na sagot nito sabay itinaas ang hawak na isa pang maliit na Tupper wear na sa tingin ni Nicole ay salad ang laman.

“Just eat will you? Ang dami mong tanong. ”

Naka simangot na sabi pa ng kaniyang boss saka nag lakad pa punta sa maliit na living room sa opisina nito kung saan ito madalas na kumain ng lunch.

Naka ngiting tumango si Nicole saka excited na tumayo rin para sabayang kumain ang kaniyang boss.

“Makiki sabay na po akong kumain sainyo ah?”

Masayang sabi niya pa saka naka ngiti nanamang binuksan ang lalagyan.

Halos mag ningning ang mata niya nang makitang sushi at kung ano ano pang Japanese foods ang laman ng baonang iyon, never siyang naka tikim ng ganoong pagkain sa tanang buhay niya, sa dami pa niyon ay alam niyang hindi niya iyon kayang ubusin.

“Don’t tell me you never had a bento before?”

Kunot noong tanong ng kaniyang boss, naka ngitng tumango lang naman si Nicole.

“Saan ka ba naka tira? I mean do you still have a family?”

Muli nanamang tanong nito, natigilan naman si Nicole saka matamang tinitigan ang boss.

“I don’t mean to pry, EA kita at dad ko lang naman ang nag hire sayo. I know nothing about you except that you are annoying.”

Kibit balikat na sabi pa nito, napa tango naman si Nicole saka pilit na ngumiti.

“Na-nakiki tira po ako sa tiyahin ko, ulilang lubos na po kasi ako eh.”

Tipid na sagot ni Nicole, hangat maaari ay ayaw niyang mag kwento ng tungkol sa buhay niya, sa kaniyang pamilya sa kahit na sino, si Leah nga lang ang tanging nakaka alam ng kung gaano ka sama ang ginagawang pag trato sakaniya ng pamilyang kumupkop sakaniya.

“And how are they treating you?”

Tanong nanaman ng kaniyang boss, nag pilit nalang ng ngiti si Nicole dito at hindi na sumagot. Binilisan niya nalang din ang pag kain.

“By the way Lorenzo, at 2:30 pm I need you to come with me. I want you to do some shopping for new clothes we’re going out of town for business.”

“Shopping po? Eh sir, wala pa po akong sweldong pang shopping.”

Naka ngiwing sabi ni Nicole, inirapan naman siya nito.

“It’s on me, I’ll come with you anyway. Ako ang pipili ng mga bibilhin mo. Wala akong tiwala sa sense of fashion mo.”

Masungit na sabi ng kaniyang boss, hindi nalang din siya nag reklamo.

Mag a-alas tres ng hapon ay nasa mall na sila ng kaniyang boss, nalaman niya mula rito na bukas na pala sila ng lunch aalis pa tunong Palawan para sa isang business trip. Ang hindi niya alam ay kung ilang araw silang mag lalagi doon , nahiya na rin naman siyang mag tanong dito.

Pag pasok na pag pasok sa mall ay sa isang tila mamahaling boutique agad sila dumiretso, napa lunok pa si Nicole nang pag pasok na pag pasok sa boutique na iyon ay natanaw niya ang tila mamahaling mga damit, hindi pa siya naka pasok sa ganitong lugar, aminado naman si Nicole na pang ukay ukay lang talaga ang ganda niya.

Walang imik na sumunod lamang nang sumunod si Nicole sa naka poker face nanaman niyang boss, napa ngiwi pa siya nang may isang magandang babae na lumapit dito at agad nitong hinalikan sa pisngi ang kaniyang boss, medyo malayo si Nicole sa pwesto ng dalawa kaya hindi niya rinig ang pinag uusapan ng mga ito, na conscious din si Nicole dahil maya’t maya siyang tinitingnan ng mga ito sa pwestong kinaroroonan niya.

Mayamaya pa nakita niyang palapit sakaniya ang kaniyang boss kasunod nag babaeng sumalubong dito kanina, tingin ni Nicole ay ang babaeng iyon ang may ari ng boutique.

“Lorenzo, this is Yannah siya ang may ari ng boutique na ito, yannah this is my EA Nicole Lorenzo.”

Pag papa kilala sakanila ni sir Alexander, nahihiyang ngumiti naman si Nicole sa babae na may pangalang Yannah, excited na excited ang mukha nito na nagawa pa siyang hawakan sa braso.

“Naku ang dami ko nang na iisip na gagawing pag mi-make over sayo.”

Excited na sabi ni Yannah na nagawa pang surian ang kaniyang mahabang buhok.

“Make over po?”

Naguguluhang tanong ni Nicole, natawa naman ang babae. Napaka ganda nito, matangkad, maputi at makinis ang balat, sexy din, saglit na napa isip si Nicole kung kaano ano kaya ito ng kaniyang boss. Mag i-isang buwan na siyang nag ta-trabaho sa kumpanya ngunit wala spa rin siyang alam tungkol dito, sa hindi malamang dahilan ay saglit na napa isip si Nicole kung may girlfriend kaya ang kaniyang boss na CEO. Oh well kahit naman kasi masungit ito, palaging seryoso at masama at bastos nag ugali kung minsan ay hindi niya maitatanging gwapo ito.

“Oh don’t worry about it sweety, akong bahala sayo. Come with me.”

Masayang sabi ni Yannah saka siya marahang hinila, nag aalala naman na napa sulyap ng tinin si Nicole sa kaniyang boss para sana mang hingi ng tulong ngunit tinanguan lang naman siya nito bilang pag sabi marahil na sumama siya.

Hindi malaman ni Nicole kung ilang oras ang ginugol nila ni Yannah sa pag pili ng iba’t ibang klase ng damit na babagay sakaniya, ilang nag gagandahang dresses ang ibinigay sakaniya ni Yannah para isukat, kumuha rin sila ng ilang shorts, sando, blouses. Pati na nga rin bikini ay kinuhanan din siya nito ng ilang pares hindi naman malaman ni Nicole kung para saan niya gagamitin iyon.

Hindi rin naka lampas ang ilang pares ng mga bagong sapatos pati na rin mga accessories.

Matapos ang mga damit ay muli nanaman siya nitong hinila sa isang silid, unang tingin ay alam na agad ni Nicole na isang parlor iyon, inabot sila ng ilang oras pa sa pag aayos ng kaniyang buhok, pag pluck ng kaniyang kilay pati narin sa mani at pedicure.

“And we’re done, I knew it. You are so pretty Nicole.”

Masayang sabi sakaniya ni Yannah saka siya nito pilit na iniharap sa salamin.

Nanlaki naman ang mata ni Nicole nang makita ang sariling reflection, nag mukha siyang tao. Unti unti siyang napa ngiti nang halos hindi niya makilala ang sarili sa malaking salaming iyon, sinong mag aakalang ang dating magandang siya ay may igaganda pa pala.

Walang sabi sabing hinila siya ni Yannah palabas , bumungad sakaniya ang tila isang living room, sa isang sulok ng siid na iyon ay nakita niya agad ang CEO, kunot ang noo nito habang nag babasa ng libro.

Marahang tumikhim si Yannah para marahil agawin ang atenasyon ng kaniyang boss, naging effective naman dahil agad itong napa tayo mula sa kinauupuan nang makita siya.

“We’re done.”

Naka ngiting sabi ni Yannah saka sinenyasan ang kung sino sa kanilang likuran, mayamaya pa ay sunod sunod na nag si labasan ang tatlong tao na marahil ay nag tatrabaho sa boutique na iyon bitbit ang maraming paper bags.

Tahimik lamang si Nicole na pinagmasdan ang tila in shock pa ring itsura ng kaniyang boss habang naka tingin sakaniya, agad naman siyang na conscious sa sariling itsura dahil sa paraan ng pag titig nito saaniy kaya agad siyang napa yuko.

“You are way too pretty para yumuko ka lang ng ganyan, be confident Lorenzo.”

Nagulat si Nicoles nang maramdaman ang isang kamay ng CEO sa kaniyang baba at pilit nitong itinaas ang kaniyang mukha.

Bakit ba hindi niya namalayang naka lapit na pala ito sakaniya?

At ano daw? Pretty? Ahihihi tinawag siyang pretty ng masungit niyang boss.

Sa hindi malamang dahilang ay bahagyang nakaramdam g kilig si Nicole, hindi niya na rin napigiilan ang mapa ngiti kasabay ng pag init ng kaniyang mga pisngi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status