Share

KABANATA 17.1: DEJA VU

"One... and two... and three," nagpatuloy sa pagbibilang ni Franz habang rumarampa ako gamit ang mataas na heels. Five inches raw iyon at pointed pa ang pinahiram niya sa akin. Nanginginig tuloy ang mga binti ko.

"Ang pangit! Ulit, sis!" pasigaw na reklamo ni JP. Napahinto ako at napanguso. Kailan ba 'to matatapos?!

"Relax, Rika! Paano ka masasanay kung palagi kang kabado r'yan?!" singhal pa ni Franz.

Nilapitan naman ako ni Mona at inabutan ng tubig. "Okay ka lang? Break muna tayo, gusto mo?" tanong nito.

Tumango ako at napabuntonghininga. Pinalista kasi nila ako para sa laban ng Miss San Juan ngayong taon. Dahil kwalipikado na ako sa edad ay pumayag na sina mama at papa. Na-challenge rin akong sumali dahil nanalong first runner up si Mona last year. Pero, ngayon ay nagsisisi ako. Ang hirap-hirap naman pala!

"Payungan niyo!" pagalit na utos ni Mona sa dalawa naming kasama.

Isa pa itong balat ko. Hindi ako makalabas ng walang payong dahil may AHA ang mga pinapagamit nila sa aking pamp
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status