Share

CHAPTER 3: BAD KID

Penulis: sshhhhin
last update Terakhir Diperbarui: 2023-12-06 12:12:31

"Rika, nandyan na pala you!" masayang bungad ni Franz, ang kaibigan kong dahilan kung bakit marami akong sugat sa balat.

Maarte siyang tumakbo palapit sa akin, inalis pa ang strap ng bag sa kanang balikat ko at pwersahan akong pinaupo. "Here ka umupo and let me check your sugat!"

Mabilis akong umiling. "'Wag na, Franz! Para namang 'di pa ako sanay sa ganito!" pigil ko sa kanya at hinila siya patayo.

"Correct ka r'yan, madam!" sang-ayon ni Mona at umupo sa arm chair ng inuupuan ko.

Nalukot naman ang mukha ni Franz at hinawakan ang kamay ko. "Sorry talaga, mga sis! Nadadamay pa kayo dahil lang sa pagiging flirt ko!" madramang aniya at humagulgol pero walang luha. Napailing na lang ako at napangisi.

"Tanggap naman na namin dati pa na isa kang malaking flirt! Pero iba 'yong ngayon, sis! Naging third party ka sa mag-jowa!" pambubunyag ni John Paul o mas kilala bilang JP. Minsan Jopay ang gusto niyang ipantawag namin sa kanya. Gaya ni Franz, gay ang nirerepresenta niya bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Si Mona naman, bisexual. Marami na siyang nakarelasyong babae at lalake. At ako? Questioning. Hindi ko pa sigurado ako ang sexuality at gender identity at gender expression ko. Minsan, napapaisip ako kung heterosexual talaga ako at gusto lang ding mapabilang sa LGBT community kaya tingin ko ay homosexual ako. Ang totoo, na-attract talaga ako sa mga lalake. Lalo na iyong malakas ang dating at gwapo tulad ni senyorito. Minsan din nagagandahan ako sa mga babae. Dahil do'n, inakala ko rati na bisexual din ako. Pero may pagkakataon na nandiri ako no'ng asarin nila ako sa kapwa ko babae at kinikilig naman kung sa lalake.

Ewan ko ba! Ang gulo-gulo! Basta ayaw ko na may nabu-bully at sinasaktang tao dahil lang sa seksuwalidad nila. Handa akong makipag-away para lang maipagtanggol sila tulad ni Franz.

"Ginugulo ka pa ba nila?" tanong ko sa kaibigan. Si Kate at yong ang grupo niyang nasa kabilang section ang tinutukoy ko.

Napayuko siya at binuksan ang cellphone. "Hindi naman na. Sana lang, 'wag nang maulit 'yong kahapon."

"'Wag kang mag-alala! Nandito lang kami kung sakaling maulit 'yon!" sigang dagdag ni Mona at marahas na tinapik ang balikat ni Franz. Napa-aray tuloy ito at napamasahe sa sariling balikat.

Tinawanan lang namin sila ni JP. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "May chika pala ako! Nagsimula na 'yong pagpapalista sa mga sasali sa Miss San Juan! Pinalista ko sina Rika at Mona!"

"Hoy! Ano?!" halos sabay naming tanong ni Mona sa kanya.

"Kaya niyo 'yon! 'Di ba need niyo ng extra income? Ayan na ang opportunity, kumakatok na!" Pumalakpak pa siya.

"Prank lang!" deklara ko at 'di siya nilubayan ng tingin. Baka kasi bigla siyang sisigaw ng, 'it's a prank' pero wala. Mukhang seryoso talaga siya.

"Magpapa-widthraw ako! Sasabihin ko kay mama," mabilis na tutol ko at pinagkrus ang braso. Ano ba kasing trip niya at bigla-bigla akong ipapasali sa beauty contest?! 'Di ako para ro'n.

"Ano ka ba, sis?!" Hinampas niya pa ang braso ko. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kirot. Ang bigat talaga ng kamay niya! "Support ka namin! Saka sagot kita sa gown at make up! Madami akong gamit na kasya sa 'yo! Magkasize lang naman tayo! Lamang ka lang ng konti sa s**o!"

"Hoy!" mabilis na sita ko dahil sa kabulgaran niya. "Basta! Ayaw ko sa contest-contest na 'yan," pagtapos ko sa usapan.

Si Mona naman 'di nagreklamo. Sabagay, napagti-tripan na siyang maging muse ng section namin at nailalaban sa school pageant tulad kapag buwan ng wika at science fair. Maganda rin kasi siya pati na ang katawan niyang 'di namin mawari kung bakit payat pa rin sa kabila ng pagiging malakas kumain.

Nang mag-uwian ay magkakasabay kaming apat na lumabas. Gaya ng inasahan, inabangan kami ng nina Kate, Zhai, Scarlet at Calvin sa may kanto. Wala ngayon iyong boyfriend ni Kate na pumatol kay Franz. Pinatunog namin ni Mona ang mga daliri sa kamay at niluwagan ang pagkakasuot ng bag para maghanda na.

Inilabas naman nina Kate at Scarlet ang de-tupi nilang payong. Ang daya talaga ng mga 'to!

"Babe," tawag ni Scarlet sa boyfriend niya. "Suntukin mo 'yong pangit na 'yon!" Itinuro niya si JP. Napayakap naman ang kaibigan ko sa sarili niya. Lalakeng-lalake kasi iyong Calvin.

Ilang saglit pa ay sumigaw si Kate at sinugod ng sabunot si Franz. "Let's get it on!" hiyaw ni Mona at tumakbo sa pwesto ni Zhai.

Si Scarlet ang dapat na katapat ko pero mas pinili kong depensahan si JP mula sa atakeng suntok ni Calvin. Sa huli, ako ang napa-upo sa kalsada dahil sa suntok ni Calvin sa pisngi ko. Napahawak ako roon dahil sa sobrang sakit.

"Bakit ka kasi humarang?! Ang tanga mo!" sigaw nito sa akin. Ikinuyom ko ang kamao ko at hinubad ang bag sa katawan sabay hampas no'n sa kanya.

"Babe!" Mas lalo akong nairita sa boses ni Scarlet kaya hinampas ko rin siya. Sa wakas, tumulong na rin sa akin si JP. Sinabunutan niya si Scarlet. Siniko ko naman ang tiyan ni Calvin. Nang 'di makuntento ay hinarap ko siya sa akin at tinuhod ko ang pagitan ng hita niya dahilan para mapahawak siya roon at mapaluhod.

Magkakasunod na busina mula sa isang kotse ang nagpatigil sa bawat grupo namin. Huminto ang kotse sa harapan namin at maya-maya pa ay nakita ko si papa na bumaba mula sa kotse. Lagot!

"Hoy! Anong ginagawa niyo?! Tigilan niyo 'yan!" sigaw niya at nag-ambang lumapit. Nagsitakbuhan naman ang grupo nina Kate habang iika-ikang lumayo si Calvin habang inaalalayan ni Scarlet.

Hindi ko sila magawang asarin sa pagiging duwag dahil tumakas sila. Mas kinakabahan ako ngayon sa presesya ni papa.

"Ang gaganda at gwapo niyo pero nagbubugbugan lang kayo! Mga bata nga naman!" pangaral pa niya at nilapitan ako. Kinuha niya ang bag kong nasa semento at ipinagpag ang dumi roon. Sunod ay umiling siya at dismayadong tinitigan ako.

"Umuwi na kayo," aniya nang bumaling siya sa mga kaibigan ko at hinawakan ang palapulsuan ko. "Halika na, anak."

Hinintay niya akong maglakad bago siya sumunod. Nanubig angmga mata ko dahil nasasaktan ako sa reaksyon niya. Bakit nakita niya akong nakikipag-away? E 'di mawawala na ang tiwala niya sa akin! Ayaw ko no'n!

Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya pa ang nagkabit sa akin ng seatbealt bago isarado ang pinto sa banda ko.

"What a bad kid," rinig kong bulong ng kung sino mula sa likuran. Nilingon ko iyon at nakita si Senyorito Brandon. Napaawang ang labi niya nang magsalubong ang tingin namin at mapatingin sa pisngi kong kumikirot pa rin. Napanguso ako at kaagad na tinalikuran siya nang bumukas ang pinto sa kabilang dako at pumasok si papa.

"Sir, p'wede ho bang dumaan muna sa drug store? May bibilihin lang ako," tanong ng ama kay senyorito.

"Sure," maikling sagot nito.

Napayuko ako at nilaro ang strap ng bag na nasa hita. Nahihiya ako sa naabutan nila. Unang huminto ang kotse sa tapat ng Drug Store. Nagpaalam si papa bago siya lumabas.

"Ilang taon ka na?"

"Ha?" Kunot noo kong nilingon si Brandon nang magsalita ito. Wala naman siyang suot na headset o ano at kaming dalawa ang nandito sa loob. Ako ba ang kinakausap niya?

"Seventeen po," mahinang sagot ko at tinignan ang reaksyon niya. Blanko pa rin ang mga mata niya pero tumango siya. "Ikaw?" tanong ko dahil kuryoso rin ako kung ilang taon na siya. Tingin ko nasa thirty years old o mahigit.

"Bawal ka pang makulong pero pwedeng madamay ang mga magulang mo dahil sa ginagawa mong gulo," iyon na yata ang pinakamahabang paliwanag na narinig ko sa kanya mula nang mag-usap kami. Pero hindi ko nakuha ang sagot na gusto kong malaman tungkol sa kanya.

Napabuntonghininga ako at napaayos ng upo. Masakit kasi sa leeg kung nakalingon ako sa kanya. "Magpapakulong ako kung mangyayari man 'yon. Ayaw kong idamay sina mama at papa."

"Bata ka pa. Sa DSWD ka mapupunta hindi sa kulungan."

"Kahit na! Mag-e-eighteen naman na ako." Katamikan ang namayani sa kotse matapos kong sabihin iyon. Naputol lang nang bumalik si papa na may dalang panggamot ngsugat at yelo.

"May panyo ka ba anak?" tanong niya sa akin nang makaupo sa driver's seat.

"Opo." Kinalkal ko ang bulsa at kinuha ang panyo na dapat ay itatapon na ni senyorito.

Ibinalot ni papa ang yelo roon at hinawakan ang mukha ko. Napailing siya at ginamot muna ang sugat sa gilid ng labi ko bago inilapat ang yelo sa pisngi ko. "Namamaga, anak," aniya at nagtanong, "Masakit ba? Sinong may gawa niyan?"

"Si Calvin po," pag-amin ko dahil ayaw kong magsinungaling sa kanya. Masyado siyang mabait sa akin para gawin ko iyon.

"Lalake?" hindi makapaniwalang bulong niya at bumuntong hininga. "Ire-report ko ito sa school niyo bukas."

"P-po? 'Wag na, papa! Hindi na po mauulit!" pakiusap ko at naibaba saglit ang yelo dahil masyado na iyong malamig sa balat.

"Talagang hindi ako makakapayag na maulit pa 'to, Erika," dagdag niya. Napalunok na ako at natahimik. Galit na siya dahil sa pangalan na niya ako tinatawag.

Napagalitan ako ni mama nang makita ang pasa sa pisngi ko at malaman na nakipag-away ako. Naging malamig tuloy ang trato nilang dalawa sa akin ni papa. Nakaka-guilty!

"Rika, tawagin mo na si senyorito. Nakahain na ang pagkain," utos ni mama sa seryosong tinig.

Lumabas ako habang nakapantulog. Isang maluwang na t-shirt at pajama ang suot ko. Nakalugay lang din ang buhok ko dahil basa pa ito. Pinaligo kasi agad ako ni mama kanina.

Tamad akong umakyat at kumatok sa pinto ng senyorito. Wala ako sa sarili habang ginagawa 'yon. Nang maramdaman ang hapdi sa kamay, doon ko lang napagtanto kung ilang oras na akong kumakatok. "Senyorito!" sigaw ko at malakas na kinalabog ang pinto gamit ang dalawang kamao.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si senyorito. Namilog ang mga mata at bibig ko dahil wala itong suot sa pang-itaas. Basa at may tumutulo pang tubig mula sa magulong buhok niya at sa pang-ibaba, tanging puting tuwalya lang ang nakatakip at maluwang pa ang pagkakatali.

"What is it?!" iritadong tanong niya at sa akin.

Napalunok ako ng sariling laway bago sumagot, "Kakain na raw."

"Damn, I thought it's an emergency," bulalas niya bago ako pinagsaraduhan ng pinto.

Napakurap ako at napasampal ng pisngi dahil ang init no'n. Huli na nang mapagtanto kong may pasa pala ako kaya napadaing ako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The CEO's Personal Maid   WAKAS: MY SENYORITO

    Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 69: TAMANG ORAS AT PANAHON

    "Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.2: DESPITE EVERYTHING

    "Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 68.1: KASALANAN

    "Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 67: MUCH

    "M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h

  • The CEO's Personal Maid   KABANATA 66.3: BARIL

    Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status