Share

KABANATA 17.2: COLD

Mabilis akong tumakbo papasok mg mansyon dahil sa excitement. Miss na miss ko na si senyorito!

"Anak, mabuti at nand'yan ka na," bungad ni mama at pinagmasdan muna ang ayos ko bago inabot sa akin ang hawak niyang tray na may lamang mga babasaging baso at alak na nasa isang lalagyan habang pinapalubuan ng mga yelo. "Magbihis ka at ibigay mo ito kay Sir Brandon. Nasa opisina sila, iyong katabi ng kwarto niya."

"Opo, ma!" ngiting sagot ko at aligaga naman siyang bumalik sa kusina. Pagkadaan ko roon ay abala ang lahat sa paghahanda ng meryenda. Mukhang marami ang bisita! Paniguradong masarap din ang pagkain namin mamaya.

Umakyat na ako sa pangalawang palapag dahil hindi na ako makapaghintay na makita ulit si senyorito. Ni hindi ko magawang kabahan sa pag-akyat at pagbuhat ng babasaging dala kahit mataas ang sapatos na suot ko.

Isinandal ko ang tray sa tiyan habang hinahawak iyon gamit ang isang kamay nang kumatok at binuksan ang pinto. Muli kong hinawakan ang tray gamit ang dalawang kama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status