"Rika, nasaan na si senyorito?" tanong ni Gemma, kasambahay na ilang taon lang din ang tanda sa akin. Nahihiya nitong inipit sa tenga ang ilang hibla ng takas na buhok. Ang hinhin niya talaga! Sila lang ni mama ang babaeng kasambahay na kilala kong hindi maharot tulad ko. "Nabanggit kasi ng mama mo na tinawag mo na siya."
"Nagbibihis pa siya. Pero nasabi ko na. Baka mamaya nandito na 'yon," sagot ko bago siya nilampasan. Ang kaso, narinig ko ang yapak niyang umakyat patungo sa ikalawang palapag.Si senyorito ba ang pupuntahan niya? Wala ba siyang tiwala sa akin?Nagkibit ako ng balikat at naglakad na papunta sa kusina. Kumpara kagabi, walang mga bisita. Pero sandamakmak pa rin ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa hapag. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog iyon sa gitna ng katahimikan. Nagugutom na ako! Gusto ko na ring kumain.Tinungo ko ang kusina kung saan pwede nang kumain ang mga kasambahay. Ang kaso, wala ng tao roon. Tanging mga pinagkainang plato na nasa lababo lang ang nagpapatunay na tapos na silang kumain. Sina mama at papa kaya? Hindi nila ugaling hindi ako kasabay kumain.Bumalik ako sa kusina at naabutan si senyorito sa hapagkainan. Naroon din si Gemma na siyang nagsasandok ng pagkain. Napahinto ako saglit at napatingin ako sa mga ulam. Grabe, ang dami talaga! Kaya bang ubusin ni senyorito ang mga 'yon?Napa-ayos ako ng tayo at napahawak ng tiyan nang muli itong nag-alboruto dahil sa gutom. Napayuko ako dahil sa hiya. "Sorry po," mahinang usal ko at nagmadaling tumakbo para iwan sila roon."Rika!" Natigil ako nang may lalakeng tumawag sa akin. Nilingon ko ang malayong si Senyorito Brandon. Nakatingin ito sa pwesto ko. 'Di ako makapaniwalang siya ang tumawag sa akin. Iyon kasi ang unang beses na banggitin niya ang pangalan ko. "Eat with me."Napalunok ako ulit. Bakit ang hot pakinggan no'n? Napatalikod ako at napakamot ng ulo. Bakit ko ba pinupuri ang boses niya?!Muli ko siyang hinarap at pekeng ngumiti. "Tatawagin ko lang po sina mama at papa," paalam ko at lumabas ng dining room. Naabutan ko sa labas ang mga magulang. Nakatambay sila sa gazeboo at ang sweet nila. Nakayakap si papa kay mama habang magkahawak sila ng kamay. Napangiti ako at nilapitan sila."Ma, pa..." panimula ko, "Nag-away po ba kayo dahil sa akin? Sorry po!" sinserong paghingi ko ng tawad."Ayos lang, 'nak. Naipaliwanag na ng tatay mo sa akin ang nangyari. Hali ka nga rito!" Umiling si mama at inilahad ang braso sa akin.Umupo ako sa tabi niya at sumama ako yakapan moment nila. "Pinagtanggol ko lang po talaga 'yong kaibigan kong si Franz. 'Di naman po ako mananapak na lang bigla.""Mabuti ka pa nga, anak, nananapak ng may dahilan. Itong mama mo—" Nabitin sa ere ang sasabihin ni papa nang hampasin siya ni mama sa balikat. "Tignan mo!"Humalakhak kaming tatlo at saka ko lang naalala ang gutom na nararamdaman. "Ma, pa, sabi pala ni senyorito, sabay tayong kumain sa kanya.""Talaga? Nako, sakto, kanina pa ako gutom!" sambit ni papa at hinawakan ang kamay ni mama para yayaing pumasok sa mansyon. Sumunod ako sa kanila nang 'di nawawala ang ngiti.Sana, kung magkakaroon man ako ng asawa pagdating ng panahon, gusto kong maging katulad namin sina mama at papa. Iyong kahit simple lang ang buhay, masaya pa rin!Kung hindi, magma-madre na lang talaga ako.Unti-unting nawala ang ngiti ko nang muling makita si senyorito. Nakatingin ito sa akin kaya bumalik ang hiya ko sa kanya. "Kain na," malumanay na banggit niya at inilahad ang kamay sa mga ulam na nakahain.Tumabi si Gemma kay Senyorito Brandon. Sa kabilang gilid, nando'n kami ng pamilya ko at ako ang nasa pinakadulo. "Salamat sa pag-anyaya, sir," saad ng mga magulang ko. Napangiti ang amo namin at tumango. Sumunod si Gemma.Nang matapos ay napunta ang mga mata ni senyorito sa akin. Tila nag-aabang kaya ibinuka ko ang bibig ko at sinabing, "Salamat, senyorito.""Kumain na tayo," anunsyo niya at kinuha ang kutsara at tinidor. Gano'n din ang ginawa ng tatlo. Ako, tumayo para maghugas ng kamay. Mas sanay at mas masarap ang pagkain ko kapag gamit ang kamay imbes na kutsara.Naging tuloy-tuloy ang pagkain ko dahil nalagyan na ni mama ng kanin at ulam ang plato ko. Pati baso ay may tubig na rin. Kumpleto! Alam na alam talaga niyang alimango at hipon talaga ang paborito ko."Ayusin mong kumain, Rika. Kaharap mo si senyorito," bulong ni mama at pinunasan ang gilid ng labi ko."Aray, ma!" d***g ko dahil mukhang hindi ulam kun'di sugat ko ang sinusubukan niyang alisin.Humalakhak naman siya habang humihingi ng paumanhin at hinalikan ang pisngi ko. Napanguso ako at ipinagpatuloy ang pagkain."Sir, tapos ka na?"Nag-angat ako ng tingin kay senyorito dahil sa sinabi ni Gemma. Mukhang tama siya dahil malinis na ang plato nito. "Yeah, but I'll stay 'til everyone is done."Saglit na bumilog ang bibig ko dahil sa sagot niya bago muling ngumuya. Seryoso ako sa pagkain habang nakikipagkwentuhan ang tatlo sa kanya. Mukhang mabait naman ito sa kanila. Ngumingiti pa nga at nakikitawa. Pero bakit pagdating sa akin, palaging mainit ang ulo niya?Maya-maya pa ay nagtanong si senyorito tungkol sa akin. Nabitin tuloy ang pagsubo ko para sa huling pagkain ngayong gabi."Si Rika lang ba po ang anak ninyo?" At bakit naman siya interesado sa pamilya namin?"Oo, sir. Unica hija namin 'tong si Rika," proud na sagot ni papa. Napatango naman ang senyorito at napatingin sa akin."Masipag po siyang bata. Tumutulong siya rito sa mansyon kahit nag-aaral pa."Agad kong inabot ang baso ng tubig bago ko pa mailuwa ang pagkaing basa bibig. Bakit bigla-bigla siyang namumuri? Ang plastic niya! Porque nasa harap siya nina mama at papa."Masipag po talaga ako, senyorito! Alagapaan pa kita kung gusto mo!" biro ko sa kanya.Napaawang naman ang labi niya. Mukhang 'di niya inaasahang makikisali ako sa usapan nila. "Sure, you're my personal maid from now on."Sabado ngayon. Wala kaming pasok kaya maghapon ang trabaho ko rito sa mansyon. Tulad ng laging ginagawa, nagwalis ako sa labas at loob ng mansyon. Iyon lang ang trabaho ko dahil ayaw nila akong paghawakin ng mga mamahalin at antigong gamit ng pamilyang Monteverde. Baka raw kasi masira o mabasag ko lang iyon.Sinunod ko ang paglilinis ng swimming pool. Taga-alis lang ako ng mga napupunta roong dahon gamit ang mahabang net. Nasa dulo ako ng pool, pinipilit na abutin ang dahong nasa pinakagitna nang biglang may magsalita sa likuran ko. "You're cleaning here instead of my room?"Dahil sa gulat ay napatalon ako sa swimming pool at nabitawan ang mabigat na net. "Senyorito?!" gulat na tawag ko sa kanya nang makaahon at mailuwa ang tubig na nainom. "Bakit ka nanggugulat?! Badtrip ka naman!" reklamo ko rito dahil una sa lahat, siya ang mga kasalanan kung bakit kay aga-aga ay naligo na ako agad. Pangalawa, may dalaw ako ngayon at paniguradong basa na ang suot kong napkin. At pangatlo, 'di ko
"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay. "Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya. Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi. Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo.
Humiyaw ako at itinaas ang kamay sa ere habang dinadama ang pagtama ng sariwang hangin sa mukha ko. Idagdag pa ang puro kulay berdeng mga puno at damo. Ang payapa. Nakaka-miss pumunta rito! "Senyorito!" tawag ko sa kasama at bumaba muna para yayain siya. Nakabukas kasi ng bahagya ang bubong ng kotse niya kaya nakuha kong matayo roon at makita ang tanawin. "Hali ka rito! Masarap 'yong hangin, sakto 'di gaanong maaraw rito!" Pero umiling ito at inalis ang suot na itim na salaming pamprotekta sa sinag ng araw. Kanina pa siya gan'yan! Nasa lilim pa rin kami pero naka-shades na siya. "Dali na!" pagpupumilit ko."Dito ka na lang. Malapit na tayo."Umungol ako sa pagkadismaya at napanguso. "Rommel, pakisarado na," utos pa niya kay kuyang driver na nasa harap.Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang polo at inalog. "Senyorito naman, e! Ang killjoy mo!""Tsk!" masungit na asik lang ang isinagot niya at inilayo ang braso. "You're acting like a child."Mas lalo akong napanguso at nagsumiksik
"Bakit ba rito ka gumagala, senyorito?" tanong ko habang naglalakad kami. Nakakapagod pero hindi nakakasawang pagmasdan ang mga tanawin. "P'wede namang sa Mall o sa—""Kasi payapa rito," sagot niya habang nasa likod ang kamay. "At sinusuri ko ang lugar kung magandang pagtayuan ng bahay at negosyo."Nilingon ko siya dahil naging kuryoso ako lalo. "Bahay? Ayaw mo na sa mansyon?" tanong ko at naglakad paabante pero nakaharap sa kanya."Gusto ko rin ng sarili kong bahay bakasyunan, Rika," seryosong sagot niya at tumingala ng kaunti nang ihipan ng malakas na hangin ang buhok niya. "Bakit ang gwapo pa rin kahit magulo ang buhok mo?" naiinggit na sambit ko at habang inaayos ang ilang takas na buhok nang tumakip ang mga 'yon sa mukha ko. "Ang unfai—" Natigil ako at nanlaki ang mga mata nang mawalan ng balanse matapos matisod sa isang nakaharang na bato. Mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ni senyorito para makalapit sa akin. Kaya sa pangalawang magkakataon, nahawakan niya ako ng braso
"Senyorito..." tawag ko rito para sana kausapin siya habang nasa biyahe.Pero napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang kumulo iyon. Nagugutom na ako. Doon ko napagtantong mangga lang ang kinain namin ni senyorito kanina. Kaya siguro pagod na ako nang magdilim na. Gumalaw si senyorito at inilahad sa akin ang paperbag. Kinuha ko iyon at 'di siya nilubayan ng tingin. "Ayos ka na ba, senyorito?" nag-aalalang tanong ko sa kanya sa gitna ng dilim at kaunting ilaw na tumatama sa kanya sa tuwing may madaraanan kaming nga poste na bukas ang ilaw. "Yeah, just eat if you're hungry," tipid na sagot niya at muling humarap sa bintanang nasa tabi niya. Dahil do'n ay nakanguso kong kinuha ang burger at kumagat para kumain na. Panay ang tingin ko kay senyorito habang ngumunguya. Tulog ba siya? Alukin ko kaya? Baka nagugutom na rin siya.Tahimik akong lumapit sa kanya at sinuri kung talagang nagpapahinga siya. Nang makitang nakapikit siya ay tumango ako dahil nakumpirmang tulog nga siya. Akmang la
Tinatamad akong bumangon nang marinig ang tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit na bumalik sa kama. Agad kong niyakap ang unan at nagkumot. Ang lamig ng panahon kaya ayaw ko pang bumangon! Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip nang muling magising dahil sa malakas na boses ni mama. "Rika, mag-aalas otso na! Bakit natutulog ka pa r'yan?!" "Ha?" iritadong tanong ko at napatayo nang may humila sa akin. "Akala ko naman nakabihis ka na at lahat-lahat. Pero nakahilata ka rin!" pagbubunganga ni mama. Itinulak niya ako papasok sa banyo at napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malamig na tubig mula sa shower na bumabagsak sa katawan ko. "Ma!" sigaw ko sa kanya at agad na lumayo. "Maligo ka na, kita mong mali-late ka na!" singhal niya bago ako iniwan. Iritado akong humikab at naghubad ng damit para ipagpatuloy ang pagligo. Itinabi ko muna ang mga basang damit para labhan na lang pagka-uwi. Tinatamad akong nagbihis at nagsuklay. Monday na naman! Ang tagal pa para ma
"Papa?" tanong ko at nilapitan ang ama na naghihintay sa akin sa harap ng mansyon."Ikaw nga, anak!" Mabilis siyang lumapit sa akin at pinayungan ako kahit basa na ako. Inalalayan niya ako nang makaakyat sa malamig at madulas na tiles ng mansyon ay binigyan ng tsinelas. "Pumasok ka kaagad at magbihis, baka lagnatin ka!" utos nito at kita kong kinuha niya ang pares ng sapatos kong basa.Una kong nakita si Ate Cathy na tinaasan ako ng kilay at sumigaw para tawagin si mama, "Karina, nandito na 'yong anak mo!" "Rika! Anong oras na? At hindi ba't binilin ko sa 'yong lagi kang magdala ng payong? Tignan mo na naman ang nangyari sa 'yo!" singhal nito at hinila ako papasok sa kwarto. Tinulungan niya akong alisin ang bag at naglabas din siya ng bagong damit kong pantulog. "Itabi mo lang 'yang uniporme mo, ako na ang maglalaba mamaya. Maligo ka na muna ro'n habang nagluluto ako ng noodles para mainitan ka," mabilis na paliwanag niya bago ako iniwan. Iginalaw ko ang leeg sa magkabilang gilid a
"Two thousand nine hundred ninety-nine?!" gulantang na sambit nina Franz at JP nang makitang iyon ang halaga ng load na meron ang bagong phone ko.Napabangon naman ako mula sa pagkakahiga sa arm chair. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, sis! Yaman mo sa load!" sagot ni JP at may idinagdag pa, "Pahingi naman!" Napa-isip ako. Sobrang dami nga no'n at wala naman akong text mate kaya baka hindi ko maubos bago pa mag-expire. "Sige lang.""My god, Rika!" Nilapitan ako ni Franz. "Sino ba 'tong senyorito na 'to at ganito ka-bongga magregalo?" kuryosong aniya."Tingin ko si Brandon Monteverde 'yan!" hindi siguradong sagot ni Mona sa kanya. "Nabalitaan ko kasing umuwi siya sa mansyon pero umalis lang din kahapon. Tama ba, Rika?" tanong nito sa akin.Simpleng ungol at pagtango lang ang ginawa ko dahil tinatamad akong magsalita at gumalaw ngayong araw. Pero pumasok pa rin ako dahil malaking puntos din ang attendance at isa iyon sa inaasahan ko para pumasa. Inilagay ni Franz ang ka