"Ang ganda mo talaga, Rika!" Napangiwi ako sa puri ni Cathy, isa sa kapwa ko kasambahay na mahilig maghanap sa online dating applications ng matandang mayamang madaling mamatay.
"Ang plastic mo po talaga!" may respetong pambabara ko sa kanya.Umiling ito at hindi pa rin inaalis ang ngiti sa labi. "Nagsasabi ako ng totoo! Pero sigurado ako, mas gaganda ka kapag nilagyan kita ng make-up!" paliwanag niya at hinila ang kamay ko nang magsimula na akong umiling bilang pagtanggi.Siya ang nagme-make up sa akin tuwing Recognition at Graduation. Maganda naman ang resulta dahil marunong siyang mag-make up. Pero ang ayaw ko lang ay nagkaka-pimple ako pagkatapos. Napagkakamalan tuloy ako nina mama at ng tropa ko na inlove raw ako. Kaloka!"Mali-late na po kami sa misa!" palusot ko at tinawag ang ina. "Ma! Mama, si Ate Cath, oh!" Pero hindi ito nagpakita. Nako naman! Ang tagal niya talagang magbihis kahit kailan!"Wala pa si Karina, hali ka na kasi!" pagtukoy niya kay mama at hinila ako paupo. "Saglit lang 'to! Alam mo namang paborito kitang inaayusan kasi ang ganda mo!""'Wag mong kapalan!" pambabanta ko nang hindi na magpumiglas."Naman! Alam ko namang magsisimba lang kayo ngayon! Sa debut mo na lang 'yong bonggang make-up look!" maarteng sagot niya. Oo nga pala, malapit na akong mag-eighteen. Isang buwan na lang at ilang mga araw pa mula ngayon."Aahitin ko lang muna 'yong kilay mo! Ang kapal na naman!""'Wag mong nipisan! 'Di na talaga ako magpapa-uto sa 'yo, sige ka!" banta ko nang mailabas niya ang pag-ahit ng kilay."Kailan pa naging manipis ang pagkilay ko sa 'yo, aber?" masungit na tanong niya habang nakaangat ang plakadong kilay."Baka kasi nipisan mo ngayon," mas mahinahong sagot ko at nagpa-ubaya na. Maayos naman siyang magkilay. Nababawasan niya ang kakapalan no'n pero hindi nasosobrahan ng nipis. Sa totoo niyan, naiinggit si Franz sa natural kong kilay na gawa ni Ate Cathy."Bago itong mga gamit ko!" pakikwento niya pa habang may pinapahid na kung ano sa mukha ko. Minamasahe pa niya iyon."Ano naman 'yan? Baka magkatigyawat ako, ah! Ayusin mo!" reklamo ko habang nakanguso."Primer lang 'to, ineng! Para hindi magsumiksik sa pores mo 'yong foundation! Safe 'to!""Ineng?!" bulalas ko. "Ang baduy! 'Wag mo nga akong tinatawag ng gan'yan!"Humalakhak naman siya at napamura ng malutong. Grabe talaga siya! Ayaw ko na ngang awayin!"Akala ko ba pang-simba look lang? Bakit may ganyan?" 'di ko na namang mapigilang mag-reklamo nang ilabas niya ang pekeng kilay. Kailangan pa ba no'n?"Manipis lang 'to, dadadagan lang 'yong pilik mata mo para pak na pak!"Mabilis akong umiling dahil naalala kong mabigat 'yon sa mga mata. "Ayaw ko niyan!""Arte!" malakas na bulong niya at ibinalik iyon sa lalagyan. Matapos lagyan ng matte lipstick ang labi ko ay may ini-spray siya sa mukha ko. Malamig iyon sa pakiramdam lalo na nang itapat niya pa sa akin ang electric fan."Ayan! Pefect!" Pumalakpak siya at iniharap ako sa salamin. Napangiwi naman ako. Nagmukha akong mahinhing babae dahil bumagay sa puting bestidang suot ko ang natural na make-up look na ginawa niya sa akin. Para tuloy ang bait-bait ko sa itsura ko ngayon."Ayusin ko naman 'yang buhok mo—""'Wag na!" pigil ko at hinawakan ang mataas na nakapusod na buhok."Mas maganda kapag nakakulot!""Late na nga kami, magkukulot pa?" sarkastikong sagot ko."E 'di ilugay mo na lang. Akin na—""Ayaw ko! Ang init-init na nga lang nito," pagtanggi ko sabay hawak ng manggas. Puff sleeve daw iyon sabi ng lola kong mayaman na nakatira sa abroad. Madalas siyang nagpapadala ng mga dress na sabay sa uso. Kaysa naman daw itapon lang ng apo niya roon sa Amerika. Babae rin kasi ang pinsan ko sa side ni papa. Kikay siya kaya heto, nadadamay pa ako."Okay lang 'yan! Tiis ganda na lang!" ani Cathy at marahan pang hinampas ang ibaba ng mukha ko.Sumabay siya sa amin nina mama at papa papuntang Simbahan. Pero kami, magsisimba talaga. Si Cathy naman ay makikipag-meet up sa lalakeng nakikila niya online. Binilin kong mag-ingat siya pero bahala na raw ang may pagka-matulis niyang baba para protektahan siya. Napaka-loka loka talaga niya! Palagi tuloy kaming tumatawa tuwing kasama siya.Tahimik at sineryoso ko ang pakikinig sa misa. Gano'n kasi ang ginagawa nina mama at papa kaya nahihiya akong makipagdaldalan sa katabi at tumingin-tingin lang sa paligid."Saan mo gustong kumain, Rika? Sabi ni Sir Brandon, susunduin ka na lang daw niya.""Ha?" iritadong tanong ko kay mama dahil sinabayan pa iyon ng init ng araw. Nakakapaso sa balat!"Ikaw raw ang isasama niya para ilibot siya sa bukid. Kasama niyo si Rommel," pagtukoy ni papa sa kasama niyang driver din."Tuloy pala 'yon? Gusto mong ikaw na lang, papa?" tanong ko sa kanya."Nako! Nagpaalam ako kay sir. Magdi-date kami ng mama mo. Anniversary namin ngayon," ngiting sagot niya at inakbayan si mama. Napangiwi naman ako. "'Wag kang mag-alala. Binilin niya sa akin na saglit lang daw kayo."Mabigat ang loob ko habang kumakain kami sa isang fast food chain sa Mall. Dito raw kasi magdi-date sina mama at papa at manonood pa ng sine. Nakakainggit tuloy! Bakit ba kasi Linggo pa naisipan ni senyorito na maglibot sa bukid?! Bad trip!Naghilamos, umihi at nagpalit muna ako ng sanitary pads bago naghintay kay senyorito sa harap ng Mall. Tiyak pagpapawisan ako at baka magmukha akong tanga roon kapag natunaw ang make up na inilagay ni Cathy sa akin. Tanghaling tapat kasi pero pupunta kaming bukid? Jusko, iba talaga ang trip ni senyorito!Umupo ako sa bench nang mangalay sa kakatayo. Tinignan ko ang cellphone kong madaming basag ang screen. Balak ko sanang tawagan ni senyorito pero wala naman pala akong number niya. Ang tagal ko na kasing naghihintay at ang init pa rito sa labas!Padabog akong tumayo at akmang babalik na sa loob nang makita ang pamilyar na mukhang tumatakbo palapit sa entrance ng Mall. Sumasabay ang mga hibla ng buhok niya sa pagtakbo niya. Nakasuot siya ng kulay puting t-shirt na pinatungan ng kulay kremang polo na maikli lang ang manggas. Sa pangibaba naman, khaki short na kulay kayummangi. Kaparehas no'n ang kulay ng boots na suot niya."Senyorito!" sigaw ko para matawag ang atensyon niya. Bumabagal ang takbo niya nang makita ako at naglakad nang malapit na siya sa akin.Kaagad na sumalakay ang pamilyang na pabango niya sa ilong ko. "Ang fresh mo, senyorito! Sure kang sa bukid tayo pupunta?" puri ko sa kanya at humalakhak. Napakurap naman siya at hindi pa rin nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin."Hoy!" panggulat ko rito sabay kaway sa mukha niya. "Para kang nagandahan sa akin!" biro ko dahil pamilyar ang reaksyon niya sa mga romance series napapanood ko sa TV."Oo," sagot niya at tumikhim. Nagsalubong naman ang kilay ko. "Pupunta tayo sa bukid ngayon," dagdag niya.Buti naman! Akala ko nagandahan siya sa akin.Tumango-tango ako at hinawakan ang palapulsuan niya. "Tara na, senyorito! Ang init dito!" anyaya ko at hinila siya sa kung saan habang hinahanap ang kotseng ginamit niya.Napatigil ako nang bawiin niya sa akin ang kamay. Napatitig ako roon. Ah, okay! Ayaw niyang hawakan ko siya. "Dito..." saad niya at sa pagkakataong iyon ay siya na ang humawak sa palapulsuan ko at hinila ako para sumama sa kanya.Nang bumukas ang puting kurtina na nasa harapan ko ay ngumiti ako sa lahat ng mga bisita namin ngayon. Kasabay ko si mama na lumakad sa pulang carpet na siyang dati'y dinaraanan lang namin kapag paalis o pabalik kami ng mansyon.Dito kasi namin sa naisipan ni Brandon na magpakasal. Sa harap ng mansyon at sa harap ng magandang burol na mas pinaganda ng palubog na sinag ng araw. Habang nasa ailse ay isa-isa kong ngitian ang mga bisita na nasa bandang likuran. Iyong mga kasambahay na nanatiling tapat at suportado sa amin ni Senyorito. Kaagad na namuo ang luha ko dahil sa pagka-miss ko sa kanila nang makita kung sino mga nasa sumunod na dalawang linya. Sa kanang bahagi ay iyong mga naging kaklase ko sa NU noong ako pa si Ririka Dela Rosa. Sina Wilson, Ally at mga tropa nila. Sa kabilang bahagi ay naroon naman ang mga kaklase ko at naging kaibigan noong senior high, sina Neri at Troy pati na tropa niya. Sa sumunod na grupo ay iyong mga tropa ni Brandon na naging malapit na rin sa akin d
"Brandon! Bagsak ako sa quiz!" iyon ang isinalubong ko sa kanya nang makita ko siya sa harap ng University namin. Bumalik na kasi ako ulit sa pag-aaral. Sa San Juan State University ulit kaya libre ang pampaaral at tanging mga gamit sa Nursing ang gagastusin. "10 over 30!" dagdag ko pa dahil broken bearted ako dahil sa score. Nakakasama ng loob! Nagpuyat ako ro'n kagabi! Pero humalakhak lang siya at hinalikan ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Ano 'yan? Proud ka pang bumagsak ako?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.Niyakap niya naman ang bewang ko at nanunuyong hinaplos ang pisngi ko. "Yes, I'm proud of you, baby! 10 is already high 'cause I know how hard Nursing is..." makahulugang aniya. "Remember when I got 1 over 20 back then?" Doon ako natawa. Wala na! Umubra na nga iyong sinabi ng doktor niyang mabilis mababalik ang mga alaala niya basta nawala na iyong bisa ng gamot na pinapainom sa kanya rati.Bigla ko tuloy naalala si Senyora. Naparalisado na siya at balak pa siyan
"Brandon, ipangako mong babalik kayong dalawa ng anak ko. Maliwanag ba?" paalala pa ni papa nang makarating kami. "Marami na siyang pinagdaanan..." muli siyang naging emosyonal kaya hinampas ko na siya. Pagod na kasi akong umiyak."Babalik kami agad, pa! 'Wag ka nang mag-alala r'yan baka tumaas ang BP mo!" puna ko at humalik sa pisngi niya bago ako lumabas para sundan si Brandon.Kabado ako nang muli akong makatapak sa mansyon pero napatingin ako kay Brandon nang hawakan niya ang kamay ko at ipagdaop ang kamay namin."Drop your guns!" maawtoridad na utos niya sa mga guwardyang nakasalubong namin. Kaagad naman silang sumunod kaya napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Kung nandito si Brandon kahapon, siguro hindi nangyari iyon kay Mona. Nagtatampo ako sa kanya dahil nagawa niyang magpanggap bilang ako. Muntik niya pa akong patayin dati. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan ko. Siya kasi ang pinaka-close ko sa amin nina Franz at JP. At siguro, gano'n d
"Ikaw ang may ari nito?" 'di makapaniwalang sambit ko nang kinabukasan ay dinala niya kaming lahat sa isang mansyon. Iyong palagi kong tinatanaw dati sa malayo dahil ang ganda no'n, parang palasyo. Marami ring nagpupunta roon para mag-picture kung bibisita sila rito Resort."I bought it for us. I want to give you a comfortable life, Rika," paliwanag niya at muling hinarap si Raica na nasa braso niya.Sinundan ko naman si Brayden na masayang tumatakbo sa malawak at maaliwalas na living room. "Senyorito Brandon, nakahanda na po ang mga pagkain," anang isang kasambahay na hindi pamilyar sa akin."Tutulong na rin ako!" sabay pa sina mama at Ate Cathy pero bago pa siya makapunta sa living room ay nagsalita ulit si Brandon."No need, ma'am. You're here as Rika's family. You're my family too from now on.""Ay taray! Amo na tayo ngayon, Senyora Karina!" halakhak ni Ate Cathy at biniro si mama pero umiling ito. "Ay teka! Paano na 'yan? E 'di wala na tayong trabaho?!" "Don't you have business
"M-mona..."Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaibigan na nakahandusay sa harap ko. Bukas ang mga mata nito na puno ng luha. "P-pa... patawad, R-rika." Ngumiti siya sa akin at nag-ambang bumangon pero muling umalingawngaw ang tunog ng baril.Napapikit ako at napatakip ng tenga. Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin palayo. Basta, dalawang magkasunod na putok ng baril pa ang narinig ko. "Mona!" sigaw ko nang tuluyang nawala ang ingay. Nakita kong nakahandusay sa sahig ang katawan ni Mona na puno ng dugo at sa kabilang banda ay si senyora na dinadaluhan ng mga guwardya dahil may tama sa binti. "Hali ka na, Erika!" sigaw ni Kuya Rommel sa akin at hinila ako palayo ng mansyon ng mga Monteverde. Walang tauhan na humabol sa amin pero mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot mula sa nasaksihan. Si Mona. Wala na siya dahil niligtas niya ako."P-pa... patawad, R-rika."Napapikit ako at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa pisngi ko nang muling pumasok sa isip ang h
Hindi ko na siya pinatulan dahil nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Nakakahiya sa anak namin kung sa harap niya kami maglalandian ni Brandon. Nang maghapon ay nakumpleto kami sa bahay dahil dumating na si papa mula sa pangingisda. Pormal naman siyang sinalubong ni Brandon. "I'm Brandon Monteverde, sir." Nakipag-kamayan pa ito."Alam na alam ko iyan, senyorito," mahinahong sagot ni papa at uminom ng tubig. "Anong ginagawa mo rito?""I came to accompany Erika. I want her to visit her family since it's their daff off," paliwanag nito dahilan para umarko ang kilay ng papa ko."Naku!" Maya-maya ay humalakhak siya. "Maraming salamat kung gano'n!""Kumain na tayo!" anyaya ni mama.Humagikgik si Ate Cathy bago niyaya si Brayden na sumunod sa kanya. "Daddy, let's sit beside mama po!"Pero tumayo ako dahil may iba pa akong gagawin. "Mauna na kayo, titignan ko muna si Raica at pakakainin.""You should eat first. Raica will not get enough nutrient she need when you breast feed her with an empty