Share

Chapter 41: Protect Me

Author: Amaya
last update Huling Na-update: 2025-01-20 23:17:03

Nanatili ang matatalim na mga tingin na binabato ni Dylan sa dalawa. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang kamao na nais ng kumuyom dahil sa inis.

Nang mapansin ni Suzane ang madilim na ekspresyon ng lalake ay agad siyang nag taka kaya sinundan niya kung saan ito naka tingin. Ganon na lamang ang gulat niyang makita ang kaniyang pinsan at ang kaaway ni Dyla na mag kasama. Binaba ni Suzane ang kaniyang tingin sa braso ni Lincoln na naka pulupot sa bewang ni Casey.

Napasinghap siya at napa-kurap ang kaniyang mga mata. Siguro ay talagang naka move on ang kaniyang pinsan at hinihintay na lamang ang settlement ng divorce kaya andito ito ngayon at kasama si Mr. Ybañez— ang malaking tinik sa Almendras Group.

Ngunit iniisip ni Suzane ay hindi naman ito kailangan gawin ni Casey— ang ipakita sa lahat ng tao na hindi na maayos ang pagsasama nila ni Dylan. Dahil para sa kaniya ay hindi lamang si Casey ang may pangalan na masisira, kung hindi si Dylan din.

Parang gusto rin mang agaw ng atens
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 335

    Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 334

    Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 333

    Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 332

    Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 331

    Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 330

    Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status