Matapos ang tatlong taong paghihirap ni Cassandra Andrada bilang asawa ng isang CEO na nag-ngangalang Dylan Almendras, ay tuluyan nang natuldukan ang kaninang pagsasama. Nauwi sa pirmahan ng divorce paper at pagkamuhi sa isa’t-isa ang dalawa. Hindi makita ni Dylan ang halaga ng babae sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Habang si Cassandra naman ay tuluyan nang naniwala na kung sino man ang gustong pakasalan pa siya ay nasisirain na ng ulo. Itinuon din nito ang kaniyang atensyon bilang isang magaling abogado sa bansa— na iilan lamang ay may alam. Ngunit hindi rin nag tagal ay dumating rin sa pagkakataon na nanaisin muli ni Dylan na mabawi ang asawa. Gagawin niya ang lahat upang pumayag ulit itong pakasalan siya kahit pa umabot sa puntong naghahabol na siya rito. Subalit ang matigas at determinadong si Cassandra ay ayaw ng magpadala sa kahit anong mga sinasabi at mga ipinapangako ng lalake. Patuloy niyang tinataboy si Dylan sa kabilang ng lahat ng pagmamakaawa nito. Tuluyan kayang mababawi ni Dylan si Cassandra kahit lingid sa kaalaman nito na ang asawang kaniyang hiniwalayan ay maraming tinatago tungkol sa kaniyang pagkatao?
View MoreWalang habas na binuksan ni Jade ang pintuan ng opisina dahilan upang mapaigtad si Casey mula sa kinauupuan nito.
Nilingon ni Casey si Jade at napansing humahangos ito habang nakatukod ang kaniyang dalawang palad sa parehong mga tuhod. Magsasalita na sana si Casey upang tanungin siya ngunit kaagad siyang pinutol ni Jade. “Nabalitaan mo naba?” tanong ni Jade habang nakahawak sa kaniyang dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili. Biglang kumunot ang noo ni Casey nang mapagtantong malaki at biglaan ang balitang tinutukoy ni Jade kaya nagsimulang kumabog nang mabilis ang puso niya. “Nagising naba siya?” halos hindi marinig ang boses ni Casey habang tinatanong ‘yon. Tumango nang dahan-dahan si Jade dahilan upang mapahalukipkip si Casey sa upuan. Kumurap siya nang ilang beses at kinagat ang pang ibabang labi nito na sa sobrang diin ay muntikan na itong masugatan. “Pero malay mo naman ‘diba? Baka nag bago na ang isip ni Dylan bago pa man nagising si Suzane,” ani Jade na malabong mangyari. Hindi sumagot si Casey at biglang inabot ang kaniyang cellphone na nasa harapan lang nito. Hindi nga siya nagkakamali, hinahanap na siya ni Dylan. Ilang beses siyang tinawagan nito at hindi niya nasagot lahat ng ‘yon. Tinignan niya ang kaisa-isang text ni Dylan. “Casey, mag usap tayo.” Natawa nang mapait si Casey at kinagat ang pang ibabang labi nito. Siguro ay matagal nang hinihintay ng lalake ang pagkakataon na ‘to, habang si Casey ay halos pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nag aasam siya na kahit papaano ay tama ang sinabi ni Jade. Lumabas si Casey ng opisina ni Dylan at nag tungo na agad sa parking lot upang kunin ang sasakyan. Wala si Dylan ngayon dahil pabalik-balik ito sa Madrid para sa iba’t-ibang kliyente. Pag umuuwi naman ito ay minsan lang sila magkita dahil mas madalas ito sa hospital, na hindi na ipinagtaka ni Casey. Ngayong natanggap na ni Dylan ang balita marahil ay nakauwi na rin ito ng Pilipinas. Nag tungo agad si Casey sa rest house ng pamilya ni Dylan sa La Union, dito madalas umuuwi ang lalake. Nakita agad ni Casey ang sunod-sunod na mga sasakyan na nakaparada sa labas. Bigla nanamang kumabog ang dibdib niya. Halos hindi na siya makahinga habang iniisip ang mga susunod na mangyayari sa loob. Nadatnan niya si Dylan na nakatayo sa harap ng pool habang may hawak na isang baso ng alak sa kaniyang kanang kamay. Naramdaman ata ng lalake ang pagdating niya kaya bigla siyang nilingon nito. Kahit walang ekspresyon ang mapupungay niyang mga mata ay nababasa parin ni Casey na ngayon lang ito naging interesado sa pag dating niya. “Alam mo na kung bakit pinatawag kita,” ani Dylan at biglang sumenyas sa isang body guard na nakatayo ilang metro malayo sa kanila. Naglakad ito at may bitbit na papel. Sumikip ang dibdib ni Casey nang mapagtanto kung ano ang bagay na ‘yon. Ilang buwan niya nang hinahanda ang sarili na kapag nagising na ang pinsan niya ay marami na ang magbabago, lalo na sa buhay niya. Pero kahit kailan pala ay hinding-hindi siya magiging handa. Nang makuha ni Dylan mula sa body guard ang papel ay kinuha rin nito ang ballpen mula sa bulsa niya at inabot kay Casey ang mga ‘yon. Pakiramdam ni Casey ay nilalamon siya ng kinatatayuan niya ngayon habang nakatitig sa divorce paper na nakalahad sa harapan niya. Hindi manlang makitaan ni Casey ng awa at. pagdadalawang isip ang mukha ni Dylan lalo na ang mga mata nito. Talagang desidido na ito. “Hindi ko sa’yo ipinangako ang buhay na meron ka ngayon, kay Suzane. At ngayong gising na siya wala nang dahilan para ituloy pa natin to,” parang malamig na tubig na bumuhos kay Casey ang boses nito. “Sa tingin mo ba papayag ang lola sa gagawin mo?” sambit ni Casey, pinipilit na ‘wag bumagsak mula sa kinatatayuan niya. Suminghap si Dylan, “Wag kana umasa sa suporta niya, Casey, dahil kahit siya ay walang magagawa sa desisyon ko,” aniya at nilahad ulit ang papel. Ilang segundong tinitigan ito ni Casey nang muling mag salita si Dylan, “Huwag na natin pahirapan ang isa’t-isa. Simula’t sapul alam mo kung bakit tayo kinasal. Pabor din naman sa’yo to ‘diba? Hindi kana mahihirapan sa sitwasyon natin. Pirmahan mo na.” Kinuyom ni Casey ang kaniyang kamay upang pigilan ang sarili na sampalin ito, “Kating-kati kana ba talagang makaalis ako?” Kumurap ang mga mata ni Dylan at tumayo nang maayos, “Hindi mo naman kailangan umalis. Ibibigay ko sa’yo ang rest house na’to alang-alang sa pinagsamahan natin.” Halos matawa si Casey sa sinabi nito, “Ganon ba? Huwag na, ayoko rin naman ng mga bagay na magpapaalala sa’yo sakin.” Pinanlisikan ni Casey ng mata si Dylan saka hinablot ang papel at pinirmahan ito. Kitang-kita niya rin ang pirma nito na sariwa pa ang tinta. Tinalikuran ni Casey si Dylan at agad na lumabas patungo sa sasakyan niya. Bago pa man siya makapasok ay inalis niya ang wedding ring na nasa daliri niya pa. Ilang segundo niya ito tinitigan bago hinagis sa daan kung saan biglang may sasakyan na dumaan at tumama ang singsing sa side mirror nito. Napangiwi si Casey. “Mrs. Almendras, si sir Dylan po ba?” lumapit kay Casey ang isang body guard na nag aakalang kakarating niya lang. Umiling si Casey, “Paalis na ako. Huwag niyo na rin ako tatawaging Mrs. Almendras,” sagot niya at tinaas ang kaliwang kamay para ipakita ang daliri niyang wala ng singsing. Nagtataka man ay tumango na lamang ang body guard. Binuhay na ni Casey ang sasakyan at nag tungo sa law firm. Bukod sa isang asawa ay isa rin siyang lawyer. At iilang tao lamang ang may alam nito. Isang katauhan na nakatago sa pangalan Hera, isang lawyer na kahit sinong malalakas na abogado ay nanginginig ang mga kalamnan sa tuwing naririnig ang pangalang ito. Padabog niyang binuksan ang pintuan ng meeting room at agad na umupo sa bakanteng upuan. Gulat na mga mata ang sinalubong sa kaniya ni Ingrid. Tama lang pala na walang meeting ngayon dito. “Casey! Hindi kana nga tumawag na pupunta ka muntik mo pa masira ang pinto,” ani nito at naglalakad papunta kay Casey. “Divorced na kami,” sagot ni Casey at hinilot ang kaniyang sentido, “Kaya ang kailangan ko ay bagong mga cases at hindi ang ka-OAhan mo, Ingrid.” “ANO?!” Tinignan siya nang masama ni Casey dahilan upang mapatikhim siya at mapaupo sa harap ni Casey. “Oo na, hindi na kita kukulitin tungkol dyan. Sa ngayon,” pahabol ni Ingrid kaya napairap nalang si Casey. Inilapag ni Ingrid sa harap ni Casey ang isang folder. Inabot ito ni Casey at binuksan. “Malalaking tao ang involve sa divorce case na ‘yan. Lahat ng binigyan ko n’yan ay tinanggihan ako sinasabing delikado raw. Ang huling lawyer na humawak sa kaso na yan ay hindi rin umubra,” pagpapaliwanag nito, “Kaya sa tingin ko ay palampasin mo nalang din.” Tinitigan ni Casey nang matagal ang divorce case sa kaniyang harapan. Nagka-interest siya rito. “Kukunin ko,” saad niya na ikinagulat ni Ingrid. “Cas, kakasabi ko lang e, delikado ‘yan kaya nga tinanggihan nila—“ “Hindi ng isang katulad ko, Ingrid. Hindi ng isang Hera,” putol ni Casey sa kaniya at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga na lamang si Ingrid at walang nagawa. “Isesend ko nalang sa email mo ang ibang detalye ng kaso,” saad nito. Napagsalamat si Casey kay Ingrid at umalis na rin ito, nag tangka pa siyang pigilan ulit si Casey ngunit desidido na ito. Hindi si Dylan o ang divorce nila ang sisira sa kaniya. Lahat ng mga nangyari ay simula palang at handa na siyang harapin ang bagong buhay na hindi kontrolado ng ibang tao. Buhay na hindi nakatago sa likuran ng isang Dylan Almendras.Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe
Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba
Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi
Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng
Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik
Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments