Wala ng nagawa si Dylan kundi buksan ang pinto ng passenger seat at tinignan si Casey, nag aantay na pumasok ito.
Nang mapansin ni Lola Isabel na nakatayo lamang si Casey ay agad niya itong hinatak palapit sa kotse. “Dali na, pumasok kana!” sambit ng matanda. Hinarap naman siya ni Casey at hinaplos ang kaniyang kamay, “La, masyado nang malamig dito sa labas. Pumasok na ho kayo, aalis na rin kami,” saad ni Casey at nginitian si Lola Isabel. Niyakap ni Lola Isabel si Casey, samantalang si Dylan naman ay kinurot niya sa kaliwang tenga nito. Napa-aray naman si Dylan ngunit natahimik siya nang pinanlisikan siya ng mata ni Lola Isabel. Napaisip si Dylan kung sino nga ba ang apo sa kanilang dalawa ni Casey. Nag bilin si Lola Isabel na mag ingat sila sa biyahe saka ito naunang pumasok sa loob. Nang makapasok na si Lola Isabel sa loob ay naisip naman ni Casey na tumawag nalang ng taxi o mag grab. Naamoy ata ni Via ang binabalak nito kaya hindi pa rin siya sumusunod kay Lola Isabel sa loob. Nanliit ang kaniya mga mata kay Casey at umangat ang gilid ng kaniyang labi,” Papasok na rin ako kapag nakaalis na kayo. Kaya sige na!” Nag aalinlangan si Casey na pumasok sa loob kotse kaya bumusina na si Dylan dala ng pagkainis. “Magsabi ka kung gusto mo magpaiwan, dahil ako, gustong-gusto ko na umuwi,” inis na sambit ni Dylan. Nilingon naman siya ni Casey at sinamaan ng tingin. Tinignan lamang siya ng namumula sa galit na si Dylan. Tuluyan nang nagpaalam si Casey kay Via kaya nagsimula na ring mag maneho si Dylan. Nang medyo nakalayo na sila sa mansyon ay biglang nag salita si Casey. “Ihinto mo,” aniya na hindi lumilingon kay Dylan. Humigpit ang hawak ni Dylan sa manobela at kumunot ang kaniyang noo, “Bakit? Makikipagkita ka na naman sa lalake mo?” Biglang naalala ni Dylan ang lalakeng kausap nito. Kung paano niya ngitian ang lalake na para bang komportable siyang kausap ito. ‘Nong araw lang din na ‘yon ay nasaksihan niya muli kung paano tumawa at ngumiti si Casey. Hindi pa rin kumukupas ang mga matatamis na ngiti nito. Naramdaman ni Casey ang pag akyat ng init sa kaniyang ulo, natawa siya sa inis, “Bakit ayaw mo ihinto? Namimiss mo ba akong katabi sa sasakyan kaya ayaw mo’kong pakawalan? Gusto mo ba’ng makipag-balikan, Dylan?” Biglang hininto ni Dylan ang sasakyan. Nang makita ni Casey ang pamumula ng mukha ni Dylan ay napangisi siya, “Madaliin mo na kasi ang pag f-finalize ng divorce kung ayaw mong nagtitiis sa presensya ko. Dahil hangga’t kasal tayo, hindi ko hahayaang maging masaya kayo.” Inabot ni Casey ang pinto at bigla niyang narinig na nag lock ito. Bigla siyang nakaramdam ng panic kaya agad niyang nilingon si Dylan. “Ano ba? Buksan mo nga ‘to!” pilit na binubuksan ni Casey ang pinto ngunit ayaw alisin ni Dylan ang lock nito. Nilapit ni Dylan ang kaniyang mukha kay Casey. Agad namang napaatras si Casey sa gulat. Hindi niya alam kung galit pa ba ang init na nararamdaman niya sa kaniyang mukha o iba na ito. Napalunok siya nang matitigan niya ang mga mata ni Dylan. Kung ‘nong mga nakaraan ay kaya niya pang makipag matigasan sa tinginan dito, ngayon ay parang nalulusaw ang buo niyang pagkatao kaya hindi niya ito matignan ng direkta. Nang mapansin ni Dylan ang naging reaksyon ni Casey ay palihim itong napangisi. “Ang lakas na ng loob mo. Dahil ba mabango ang pangalan mo sa lola?” ani Dylan. Napaangat naman ng tingin si Casey sa kaniya. Kitang-kita ang inis sa mga mata nito. “Wala akong sinasabi sa lola. Bago sana kayo nagkalat ng babae mo ay inayos mo na kaagad ang divorce nang hindi na nakarating sa kaniya ang mga kalokohan mo,” sagot ni Casey. “Pero sige nga sabihin mo sa’kin,” dugtong ni Casey at napasandal sa pinto habang naka-krus ang dalawang mga kamay, “Sabihin mo sa’kin kung bakit ayaw mo’ng pumunta ako sa Civil Affairs? Kasi ang bagal e, marami ka namang koneksyon. Pero ang bagal mo kumilos.” Nag dilim ang ekspresyon ni Dylan, “Nagmamadali ka ata? Parang dati lang ay halos ayaw mong pumirma,” aniya at ngumisi. Natawa nang bahagya si Casey at nagkibit-balikat, “Wala, e. Kating-kati na’ko makawala sa’yo.” Hindi nagustuhan ni Dylan ang narinig mula kay Casey kaya nag iba na naman ang timpla ng kaniyang mukha. Napangisi si Casey nang marinig niyang inalis na ni Dylan ang lock ng pinto. “Labas,” parang isang bagsak ng kulog ang boses ni Dylan habang nakatingin ito sa unahan. Natawa sa inis si Casey, “Hindi ko alam na kaya rin palang tumiklop niyang kayabangan mo,” aniya at tuluyan nang lumabas sa sasakyan. Nang maglakad ito palayo ay sinundan lamang siya ng tingin ni Dylan. Hindi niya inaasahan na kaya siyang patahimikin ng babaeng ‘yon. Nang makabalik siya sa rest house ay agad niyang tinawagan ang taong inutusan niya upang manmanan si Casey. “Boss, naglakad siya pabalik sa town. Sinundan ko pero wala ng iba pang nangyari. Wala siyang kasama.” Nanumbalik na naman ang inis sa kalamnan ni Dylan nang maalala ang mga sagutan ni Casey sa kaniya sa sasakyan. “Itigil mo na ang pag sunod sa kaniya,” utos niya sa lalake at binaba ang cellphone. Simula ngayon ay wala na siyang pakealaman pa tungkol sa mga ganap ni Casey. Ni maisip ang babae ang ayaw niya na rin. Aalisin niya na sa kaniyang buong sistema ang lahat ng bakas ni Casey. Kasi ito naman ang gusto niya ‘di ba? Napilit niyang pumirma si Casey sa divorce paper kaya dapat ay wala na siyang pakealaman dito hanggang sa matapos ang settlement ng divorce. Kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pinapasundan niya pa ito noon. Kung bakit sa halip na itapon ang singsing ay nakatago pa rin ito sa kaniyang drawer. Gusto niyang mabura ang alala ng mga mata ni Casey ngunit bakit parang mas hinihila pa siya nito pabalik?Napatigil si Cristopher.Hindi niya talaga balak saktan ang babaeng ito, kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay at malamig na sinabi, “Wala akong interes.”Hindi man malinaw ang narinig ng mga tao sa paligid, halata naman sa kanilang mga mukha ang pagkabigla.“Ano ‘yon? Interesado ba siya sa babaeng ‘yon?”“Anong kalokohan ‘yan? Ang daming taghiyawat ng babae! Sino namang magkakagusto sa kanya?”“Pero hindi pa niya ‘yon nakikita, di ba? Hindi niya alam na may taghiyawat siya.”Sa isang iglap, tila naging sentro ng atensyon si Cristopher. Ang lalaking kilala sa pagiging mailap, at sa pagkabigo ng maraming babae, ngayon ay pinapanood ng lahat kung ano ang gagawin niya.Hindi naman iniinda ni Casey ang mga bulong-bulungan. Tahimik lang siyang tumingin kay Cristopher at marahang nagsalita, “Naalala mo pa ba ang isang mahalagang tao sa buhay mo? Sinabi mo noon na siya ang nagligtas sa’yo, at handa kang suklian ang kabutihan niya kahit buhay pa ang kapalit.”Napako ang tingin ni Cristophe
Casey agad na binaba ang tawag at nagpadala ng mensahe sa blue app.— Casey: [Nasa labas ako, sobrang ingay, hindi ko masagot ang tawag. May kailangan ka ba?]— Daisy: [Wala naman masyado. Nasaan ka? Narinig ko, suspendido raw ang pinsan mo?]— Casey: [Oo, salamat sa’yo~ Gagawa ako ng paborito mong braised pork kapag may oras ako.]— Daisy: [Hahahaha! Ganyan dapat! Pero nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo masagot ang tawag ko?]— Casey: [Nasa bar.]— Daisy: [Ano?! Grabe ka! Ni hindi mo man lang ako sinama! Sino kasama mo?!]— Casey: [Mag-isa lang ako. May kailangan akong gawin. Next time, sasama ka na.]— Daisy: [Mag-isa ka? Nasaan ka? Pupuntahan kita! Kung may kailangan kang gawin, dapat may kasama ka! Paano kung may mangyari sa’yo?]— Casey: [Ayos lang ako, walang problema.]Paulit-ulit siyang pinayuhan ni Daisy, pero hindi na siya sumagot. Wala nang nagawa si Daisy kundi paalalahanan siyang mag-ingat.Ibinalik ni Casey ang cellphone sa mesa at inayos ang maskarang suot. Wala siyang ba
Muling napakunot ang noo ni Dylan, at parang lalo pang lumamig ang hangin sa loob ng opisina.Ramdam iyon kahit sa kabilang linya ng telepono, dahilan para manginig si Suzanne.Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita, “Na-suspend ako sa kumpanya.”Saglit na natigilan si Dylan.Pero sa sumunod na sandali, tila wala siyang alam sa nangyari at pinanatiling kalmado ang boses. “Ano’ng nangyari?”Napangiwi si Suzanne. Simula pa lang, ayaw na niyang tawagan si Dylan, pero pinilit siya ng kanyang ina. Matagal siyang kinausap nito, pinayuhang idetalye ang lahat upang mas lalo pang lumayo ang loob ni Dylan kay Casey. Kapag nagtagumpay sila, mas madali nilang maisasagawa ang susunod nilang plano.Pero posible ba talaga ito?!Mariing kinagat ni Suzanne ang kanyang labi. Wala na siyang ibang magagawa kundi magpatuloy.“Konektado ito sa ilang sensitibong bagay sa kumpanya, kaya hindi ko maaaring sabihin ang lahat. Pero… hindi ko inaasahan na hindi
Alam ni Casey na hindi niya dapat isiwalat ang lahat ng detalye bago pa maayos ang opisyal na kasunduan. Sa ngayon, ang mahalaga lang ay siguraduhin na mananatiling kumpidensyal ang proyekto at hindi ito mananakaw ng iba.Marami pa siyang kailangang ayusin, at may oras pa para paghandaan ang lahat.Kapag dumating na ang tamang pagkakataon, siya mismo ang haharap sa taong iyon.Bago siya umalis, kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ingrid.Dalawang ring pa lang, sinagot na ito ng kaibigan niya.“Uy, Casey! Sa wakas naalala mo rin ako! Akala ko nakalimutan mo na ako.”Napangiti si Casey, pero may bahid ng guilt sa mukha niya. “Sorry. Sobrang dami lang talagang nangyari nitong mga nakaraang araw.”Tumawa si Ingrid. “Relax ka lang, joke lang ‘yon! Pero sige, anong kailangan mo?”Hindi na nagpaligoy-ligoy si Casey. “May nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa nangyari?”May narinig siyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. “Hay naku, ang hirap hulihin ng mga galamay ng
Huminto si Jessica Rue nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon at tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi niya, ang mga mata ay nagtatago ng pagsusuri.Ang babae—Casey—ay marahang tinanggal ang suot na maskara, inilantad ang isang mukhang hindi estranghero sa kanya.Saglit na natigilan si Jessica Rue, ngunit mabilis niyang tinakpan iyon ng isang banayad na ngiti. “Casey? Hindi ko akalain na dito tayo magkikita.”Muling isinuot ni Casey ang maskara, ang mga mata niya ay kumikislap sa aliw. “Hindi ito aksidente. Talagang ikaw ang pinunta ko rito, Miss Jessica.”Hindi sumagot si Jessica Rue. Sa halip, pinagmasdan niya ang babae nang walang emosyon.Nagpatuloy si Casey, ang boses ay puno ng kumpiyansa. “Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?”Dahan-dahang tinanggal ni Jessica Rue ang suot niyang sunglasses, isiniwalat ang malamig ngunit matatalas niyang mga mata. “At tungkol saan naman?”May pilyong ngiti si Casey nang sabihin, “Malalaman mo lang kung pakik
Si Casey bahagyang ngumiti, ngunit ang pagkutya sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng lahat—tila ba walang saysay ang pagpupumilit ni Paulo Andrada.Sa pagkakataong ito, walang tumutol sa sinabi ni Paulo, at tuluyan nang natapos ang pulong.Nanatiling nakaupo si Casey, hindi nagmamadali. Nang tuluyang lumabas ang lahat, saka lamang siya tumayo.Kasunod niya agad si Suzanne at walang pasabing hinawakan ang kanyang kamay. “May gusto akong itanong sa’yo,” aniya, may diin sa boses.Tumingin si Casey sa paligid. Napakaraming CCTV sa conference room, at alam niyang hindi ito ang tamang lugar para sa isang pribadong usapan. Ngumiti siya nang bahagya. “Dito?”Napakagat-labi si Suzanne, mas humigpit ang hawak sa braso ni Casey, ayaw siyang pakawalan. “Sumunod ka sa akin,” madiin niyang utos.Dahan-dahang binawi ni Casey ang kanyang kamay at tahimik lang siyang tumingin kay Suzanne. Sa napakahinang tinig na tanging silang dalawa lang ang nakarinig, sinabi niya nang sarkastiko, “Suzanne, marami pa