Compartir

Chapter 2

Autor: Eckolohiya23
last update Última actualización: 2026-01-13 22:49:14

Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.

Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator.

"Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"

Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas habang natutulog pa ang lalaki.

Biglang tumingin si Gabriel sa repleksyon sa salamin. Nagtama ang kanilang paningin. Nanlilisik ang mga mata nito, madilim at puno ng mga tanong na nagbabadyang sumabog anumang oras. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Mia at hinigpitan ang hawak sa kamay ng anak.

Ting!

Bumukas ang pinto sa pinakahuling palapag—ang Penthouse Office.

"Get out," malamig na utos ni Gabriel. Hindi na ito lumingon at dire-diretsong naglakad palabas.

Dahil sa takot, sumunod si Mia, hila-hila ang anak. Ang opisina ay kasing laki ng buong bahay na tinitirhan nila. Ang mga pader ay gawa sa floor-to-ceiling glass na nagpapakita ng buong skyline ng Makati. Ang sahig ay gawa sa makintab na marmol, at sa gitna ay may isang mahogany desk na nagkakahalaga siguro ng higit pa sa sweldo niya sa sampung taon.

"Sir Gabriel," salubong ng sekretarya nito na halatang nagulat sa biglaang pagpasok ng boss kasama ang isang babae at bata. "The board members are waiting inside the conference room for the—"

"Cancel it," putol ni Gabriel habang nagluluwag ng kanyang necktie. Parang sasabog ang dibdib nito sa galit. "Cancel everything today. Get out. Leave us alone."

"P-Po? But Sir—"

"I said get out!" sigaw ni Gabriel na nagpayanig sa buong kwarto.

Napatalon si Gabby sa gulat at napakapit sa binti ni Mia. "Mama... galit po si Giant..." bulong ng bata, ang tawag nito sa lalaking sobrang tangkad para sa kanya.

Natakot ang sekretarya at mabilis na lumabas, isinarado ang mabigat na pinto. Ngayon, silang tatlo na lang ang naiwan. Ang tunog ng automatic lock ng pinto ay parang tunog ng rehas na sumara.

Humarap si Gabriel sa kanila. Ang kaninang propesyonal na aura nito ay nawala, napalitan ng isang predatory stance. Para itong leon na nakakita ng kanyang biktima.

Dahan-dahan itong lumapit kay Gabby.

"Wag," mabilis na harang ni Mia, itinatago ang anak sa likod niya. "Wag mong lalapitan ang anak ko."

Tumigil si Gabriel, isang dangkal lang ang layo sa mukha ni Mia. Masyadong malapit. Ramdam ni Mia ang init na nagmumula sa katawan nito. Tumaas ang kilay ng binata, isang ngisi ng pangungutya ang gumuhit sa labi nito.

"Anak mo?" mariing tanong ni Gabriel. "Are you sure about that, Mia? Or should I say... Are you sure he is only yours?"

Hindi makasagot si Mia. Ang bilis ng tibok ng puso niya ay halos sumakit na sa dibdib niya.

Walang sabi-sabing lumuhod si Gabriel gamit ang isang tuhod para magpantay sila ng bata. Sumilip si Gabby mula sa likod ng binti ng ina.

"Hi," bati ni Gabriel. Sa unang pagkakataon, nawala ang bangis sa boses nito at napalitan ng isang emosyon na hindi mapangalanan ni Mia. Pagkamangha?

"Hello po," magalang na sagot ni Gabby kahit nanginginig. "Sorry po natapunan ko kayo ng coffee."

Inabot ni Gabriel ang mukha ng bata. Hinaplos ng malaking hinlalaki nito ang pisngi ni Gabby. Tinitigan niya ang bawat detalye—ang hugis ng mata, ang kapal ng kilay, maging ang maliit na nunal sa gilid ng leeg nito na meron din siya.

Walang duda. Ang dugo niya ay nananalaytay sa batang ito.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Gabriel.

"Gabby po. Gabriel Santos Jr.," sagot ng bata.

Natigilan si Gabriel. Dahan-dahan siyang tumingala kay Mia. Ang tingin nito ay nag-aapoy. Gabriel. Pinangalanan niya ang bata sa kanya.

Tumayo si Gabriel, at sa pagkakataong ito, bumalik ang galit—mas matindi kaysa kanina. Pindot niya ang intercom sa kanyang mesa.

"Martha," tawag niya sa sekretarya. "Pasukin mo ang bata. Dalhin mo sa lounge area. Bigyan mo ng pagkain at laruan. Make sure he sees no one else."

"Yes, Sir."

Bumukas ang pinto at pumasok ang nanginginig na sekretarya.

"No!" sigaw ni Mia, hinihigpitan ang yakap sa anak. "Hindi sasama ang anak ko sa inyo!"

Hinawakan ni Gabriel ang braso ni Mia, mahigpit, halos bumaon ang mga daliri nito. "Let him go, Mia. We need to talk. Adults only. Unless gusto mong marinig niya kung paano kita sisigawan ngayon?"

Natigilan si Mia. Tumingin siya kay Gabby na mukhang iiyak na. Ayaw niyang makita ng anak niya na nag-aaway sila. Ayaw niyang matakot ito.

Lumuhod si Mia at hinalikan ang noo ng anak. "Baby, sama ka muna kay Ate, ha? May toys doon. Usap lang kami ni... ni Sir Boss."

"Babalik ka Mama?"

"Oo naman. Promise."

Nang mailabas na ang bata, muling tumahimik ang opisina. Pero ito 'yung klase ng katahimikan bago ang bagyo.

Narinig ni Mia ang pag-lock muli ng pinto. Humarap siya kay Gabriel, handang lumaban. Pero bago pa siya makapagsalita, sinugod siya nito.

Inatras siya ni Gabriel hanggang sa tumama ang likod niya sa malamig na salamin ng bintana. Kinulong siya nito sa pamamagitan ng pagtukod ng dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya.

"Five years," bulong ni Gabriel, ang mukha ay sobrang lapit na naaamoy ni Mia ang mint sa hininga nito. "You stole five years of my son’s life from me."

"Natakot ako!" katwiran ni Mia, pilit na tinutulak ang matigas na dibdib ni Gabriel pero parang bato ito na hindi matinag. "Hindi kita kilala noon! Isang gabi lang 'yon, Gabriel! Isang pagkakamali!"

"Pagkakamali?" Natawa ng mapakla si Gabriel. Inilapit niya lalo ang katawan kay Mia hanggang sa maramdaman ni Mia ang tigas ng hita nito sa pagitan ng kanyang mga binti. Napasinghap si Mia sa biglaang intimacy ng posisyon nila.

"Tell me, Mia," garalgal na boses ni Gabriel. Inilapit nito ang labi sa tenga ni Mia, nagpapadala ng kuryente sa buong katawan ng dalaga. "Was it a mistake when you moaned my name that night? Was it a mistake when you wrapped your legs around me? Dahil sa pagkakaalala ko... you begged for every second of it."

Namula ang mukha ni Mia. Ang alaala ng gabing iyon ay biglang bumuhos. Ang init, ang pawis, ang sarap na pilit niyang kinalimutan.

"Tapos na 'yon," nanginginig niyang sabi. "Nagkaanak tayo, oo. Pero kaya ko siyang buhayin mag-isa. Hindi ka namin kailangan."

Biglang hinawakan ni Gabriel ang panga ni Mia at inangat ang mukha nito para magkatitigan sila.

"Bullshit," mura ni Gabriel. "Tignan mo ang sarili mo, Mia. You are working as a clerk. Minimum wage. Sa tingin mo ba maibibigay mo sa anak ko ang buhay na nararapat sa kanya? He is an Altamirano! He is meant to rule empires, not hide under office desks!"

"Pinalaki ko siyang maayos!" giit ni Mia, nangingilid ang luha. "Puno siya ng pagmamahal!"

"Love doesn't pay for top-tier education. Love doesn't provide security. Love won't protect him from enemies," mariing sagot ni Gabriel. Binitawan niya ang mukha ni Mia at tumalikod, naglakad papunta sa mesa niya. Kinuha niya ang telepono.

"Papupuntahin ko ang private doctor ko dito. Ngayon din."

Nanlaki ang mata ni Mia. "Para saan?"

"DNA Test. Right now," utos ni Gabriel habang nakatalikod, nakatingin sa labas ng bintana. "At kapag lumabas ang resulta na nagsasabing anak ko siya—which I know he is—sisiguraduhin kong hindi mo na siya maitatakas ulit."

"Anong... anong ibig mong sabihin?"

Humarap si Gabriel. Ang mukha nito ay blangko, walang emosyon, ang tunay na mukha ng isang ruthless CEO.

"I will sue for full custody, Mia. I have the best lawyers in the country. I can paint you as an incompetent mother who kidnapped my child. I can crush you until you have nothing left."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mia. Nanghina ang tuhod niya at napahawak sa gilid ng sofa. Alam niyang totoo ang sinasabi nito. Gabriel Altamirano was a god in this city. At siya? Siya ay wala.

"Wag..." pagsusumamo ni Mia, tumulo na ang luha. "Wag mong kunin ang anak ko, Gabriel. Siya lang ang meron ako. Parang awa mo na."

Lumapit ulit si Gabriel sa kanya. Sa pagkakataong ito, hindi na galit ang nasa mata nito kundi isang madilim na plano.

Pinunasan ni Gabriel ang luha sa pisngi ni Mia gamit ang kanyang hinlalaki. Ang haplos ay marahan, nakakagulat na malambot kumpara sa matatalas niyang salita kanina.

"There is one way," bulong ni Gabriel, nakatitig sa mga labi ni Mia.

"Ano? Gagawin ko ang lahat," desperadong sagot ni Mia.

Ngumisi si Gabriel. Isang ngisi na nagsasabing nahulog na ang biktima sa bitag.

"Marriage."

Natigilan si Mia. "A-Ano?"

"Marry me, Mia," sabi ni Gabriel, parang nakikipag-usap lang tungkol sa business deal. "My grandfather is pressuring me to settle down. The board wants a family man image. And I want my son."

Lumapit pa lalo si Gabriel hanggang sa halos maghalikan na sila.

"Be my wife on paper. Live in my house. Warm my bed if I require it," bulong niya sa labi ni Mia. "Do that, and you can stay with Gabby. Refuse... and you will never see him again."

Natuyo ang lalamunan ni Mia. Kasal? Sa lalaking ito na puno ng galit at kapangyarihan? Pero wala siyang choice. Para kay Gabby.

"Choose, Mia," hamon ni Gabriel, ang kamay ay bumaba sa bewang ni Mia at hinila ito palapit, body-to-body. "Your pride... or your son?"

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 6

    Tahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat."Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby."Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak.Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel.Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya."Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito."Napalingon si Mi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 5

    Nagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw.May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya.Teka, matigas na dibdib.Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan.Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed.Gwapo. Sobrang gwapo pa r

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 4

    Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid."Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya."Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 3

    "Payag ako."Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina."Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko.""Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 2

    Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator."Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas h

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 1

    "Mama, naiihi na po ako!"Napapikit si Mia sa gitna ng mataong lobby ng Altamirano Tower. Hawak niya ang mahigpit na kamay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Gabby."Anak, sandali lang, ha? Tatapusin lang ni Mama i-submit itong files kay Ma'am Tess," bulong ni Mia, pinapahid ang pawis sa noo. "Wag kang malikot."First day niya bilang clerk sa malaking kumpanyang ito. Bawal ang bata, pero walang magbabantay kay Gabby dahil nagkasakit ang kapitbahay nila. Tinago niya si Gabby sa ilalim ng desk kanina, pero break time na at kailangan nilang tumakas palabas."Pero Mama, lalabas na po!" sigaw ni Gabby at biglang bumitaw sa kamay niya."Gabby! Bumalik ka dito!"Tumakbo ang bata papunta sa gitna ng lobby. Sa kamalas-malasan, bumukas ang private elevator—ang elevator na para lang sa mga VIP.Lumabas ang isang grupo ng mga naka-suit na lalaki, at sa gitna nila ay ang isang matangkad, gwapo, ngunit nakakatakot na pigura.Blaag!Bumangga ang maliit na katawan ni Gabby sa mahahabang bi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status