Share

Chapter 3

Author: Eckolohiya23
last update Huling Na-update: 2026-01-13 22:52:03

"Payag ako."

Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.

Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina.

"Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."

Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko."

"Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."

Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na hila-hila si Gabby.

"Mama!" sigaw ni Gabby sabay takbo palapit kay Mia. Niyakap ni Mia nang mahigpit ang anak, parang ito na lang ang lifeline niya sa mundong ginagalawan ni Gabriel.

"Hi, little guy," bati ng doktor na nakangiti. "May lalaruin lang tayo saglit, ha? Open mouth lang, parang lion."

Habang isinasagawa ang buccal swab kay Gabby, hindi maalis ni Mia ang tingin kay Gabriel. Nakatayo ito sa gilid, nakahalukipkip, at mataman na pinapanood ang bawat galaw ng bata. Wala itong emosyon sa mukha, pero nakikita ni Mia ang paggalaw ng panga nito—senyales ng matinding pagpipigil.

Nang matapos ang doktor kay Gabby, lumapit ito kay Gabriel para kumuha rin ng sample.

"Rush this," utos ni Gabriel sa doktor. "I want the results within two hours. Don't tell me it's impossible. I pay you to make things possible."

"Yes, Sir Gabriel. Ipadadala ko agad sa lab."

Nang makalabas ang doktor at si Martha (na muling dinala si Gabby sa lounge para mag-snacks), naiwang muli silang dalawa. Ang bigat ng hangin sa opisina ay nakakasakal.

Umupo si Gabriel sa kanyang swivel chair at may kinuha sa drawer. Isang makapal na folder.

"Habang hinihintay ang resulta—kahit alam naman nating dalawa kung ano ang lalabas—pag-usapan na natin ang kasal," panimula ni Gabriel. Inilapag niya ang folder sa mesa at tinulak papunta kay Mia.

"Ano 'to?" tanong ni Mia, bagamat may hinala na siya.

"Prenuptial agreement and Marriage Contract," sagot ni Gabriel. Walang paligoy-ligoy. "Nakapaloob dyan ang lahat ng kondisyon ko."

Dahan-dahang lumapit si Mia at kinuha ang folder. Binuklat niya ito. Halos malula siya sa dami ng clauses at legal terms.

"Basahin mo ang Clause 4," utos ni Gabriel habang nagsasalin ng whiskey sa baso.

Hinanap ni Mia ang tinutukoy nito.

Clause 4: Living Arrangements. The Wife implies consent to live in the Husband’s primary residence. Separate rooms will be provided, but access is unrestricted.

"Titira kami sa bahay mo?" gulat na tanong ni Mia.

"Of course," sagot ni Gabriel bago sumimsim ng alak. Ang titig nito ay tumagos sa kanya. "Ayokong lumaki ang anak ko sa kung saan-saan lang. He deserves the best environment. At gusto ko siyang makita araw-araw."

"Pero may trabaho ako! May inuupahan kaming bahay!"

"You will resign," putol ni Gabriel. "Your job is to be my wife and a mother to my heir. Babayaran ko ang inuupahan mo, ipapakuha ko ang mga gamit niyo bukas. Pero simula ngayong gabi, sa Penthouse ko na kayo uuwi."

"Agad-agad?!"

"Wala akong panahon para maghintay, Mia. Five years. Five years akong naghintay nang hindi ko alam." Tumayo si Gabriel at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. "Clause 7. Read it."

Napalunok si Mia at binasa ang susunod.

Clause 7: Marital Duties. The marriage is for public image and child custody purposes. However, the Husband reserves the right to demand exclusivity and...

Hindi na tinapos ni Mia ang pagbasa. Nakaramdam siya ng init sa kanyang pisngi. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.

"You expect me to sleep with you?" mariing tanong ni Mia, inaangat ang tingin kay Gabriel na ngayon ay nakatayo na sa harap niya.

Ngumisi si Gabriel. Isang ngising mapanganib. Hinawakan nito ang isang hibla ng buhok ni Mia at inilagay sa likod ng tenga niya. Ang simpleng haplos na iyon ay nagpadala ng kuryente sa buong katawan ni Mia.

"We are legally married inside this contract, Mia. And I am a man with needs," bulong ni Gabriel. Ang boses nito ay mababa, parang velvet na humahaplos sa balat. "Besides... don't act like you don't want it. Your body betrayed you five years ago. It’s betraying you right now."

Tinignan ni Gabriel ang dibdib ni Mia na mabilis ang pagtaas-baba dahil sa kaba.

"Hindi na ako ang babaeng nakilala mo sa Boracay," matapang na sagot ni Mia, kahit nanginginig ang tuhod. "Hindi mo ako pwedeng pilitin."

"I won't force you," kibit-balikat ni Gabriel. Tinalikuran siya nito. "I don't need to force women to my bed. Kusa silang lumalapit. At ikaw? Hihintayin kong ikaw mismo ang magmakaawa."

Ang kapal ng mukha! Gustong isigaw ni Mia, pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging matatag para kay Gabby.

Lumipas ang dalawang oras na parang dalawang taon. Walang imikan. Si Gabriel ay nagtatrabaho sa laptop, habang si Mia ay nakaupo lang sa sofa, binabasa ang kontrata nang paulit-ulit hanggang sa masakit na ang ulo niya.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang doktor na may dalang selyadong envelope.

"Sir Gabriel. The results."

Tumayo si Gabriel. Kinuha ang envelope. Tinitigan niya muna ito bago dahan-dahang pinunit ang seal.

Hinawakan ni Mia ang dibdib niya. Alam niya ang totoo, pero iba pala ang kaba kapag nasa papel na.

Binasa ni Gabriel ang papel. Tahimik. Walang emosyon.

Pagkatapos, dahan-dahan niyang ibinaba ang papel sa mesa at tumingin kay Mia. Sa pagkakataong ito, wala ang galit. Wala ang yabang. Tanging isang purong emosyon na hindi inaasahan ni Mia: Pananabik.

"99.9%," bulong ni Gabriel. "He is mine."

Napapikit si Gabriel at huminga ng malalim, tila ba nabunutan ng tinik na limang taong nakabaon sa dibdib niya.

"He is my son," ulit niya, mas sigurado na ngayon.

Tumingin siya kay Mia. "Sign the contract. Now."

Wala nang atrasan. Kinuha ni Mia ang pen. Ang kamay niya ay nanginginig habang lumalapit sa papel. Sa bawat guhit ng tinta, alam niyang tinatali niya ang sarili sa lalaking ito.

Mia Santos-Altamirano.

Pagkabitaw niya ng pen, agad itong kinuha ni Gabriel at pinirmahan din ang parte nito. Mabilis. Desidido.

"It's done," sabi ni Gabriel.

Tinawagan niya si Martha. "Prepare the car. We are going home. And tell the staff at the mansion to prepare the Master's Bedroom."

"Master's Bedroom?" gulat na tanong ni Mia. "Akala ko ba separate rooms?"

Lumapit si Gabriel kay Mia. Hinawakan niya ang bewang nito at hinila palapit. Sobrang lapit na nagdikit ang katawan nila.

"Gabby needs to see us happy, right?" bulong ni Gabriel, ang labi ay halos dumampi na sa labi ni Mia. "He needs to see his parents sleeping in the same room. Or do you want to explain to a four-year-old why his mom and dad are sleeping apart?"

"G-Ginagamit mo ang bata," sumbat ni Mia, pero hindi siya makagalaw. Ang amoy ni Gabriel, ang init ng katawan nito, ay nanggagayuma sa kanya.

"I use every advantage I have, Mia. That's how I became a CEO," sagot ni Gabriel.

Yumuko si Gabriel at hinalikan ang gilid ng labi ni Mia. Hindi sa labi mismo, kundi sa gilid lang—isang panunukso.

"Welcome to my world, Mrs. Altamirano," bulong niya. "Try to survive."

Binitawan siya nito at naglakad papunta sa pinto kung saan naghihintay si Gabby.

"Gabby!" tawag ni Gabriel sa masiglang boses. Ibang-iba sa boses na gamit niya kay Mia.

Tumakbo ang bata palapit. Binuhat ito ni Gabriel nang walang kahirap-hirap.

"Who are you po?" tanong ni Gabby, hinahawakan ang kwelyo ni Gabriel.

Tumingin si Gabriel sa mata ng anak, tapos kay Mia.

"I'm your Papa," sagot ni Gabriel.

Nakita ni Mia ang paglaki ng mata ni Gabby. Ang ngiti sa labi ng anak ay ang pinakamaliwanag na nakita niya. "Papa? Talaga? May Papa na ako?"

"Yes, son. And we are going home."

Habang pinapanood ni Mia ang mag-ama na naglalakad palabas, hindi niya mapigilang mapaluha. Masaya si Gabby. 'Yun ang mahalaga.

Pero habang tinitignan niya ang malapad na likod ni Gabriel, alam niyang nagsisimula pa lang ang tunay na laban. Nakapasok na siya sa lungga ng leon. At ang leon na ito ay gutom na gutom.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 6

    Tahimik ang loob ng Maybach habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa pinakamamahaling mall sa Makati.Nakatitig lang si Mia sa labas ng bintana, pilit na pinapakalma ang sarili. Katabi niya sa backseat si Gabriel na abala sa pagta-type sa iPad nito, habang si Gabby naman ay nasa kandungan niya, manghang-mangha sa built-in TV screen sa likod ng driver’s seat."Mama, may TV sa kotse! Ang galing! Pwede ba tayong manood ng cartoons?" tanong ni Gabby."Mamaya na, baby. Malapit na tayo," bulong ni Mia, hinahaplos ang buhok ng anak.Hindi mapakali si Mia. Ang suot niya ay isang simpleng blouse at maong na luma na. Ang sapatos niya ay pudpod na ang takong. Sa tabi ni Gabriel na naka-bespoke Italian suit at amoy milyones, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw sa palasyo. Tama si Vanessa kanina. Mukha siyang katulong kumpara sa mundo ni Gabriel.Biglang nagsalita si Gabriel nang hindi tumitingin sa kanya."Stop overthinking, Mia. Rinig ko ang utak mo mula dito."Napalingon si Mi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 5

    Nagising si Mia dahil sa bigat na nakadagan sa kanyang bewang at sa init na bumabalot sa buong katawan niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang kulay abong kurtina na hinahawi ng sinag ng araw. Akmang uunat siya nang marealize niyang hindi siya makagalaw.May matigas na bagay sa ilalim ng pisngi niya.Teka, matigas na dibdib.Nanlaki ang mata ni Mia nang mapagtanto ang posisyon nila. Nakahiga siya sa braso ni Gabriel, ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg nito. Ang isang binti niya ay nakapulupot sa binti ni Gabriel, at ang braso ng lalaki ay mahigpit na nakayakap sa kanya, tila ba ayaw siyang pakawalan.Naamoy niya ang morning scent ni Gabriel—natural musk na humahalo sa amoy ng silk sheets.Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Mia. Tulog pa si Gabriel. Sa malapitan, mukha itong anghel. Mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong, at ang labi nito na laging nakakunot o nakangisi nang mapang-asar ay ngayo'y relaxed.Gwapo. Sobrang gwapo pa r

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 4

    Kung ang opisina ni Gabriel ay nakakatakot, ang kanyang Penthouse ay nakakalula.Pagbukas pa lang ng private elevator, bumungad na sa kanila ang isang malawak na living area na mas malaki pa yata sa buong barangay na tinitirhan nina Mia. Ang sahig ay gawa sa itim na marmol na kasing kintab ng salamin. Sa kisame, may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na nagbibigay ng mainit at mamahaling liwanag sa paligid."Wow! Mama, tignan mo! Ang laki ng TV!" sigaw ni Gabby habang tumatakbo papunta sa sala. Humiga pa ito sa carpet na mukhang gawa sa balahibo ng kung anong mamahaling hayop.Hindi makagalaw si Mia sa kinatatayuan niya. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang bag na luma, pakiramdam niya ay madudumihan niya ang paligid sa simpleng paghinga lang. Ito ang mundo ni Gabriel Altamirano. Isang mundong malayo sa mundong kinalakihan niya."Close your mouth, Mia," bulong ni Gabriel sa likuran niya. Naramdaman ni Mia ang kamay nito sa kanyang bewang—mainit, mabigat, at mapang-angkin. "Hi

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 3

    "Payag ako."Dalawang salita. Pero pakiramdam ni Mia, isinuko na niya ang buong pagkatao niya sa demonyo.Binitawan siya ni Gabriel. May bahid ng tagumpay sa mga mata ng bilyonaryo habang inaayos nito ang sariling coat. Bumalik ang pagiging malamig at kalkulado nitong aura, tila ba kakatapos lang nilang magsarado ng isang simpleng business deal at hindi ang kinabukasan ng mag-ina."Smart choice, Mia," sabi ni Gabriel, bagamat nandoon pa rin ang talim sa boses nito. "Mas mabuti nang sumunod ka kaysa durugin kita sa korte."Nanginginig ang mga kamay ni Mia habang inaayos ang nagusot niyang blouse—gusot na gawa ng mahigpit na hawak ni Gabriel kanina. "Gawin na natin ang DNA test. Gusto kong matapos na 'to para makauwi na kami ng anak ko.""Anak natin," pagtatama ni Gabriel. Tinalikuran siya nito at muling pinindot ang intercom. "Send the doctor in. Now."Ilang minuto lang ang lumipas, pumasok ang isang pribadong doktor na may dalang medical kit. Kasunod nito si Martha, ang sekretarya, na

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 2

    Ang biyahe sa loob ng private elevator ay parang paghatid kay Mia sa sarili niyang bitayan.Walang imik si Gabriel Altamirano. Nakatayo ito sa harap ng elevator doors, ang kanyang malapad na likod ay tila isang pader na humaharang sa anumang pag-asa ni Mia na makatakas. Ang katahimikan sa loob ng masikip na espasyo ay nakabibingi, tanging ang mahina at mabilis na paghinga lang ni Mia ang naririnig, kasabay ng inosenteng huni ng anak niyang si Gabby na manghang-mangha sa ganda ng elevator."Mama, ang ganda dito! Puro salamin!" masayang sabi ni Gabby habang tinuturo ang sariling repleksyon sa dingding na gawa sa tanso. "Tapos ang bango!"Napapikit si Mia. Ang bango... Oo, amoy na amoy niya ang pabango ni Gabriel. Isang custom blend ng sandalwood at mamahaling tabako na humahalo sa natural at masculine scent ng katawan nito. Ang amoy na 'yon ang unang umakit sa kanya limang taon na ang nakararaan sa dalampasigan ng Boracay. Ang amoy na 'yon din ang huli niyang naalala bago siya tumakas h

  • The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi   Chapter 1

    "Mama, naiihi na po ako!"Napapikit si Mia sa gitna ng mataong lobby ng Altamirano Tower. Hawak niya ang mahigpit na kamay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Gabby."Anak, sandali lang, ha? Tatapusin lang ni Mama i-submit itong files kay Ma'am Tess," bulong ni Mia, pinapahid ang pawis sa noo. "Wag kang malikot."First day niya bilang clerk sa malaking kumpanyang ito. Bawal ang bata, pero walang magbabantay kay Gabby dahil nagkasakit ang kapitbahay nila. Tinago niya si Gabby sa ilalim ng desk kanina, pero break time na at kailangan nilang tumakas palabas."Pero Mama, lalabas na po!" sigaw ni Gabby at biglang bumitaw sa kamay niya."Gabby! Bumalik ka dito!"Tumakbo ang bata papunta sa gitna ng lobby. Sa kamalas-malasan, bumukas ang private elevator—ang elevator na para lang sa mga VIP.Lumabas ang isang grupo ng mga naka-suit na lalaki, at sa gitna nila ay ang isang matangkad, gwapo, ngunit nakakatakot na pigura.Blaag!Bumangga ang maliit na katawan ni Gabby sa mahahabang bi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status