“S-Sir, pasensya na po talaga pero w-wala po akong alam sa mga s-sinasabi ninyo."
Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa lalaking ito na wala akong alam sa kanyang mga sinasabi.Ginulo niya ang kaniyang buhok at malakas na nilapag sa harapan ko ang isang folder.“Don't you dare to deny!” madiin niyang sabi. “I also have the copy of CCTV footage in my condo before.”Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ko inaasahan ang mga sasabihin at ipapakita niya. Dapat hanggang ala-singko lang kami sa trabaho, ready na rin akong umuwi at hindi ko inaasahan na kakausapin niya na naman ako tungkol sa bagay na iyon.Tinapunan ko siya ng tingin bago buksan ang lumang white folder sa harapan ko. Masama ang tingin niya sa akin na para bang isang deny ko pa ay sasabog na siya sa inis.Dati kong resume form ang nasa folder. Sa pagkakatanda ko ay ito ang folder na naiwan at hindi ko na nakuha pa doon sa bar. Hindi ko rin p'wedeng sabihin na hindi ako iyon dahil nasa kanila rin ang mga personal documents ko.“W-Wala akong maalala S-sir. S-Saan niyo po nakuha ang dati kong resume?” pagkukunwari kong tanong.“Stop! I said don't you dare–”“P-Pero s-sir. Wala po talaga akong alam, wala po akong matandaan sa mga pinagsasabi niyo.”Umaasa ako sa pagkakataon na ito ay titigilan niya na ako pero ramdam na ramdam ko ang inis niya. Sunod-sunod ang pagmumura niya. Tumigil naman siya ng pumasok si Sir Hidalgo.“Mr. Ace. Huminahon kayo. Huwag niyo nang pilitin pa si Ms. Legazpi."Napa-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniyang secretary na si George Hidalgo.“Gaya ng sabi niya. B-Baka hindi siya ang babaeng matagal niyong pinapahanap," dugtong nito.Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng maigi. Tiningnan ko naman siyang na may halong pakikiusap na hindi ko gusto ang mga nangyayari nga'yon.Umakto siyang nag-iisip. “Mukhang hindi talaga siya ang babaeng iyon kaya Mr. Ace—”Pareho kaming napatigil sa biglang pagtayo niya. “Get out!" mahinahong niyang sabi.Napayuko ako at tumalikod.“Not you!” Napatigil ako at bumalik ulit ang kabog ng aking dibdib. Ang akala ko ay makakahinga na ako ng maayos.“Mr. Villamor, huminahon kayo. Kailangan ng umalis ni—”Isang malakas na ingay ang ginawa niya sa kaniyang paghampas sa kaniyang office table na ikinatahimik ng buong silid.“I am the CEO of this damn company! And I want to remind your position, secretary George Hidalgo. I'll show to this woman kung ano ang kaya kong gawin,” seryoso at madiin niyang sabi.Napa-awang ang bibig ko at biglang napaharap sa kaniya.Yumuko si Sir George bilang respeto sa gusto niyang mangyari at nang lumabas ito sa office ay mas lalo akong kinalibutan.Napa-atras ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin habang hindi binibitawan ang titig niya sa mga mata ko.“S-Sir—” kinakabahan kong aniya.Nakita ko lamang ang pag-smirk nito at bago ko pa mabuksan ang pintuan ay mabilis niya akong hinawakan sa pulsuhan ko. Ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa bewang ko.“Look at me in the eyes. Nga'yon mo ulit sabihin na hindi ikaw ang babaeng iyon at makikita mo."Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya. Sinubukan kong tingnan siya at mas lalo akong nanghina sa malalim na titig niya. Mas lumapit siya sa akin kaya mabilis akong napapikit.“Alam mo bang hanggang nga'yon ay engaged pa rin ako dahil sa'yo. Hindi ka nagpakita kaya mas lalong sumira ang buhay ko. So, you owe me. Pagbabayaran mo ang lahat na nangyari.”Nang marinig ko ang sinabi niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang harapin siya. Wala akong alam kung ano ang nangyari sa kaniya matapos ang nangyari pero hindi naman siguro tama na magiging one sided ang kwento.“B-Bitawan niyo po ako Sir," matapang kong sagot sa kaniya.Gusto ko siyang sampalin at saktan. Kasalanan ko pa nga'yon ang nangyaring one night stand sa amin, eh pareho naman naming hindi ginusto iyon. Kung hindi man natuloy ang kasal niya dahil sa issue na iyon ay malala din naman ang pinagdaanan ko.Ang pagpapalaki ng mag-isa sa kambal niyang anak ay sobra-sobra na ang nagawa ko. Kung sana alam niya lang ang pinagdaanan ko. Pero h-hindi p'wede. Hindi ako papayag na makilala niya ang mga bata lalo na sa ugali at estado niya sa buhay.“All right. Ayaw mo pa ring umamin? What do you want, I'll file a case to you or you stop denying and do what I say?” Ngumiti siya na parang bang pinaghandaan niya ng husto ang lahat na p'wedeng mangyari.File a case? Bina-black mail niya ba ako? Gano'n na ba ang nagagawa ng estado niya sa buhay at ako pa ang kakasuhan niya.Napakuyom ko ang aking mga palad at ramdam niya iyon pero mas lalo siyang ngumiti nang mapansin ang reaksyon ko.Mabilis niya naman akong pinigilan nang akmang magsasalita ako. Mas lumapit siya sa mukha ko at nilapit ang kaniyang bibig sa leeg ko papunta sa aking tainga. Nakaramdam ako ng kakaiba sa ginagawa niya.“Tsk. But I prefer you to follow my orders without hesitations,” bulong niya.Pumalag ako at nilayo ang sarili sa kaniya pero parang mas sumasaya siya sa ginagawa ko.“Excuse me, Sir. H-habang may respeto pa akong natitira sa inyo, please stop. Maayos na trabaho ang pakay ko rito—”“So, does that mean it's you? Madali naman akong kausap—”“No, sir! Wala akong sinasabi na ako ang tinutukoy niyo. Gaya nang sabi ko ay wala akong matandaan kaya please po tigilan niyo ako."Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na para lumabas ng opisina. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan.Mabilis niya akong hinawakan sa braso at pagsabay no'n ang pagpatak ng luha ko. Naiinis ako at wala akong magawa para makalayo sa lalaking ito. Kung noon ay nagawa kong magtago habang pinapahanap niya ako pero nga'yon ay ako pa mismo ang lumapit sa kanya.Pwersahan niya akong hinatak at sinandal sa pintuan. Kung kanina ay nagagawa niya pang ngumisi pero ngayon ay matalim ang titig niya sa akin.Balewala at wala siyang naging reaksyon nang makitang naluluha ako. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.Madiin niya akong hinalikan. Sinubukan ko mang igalaw ang katawan ko ay hindi ko nagawa. Sunod-sunod ang hikbi ko nang pinutol niya ang halik sa akin.Mas hinigpitan niya ang hawak sa akin. “I'm the CEO of this company at isa lang ang ibig-sabihin, nagta-trabaho ka sa akin. Gagawin ko kung ano ang gusto ko, umamin ka man o hindi.”Nang bitawan niya ako ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Ramdam kong parang hawak niya ako sa leeg na kung subukan ko mang kalabanin siya ay iba ang kaya niyang gawin.Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at nang tiningnan ko siya ay iba na ang tingin niya. Naalala ko ang tingin na iyon.Wala pa ring bahid nang pagsisisi ang itsura niya at hindi ko inaasahan na makita ulit ang mukha niyang malungkot tulad nang hindi ko pagpansin sa paulit-ulit niyang binibitawang salitang 'wait'.“Dito na lang ako, salamat,” mahina kong sabi.Hindi naman siya kumibo at hininto ang kotse sa tapat ng coffee shop.Hanggang ngayon ay sobra pa rin akong nahihiya sa nangyari kanina. Mabuti na lang at walang nangyari dahil pinigilan ko siya. Feel ko pulang-pula pa rin ako mukha ko, malakas pa rin kabog sa dibdib ko at halos mapahawak ako sa dibdib ng magsalita siya.“I'll see you tomorrow?” tanong niya.“Huh? Para s-saan? I-send mo na lang sa account ko pag-gusto mo talagang magbayad–”Hindi ako makatingin sa kaniya at kunwari na inaayos ko ang mga gamit ko, pero ang totoo ay parang mas gusto ko pa siyang kasama.“I already sent it to your account earlier.”“O-Okay sige, mauna na ako, salamat ulit,” sabi ko pero hindi pa rin ako lumalabas.“I pick you tomorrow sa new office mo, napag-kwentuhan natin kanina ang about sa favorite restaurant ko where in doon ako natuto magluto ng best steaks. I want you to try their best food...”Napatango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya pero ang
Tama, malapit nga ang bahay niya.Galing sa mataong lugar ngayon ay halos wala namang ka bahay-bahay ang nadaanan namin.Naalala ko kung dederetso pa nga kami ay nandon na ang coffee shop ni Ken. At sa dulo pa ng konti ay malapit na iyon sa school ng mga anak ko.May guard na nagbukas ng malaking gate at kinausap niya ito na magpapahatid siya sa loob para makapasok ang tricycle.Namangha ako sa paligid. Napakalawak at ang gaganda ng mga bahay. Isa pala itong subdivisions.Ang sariwa ng hangin at sobrang tahimik. Na-miss ko ang probinsya namin, siguradong maging si nanay ay nalulungkot din. Medyo malayo na kami roon sa malaking gate at halos pare-parehong design ng bahay ang nakikita ko. Malayo pa ba ang bahay niya? Sana ay nagpa-iwan na ako sa labas. Hindi naman nagtagal ay nakikita ko na ang malaking bahay, kakaiba ang design nito at ito ang nasa pinakadulo sa lahat ng bahay. “Come on, let's get inside.” “Ahh? H-Hindi, dito na lang ako sa labas–”“I need to take a shower, it will
“What do you need?”“Nasiraan ba kayo boss?” tanong ng isang lalaki. “Flat?”“No, I don't know what happened. The car just stop–”Galing sa likuran niya ay humarap ako.“Okay naman ho ang gulong, baka naubusan ata ho ng gas o baka may sira..” paliwanag ko.“Check namin ma'am ah, boss icheck namin,” sabi nong isa.Sumang-ayon naman ako. Yong dalawa ay tiningnan ang gulong, ang tatlo naman ay nasa harapan at balak sanang ipabukas iyon.“No, don't touch my car,” nag-aalang saad ni Mr. Villamor.“Huminahon ka muna, tinitingnan nila kung ano ang sira..” bulong ko sa kanya.“That's car. My favorite car, I bought it right away since the first release. No one should dare to touch my car.” pabulong din na sagot niya sa akin. “Okay okay, ako na ang bahala.”Kinausap ko ang isa sa mga lalaki na darating lang ang kasamahan namin para ayusin ang kotse.Naintindihan naman nila.“Pag gulong lang ang sira nito mapalitan lang agad,” aniya ng isa. “Ang mahal ng brand ng kotse na 'to tiyak na paggugulu
“Hindi pa ba sapat ang nangyari sa atin kahapon para makuha mo ang amoy ko? " Hindi ako nakasagot sa tanong niyang pabiro, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. Hindi niya pa rin ako binibitawan buti na lang ay may nagkunwaring umubo kaya biglang niyang pinutol ang pagkayakap sa akin. “E-excuse me s-sir...” “You may leave.” Mabilis na umalis ang driver niya at kulang na lang ay tumakbo ito mapalayo lang sa amin. Narinig ko ang pag buntong hininga niya at napailing sabay tingin sa malayo.Narito kami sa parking area ng kumpanya. Habang narito pa ako ay naisipan kong hindi na tutuloy sa loob, umalis na rin si Mei at uuwi na rin ako.“H-Hindi na ako sasabay mag-lunch, pasabi na lang rin kay Secretary Hidalgo na nalipat mo na ako, just in case hindi mo pa nasasabi sa kaniya.”“Inuutusan mo ba ako? I can't believe you.”“O-Okay, kahit huwag na lang. Mauna na ako, nga pala salamat sa offer mo na trabaho kahit hindi naman permanent.”“I'll drive you home, you come with me,
Sunday nga'yon at half day lang open ang kumpanya. Nakausap ko si Mei kanina sa phone at ang sabi niya ay may bagong in-assign ang Ceo sa kanila, pero bale tatlong tao na lang sa team namin ang kailangan nito. Narito na nga ako sa office ko at hindi ko na naabutan pa si Mei. “Good morning.” Napasapo ako sa dibdib ko nang bigla bumukas ang pintuan. Tiningnan ko siya ng masama at biglang umiwas ng tingin. “Can we talk?” tanong niya at lumapit sa akin. Naka-cross arm pa siya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at lumapit rin ng konti sa kaniya. “You don't need to leave, I'll already assign some work for you to do.” Ayaw niya pa ring pumayag pirmahan ang pag-alis ko, kung ayaw ko raw rito ay in-assign niya na ako sa ibang branch ng company niya. Hindi naman iyon kalayuan dito at tinaasan niya pa nga ng 10 percent ang sahod ko. Magandang offer na iyon kaya pumayag na agad ako. Nakipag-shake hands siya sa akin, at napangiti naman ako. Mukhang matino ang mga
First time kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko, pero complete name nga lang. Gusto kong tumigil at humarap sa kanya dahil binigkas niya pati middle name ko pero hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon.“I said stop, what’s wrong with you?” sigaw nito.Malapit na ako sa elevator at natatanaw ko ang halos takbo niya na mga hakbang.“H-hindi mo naman ito pipirmahan diba? Huwag mo na akong habulin,” saad ako habang pinapakita ang folder.“Yes, I won’t sign that. But wait, I need my coat…”Hays, talaga ba ang coat ang kailangan niya? Balak ko sanang hintayin siyang makalapit dahil nagbabakasakali akong nagbago ang isip niya pero hindi pala.“Isasauli ko lang ito bukas..”“So, you’re saying you want to meet me tomorrow?”Napairap ako sa tanong niya. Nagbukas na ang elevator at medyo malayo pa siya sa akin. Hindi na rin naman siya nagmamadali, cool pa siyang naglalakad palapit.“No, wala akong suot na underwares and I need your coat. Hindi ko naman kasalanan, bye.”Agad na ako puma