Share

Kabanata 23

Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan, nakaupo sa tabi ko si Gio at kalong-kalong nito si Patpat. Tuwang-tuwa naman ang aking kapatid sa kaniya. 

Si tatay at nanay naman ay masusing tiningnan si Gio. Tila ba sinusuri nito ang pagkatao niya. 

"Kailan pa naging kayo ng anak ko?" tanong ni tatay sa kaniya. 

"Tay! Hindi po kami ni Sir Gio. Boss ko po siya sa trabaho," kinakabahan kong wika kay tatay. Kasi naman pumunta pa talaga siya rito. 

"Tumahimik ka, Scarlet. Hindi kita kinakausap," seryosong saad ni tatay sa akin kaya napatikom nalang ako ng bibig. Sinamaan ko ng tingin si Gio ngunit chill lamang ito. Aba, hindi ata siya kinakabahan. 

"Matagal na po, I'm sorry po kung hindi nasabi sa inyo ni Scarlet ang lahat. Pasensiya na rin po dahil hindi ako nakapagpaalam sa inyo na liligawan ko po siya." Kita ko ang pagka-sincere ng kaniyang mukha, seryoso nga talaga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status