Share

Kabanata 5

Kasalukuyan akong nasa banyo at nakaharap sa salamin. napapikit ako sa sobrang kaba. it was my first kiss and my boss stole it. Nakakainis siya kung hindi niya ako inasar eh di sana hindi nangyari iyon kanina. naiiyak ako dahil mayroon akong pangako sa sarili na dapat iyong first kiss ko ay ibibigay ko sa first boyfriend ko pero nabali iyon because of my boss. 

Napa buntong hininga ako at inayos ang aking sarili, matapos kong irelax ang sarili ay lumabas na ako sa banyo. Hindi na muna ako dumiretso sa office ko kasi mag be-break time rin naman kaya pumunta ako diretso sa office ng aking kaibigan na si aira. 

Binuksan ko ang pintuan ng office niya at nakita kong busy ito sa pagtitipa ng kaniyang laptop. Napansin naman kaagad niya ako at napalingon sa akin. 

"Oh! Scarlet why are you here? Ang aga pa, hindi pa naman break time,"gulat niyang tanong sa akin. 

"May nangyari ba?" tanong ulit niya. Napamula naman ako roon dahil naalala ko ang nangyari kanina. 

"Wala naman, wala na kasi akong gagawin kaya pumunta na agad ako rito," sagot ko.

"Are you sure? Walang nangyari? " usisa niyang tanong sa akin. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari o hindi. Napabuntong hininga naman ako at napagdesisyonang sabihin nalang.

"Actually, mayroon. " Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at hindi ako mapakali. 

"Ano iyon? Nako, Scarlet kibago-bago mo palang, may problema ka na agad?"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya at napapikit ng mariin. 

"Our boss stole my first kiss and I don't know what to do!" Pikit mata kong saad. Ilang minuto rin ang katahimikan nang magreact siya.

"Wait what? Are you serious? Tangina, Scarlet paano nangyari!??" gulantang na tanong niya sa akin. 

"Aksidente? Hindi ko alam, inaasar niya kasi ako kanina tapos... Tapos.. Bigla akong napahiga sa sofa kaya naman ay agad na hinawakan ko iyong suit niya para sana mabalanse ko ang aking sarili tapos 'yon.."

"Wait? Inaasar ka ni Boss? Why? Close na ba agad kayo?"tanong niya ulit sa akin..Tumango ako ng mahina. "Maybe?" Napahampas siya sa kaniyang lamesa kaya ay nagulat ako roon. 

"Grabe na talaga ang charisma mo Scarlet! Siguro may gusto iyong Boss natin sa iyo. Tingin mo?" tanong niya at parang kinikilig pa. 

"Wa-wala ah! Mabait lang talaga iyong Boss natin. May pagkafriendly."

"Sus! If I know, may HD iyon sa iyo! Ganiyan napapanuod ko sa Korean Drama eh!" Napanganga ako sa sinabi niya. Pinagsasabi nito? 

"Anong HD??" tanong ko sa kaniya. 

"Eh di Hidden desire, nako talaga Scarlet napakainosente mo kahit kailan!" Tumayo naman agad siya at hinawakan ang aking braso. 

"Nakakaexcite naman! Looking forward ako riyan sa love story niyo ni Boss pero paano na si Mr. Stripper niyan?Bet ko pa naman siya para sa iyo. " Napanguso siya at maya-maya lang ay ngumiti ito ng malapad. 

"Hayaan mo na nga! Kay Boss ka na, siya naman first kiss mo eh. Yiiii! Unang halik ng 'yong mahal~" nang-aasar na kanta nito sa akin. Napairap ako sa kaniya. "Tumigil ka nga!"

"Sus! If I know kinikilig ka lang!" Hinampas ko siya sa braso at napa-aray siya dahil doon. 

"Hindi ah! Naiiyak nga ako kasi dapat sa first boyfriend ko iyon pero nakuha na ng iba!" Inis kong sabi sa kaniya. 

"Malay mo, si Boss pala iyong FIRST boyfriend mo!" Kinikilig nitong saad sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at hinila siya papuntang canteen para bumili na ng snacks. Malapit na rin kasing magbreak-time. 

Nang makarating kami sa canteen ay nag-order na kami ng snacks. Bumili lang ako ng isang dougnut at kape. Si Aira naman ay burger, fries at soft drinks. 

"Hindi ka naman diet niyan?" Napataas ako ng kilay nang makita iyong mga binili niya sa tray niya. Nilapag na rin namin ang aming pagkain sa mesa at umupo na. 

" Wala sa vocabulary ko ang diet. Sexy pa naman ako ah, kahit matakaw akong kumain." Iyan ang nakakainggit sa kaniya kahit anong kain nito ay parang hindi naman ito tumataba. Sexy pa rin ito. 

"Oo na, may malaking bulate siguro riyan sa tiyan mo at 'yon ang kumakain ng pagkain mo kaya hindi ka tumataba, ano?" pang-aasar ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako at nagsimulang kumain. 

"Tse! Kita mong kumakain ako eh! Ang bastos ng bunganga mo, Scarlet!" Napatawa ako sa sinabi niya at kumain na rin ng aking pagkain. 

"Ikaw yata iyong diet ngayon, 'bat iyan lang ang binili mo? Nagtitipid ka na naman ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at napangiwi. 

"Kailangan kong magtipid, Aira. Gusto kong bilhin ang lupang tinitirahan namin, sabi kasi ng Nanay ay baka paalisin na kami roon ng may-ari." Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Nanay noong isang araw. 

"Malaki na rin naman ang sweldo mo bilang sekretarya eh, madali nalang iyan. Ang akin lang ay huwag mo sanang tipirin ang sarili mo lalo na sa pagkain. Kalusugan ang una mong isipin dahil mahalaga iyon. Paano kung magkasakit ka sa pagtitipid mo? Hindi ka rin makakapagtrabaho at wala kang kita sigurado. Gusto mo ba iyon?" Seryoso niyang tanong sa akin. Umiling-iling naman ako sa kaniya. 

"Iyon naman pala. Kaya kung gutom ka or gusto mong kumain ng marami ay huwag mong pahirapan sarili mo." 

"Oo na po Inay. Hindi ko na titipitin ang aking sarili." Napadila naman ako sa kaniya."

"Tse! Inay ka riyan. Kumain na nga lang tayo." Tumawa naman ako at kumain na rin. 

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kaniya-kaniyang office. Nasa bungad na ako ng elevator nang maalala ko naman ang nangyari kaninang umaga kaya napahinto ako. Hindi ko alam kung pipunta ba ako roon o mag-aabsent nalang. Gustuhin ko mang mag-absent ngunit hindi puwede. Nagiipon ako para sa lupa namin. Napabuga ako sa kawalan no choice akong pumasok sa elevator at pinindot kung saan ang office namin. Sana nga lang ay hindi niya ako utusan dahil napaka awkward talaga. Wala na talaga akong maihaharap na mukha sa kaniya. Una iyong kagabi tas ngayon naman. Napakaswerte ko nga naman. 

Nang makapasok ako sa aking office ay napahinga ako ng maluwag nang makitang wala ito sa office niya. Buti naman at wala siya, huwag nalang muna sana siyang bumalik dahil sobrang nakakahiya. Baka mahimatay ako sa hiya. 

Nagsimula na ako sa aking trabaho. Sobrang sineryoso ko talaga ito dahil ayaw kong pagalitan ako ni Mr. Berkshire. Kailangang pulido ang lahat baka mapaalis pa ako rito wala sa oras. I have to do my best for the sake of my family's well being. Gagawin ko ang lahat para lang makaahon kami sa kaharipan. Marami akong pangarap sa kanila kahit hindi na muna sa akin. Napangiti ako nang mahagip ng aking mga mata ang family picture namin. Ito lang ang kaisa-isang picture naming lahat na magpamilya. Kuha ito ng graduation ko. Sobrang laki ng aming mga ngiti, sabi nga noon ng aking kapatid para raw kaming nanalo sa lotto dahil sa sobrang saya namin. Naghanda rin kasi ng spaghetti at pansit si Nanay iyon ang kauna-unahang naghanda kami. Nangutang pa ito kila Aling Nita para lang may maihanda sa graduation ko. 

Napaluha ako sa aking naalala, agad ko namang pinunasan ang aking pisngi sa ala-alang iyon. Namimiss ko na sila sobra. Nang matapos ako sa aking gawain ay nabored ako, kaya naman ay bumababa ako para kumustahin ang aming Department. Siguro ay doon muna ako tatambay wala naman na kasi si Mr. Berkshire eh. 

"Hello!"bati ko sa kanila, ang iba ay binati ako at ang iba naman ay wala lang. Nilapitan ako ni Anne at hinawakan pa ang aking braso na para bang nanlalambing ito. Problema niya? Akala ko ba ay galit ito sa akin? Hindi ko na lamang ito pinansin. 

"Hi Scarlet!" Napangiti nama ako sa kaniya. "H-Hello," bati ko rin. 

"Kumusta naman ang pagiging sekretarya? Ba't parang wala ka atang ginagawa ngayon? Baka pagalitan ka ni Mr. Berkshire kapag nakita kang pagala-gala rito sa kompaniya." Nakataas nitong kilay sa akin. 

"Hm. Tapos na rin naman kasi ako sa aking trabaho, kaya ay pumunta ako rito para sana tulungang kayo." I honestly said. 

"Ay! Talaga ba? Mabuti naman, marami pa kasi akong tambak na gawain. Puwede mo ba akong tulongan?" Nawala naman ang pagtataray nito sa akin at napilatan ng ngiti. Napailing nalang ako sa reaksiyon niya. 

"O-Oo naman! Ano ba ang ipapagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko rin kasing makatulong kahit papaano. 

"Ako rin Scarlet, marami rin akong gawain. Pasensiya na kung magpapatulong ako sa iyo. Kakagaling ko lang kasi sa sakit eh," sabi naman ng isa sa kaibigan ni Anne na si Kate.

"Ganoon ba? Okay sige." Napapalakpak naman sila at binigay sa akin ang task nila. Isang tambak na papers ang dapat kong ipaphoto copy. Okay lang naman iyon dahil sanay ako sa gawaing iyon.

"Excuse me, Scarlet. Puwede bang ipa-photo copy mo rin itong papers ko? Salamat ah." Nilagay niya agad ang mga papers sa mesa. 

"Ito rin sa akin, Scarlet. Salamat talaga!" Umalis agad sila at iniwan ako. Napabuntong hininga naman ako. Mukhang mali ata na pumunta ako rito. 

"Hello, Scarlet! Pakitapon naman nitong b****a ko pagkatapos mo riyan ah! Salamat!" Nilagay naman niya sa tabi ko ang b****ahan niya at natapon ito dahil pabalibag niyang inilagay sa akin.

"Ooops! Sorry!" Natatawang sabi niya at lumayas na. Napangiwi naman ako sa inasta ni Anne. Naririnig ko ang tawanan sa cubicle nila, hindi ko nalang ito pinansin. Maya-maya ay biglang tumahimik ang paligid, kaya napalingon ako sa kanila. Nanlalaki ang aking mga mata ng makita si Mr. Berkshire sa loob ng office. Patay! 

"Goodmorning, Mr. Berkshire!" bati nila sa kaniya. Tumago naman ako sa gilid para hindi niya ako makita. 

"Why are you laughing out loud? Wala ba kayong mga trabaho!? If I was not mistaken work hours ngayon hindi break-time." Malamig na saad niya sa kanila. 

"I'm sorry, Sir." Paumanhin ni Anne sa kaniya. 

"And also, bakit ang sekretarya ko ang gumagawa ng trabaho ninyo!?" Napahigpit ang aking hawak sa papers nang makita kong tumingin siya sa gawi ko. 

"Scarlet! Halika rito." malamig nitong tugon sa akin. Nagulat ako nang tinawag ako nito. Paano niya nalaman na naandito ako? Unti-unti akong lumapit sa kaniya ramdam ko ang titig ng mga tao sa office. Nakakahiya tuloy. Nang makalapit ako ay tumabi ako sa kaniya at yumuko nalang. Ayaw kong makasalubog ang titig ng aking mga kaworkmates lalo na ang titig niya. 

"From now on ay huwag na huwag na ninyong mautos-utusan ang aking sekretarya. Naiintindihan ninyo!? Kung sino man ang hindi magsunod sa utos ko automatically, you're fired!" sigaw ni Mr. Berkshire. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Patay, galit na ito. Kasalanan ko ito kung hindi sana ako pumunta rito ay hindi mangyayari ito. 

Hinila niya ako paalis roon sa office, wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako. 

"Sir, Sorry!" Paumanhin ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at nauna nang maglakad sa akin.

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku scarlet sobrang marter mo sa mga jatrabaho mo may sari ka na ngang office pumupunta ka pa talaga sa dati mong department nakakainis ang sobrang kabaitan mo tawag dyan malaking T
goodnovel comment avatar
Lynette Costas Mongcal
Ganda Ng story
goodnovel comment avatar
Remija Ardais Fria
free bunos please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status