Share

Kabanata 3

MAAGA akong nagising dahil ito ang first day ng pagiging sekretarya ko kay Mr. Berkshire, boss at may-ari ng Berkshire Inc.

Sabay kaming pumasok ni Aira sa office. Usap-usapan na rin na iaannounce na ng aming CEO kung sino iyong maswerteng taong mapro-promote ngayon.

“Alam mo ba ngayon daw iaannounce kung sino ang mapo-promote rito sa atin,” sabi ng isa kong ka-workmate.

“Sino kaya iyong maswerteng mapo-promote, ano?” tanong ng isa.

“Ako na iyon! Sino pa ba ang mas may experience at mas matagal dito sa atin? Ako lang naman!” Pairap na sagot ni Anne at nag flip hair pa.

Napatawa ako sa aking isipan.

“Ang sabi, magiging executive secretary daw,” sabi ng isa.

“OMG! So, masisilayan ng mapo-promote ang kagwapuhang taglay ng ating boss?” naeexcite na sabi ng isa.

“Good morning everyone!” bati ng sekretarya ni Mr. Berkshire. Kami naman ay napaupo sa aming desk.

“Good morning!” magalang na bati namin sa kaniya.

“ Today, I want to announce if who is the lucky employee who got her promotion today. She will be my replacement as I was assigned to another branch of this company. She will be an Executive Secretary of Berkshire Inc.”

“She daw, babae ‘yon 'di ba?” tanong ng isa.

“Tanga! Malamang!”

“Ikaw na ‘yon, Ms. Anne” sabi naman ng isa.

Ngumiti lang ang sekretarya ni Mr. Berkshire sa mga Marites na nag-uusap.

“Congratulations Ms. Scarlet Hart, you are promoted as an Executive Secretary in this company! Please pack your things and follow me,” masiglang wika niya at naglakad na palabas.

Marami ang bulung-bulongan na naririnig ko.

“Congratulations, Scarlet! Ang galing-galing mo talaga!!” sigaw ng aking kaibigan na nagpangiti sa akin.

“Salamat!”

“Congratulations Scarlet. Swerte mo naman!” sabi ng isa kong kaworkmate.

“Congrats.”

Binati ako ng lahat maliban sa grupo ni Anne na irap ng irap sa akin. Maduling sana kayo.

Agad akong tinulungan ni Aira na magempake ng aking mga gamit para makilapat na agad sa taas. Pagktapos, umakyat agad ako sa taas at pumunta sa office ni Mr. Berkshire. Nakita ko na wala na iyong mga gamit ng dati niyang sekretarya. Nilagay ko naman iyong mga gamit ko at inayos ang set-up nito.

“Ms. Hart,” tawag sa akin ng dating sekretarya ni Mr. Berkshire.

“I am here to train and guide kasi you tomorrow wala na ako rito,” sabi pa niya.

“Yes maam!” sabi ko sa kaniya.

“Cassey na lang,” sabi niya sa akin.

“Okay, Cassey.”

Tinuro niya ang mga dapat kung gawin sa pagiging sekretarya. Madali lang naman ito para sa akin dahil nakasanayan ko naman itong gawin sa baba. Palaging inuutusan at kung ano-ano pa. Umalis naman ng maaga si Cassey dahil madali lang daw akong matuto. I was good at remembering kasi.

Umabot ang hapon na hindi ko nakikita ang aking boss. Hindi ko alam kung pumasok ba iyon ng opisina o hindi. Alas sais ng gabi nang kami’y mag-out ni Aira.

“Alam mo ba nagtataka talaga ako kung bakit si Scarlet ‘yong napromote eh,” sabi ng isa kong kaworkmate, isa sa mga grupo ni Anne.

“Kaya nga eh, Alam mo ba tsismis-tsismis na bago pa raw iannounce ‘yong promotion ay pumunta muna raw si Scarlet sa opisina ng CEO,” sabi pa ng isa.

“Omg! Ano kaya ang ginawa niya roon?” tanong naman ng isa.

“If I know, nilandi niya iyong CEO! Kaya napromote siya!” bititer na saad ni Anne sa kanila.

Bigla namang sumugod ang aking kaibigan na si Aira sa grupo malapit sa labas ng building.

“Anong sabi ninyo??” galit na wika ng aking kaibigan.

Nagulat sila at napaatras. Nasa labas kasi kami at naghihintay ng taxi.

“W-wala!” sabi ‘nong isa.

“Aba nagsasabi lang naman kami ng totoo! Malandi naman talaga ‘yang kaibigan mo. Sa loob kasi ang kulo,” sabi ni Anne sa kaibigan ko.

Hinawakan ko ang braso ni Aira at inawat siya. Ayaw ko sa lahat ang mapaaway kaming dalawa dahil mahirap na kapag nagkaganoon. 

“Tama na Aira, hayaan mo na sila,” awat ko sa kaniya.

“Hindi! Nakakainis kasi, hindi naman totoo ‘yong pinagsasabi nila,” sabi niya sa akin.

“Kahit na, halika na.” Pumara ako ng taxi at hinila siya papasok.

“Huwag mo na iyong patulan, mga pangit naman ugali ‘non,” sabi ko sa kaniya.

“Isa pa, hindi natin sila ka-level,okay?” dagdag ko pa sa kaniya.

Inirapan niya ako at napa-cross arm.

“Sige, hindi ba magcecelebrate tayo ngayon?” tanong niya sa akin.

“Oo, bakit?”

“Shit! Excited na ako! Libre mo ah?” masiglang tanong niya sa akin.

Aba ang bilis mag-iba ng mood nitong best friend ko ah.

“Oo, kapag about doon sa club talaga, ang bilis mag-iba ng mood mo.” Umiiling-iling naman ako sa kaniya ngunit napangiti ito na parang kinikilig.

***

Nang makarating na kami sa aming apartment ay agad naman kaming nagbihis ng damit. Suot ko ang isang backless satin dress na may slit sa kaliwang legs. Samantalang si Aira ay fitted black na dress na backless din. After naming mag-ayos ay pumunta na kami sa club.

Nang makarating ay umupo na kami sa bakanteng table roon sa gilid. Nagpalinga-linga ako para hanapin sana ang CEO namin ngunit hindi ko siya nakita. Ano kaya ang pangalan niya sa gabi? Napatawa ako sa aking naisip. 'Di ba ganoon naman ang mga dancer sa club nag-a-alyas.

“Anong tinatawa-tawa mo riyan?” tanong naman ng aking kaibigan.

“W-wala! Mag-order na nga lang tayo,” sabi ko sa kaniya at tinawag iyong waiter.

Instead of waiter ang pumunta sa amin, ay isang napakakisig na lalaki ang lumapit sa table namin.

“Hello ladies!” bati nito.

“Hi!” malandi namang wika ni Aira.

“Maari ko bang malaman ang inyong kailangan?” tanong nito.

“Napaka formal mo naman, we just want to order drinks.” Tinawag niya ang waiter at bumulong ito.

“Okay boss!” sabi naman ng waiter at sumaludo.

“I’m Tom, kayo? Anong pangalan niyo?” tanong nito sa amin.

“I am Aira and this is my friend, Scarlet.” Nagkamayan kami at umupo na.

“May I ask, are you the owner of this club?” tanong ni Aira sa kaniya.

Tumawa ito at tumango. Napakaganda ng kaniyang ngipin, ang puti at sobrang pantay. Mayamaya ay lumapit naman ang isang nakamaskarang lalaki. I knew it was him. Tindig pa lang niya at mga labi alam ko nang siya ang boss namin.

“Bro! Halika rito, may ipapakilala ako sa iyo,” sabi ni Tom sa lalaking nakamaskara.

“This is Aira and Scarlet,” sabi nito sa kaibigan niya at nag-Hi naman kami. Umupo ito at tumango.

“Gio,” sabi niya at tinitigan ako.

“So? Ba’t kayo nandito?” tanong ko sa kanila. Kanina pa kasi ako nacu-curious kung bakit nasa table namin sila. I mean, hindi ko naman sila inimbitahan sa celebration ko.

“Nothing. We just want to hang out with the girl who almost lost her mind on stage, last last night,” he said then smirked at me.

Tumawa naman si Tom at Aira na nakapagpamula ng aking pisngi.

“I did not!” I exclaimed.

“Weh? Talaga best friend?” tanong ni Aira na parang hindi naniniwala.

Okay. Maybe I did. Pero ayaw kong aminin sa kanila. Nakakahiya kaya. Dumating ang waiter dala-dala ang mga inumin namin, napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at dumating ang waiter dahil sa kaniya na ang naka-focus ang lahat.

“So, ladies,enjoy the night!” sabi naman ni Tom at iniwan kami. Sumunod sa kaniya si Gio at pumuntang stage.

Omg! Magpe-perform ulit sila? Napakuyom ang aking kamao dahil sa init na nararamdaman ko.

Music and shout of the crowd filled my ears. He walks slowly at the stage and start undressing his shirt. Napatili naman si Aira sa tabi ko.

People begun cheering to them. May tatlong lalaki na lumabas sa curtain kasama na si Tom doon. They were dancing seductively again. Gio started to get off the stage, the girls cheered hoping to get chosen. He eventually walked towards to a certain woman, giving her a lap dance. The crowd went wild.

Nainggit naman ako, akala ko sa akin ulit pupunta ito. Winaksi ko ang aking naiisip, hindi ko dapat maisip iyon dahil boss ko siya. Damn it!

“Tumigil ka, Scarlet!” sabi ko sa aking sarili. Nagiwas ako ng tingin doon at pinanuod na lang ang ibang lalaking nagsasayaw. My eyes widened as Tom strutted of the stage, he slowly danced towards our table.

“Pucha best friend! Papalapit si Tom!” sigaw naman sa akin ni Aira.

Napalunok ako dahil sa kaba.

“Baka isasayaw ka niyan best friend!” sabi ko sa kaniya kaya sumigaw siya.

My eyes widened when Tom danced seductively to Aira. Si Aira naman ay pigil na pigil ang kaniyang hininga. I could hear the crowd shouting and going crazy. Ako ay napatulala sa kanila habang sinasayawan nila ang isa't-isa.

Mayamaya ay may naramdaman akong hininga sa aking tenga.

“Naiinggit ka ba?” bulong niya sa akin. His voice was damn so sexy!

“H-ha??” lumingon ako sa bumulong sa akin at to my surprised it was Gio.

Oh, my goodness!! My eyes widened when he moved his hand around my waist. Pinisil niya iyon at ako naman ay napapikit. I froze not knowing what to do. He smirked at me and I stared at him.

He started moving his hips and gave me a lap dance, that sent some goosebumps down to my body. I froze when he whispered something in my ear. Napapikit na lang ako sa sinabi niya at tinawag ko agad ang lahat ng santo para humingi ng tulong kasi gusto nang kumawala ng aking sigaw sa kaniya. Nakakahiya!!

Napahinga ako maluwag nang umalis siya sa harap ko at sumunod si Tom sa kaniya. Bago iyon ay kumindat pa ito sa amin.

Napatili si Aira at ako naman ay napatulala.

What just happened??

“Tangina! Sasabog na ata ang obaryo ko!” sigaw ni Aira sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin kay Aira. Tila ba ako’y napipi dahil sa mga nangyayari.

The performance went on a little longer before the lights turned off. Pumunta na sila sa backstage and napuno naman ng palakpak at hiyawan ang madla.

Nagpaulit-ulit ang kaniyang bulong kanina sa aking isipan

“I can feel your nips, it’s fucking hard, sweetheart. Are you horny?” he whispered amusedly.

***

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana all sinasayawan nila Gio at Tom,congratulations Scarlet sa iyong promotion
goodnovel comment avatar
rurumerin
ako yung naiingit e ... shayawan mo ren aketch Gio .........
goodnovel comment avatar
Iampammyimnida
Thank youuu po ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status