Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2021-10-30 19:13:39

HINDI  ako masiyadong nakatulog dahil sa sobrang hiya kagabi sa nangyari sa Royal Night Club. Wala akong mukhang ihaharap sa aking boss mamaya. Nagpagulong-gulong ako sa aking kama dahil ayaw ko nang maalala iyon pero it keeps on haunting me.

“I can feel your nips, it’s fucking hard, sweetheart. Are you horny?”  

“I can feel your nips, it’s fucking hard, sweetheart. Are you horny?”  

“I can feel your nips, it’s fucking hard, sweetheart. Are you horny?”  

Paulit-ulit itong nagpl-play sa aking utak. “Kyaaaaah!! Stop na! Umalis ka na sa isip ko! Puwede ba??” sigaw ko habang nagpagulong-gulong sa kama. Bigla akong nagulat nang may nagmura sa bandang kanang gilid ko.

“Tangina naman, Scarlet Hart!! Puwede ba tumahimik ka? Kita mo namang natutulog ang tao eh!” sigaw ng aking kaibigan sa akin. Napangiwi ako dahil ang aga-aga ay nagmumura na agad siya.

“Ang aga-aga ng mura ah! Sorry na agad.” Binato ko siya ng unan, unfortunately hindi siya natamaan. Sayang. Kinuha niya ang unan at niyakap. Napailing na lang ako at bumangon na. It’s 6 am in the morning, gusto ko pa sanang matulog ngunit hindi ko na magawa dahil sa pesteng nangyari sa akin kagabi. Kung hindi ba naman ako tanga, hindi ko namalayang nahulog na pala iyong nipple tape na suot-suot ko kagabi. Tuloy na-feel ng boss ko iyong u***g ko. Grr!

Pumunta akong kusina para maghanda na ng almusal namin ni Aira. I cook sinangag, tocino at itlog for our breakfast. Paborito ko ang tocino kaya palagi ko itong almusal araw-araw. Hinding-hindi ako magsasawang kainin ito kahit araw-arawin ko pa. Ito kasi ang pinakasosyal na nakakain ko noong nasa Isla pa ako. Minsan lang kami nakakakain nito dahil sa hirap ng buhay. Kahit P100 ay mahirap nang hanapin doon. Ganiyan ang estado naming sa isla, isang kahig isang tuka.

Maswerte na nga ako dahil nakapunta ako rito sa Maynila, sa tulong ng aking tita na GRO sa Club. Gusto niya akong isama sa kaniya ngunit ayaw ko namang ibenta ang aking kaluluwa sa mga taong halang ang bituka. Kaya naman ay naghanap talaga ako ng marangal na trabaho at naswertihan naman dahil natanggap ako sa isang respetado at sikat na kompaniya rito sa Pilipinas, ito ang Berkshire Inc.

Hindi sa pagmamayabang, matalino rin naman ako. Valedictorian ako noong elementary, highschool at Cum Laude naman sa kolehiyo. Naalala kong sobrang saya ko noon nang matanggap ako sa kompaniya. Out of 100 applicants ay sampu lang ang natanggap at isa na ako roon. Sa sobrang saya ako ay tinawagan ko agad ang aking mga magulang at binalita sa kanila na may trabaho na ako at sa sikat na kompaniya pa ito.

Tuwang-tuwa naman sila, kung ano-ano na rin ang pinapabili ng aking dalawang nakakabatang kapatid. Kesyo bilhan ko raw sila ng magandang damit at sapatos. Tanging tsinelas lang kasi ang mayroon sila, hindi pa sila nakakasuot ng sapatos. Kaya naman ay noong unang sahod ko sa kompaniya ay binilhan ko agad sila ng mumurahing sapatos sa Divisoria.

Kahit na mumurahin ito ay sobrang tuwang-tuwa ang aking mga kapatid. Nagpakabit na rin ako ng kuryente sa bahay, bumili na rin ako ng washing machine at gasul para hindi na sila mahirapan pa. Nakapagpa-ayos na rin ako ng aming bahay. Sobrang saya ko dahil paunti-unti ay may naipupundar na ako roon. Kahit papano kasi ay malaki ang sahod sa kompaniya, lalo pa ngayon na na-promote ako bilang sekretarya ng boss namin. Tinuturing kong isang lucky charm si Mr. Berkshire dahil kung hindi ko nakilala siya ay hindi ako mapro-promote bilang sekretarya ng kompaniya niya.

“Hoy! Nakatulala ka na riyan!?” Napabalik ako sa realidad nang may humawak sa aking braso. Kinusot-kusot nito ang kaniyang mga mata na para bang inaantok pa.

“Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko sa kaniya.

“Sorry, nakatulala ka kasi eh, may problema ba? Iniisip mo na naman ba ang iyong pamilya?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala, kapag hindi na busy sa opisina ay sabay tayong magrerequest ng leave sa kompaniya. Sasamahan kitang magbakasyon sa inyo,” sabi nito sa akin. Napangiti ako sa kaniya, sobrang nakakatuwa kapag may kaibigan kang pareho kay Aira.

 “Salamat Aira, siguro sobrang lungkot ng buhay ko rito sa Maynila kung wala ka.” Hinampas niya ako sa braso pero mahina lang ito.

“Aba oo naman! Ako lang naman kasi ang nagpapasaya ng buhay mo DATI.” Diniinan niya ang salitang dati na nagpataas ng kilay ko. Anong ibig sabihan niya? Napahalakhak siya sa inasta ko.

“Ngayon kasi ay may nagpapasaya na sa iyo! Iyong hot na stripper sa Royal Night Club! Ayiii! Ikaw ha, ikaw palagi ang suki noon ah. Ba’t hindi mo kunin ang number niya? Yayain mo siyang makipag one night stand sa iyo!” Nanlalaki ang aking mata dahil sa suggestion niya. Hinampas ko siya sa braso na nagpa-aray sa kaniya.

“Ano ka ba naman Aira! Kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo!” sigaw ko pa.

“Sus, virgin ka lang eh!” sabi niya sa akin. Namula ako sa sinabi niya dahil totoo iyon. Wala pa akong naging boyfriend sa tanan ng buhay ko. No boyfriend since birth ika nga nila, at wala pang pumapasok na sandata rito sa bataan ko.

“K-Kumain na nga lang tayo! Ang dami mong alam!” sabi ko sa kaniya at nagsimula nang magsandok ng kanin sa aking pinggan. Kumain na rin kami, Mabuti na nga lang at tumahimik na ito habang kami’y kumakain. Nang matapos kaming kumain ay naligo na kami at naghanda ng aming sarili.

It was 7:45 nang makarating kami sa kompaniya. Binati kami ng guard doon. Badtrip na badtrip si Aira dahil kindat ng kindat ang bagong security guard sa kaniya. Natatawa na lang ako dahil halatang babaero ito.

“Napakamanyak ng bagong security guard ng kompaniya! Malaki na nga ang tiyan may gana pang kumindat-kindat sa akin! Excuse me, I have a high standard! Never akong papatol sa kaniya!” Naiiritang saad niya sa akin.Napatawa nalang ako sa kaniya.

“Kung pareho lang siya kagwapo ni Tom eh di go ako! Eh ang panget naman, nevermind nalang!” Patuloy pa nito. Napailing-iling ako sa kataklesahan ng aking kaibigan. Kahit kailan talaga napakadaldal ng aking kaibigan.

“Hayaan mo na iyon, huwag mo na lang pansinin.” Napangiti ako ng naniningkit ang mga mata nito.

“Okay, ayaw kong simulan ang araw ko na badtrip ang mood ‘no.”

“Sige na, punta na ako sa taas, baka maabutan pa ako rito ng boss natin baka sabihin kay aga-aga pagchchismis ang inaatupag ko,” natatawa kong sabi sa kaniya.

“Aba’t anong akala mo sa akin? Chismosa? Diyan ka na nga! See you na lang mamayang breaktime!” Nagbeso-beso kaming dalawa at nagpaalam na sa isa’t-isa. Nagmamadali akong pumunta sa aking office. Nang makapasok ako ay napahinga ako ng maluwag dahil wala pa si Mr. Berkshire. Sana ay hindi na muna ito pumasok dahil hindi pa ako handang humarap sa kaniya. Hindi pa rin kasi ako makamove on sa nangyari kagabi. Shit na malupit!

 Busy ako sa kakakalikot nang aking laptop nang bumukas ang pinto sa office, napahinto ang aking paghinga dahil alam kong si Mr. Berkshire na iyon. Unti-unti akong tumayo at bumati sa kaniya nang walang tingin-tingin. Nakayuko lamang ako at napapikit. Sana ay huwag na lamang niya akong pansinin.

Napahinga ako ng maluwag nang dire-diretso lang itong pumasok sa kaniyang office at hindi ako pinansin. Napa-Yes naman ako sa aking sarili.

Umupo ako nang malapad ang ngiti. Buti nalang at hindi niya ako pinansin o inasar man lang. Diyos ko, hindi ko alam ang aking gagawin kapag ganoon.

Nagpatuloy ako sa aking trabaho nang may ngiti sa labi, pinagdadasal ko na lang na sana ay huwag niya muna akong tawagin o kaya utusan. Napabalikwas ako sa aking upuan nang may tumawag sa akin sa telepono. 

“Hello, this is the Berkshire Inc, Scarlet speaking, how may I help you?”

“Come here,” sagot sa ng kabilang linya. Nanigas ako nang marealize kong si boss pala iyon. Napatampal ako sa aking noo, kakasabi ko pa lang na sana huwag na muna niya akong ipatawag eh! Nanadya talaga si Lord, binawi agad iyong swerte ko. Akala ko ligtas na ako dahil hindi niya ako pinansin kanina, doon ako nagkamali. Napanguso ako. “Yes sir,” sabi ko at in-end na ang call.

Nangingig ang aking mga kamay na pumasok sa office niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya matapos ng nangyari kagabi. For pete’s sake, naramdaman niya ang aking dalawang Maria, nakakahiya!

“Ms. Scarlet how are you today?” tanong niya sa akin at nakangisi pa ito. Sabi ko na nga ba aasarin niya ako eh! Dapat talaga nag-absent na muna ako ngayon. Huminga ako ng malalim at tinapangan ang titig ko sa kaniya.

“O-okay lang po, Sir.” Hindi ko napigilan ang tensiyon ng titig niya kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

“That’s good to know.” Nakita ko namang bumaba ang titig niya sa aking mga Maria. Niyakap ko ang sarili at tinakpan ang aking dibdib.

“I’m sorry nga pala sa sinabi ko kagabi, I’m just teasing you.” Tumaas ang kaniyang tingin at tumitig sa akin. Napaiwas ako dahil hindi ko kayang titigan ang kaniyang madilim na mga mata.

“Okay lang po, Sir. Ano nga po pala ang kailangan niyo sa akin?” tanong ko sa kaniya. Tumayo ito at lumapit sa akin. Napaatras ako dahil doon. Kinakabahan ako sa ginagawa niya, magla-lap dance na naman ba siya sa akin? Tangina, hindi ako handa. Napapikit ako dahil sobrang lapit na nito sa akin.

“Bakit kasi wala kang bra kagabi? Buti ay walang may nambastos sa iyo.” Madiin niyang sabi sa akin.

“Na-nahulog po kasi ang aking nipple tape----” Napatakip ako sa aking bibig. Wtf Scarlet Hart kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip!

“Nipple what?” tanong niya sa akin.

“Wa-wala p-po!” Natatawa kong sabi sa kaniya. “Huwag niyo na lang po pansinin iyon!” dagdag ko pa.

“Tell me, ano iyon?” tanong niya ulit. Bakit ba ang kulit niya? It’s a girl thing, hindi naman niya iyon alam? Bakit ba gusto niyang malaman iyon?

“I’ts a girly thing, Sir. Hindi niyo naman po iyon alam.” Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakatunaw talaga ang kaniyang titig.

“Tell me, ano ba iyong Nipple tape? Is that a fake boobs or something?" Medyo nairita na ako sa tinatanong niya. Sabi na ngang bawal sabihin eh.

“Bakit ba gusto niyong malaman, Sir? Magsusuot rin ho ba kayo noon? Bakla po ba kayo?” Walang prenong tanong ko sa kaniya na nagpakunot ng kaniyang noo. Narealize ko ang aking sinabi, shit na malupit. Patay!

“What did you just say? Ako bakla?” Nilapitan niya ako at dinikit niya ang aking katawan sa kaniya. Nagulat ako roon at napaatras, hindi ko alam na nasa likod ko pala ay sofa kaya ay nahulog ako roon. Agad ko namang nahawakan ang kaniyang suit para sana ay mapigilan ko ang pagkahulog niya ngunit natumba rin ito sa akin.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at nanlalaki rin ang aking mga mata nang marealize kong nakapatong siya sa akin at nakadampi pa ang aming mga labi isa isa’t-isa.

“Oh my God! Ang first kiss ko!” sabi ko sa aking sarili. Hindi ako makagalaw dahil sobrang bigat nito. Lahat kasi ng bigat niya ay nasa akin. Bigla siyang natauhan kaya naman ay agad siyang lumayo sa akin. Tumikhim siya at napaiwas ng tingin.

“Are you okay?” tanong niya. Tumango ako sa kaniya at tumayo na rin sabay ayos ng skirt kong nakataas. Namumula ang aking pisngi. Bigla akong naluha nang marealize ko ang nangyari sa amin.  

“F-First kiss ko iyon!!” naiiyak kong sigaw sa kaniya nang marealize kong kinuha niya ang first kiss ko. Nagulat siya sa sigaw ko, lalapitan na sana niya ako ngunit nagmamadali akong lumabas sa kaniyang opisina at dumiretso sa banyo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
ayan hinila mo kasi eh di nakuha first kiss mo thank you author ......️
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ano kaba naman Scarlet boss mo yang dinigawan mo ng dahil kinuha nya first kiss mo
goodnovel comment avatar
w.p.salamander
Ang first kiss niya ;(
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO's Secret   Epilogue

    Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya

  • The CEO's Secret   Kabanata 120

    Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea

  • The CEO's Secret   Kabanata 119.2

    Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not

  • The CEO's Secret   Kabanata 119.1

    GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko

  • The CEO's Secret   Kabanata 118

    GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat

  • The CEO's Secret   Kabanata 117 (Part 3)

    I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti

  • The CEO's Secret   Kabanata 117 (Part 2)

    ILANG araw na ang nakalipas simula noong nagkahiwalay kami ni Scarlet. Hindi ko na rin siya ma-contact pati sina Aira at Tom. Tanging kay Lily lamang ako nakikibalita. Sabi niya, hindi raw niya nakikita na si Scarlet sa condo at wala na raw tao roon. Sina Aira at Tom naman ay palaging busy, hindi ko na rin sya naabutan sa kompaniya. Alam kong iniiwasan ako nito at alam ko naman ang dahilan. Kasalukuyan akong nasa office ko at tinitingnan ang mga ebedinsiyang gagamitin ko sa korte laban kay Leila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nasa harap ko na ang lahat kulang na lamang ang presensiya ko sa police station ngunit hindi ko magawang ilakad ang aking mga paa roon dahil natatakot ako na hindi na naman ako papaniwalaan ng pulis. I never trust police officers. Natatandaan ko noon nung nagsumbong ako sa mga pulis, I was 18 years old that time. Na-realize ko noon na mali ang ginagawa sa akin ni Leila at hindi ko na iyon masikmura. I really have to do something para ma

  • The CEO's Secret   Kabanata 117 (Part 1)

    GIOLABIS akong nasaktan nang makita ko si Scarlet na umiiyak habang akay-akay ni Aira. Masakit para sa akin na makita niya ang ginawa ko kanina, I have no choice kung hindi ko sinunod si Leila , magagalit siya baka masaktan pa niya ang aking kasintahan. I was so mad at the same time scared dahil wala man lang kaming kalaban-laban sa mga tauhan ni Leila. Mas maigi na itong malayo ako sa kanila dahil mas ligtas sila kapag kasama nila ako.Yakap-yakap ni Leila ang aking braso ngunit wala akong pakialam sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya sobra gusto ko siyang itulak pero hindi puwede. Isang kanti ko lang sa kaniya ay gagawa na naman ito ng masama at kababalaghan sa mga mahal ko sa buhay.“Don’t worry, Gio. Bukas na bukas ay ikakasal na tayo, akin ka na at wala nang makakaagaw sa iyo. Wala na si Scarlet dahil iniwan ka na niya,” saad niya sa akin. Mas lalong uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Para bang bumalik ako sa nakara

  • The CEO's Secret   Kabanata 116

    Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status