Share

5

Isang buwan na ang lumipas at patuloy parin naman kami sa pag aayos ng mga kailangan gawin sa kasal namin ni Cameron. Mag mula din naman ng kumalat ang balita sa buong kumpanya namin at naging usap usapan kaming dalawa ni Cameron ay sadyang nawindang na ang buhay ko.

"Akira papers oh," ani ng isa kong katrabaho na bahagyang ia-abot sana sa akin ang isang folder. I was about to accept it pero hinarang ako ng isa pa namin katrabaho as she took the folder from my other co-worker. Kaya naman pareho kaming napatingin sakanya.

"Wag mong utusan 'yang si Akira," wika nito.

"Sige ka, baka tanggalin ka sa trabaho ni sir Cameron," she said looking at the folders pretending as if she's checking the papers inside of it. Para bang kumulo ng bahagya ang dugo ko sa ina-akto nito. Sa lahat ata ng empleyado sa loob ng kumpanya na 'yon si Cindy ang pinaka unang nangb-bwisit sa akin sa tuwing may chansa syang nakikita.

Pero dahil muli kong inalala na may bata sa sinapupunan kong ramdam na ramdam ang bawat inis ko sa mga tao. I decided to calm my nerves down.

"Akin na," wika ko.

"Kaya ko naman e." I said at syaka kinuha kay Cindy ang folder ng sapilitan. When I was about to leave the pantry ay doon na nga hinawakan ang braso ko preventing me to stop walking kasabay ang bahagya nyang pag hila.

"Ano ba!" pagpupumiglas ko.

I saw it, an emotion she was trying to hide for the whole month. The emotion of anger and confusion. Pasalamat nalang talaga ako at tinuruan ako kahit papaano ng mga magulang kong bumasa ng isang tao.

"Tell me, pano mo nilandi si Sir Cameron?" walang hiya nitong tanong sa'kin, aaminin ko, masaki naman talaga ang pagkakahawak nya sa braso ko. That I felt her nail digging into my flesh at hindi sya nag papa-awat kahit pa pinapatigil na sya ng isa pa naming katrabaho.

"Ilang beses mong binukaka 'yang katawan mo?" she asked.

"Ilang beses mo syang inakit, ha?" nanggagalaiti nyang tanong sa'kin, thought her grip hurts along with her nails I cannot give her the satisfaction of hurting me. Hindi ako pwedeng mag paapekto sa mga kagaya nyang babae lalo na't hindi nalang ako mag isa sa katawan ko ngayon.

Kaya naman sa kabila ng sakit ng pagkakahawak nya ay ngumiti ako at syaka inilapag ang folder sa may table nearby before grabbing at her hands, forcing them to be removed from my own arms.

Anger was still visible from her pero wala akong pake kung saang lupalop man a-abot ang galit nya. Doon nga ay dinuro ko sya out of my own anger.

"Subukan mong saktan o hawakan ako ulit," ani ko ng mahinahon, but deep inside I was cooking her in deep fire.

"Subukan mong pagsalitaan ako ng kahit anong masasamang salita," wika ko.

"I'm telling you Cindy, kahit buntis ako? Hindi kita sasantuhin!" matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon ay kinuha ko na ang folder at syaka tuluyang umalis sa loob ng pantry. Hindi ko mawari kung ano ba ang sadya ni Cindy kay Cameron for her to be that angry at me, but no matter what it is wala syang karapatang ganunin ako.

Ang bruha! Napaka kapal ng mukha!

Kaya naman heto ako ngayon at pa-akyat sa opisina ng magaling na ama ng anak ko dala dala ang mga papel nya na kailangan pirmahan. Halata rin naman siguro sa mukha ko ang pagka-irita dahil sa kung sino nalang ang madaan ko ay sadyang napapatingin sila sa'kin bago umiiwas.

"Eto na papel mo!" Bulyaw ko kay Cameron when I reached his office at syaka binalibag sa table nya ang folder na 'yon, making him confused about the sudden aggressive movement from me.

"What's your problem lady?" anito, there I looked at him before rolling my eyes at syaka itinuro ang folder na binalibag ko sa desk nya.

"Pirmahan mo, para sa mga investments daw 'yan" hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Cameron, I can see it in his eyes that he's bothered of the way I act around him pero wala naman akong masyadong pake 'don, ang gusto ko na lang ay umuwi at magpahinga dahil nararamdaman ko ang bigat ng katawan ko.

"Akira, seriously what happe—"

"Yang letche mong impleyadong si Cindy!" bulyaw ko sa kanyang muli letting all my anger out obvious taking him back. Kitang kita ko naman ang gulat sa mukha nya habang pinapanood nya akong sigaw sigawan sya sa bagay na hindi naman sya ang may gawa.

"Akira, kumalma ka ng—"

"How could she do that to me? Hindi ba nya alam na I'm Akira? Oo sinasaktan ako ng mga magulang ko pero magulang ko lang!"

"What—"

"At ikaw namang letche ka binuntis buntis mo 'ko sabay bibilhin mo 'tong kumpanya? Edi naging mainit na naman pangalan ko?"

"Akira san—"

"Okay sana kung yung binili mo e yung kabilang kumpanya e bulok na rin naman 'yon, bakit dito pa ha? Siguro nananadya ka 'no?"

"Ano bang sinasab—"

"Nananadya ka Cameron Villamon alam na alam ko na 'yang mga galawan mong 'yan!"

"Akira, you're bleeding!"

"Lalo na—" natigilan naman ako sa pag tatatalak ng sabihin 'yon ni Cameron sa'kin. Doon na lang bumaba ang tingin ko sa braso kong syang tunay ngang dumudugo, it's where Cindy hurted me earlier. Sa sobrang galit ata ng g*ga ay nabaon nya masyado.

There I hissed, mahapdi kasi talaga ito ngayon ko lang nabigyang pansin dahil masyado akong busy sa pag tatatalak kay Cameron kanina.

"Sit there ha, I'll get the first aid," anito at syaka dali daling umalis ng upuan nya at nag tungo sa gilid ng opisina nya as I let myself sit at the chair in front of the desk trying to let the bleed stop.

"Stay put" wika ni Cameron na animong alalang alala sa kalagayan ko. I watched him open the aid kit hanggang sa nag apply sya ng medicine sa cotton and gently wiped my blood away. Masyado ata akong busy sa pag nood sakanya na kahit mahapdi ang gamot na ipinapahid nya sa akin ay hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa binata.

He have this masculine side yet when he's worried like this you can see the softness inside his firm stare. Ng nakalipas na buwan bago ko pa malaman ang lahat ng ito ay madalas nang napupunta sa feed ko si Cameron.

He's known as the most brutal man in the business world. Wala syang pinapalagpas na kalaban or any company that comes into the Villamon naririnig ko rin noon na sila rin ang kalabang kumpanya nila Liveon and even my own family.

Sadyang kay hirap ipatumba ng mga Villamon.

Lalong lalo na si Cameron.

"Who did this to you?" tanong nya sa akin making me snap out of my own little world called him.

"Wala" pasimple kong saad sakanya, the anger I had earlier seem to fade away easily dahil lang sa nabigyan ako ng pagkakataon na masilayan sya sa ganoong klaseng itsura.

He looked warm yet serious at the same time.

"Seriously, Akira," anito.

"Who did this to you?" muli nyang tanong sa'kin. For a moment I stayed silent not wanting to say anything about the incident earlier at mukha namang nag hihintay si Cameron ng sagot ko sa tanong nya.

"I can check the cctv Akira, malalaman ko rin naman kung sino 'yan" wika nito sa akin.

"Yon naman pala e, edi panoorin mo nalang" Iniwasan ko ang tingin nya matapos kong sabihin 'yon. There I heard him took a deep breath before sitting in front of me.

"But I want it to come from you, Akira," anito.

"Bakit sa'kin? May CCTV naman diba? 'Don nalang" saad ko sakanya trying to distract myself from his stare.

"Kailangan kong malaman kasi hindi ako nakakampante knowing na may nanakit sa mag ina ko" kung ano nalang ang humaplos sa puso ko ng marinig ko ang katagang 'yon mula sakanya. Kaya naman hindi ko naiwasan at muli akong napatingin sa gawi nya.

His eyes looked worried and dedicated to know who have done something so cruel to me, for a moment I felt safe.

As if walang mananakit sa akin kapag nasa tabi nya lang ako.

"Si..." panimula ko.

"Cindy..."

I heard him take a deep sigh once again matapos kong sabihin ang taong gumawa sa akin nito.

"Sorry, Akira." Wika ni Cameron while looking at me. At doon naman ay kinunutan ko sya ng nuo not knowing what he meant about the sorry.

"Cindy, we have known eachother even before," anito.

"It's a just a simple one night stand and nothing else pero hindi na sya humiwalay sa'kin matapos nun,"

"Nadamay ka pa" hindi ko alam kung anong dapat ang maramdaman ko ng marinig ko 'yon mula sakanya. The peace I had while I was looking at him earlier was suddenly mixed with anger and annoyance.

But looking at him and his guilt, parang bula na lang itong nag lalaho ng bigla.

"Okay lang, di ko naman maiiwasan kung babaero ka naman talagang gag* ka dati pa" I rolled my eyes on him at syaka tinignan ang sugat ko it stopped bleeding pero wala parin itong tapal.

Ng dapat ay ako na ang aasikaso nito ay dali daling kinuha ni Cameron ang kamay ko to stop me from doing anything. Hindi na rin naman ako nag reklamo dahil wala na rin ako sa mood upang ayusin pa ang kagagawan ng babaeng 'yon.

"I promise to never let this happen again, Akira," anito.

"Kakausapin ko si Cindy para tigilan ka na" wika pa nito sa akin, But I just shook my heat at him as a no.

"Kaya ko naman sarili ko e," ani ko sakanya.

"No, Akira, you're my responsibility now" he said looking at me directly habang idinidikit nya ang cotton sa balat ko sealing the wound.

"Ikaw at ng batang 'yan" wika pa nito. And just like what I said earlier, the anger inside the mixed emotions I felt when I found out the truth behind Cindy ay biglang nawala.

Just one sweet gesture from Cameron and my anger for the world was taken away.

Ganito ba talaga pag ama ng anak mo?

Nakakabaliw naman.

"Sige na, mauuna na ako" saad ko sakanya at syaka dali dali akong tumayo mula sa kinau-upuan ko, But again, I was stopped.

"Teka lang, nag merienda ka na ba?" Tanong sa akin ni Cameron. Doon naman ay napatingin ako sa orasan at syaka ko lang napansin na mag a-alas kwatro na pala, wala pa akong kinakain mula kaninang tanghalian.

"Bibili nalang ako—"

"—no, Akira," anito.

"I insist, ano bang gusto mo?" para bang biglang kumulo ang sikmura ko ng tanungin nya ako sa kung anong gusto ko. My mind then started to wonder what would my taste bud would like.

After a minute of thinking I finally looked at him with the brightest smile I had the whole day.

"Bagoong alamang na matamis, Pineapple fresh from Baguio at syaka pancit canton na maasim" Masayang wika ko sakanya.

"At, lagyan mo ng garlic chilli yung pancit canton ha?" Wika ko as I watched him change his expression as I describe my cravings.

"Bagoong alamang na matamis?" he asked and I nodded my head.

"Pineapple, sa baguio?" Once again, I nodded my head at him.

"Garlic chilli, sa pancit canton na maasim?" muli akong tumango sakanya as I watched him question the foods that I want.

"At syaka mansanas na walang buto, salamat" after saying those foods ay masaya ko syang tinapik sa balikat nya at syaka umalis ng opisina nya as I felt my stomach growl.

Ang badtrip ko kaninang papasok ako ng opisina nya ay buong buo nang nawala as I walked back to my desk with a happy face.

Grabe baby, satisfied tayo ni mommy today ah?

Let daddy do his work na lang ha? Siya naman ang dahilan kung bakit ko pinapabili sa kanya ang lahat ng 'yon e.

Akira, let's enjoy the wonderful feist that Cameron will serve later on.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status