Home / Romance / The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife / KABANATA 82 - Do you have a death wish?

Share

KABANATA 82 - Do you have a death wish?

Author: marimonyika
last update Last Updated: 2025-09-04 23:10:30

Ang kaninang galit namumuo sa sistema ni Amelia ay biglang nawala nang makita niya ang mukha ni Luther. Biglang pumayapa ang kanyang puso nang masilayan niya ito.

May sigarilyo sa pagitan ng labi ng binata. Iniwan nito ang suit jacket sa loob at nakatiklop hanggang siko ang suot nitong mahabang manggas, lumantad tuloy sa mga mata niya ang matitigas at mauugat nitong mga bisig.

Ang kanyang kurbata—na ang dulo ay nakasilid sa placket ng kanyang polo shirt— ay maluwag at ang tatlo sa butones nitong suot na manggas ay nakabukas.

Hindi siguro naramdaman ng lima ang presensiya nito dahil patuloy pa rin ito sa pagsasalita habang si Luther ay maangas lang na nakikinig sa kanila, nakasandal ito sa pader malapit lang sa kanila at paminsan-minsa ay bumubuga ito ng usok galing sa kanyang sigarilyo.

Hindi alam ni Amelia kung saan sa kanilang pinag-usapan ang narinig nito pero nakita niyang nakakunot ang noo nito sa pagkainis sa naririnig.

Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niya tumakbo rito a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Hannah
taray talaga ni amelia may nka line up na mga gwapong fafa na tumatanggol sa kanya wow ha salamat sa updatee!!
goodnovel comment avatar
Lorenee
thank you po sa update ms A
goodnovel comment avatar
Lorenee
wow naman Amelia sana all
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 83 - Ayaw ko nang malayo sa'yo ulit.

    Hindi nagsalita si Luther, bagkos ay nanatiling tikom ang bibig nito. Hindi man pinapakita ni Luther ang galit nito ngunit sapat na ang walang ekspresyon nitong mukha at malamig nitong mga tingin upang kabahan ang grupong kaharap nila. Tinapik ni Benedict ang balikat ni Dmitri. "Paano ba 'yan, my cousin-in-law was wronged in your place kaya ikaw ang magdesisyon kung anong gagawin mo sa mga 'to," ngising turan ni Benedict sa kaibigan. "Hmm," bumaling si Dmitri sa attendant. "Remember their names and their faces, ban them here in the future. Send these people out."Nang marinig iyon ay mas lalong nawalan ng kulay ang kanilang mga mukha. Hindi na nakapagpigil pa si Terrence at tuluyan na siyang sumabog sa galit dahil sa mga insultong natatanggap. "Nagbabayad naman kami ng maayos dito sa restaurant ah! Mr. Barkitzis, is this how you treat your customers?""I don't tolerate disrespect in my turf. Sa ugali pa lang ninyo baka ibang tao na naman ang awayin niyo and it will only tarnish the

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 82 - Do you have a death wish?

    Ang kaninang galit namumuo sa sistema ni Amelia ay biglang nawala nang makita niya ang mukha ni Luther. Biglang pumayapa ang kanyang puso nang masilayan niya ito. May sigarilyo sa pagitan ng labi ng binata. Iniwan nito ang suit jacket sa loob at nakatiklop hanggang siko ang suot nitong mahabang manggas, lumantad tuloy sa mga mata niya ang matitigas at mauugat nitong mga bisig.Ang kanyang kurbata—na ang dulo ay nakasilid sa placket ng kanyang polo shirt— ay maluwag at ang tatlo sa butones nitong suot na manggas ay nakabukas. Hindi siguro naramdaman ng lima ang presensiya nito dahil patuloy pa rin ito sa pagsasalita habang si Luther ay maangas lang na nakikinig sa kanila, nakasandal ito sa pader malapit lang sa kanila at paminsan-minsa ay bumubuga ito ng usok galing sa kanyang sigarilyo. Hindi alam ni Amelia kung saan sa kanilang pinag-usapan ang narinig nito pero nakita niyang nakakunot ang noo nito sa pagkainis sa naririnig. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niya tumakbo rito a

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 81 - Reunion of sorts.

    Binaba ni Luther ang tawag, hindi na binigyan pa ng pagkakataon na magsalitang muli si Dalton. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa na i-block ang numerong iyon sa cellphone ni Amelia bago inilapag iyon pabalik sa mesa. Sa katunayan ay hindi na niya talaga gusto pang magtagpo muli ang landas nila Amelia at ng dating asawa nito. Kung siya lang ang masusunod, mas gusgutuhin niya pang lumayo na ito at iwan ang taong parte na ng nakaraan nito ngunit ayaw naman niyang pigilan ito sa gusto nitong gawin. Lalo na't may kinikimkim talaga itong galit sa mga taong umabuso sa kanya at sa anak nito.Sumandal si Luther sa upuan at nilagok ang rum na kanina niya pa tinutungga. Magkasalubong ang mga kilay niya at nang alukin siya ng yosi ni Conrad ay hindi na siya tumanggi pa.Walang kaide-ideya si Amelia sa malalim na iniisip ni Luther at kung ano ang nangyari sa mga minutong wala siya roon. Matapos siyang umihi at mag-retouch, lumabas na siya ng restroom. Napatigil siya sa pagkalakad pabalik sa VI

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 80 - She'll be my wife.

    Marahan na hinila siya ni Luther sa mesa upang umupo. "Amelia, dito ka umupo," wika ni Conrad at inimuwestra pa ang upuan na katabi nito. Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Luther kaya bago pa siya makaupo roon ay ipinaghila na siya ng upuan sa pinakagilid at doon pinaupo habang ito naman ang umupo sa upuan katabi ni Conrad. "Tignan mo 'to parang timang. Ang seloso talaga makikipagkwentuhan lang eh," pagmamaktol ni Conrad nang makita ang kaibigan na hinaharangan si Amelia. "Shut it, Monteverde!" Napailing si Benedict at tumingin kay Amelia, nakaupo ito sa tapat lang ng dalaga. "Conrad is a playboy kaya ayaw ni Luther na makipaglapit ka sa kanya," ani ni Benedict kay Amelia. "I'm not a playboy! Heck, I didn't even chase any girls. Hindi naman ako ang lumalapit sila naman." "It's just the same thing bro. Hindi nga ikaw ang lumalapit pinapatos mo naman." "Kasalanan ko bang mapagbigay ako. I just give them what they want at saka sila naman ang unang bumibitaw o na

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 79 - Bakit ka ba nagseselos?

    Tumigil sa paglalakad si Amelia at bahagyang hinila ang kamay ni Luther upang mapatigil din ito."Oh," usal lamang ni Luther nang makita ang mga kaibigan. "Anong oh? Tignan mo 'tong lalaking 'to naka-love life lang hindi na namamansin ng kaibigan!" Pagmamaktol ni Conrad at napailing. Kumunot ang noo ni Luther at 'di panansin ang pagdra-drama ng kaibigan. "What do you want? I'm busy. Istorbo kayo." Malamig na saad nito sa mga kaibigan. Sinuway naman siya agad ni Amelia. "Mga kaibigan mo 'yan," paalala ni Amelia. "So?""Grabe ka na talaga pinsan! Nagka-girlfriend ka lang binabalewala mo na kami. Samantalang noon saan ka ba tumatakbo kapag may problema ka? Tsk tsk, hay naku. Ganyan ba magmahal ang isang Luther Dio Gracia? Hindi na kumakausap ng ibang tao?" Pag-iinarte ni Benedict. "Shut up, Benedict!" Salubong ang kilay na saad ni Luther sa pinsan. "Hello, Amelia. Long time no see, totoo bang kayo na nitong kaibigan namin? Sure ka na ba sa desisyon mo? Baka magbago ang isip mo nand

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 78 - Sudden Date.

    "Reschedule my appointments today. Sa meeting naman mamaya, make Benedict attend that one." Utos ni Luther kay Brent pagkatapos binaba ni Amelia ang tawag. Bahagyang tumango si Brent at hindi na ito pinigilan. Alam kasi nitong basta si Amelia ang pinag-uusapan, kahit pa nasa kalagitnaan ito ng meeting o 'di kaya'y nasa malayo itong lugar ay agad itong pupuntahan ang dalaga. Wala pang kalahating oras ay nakarating nga si Luther sa labas ng Williams Corp. Sa 'di kalayuan ay nakita niyang naghihintay si Amelia at nakayuko, may tinitignan sa kanyang cellphone. Nakakunot ang noo nito at makikita sa mukha ang iritasyon. Hindi ito tinawag ni Luther bagkos ay binaba niya ang kanyang bintana at pinakatitigan ito. Nang mapakiramdaman ni Amelia na may nakatitig sakanya, umangat ang kanyang ulo at nakita niya agad si Luther sa may 'di kalayuan. Umaliwalas ang kanyang mukha at agad na lumapit sa nakaparada nitong black hyundai palisade. "Did you

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status