Mag-log inPaghihiganti. Iyan ang nasa isip ni Amelia nang matapos makipag-divorce sa asawa niyang si Dalton Williams—ang CEO ng Williams Corp. Throughout their marriage, pinaramdam nito sakanya na isa siyang balakid sa pagmamahalan nila ng first love nitong si Grace. Harap-harapan na pagtataksil at pang-aapi, iyan ang naranasan niya sa piling ni Dalton. Pati ang pinakamamahal na anak niya ay inabandona nito para sa isang babae. But when her daughter died, mas lumalim ang kagustuhan niyang maghiganti. Ngunit paano? Then there comes Luther Dio Gracia—the heir and the chairman of the Di Graci Empire. Nagbabalik hindi lang para tulungan siya kundi upang angkinin ang babaeng bumabaliw sakanya sa loob ng maraming taon—si Amelia. Subalit, kaya bang magmahal muli ni Amelia gayung puro pasakit at mapait na alaala lang ang ibinigay nito sa kanya? Mahuhulog ba siya sa pang-aakit Luther at matatamis na pangako, o mananatili paring bilanggo sa pait ng kahapon? ***** "You can use me all you want Amelia. My riches, my heart, my body, my soul and my life. Tanggapin mo lang ako at hayaan na angkinin ka. Kasi kung hindi....kung hindi ka magiging akin... then I'll make sure no one else can." — Luther Dio Gracia
view moreHindi alam ni Amelia kung iiyak ba siya o magwawala sa sinabi ng doktor sa kaniya nang tanungin niya ito sa kalagayan ng kan'yang anak.
"I'm sorry Mrs. Williams. Nasa terminal stage na ang sakit ng anak niyo. I don't want to give you false hope, the chances are very low. And based on findings, aggressive rin ang kan'yang cancer." Anunsyo ng doktor sa kan'ya dahilan para siya ay manglumo. "Doc, wala na po ba talagang magagawa? Kahit ano po, gawin niyo po para sa anak ko." Umiiyak na pakiusap niya sa doctor ngunit umiling lang ito. "Chemotherapy will do no good on her, and further test and oral intakes would only damage her organs so I would not recommend, hindi na kaya ng katawan niya Mrs. Williams," sabi nito at marahang tinapik ang kan'yang balikat. "I'm sorry po talaga, pero hanggang dito nalang ang magagawa namin. All we can do, is to ease her pain as much as we can and make her happy until her last moments," sabi nito bago ito nagpaalam na umalis at iniwan siya sa hallway. Tuluyan nang napa-upo si Amelia at napahagulgol ng iyak. Wala na siyang pakialam kung tignan man siya ng maraming tao. Sobrang sikip ng kan'yang puso, parang pinipiga at halos hindi na siya makahinga. Bakit ang anak niya pa? Masiyado pa itong bata, pitong taong gulang pa lamang ito at may ganito na itong sakit. Kung pwede lang sana na siya nalang, h'wag lang ang anak niya mas gugustuhin niyang siya nalang ang magdusa h'wag lang ito. "Mommy, why ka po sad?" Tumingin si Monica sa kan'ya at tinanong siya sa cute nitong boses na may halong pag-aalala. "May ginawa po ba akong hindi maganda mommy? Do I make you unhappy?" Tanong nito at habang may luhang nagbabadya sa mga mata nito. Para namang may pumiga sa puso ni Amelia sa narinig galing sa anak. Napapa-iyak na rin siya habang nakatingin dito. Malaki na rin ang ipinayat ng kan’yang anak. Masigla naman ito pero nakikita niyang ang pagbabago nito nitong nakaraan na mga buwan at na-diagnose nga ito na may Leukemia. Halos isang buwan na rin silang namalagi sa hospital ngunit wala talagang makitang maayos na treatment para kay Monica. Ginawa ng mga ito ang lahat ngunit hindi wala pa ring progress sa treatment nito. Hindi niya akalain na anim na buwan na lamang ang natitira sa buhay ng kan'yang anak. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig ang sinabi sa kan'ya ng doctor. Pakiramdam niya ay nanginginig siya dahil sa sobra-sobrang emosyon. "Mommy, I'm sorry kasi I made you sad." Narinig niyang sabi nito. Umiling naman si Amelia at pilit na ngumiti. Walang magulang at walang natuturing na mga kaibigan si Amelia na kan’yang masasandalan. Kasal man siya kay Dalton pero sa papel lang talaga sila mag-asawa. Si Monica nalang ang natitirang pag-asa niya sa mundo para magpatuloy na mabuhay, kung mawawala man si Monica ay hindi na niya alam ang kan'yang gagawin. "Hindi baby, wala kang kasalanan. Sa totoo ay masaya si mommy kasi malapit ka ng gumaling. Uuwi na nga tayo today eh," sabi niya nalang rito at maingat na niyakap ang anak. Nangislap naman ang mga mata nito at sumigla ang boses. "Talaga mommy? Will daddy come see me today? It’s my birthday po," Masayang tanong nito, puno ng ekspektasyon ang mga mata ngunit bigla ring nawala nang may naalala. Sa nakita ay hindi maiwasan ni Amelia na maawa sa anak. Buong buhay nito ay hindi man lang ito naramdaman ang pagmamahal ng sariling ama. Marahan na hinaplos niya ang maliit nitong mukha. Tumulo nalang ang luha niya pero pilit parin niyang pinasaya ang boses. "H'wag kang mag-alala anak, mommy will make sure na pupunta si daddy dito para sa’yo. Happy birthday baby ko, mahal na mahal ka ni mommy," sabi pa niya sa anak sabay halik sa noo nito. Hindi rin nagtagal ay nakatulog din si Monica. Napapikit si Amelia. Alam niyang alam ni Monica na kaya wala ang daddy nito palagi ay dahil hindi naman talaga mahal ng daddy nito ang kan'yang mommy. Kung tutuosin ay hindi talaga pamilya ang turing sa kanila ni Dalton. Ngunit, masiyado pang bata ang kan'yang anak upang maintindihan ang kanilang sitwasyon. Ang gusto lang nito ay konting pagmamahal galing sa ama. Ngayon na may taning na ang buhay nito, pagkakaitan pa ba niya ang kagustuhan ng anak? Kinuha niya ang kan’yang cellphone at tinawagan ang sekretarya ni Dalton na si Ronald. Si Dalton Williams, ang asawa niya ay isang CEO sa family business nila dito sa pilipinas, ang Williams Corp. na naging isa sa mga tanyag na businesses sa bansa. Si Dalton lang ang nasa pinas dahil ang pamilya nito ay nasa Canada dahil nandoon naman talaga naka-base ang kanilang family business. “Nasaan si Dalton? Gusto ko siyang maka-usap. Sabihan mong may mahalaga akong sasabihin sa kan’ya,” sabi agad niya sa kabilang linya nang masagot na nito ang kan’yang tawag. May konting katahimikan muna bago niya narinig ang boses nito, “Ma’am nasa birthday po ni Miss Grace si Sir Dalton. Kung may sasabihin po kayo pwede pong sabihin niyo nalang po sa akin at ako na po ang magsasabi sa kan’ya bukas,” sagot nito. Parang may bumara naman sa kan’yang lalamunan nang marinig niya ang pangalan ni Grace. May namuong inis sa kan’yang kaloob-looban at hindi napigilan na tumaas ang boses. “Sabihan mo siya na ito na ang huling beses na tatawag ako sa kan’ya. Kaya hindi ako titigil ‘pag hindi ko siya makaka-usap,” aniya bago pinatay ang tawag. Dumaan ang limang minuto bago siya nito tinawagan at sinabi ang lokasyon kung nasaan si Dalton. Sa mansion ng mga Del Fuego. Nang makarating si Amelia ay agad naman siyang sinalubong ni Ronald. Inihatid siya nito kung nasaan si Dalton at nang makalapit sila sa lounge area ay narinig niya ang pag-uusap ng mga ito. “Dalton Hijo, sabihin mo nga sa amin ang katotohanan. Talaga bang mahal mo itong aming anak? Hindi ba’t may asawa ka na’t anak, wala ka bang nararamdaman sa asawa mo?” Tanong ng isang ginang na sa tantiya niya’y ina ni Grace. Bigla naming namutla si Amelia, naghihintay sa sagot nito. Wala ni isang umimik sa kanila at namayani ang katahimikan ng ilang Segundo bago mahinang napatawa si Dalton. “Of course, no Tita. You all know kung ano ang nagyari sa amin ni Amelia. Also, I refuse to even be on the same place with her. She’s just a pathetic woman, and that child? Hindi ko nga alam kung anak ko nga iyon,” sabi ni Dalton. Parang binuhusan naman siya ng malamig na tubig sa narinig, lalo na nang marinig niya ang tawanan ng mga ito. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang kan’yang puso.Bago pa maidikit ni Shaira ang kamay nito sa kan'yang dibdib ay agad na umaatras papalayo si Luther. Dumilim ang kan'yang mukha at matalim na tinignan si Shaira. Ngayon ay naaalala na niya kung saan niya ito nakita. Isa ito sa umapi kay Amelia noon sa Ikarus Haven. Iyon pa lang ay uminit bigla ang kan'yang ulo sa babaeng kaharap. "Yeah. I remembered," matigas at mabigat niyang usal. Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit ang babaeng kaharap ay tila ba'y bulag sa mga tingin niya at mas namula pa ito at nagpa-cute. "You're one of those people who bullied Amelia right?" Tumawa si Shaira. "Oh come on, we didn't bully her. Nagsasabi lang kami ng totoo. Hindi mo kilala si Amelia, we were her classmates kaya alam namin ang totoong kulay ng babaeng 'yon.""Kung ako sa'yo iwasan mo na ang babaeng 'yon. Matter of fact h'wag kang magpadala sa pang-aakit nun. She's nothing but a seducer and a whore. Kita naman sa nangyari sakanila ng naging asawa niya. Mang-aagaw siya, she seduced Dalt
Hindi pa nga siya nakapagsalita nang marinig niya ang baritonong boses ni Luther sa kabilang linya. "Why didn't you pick up the call?"Hindi nagsalita si Amelia. Binagsak niya ang katawan sa malambot niyang kutson at nilaro ang iilang hibla ng kan'yang buhok. "Baby? Why aren't you saying anything?" Untag nitong muli at mahihimigan sa boses nito ang banayad ay nagsusumamong tono. Lumambot naman puso ni Amelia sa narinig. Hindi niya alam ngunit biglang uminit ang sulok ng kan'yang mga mata at kumibot ang kan'yang labi. "Akala ko kasi busy ka dahil 'Mm' lang ang sagot mo saakin kanina," nanghihimutok na saad ni Amelia kay Luther at narinig ni Luther ang dismayadong tono sa boses ng dalaga.Nawala ang pagkakunot ng noo ni Luther at napangiti sa inasal ng kasintahan. Mas lalo lang lumaki ang pagka-miss niya kay Amelia sa mga sandaling iyon. "One of my business partners wanted a drink with me, it wasn't too convenient," paliwanag ni Luther. Niyakap ni Amelia ang unan at hindi nagsalit
Iniisa-isang tinignan ni Luther ang mga nakuhang litrato ni Brent at nang may nagustuhan ay isinend niya iyon kay Amelia. Biglang nakatanggap ng notification si Amelia galing kay Brent. Kakatapos lang niya magsipilyo at manghilamos nang maisipan niyang tignang muli ang kan'yang selpon. Nagtataka niyang binuksan iyon at bumungad sakan'ya ang larawan ni Luther sa isang lugar na parang club. Sa litrato ay nakita niyang nakaupo ito sa sulok habang naninigarilyo. Sa ekspresyon nito ay makikita ang matinding pagkabagot at tila ba'y hindi ito makapaghintay umalis sa lugar na iyon.Sa kan'yang paligid, nakita ni Amelia ang maraming babaeng nagnanakaw-tingin sa lalaki, at tila ba'y sabik na naghihintay ng pagkakataong makausap ito at malandi. Imbes na mapangiti sa nakita ay napasimangot na lamang siya. Inis ang bumalot sa kan'yang sistema. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa kan'yang cellphone. Muling lumipat ang tingin niya kay Luther. Ang malamig na ekspresyon nito at ang kawalan
Napukaw sa pagkatulala si Dalton nang mapansin niya ang paglagay ng tasa sa kan'yang harapan. Tumaas ang tingin niya at bumungad sa kan'ya ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Grace."Pinagtimpla kita ng tsaa. Napapansin ko kasing pagod ka at wala sa focus. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Grace. Hindi nagsalita si Dalton bagkos ay sumandal siya sa kan'yang swivel chair. Inabot niya ang tasa at wala sa sariling simimsim ng tsaa.Ilang araw rin ang nakaraan matapos ang huling pag-uusap nila ni Amelia. Hindi na niya ito nakaharap pang muli dahil natuon ang atensyon niya kay Grace lalo na't ngayon ay palagi siya nitong hinahanap at hindi na siya nito nilulubayan. Na-guilty naman siya dahil alam niya at ramdam niya ang pangungulila nito sakan'ya kaya mas pinili niyang ipokus ang atensyon sa babae. Inaamin niyang may parte sakan'ya na gustong makita si Amelia ngunit dahil abala siya sa pag-aasikaso kay Grace ay nawawala rin iyon sa kan'yang isipan. Napikit siya nang biglang
Ito na naman ang kakaibang damdamin niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. 'Di niya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo niyo o dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang emosyon na tumingin lang sakan'ya si Amelia. Walang gulat, walang saya, galit o 'di kaya'y pananabik man lang na palagi niyang nakikita sa mga mata nito noon. Wala, wala siyang nakuha ni isang emosyon kundi isang malamig at blanko lang na ekpresyon. Para namang namanhid ang sistema ni Dalton sa nakitang iyon."Sa loob tayo mag-usap," saad ni Amelia at agad na binuksan ang pinto. Hindi siya nito pinagtabuyan, nakaramdam naman ng konting tuwa roon si Dalton kahit papaano. Walang imik na sumunod si Dalton kay Amelia. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay ng dalaga ngunit naiwan sa ere ang kamay niya nang bigla itong humarap. "Kung ang pakay mo rito ay tungkol kay Kevin, pwes wala ka nang dapat ipagalala pa. I've made up my mind at tinatanggap ko ang alok mo. I just talked to my lawyer para asikasuhin a
Agad na isinugod ni Dalton si Grace sa hospital, pagkarating nila roon ay agad itong nirekomenda sa emergency treatment at makalapas ng ilang minuto lang ay naging ligtas na ang kalagayan nito. Namumula at namamasa ang mga mata ni Grace nang tignan niya si Dalton sa mga mata, tila ba'y nagsusumamo at nanghihingi ng pasensya. Lunapit ang attending physician kay Dalton at nagsalita. "Hindi maganda ang kalagayan ni Grace Mr. Williams. Her condition is getting worse at kung magpapatuloy ito ay hindi malabong magkaroon siya ng suicidal tendencies. Please, take my advice seriously, baka sa susunod ay malagay na nga sa panganib ang buhay niya," anito. Napasimangot naman doon si Dalton. Naramdaman niya ang paghawak ni Grace sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at doon nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito. Na tila ba'y siya lang ang nakikita nito at kailangan sa mga sandaling iyon. Bigla namang may kumirot sa kan'yang ulo at kapagkuwan ay






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments