Agad na isinugod ni Dalton si Grace sa hospital, pagkarating nila roon ay agad itong nirekomenda sa emergency treatment at makalapas ng ilang minuto lang ay naging ligtas na ang kalagayan nito. Namumula at namamasa ang mga mata ni Grace nang tignan niya si Dalton sa mga mata, tila ba'y nagsusumamo at nanghihingi ng pasensya. Lunapit ang attending physician kay Dalton at nagsalita. "Hindi maganda ang kalagayan ni Grace Mr. Williams. Her condition is getting worse at kung magpapatuloy ito ay hindi malabong magkaroon siya ng suicidal tendencies. Please, take my advice seriously, baka sa susunod ay malagay na nga sa panganib ang buhay niya," anito. Napasimangot naman doon si Dalton. Naramdaman niya ang paghawak ni Grace sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at doon nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito. Na tila ba'y siya lang ang nakikita nito at kailangan sa mga sandaling iyon. Bigla namang may kumirot sa kan'yang ulo at kapagkuwan ay
Inagaw ni Dalton ang hawak nitong piraso ng vase at niyakap ito ng mahigpit. "Are you crazy? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo? Stop hurting yourself, Grace." Bayanad ang boses niyang saad at may halong takot ang boses niya nang sabihin iyon. Aabot na sana ng isa pang matalim na piraso ng vase si Grace nang hawakan ni Dalton ang kamay niya para pigilan ang gagawin. "No, stop it Grace!""Ayaw ko na, Dalton. I feel like a failure! Gusto ko nalang mamatay! Hayaan mo na akong mamatay!" Histerikal nitong wika at umiiyak. Para namang binibiyak ang puso ni Dalton habang nakatingin sa kasintahan. "Kahit anong gawin ko ay hindi ako mapapatawad ni Amelia. She hates me! Nakakapagod na, pati si Kevin ay dinadamay niya. Wala man lang akong magawa sa paghihirap niya sa loob ng kulungan. Magiging mahirap at delikado lang ang buhay niya roon Dalton kaya pabayaan mo na ako!" Iwas ni Grace ng kan'yang katawan at lumayo sa nobyo. "
Mabigat ang tensyon sa loob ng conference room, sobrang bigat na halos hindi na makahinga ang mga tao roon. Maingat na kinuha ni Amelia ang nakalatag na mga papeles sa mesa at binasa iyon. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nakita. "This is not the documents I prepared for you Mr. Santiago. It seems na mali po itong natanggap niyo." Humalukipkip si Amelia at nahagip niya ang nakayuko na si Grace sa may gilid. "Honestly, hindi ko alam kung bakit nagbago ang dokumentong ito but trust me Mr. Santiago na hindi ito ang ginawa ko. I didn't even know na nandito na kayo for contract signing. Walang nakapagsabi saakin, especially kung bakit na forge ang documents na ginawa ko. I'm sorry for the incomvenience that this might have caused to you but if you let me, I'll get the real documents ready for you right now," kalmadong ani ni Amelia sa matanda. Huminahon naman si Mr. Santiago sa narinig at tumango. "Okay please, hija. I don't know what happened but I demand an explanation about th
"Dalton, gusto kong ako ang humarap kay Mr. Santiago sa contract signing ng deal for the company," agarang bungad ni Grace isang umaga pagkapasok palang niya sa opisina nito. Kumunot ang noo ng binata sa sinabi niya at napatingala upang tumingin sakan'ya. Lumambot ang mukha ni Grace at napayuko, nahihiya ngunit may determinasyon na makikita sa mga mata. "Gusto kong bumawi. Alam ko namang hindi naging maayos ang huling paghaharap natin sakanila. And I'm sure na hindi rin naging maganda ang first impression nila sa'kin at sa'yo dahil kay Amelia. Kaya I want to make up for the past mistake and prove myself.""I want to show them that I'm capable, that you made the right choice to make me your personal assistant," aniya at bahagyang ngumiti. "Alam ko but this is a very important contract signing Grace. Nakasalalay ang pag-angat muli ng kompanya sa deal na ito. Everything should be under control and no mistakes should be made," pagmamatigas ni Dalton. Nakita niya ang pagpawi ng ngiti n
"Hindi ako mahilig sa matatamis," malamig na turan niya sa babae habang nanatiling nakatitig sa screen ng kan'yang laptop. Ngunit mas inilapit pa nito ang cupcake sakan'ya. "Come on, h'wag ka nang mag-inarte. Alam ko namang naiingit ka everytime na binibigyan ako ni Dalton nang mga sweets kasi hindi ka niya binilhan nito ever. Kaya this time I want to share it with you para naman maranasan mong mabigyan ng galing kay Dalton."Napataas ang kilay ni Amelia sa sinabi nito. Napatingala tuloy siya at nakita niyang may nakapaskil na ngisi sa mukha nito. "Wala ka bang ibang magawa sa buhay kundi sirain ang araw ako? Pasensiya nalang dahil hindi gagana saakin ang gan'yan. Pake ko ba kung galing iyan kay Dalton.""Atsaka kung maraming kang oras at enerhiya sa katawan h'wag ako ang kulitin mo, doon ka kay Dalton at magmakaawa ka para maisalba ang kapatid mo sa kulungan. Hindi ba doon ka naman magaling? Ang magpa-awa at magpa-ikot?"Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Grace nang marinig iyon. M
Nanatiling walang imik si Amelia buong byahe. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana, mabigat ang puso at magulo ang isip. Panaka-nakang sumusulyap si Luther kay Amelia at alam niyang umiiyak ito dahil kita niya sa repleksyon ng salamin ng bintana ang pangingislap ng mata nito dahil sa nanunubig nitong mga mata. Marahan na kinuha ni Luther ang kamay ni Amelia at pinagsalikop iyon. Napatingin naman sakanya si Amelia na ngayon ay tumulo na ang luha sa mga mata. Sumikip ang puso ni Luther nang makita ang kasintahan na ganun at agad itong hinila para sa isang mainit na yakap. Mahinang humikbi si Amelia at tuluyan nang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Luther. Mahina siyang umiyak doon at muling nilukob ng pighati ang kanyang sistema. Akala niya ay okay na siya, ngunit hindi pa rin pala. Nakatago lang ang hinanakit niya sa puso at kailanman ay hindi iyon mawawala. Naghihintay lang na kumawala ulit. Hindi siya iniwan ni Luther, hanggang sa makarating sila sa bahay ay hindi ito umalis a