Share

CHAPTER 12 - Gossip

Maliwanag na nang magising si Chardon. Nang mapatingin s'ya sa gilid ay wala na s'yang katabi.

Hindi na n'ya inintindi kung nasaan ang bagong girlfriend. Pagbangon n'ya ay napahilot s'ya sa kanyang sumasakit na sentido. Saka n'ya naalalang uminom nga pala s'yang mag-isa kagabi.

Unti-unti ring bumabalik sa alaala n'ya ang mga nangyari sa Patio: nang mahuli n'yang pumitas ng bulaklak si marigold, ang mga itinanong n'ya dito at ang mga naging kasagutan nito, at higit sa lahat ay ang naunsyami niyang paghalik sa dalaga nang makita n'ya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanya dito.

Napasabunot si chardon sa sarili sa sakit ng kanyang ulo. Tumawag s'ya't nag-utos ng gamot sa room service.

Bigla n'yang naalala ang salamin ni marigold. Kinuha nga pala n'ya ito kagabi at hindi n'ya naibalik nu'ng nagpa-akay s'ya sa kuwarto.

Hinanap n'ya ang salamin sa malaking desk. Nang hindi makita ay hinanap naman n'ya ito sa mga drawer, ngunit hindi pa rin n'ya matagpuan ang salamin.

Nang mapadako s'ya sa ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ay iisa lang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status