Share

02

Author: Toripresseo
last update Last Updated: 2024-12-11 02:36:53

Chapter 02

"Ano sabi mo dad! Pupunta dito si mr Hayes!"

Napatayo si Ophelia Monteveros noong marinig iyon. Sumagot naman ang matandang Monteveros na nakaupo sa swivel chair nito at sinabi na darating ang tagapagmana ng mga Hayes 2 days from now.

"Kaya magprepare kayo at batiin siya specially you Ophelia. Magiging malaking advantage sa pamilya at company kung mapapasama siya sa pamilya natin," ani ng matanda. Bakas naman ang inggit sa dalawang kapatid ni Ophelia noong marinig iyon sinabi na hindi iyon fair.

"Gusto ko din ng asawa na katulad ni mr Hayes, gwapo at mayaman," ani ni Caliope na siyang pangalawa sa magkakapatid ngunit sa kasamaang palad may asawa na ito ngunit matanda iyon at hindi kaaya-aya ang hitsura tanging yaman lang talaga at assets ang maipagmamalaki niya dito.

"Palibhasa kasi mas maganda si Ophelia kaya mas mataas ang marriage value niya at nirereserved talaga siya ni dad para sa mga Hayes," ani ni Isadora ang pinakabunso at may fiancee na black american. Lahat sila ang dad nila ang nag-decide sino ang papakasalan at lahat iyon ay para sa pamilya nila.

Hayes ang pinakamayamang sa buong kontinente while pumapangalawa naman ang mga Monteveros— why? Siyempre dahil iyon sa kanila at sa pagiging scheming ng dad nila. Understable naman dahil lahat ng luho nila is nakukuha nila at naeenjoy nila ang buhay na iyon ng hindi pinoproblema ang pera. Wala silang ibang gagawin sa life time na iyon is humiga, magshopping, kumain at matulog.

Sa kabilang pinto padaan si Charlotte dala ang ilang books para basahin sa room nila ng mommy nila. Bahagya bukas ang pinto kaya naman napahinto si Charlotte noong marinig boses ng lolo niya at mga auntie.

"Ano pangalan nga ulit dad ng mapapangasawa ni Ophelia?" tanong ng auntie Isadora ng niya.

"Alloy? Kaloy?"

"Nasabi na ni dad iyon nakalimutan ko lang," ani ni Isadora. Nagkatanungan si Caliope at Isadora na kinapos na nga sa ganda pareho pa na engot.

"Its Alboy— no its— dad ano nga pangalan?"

Nilingon ni Ophelia ang ama na ngayon hinihilot ang sentido sinabi na kapag dumating ang tagapagmana ng mga Hayes hangga't maaari huwag na magsalita ang tatlo at hayaan na siya ang kumausap sa tagapagmana ng mga Hayes. Napairap na lang si Charlotte sinabi na as expected sa mga stupid niya na auntie.

"Mas mukha pa matalino mom ko."

"His name is Arlo Lane Hayes, Ceo ng isa sa pinakamalaking construction company sa buong mundo."

Napatigil sa paghakbang si Charlotte noong marinig ang pangalan na binanggit ng lolo niya na pupunta sa mansion nila sa susunod na araw.

Naalala niya ang ina niya na gumawa ng hand gasture. A-Lane.

Palagi binabanggit ng mom niya ang A-Lane. Umiling-iling si Charlotte at sinabi na paano magkakaroon ng koneksyon ang ganoong tao sa mom niya.

Iniisip ng bata na si Charlotte na maaaring iyon ang pangalan na pinili sa kaniya ng mom niya at palagi siya tinatawag nito A-Lane.

Noong nasa tapat na si Charlotte ng pinto ng room nila ng mom niya inabot niya ang door knob bago pa niya ito mabuksan may nagbukas na 'non at sinalubong siya ng yakap.

"Mom?"

Nakaluhod mom niya at nakangiti ito na parang bata. Gumawa ito ng hand gesture.

'Baby.'

Napangiti si Charlotte at niyakap sa leeg ang ina. Kahit ano mangyari poprotektahan niya ang mom niya at mangyayari lang iyon kung—

"Makakahanap ako ng dad na makikipagdeal sa akin."

Napatigil si Charlotte noong may marealize. Tama hahanap siya ng dad na mag-aalaga at poprotektahan ang mom niya. Ang tao na iyon is dapat hindi magkakainteres sa mom niya at may kapangyarihan para ikeep in check ang mga Monteveros.

"Pero saan ako makakahanap ng dad na ganoon?" tanong ni Charlotte. Unang pumasok sa isip niya is mga Hayes pero fiancee na ito ng auntie Ophelia niya at base sa personality ng lolo niya hindi ito matutuwa kung out of the blue hingiin niya kamay ni Arlo Lane at maging dad niya.

Napatigil si Charlotte noong maghand gesture ulit mom niya. Tinawag ulit siya nito A-Lane.

Ngumiti si Charlotte sinabi na ayos lang siya. Sinabi ng batang babae na matulog na ang mom niya dahil malalim na ang gabi.

Lumipas ang dalawang araw,

"Dalahin niyo si Cordelia sa garden at siguraduhin niyo na wala sa mga bisita ang makakakita sa kaniya lalo na si Arlo," utos ni Ophelia sa mga katulong. Napatingin si Isadora kay Ophelia.

"Ano sasabihin mo kung hanapin siya ni dad at ng mga bisita?"

Dumilim ang mukha ni Ophelia at tiningnan ang mga kapatid sinabi na ayaw niya masira ang mga Monteveros dahil sa baliw nilang kapatid.

"Alam ko na maiintindihan iyon ni dad."

Ngunit hindi iyon ang pinakareason bakit ayaw niya makita ng kahit na sino si Cordelia. Kahit nasa ganoong kalagayan si Cordelia identical twin sila na dalawa at may maganda din ito mukha tulad niya. Sa araw na iyon wala siya dapat kaagaw na atensyon. Siya dapat ang pinakamaganda.

Nagpapasalamat na lang ang mga katulong dahil nasa garden nga si Cordelia at hindi na nila ito kailangan kaladkarin patungo doon. Kailangan na lang nila ito bantayan para hindi agad umalis sa garden.

May hawak na stick si Cordelia at kasalukuyang tinutusok ang lupa. Minsan ay hinuhukay iyon gamit ang mga kamay.

Madumi ang suot nito na puting dress. Kapag wala sa mansion si Charlotte doon pumupunta si Cordelia para maglaro at gumawa ng mga flower crown para sa iisang anak na babae.

Sa labas ng mansion kusang bumukas ang gate at pumasok ang apat na sasakyan.

Agad naman si Ophelia na excited lumabas ng mansion kasunod ang mga kapatid para batiin ang mga bisita.

Natulala ang magkakapatid noong may tatlong gwapong lalaki ang lumabas sa mga naunang sasakyan at ang pinakanag-stand out sa mga ito si Arlo Lane Hayes.

Ang pinakabatang CEO ng buong kontinente at pinakamaimpluwensya na tao. Deep jet black eyes, black hair, perfect jawline medyo curly na buhok at perpekto na build ng katawan.

Sino ba babae sa mundo na iyon ang hindi mahuhumaling sa ganitong klase ng lalaki.

"Siya pa ba mapapangasawa ni madam Ophelia? Ang gwapo."

"Nakakainggit si madam."

"Bagay na bagay sila."

Nahihiya si Ophelia na bumati at nagpakilala. Napatigil si Arlo noong malapitan makita si Ophelia at naalala ang gabi kung saan nakasama niya ito sa hotel room.

Nakumpirma niya na ito nga iyong babae na nakasama niya sa hotel room. Muntikan na niya makalimutan ang mukha nito dahil sa tagal ng panahon.

"Arlo Lane Hayes, kinagagalak kita makilala miss Ophelia," bored na sambit ni Arlo at inabot ang kamay ni Ophelia para halikan iyon.

Noong dumikit doon ang labi ni Arlo narealize na may kakaiba doon. Hindi niya maalala na ganoon ang amoy ng skin ng babae na nakasama niya sa hotel at uncomfortable siya.

Naisip niya na maari impluwensya iyon ng drugs kaya ganoon. Inalis ni Arlo ang mga doubt niya sa isip at nagfocus sa pinakagoal niya bakit siya nandoon. Kailangan niya makumpirma kung nandito nga ang pendant.

Dinala siya ng magkakapatid na Monteveros sa guestroom at nandoon ang matanda na Monteveros.

Napatigil ang matanda noong makita si Arlo. Hindi alam ni Arlo kung imahinasyon niya lang ngunit base sa expression nito para itong may nasaksihan na hindi inaasahan.

Lumapit ang secretary ng matanda sa matandang Monteveros at may binulong dito. Agad naman na yumuko ang secretary at umalis. Sinundan siya ng tingin ni Arlo habang naglalakad palapit sa sofa.

"Inutusan ko lang siya na tumawag ng katulong na magdadala ng refreshment para sa atin."

Umupo si Arlo sa pang-isahan na sofa at sa gilid niya nakatayo si Cosmo Bellweather na siyang personal na secretary ni Arlo.

Hapon na noong dumating si Charlotte galing sa klase. Pagbaba niya ng school bus napatigil siya dahil nakita niya sng secretary ng lolo niya.

"Ano ginagawa niyo dito mr Lawson?"

Agad na yumuko ang secretary sinabi na may mga bisita na dumating at iniutos ng lolo niya na huwag padaanin si Charlotte sa main gate.

Napataas ng kilay si Charlotte at napatanong ano ang nais na naman mangyari ng lolo niya. Hindi na nagtanong pa si Charlotte at sinundan na lang ang secretary.

Dumaan sila sa back gate at sa garden nakita niya ang ina. May suot ito na flower crown at sumasayaw sa ibabaw ng flower bed.

Sa araw na iyon ay card giving. Madami sa mga ina ang pumunta sa school nila para tingnan ang card ng mga anak nila ngunit as usual wala pumunta sa school ni Charlotte para icheck ang card niya.

Madami siya natanggap na papuri mula ss mga teachers niya dahil sa mataas niya na grade. They always saying na sigurado proud ang parents niya kay Charlotte dahil biniyayaan sila ng prodigy na anak.

Without knowing na wala siyang ama at may mental unstable siya na ina. Hindi kaya magsalita at hindi siya matawag sa tunay niya na pangalan.

Curious si Charlotte ano pakiramdam ng may tunay na pamilya, walang mga auntie na puno ng inggit at binubully mom niya, nasa maaayos na kalagayan mom niya at may dad siya.

Ngunit ngayon nakikita niya mom niya na masaya, may inosenteng ngiti— napatanong na lang siya bakit niya naisip mga bagay na iyon habang nasa bus siya.

Even sa kalagayan na iyon ng ina natatandaan niya na kapag may mga time na hindi siya nakakatulog ay niyayakap siya ng ina at kinukulong sa braso.

Tinatapik siya sa likod. Binibigyan ng madaming halik, araw-araw binibigyan ng bulaklak at palagi siya sinasalubong ng ngiti.

"Mom?"

Napalingon si Cordelia at nakita niya ang anak. Nakapaa ito na bumaba ss flower bed at tumakbo palapit sa anak para yakapin ng mahigpit.

"Argh mom. Ang dumi mo na naman. Ilang oras ka ba naglaro dito sa labas at sobrang dumi mo."

Nagrereklamo ang batang babae ngunit hindi ito nag-abala itulak ang ina at mas niyakap ang babae.

Sakto naman sa pagtalikod nina Cordelia at Charlotte ang paglalakad ni Benzo patungo sa garden. Agad ito hinarangan ng mga maid sinasabi na hindi pinapayagan pumunta doon ang mga hindi awtorisado.

Kabado ang dalawang maid habang pinipigilan si Benzo na pumasok sa gate. Kumunot ang noo ni Benzo at tinanong bakit bawal pumunta sa garden?

Nagkatinginan ang mga maid and agad na humingi ng tawad. Hindi kasi nila pwede sabihin na nandoon ang madam na si Cordelia kaya pinagbabawal na pumunta doon ang kahit na sino sa mga bisita.

Hindi naman nagtagal doon sina Arlo at pagkalipas lang ng dalawang oras ay nagpaalam na ito sa mga Monteveros.

"Hindi na ako magtatagal mr Monteveros may naka-schedule pa ako na meeting kaya aalis na din kami," ani ni Arlo at inabot ang kamay sa matanda.

Nakabusangot naman si Ophelia buong oras habang nandoon si Arlo dahil kahit isang beses simula ng pumasok sila sa guest room ay hindi siya tiningnan ni Arlo.

"Kailan tayo ulit magkikita?" tanong ni Ophelia na nakatingin kay Arlo na papasok ng sasakyan.

Bahagya tumingin si Arlo sinabi na bukas din ay papadala siya ng text message sa restaurant kung saan sila pwede magmeet.

Abo't abot ang tuwa ni Ophelia noong marinig iyon. Sa kalayuan hindi maipinta ang mukha ng mga kapatid ni Ophelia dahil sa inggit. Gusto din nila ng isang Arlo Lane.

"Marriage partner mo pala si miss Ophelia. What a coincidence," ani ni Cosmo habang nasa driver seat at sa backseat nakaupo si Arlo na tila malalim ang iniisip.

"Sabi ni Benzo apat ang anak na babae ni mr Monteveros. Napansin mo ba ang ang isang anak ni mr Monteveros?" tanong ni Arlo. Sinabi ni Cosmo na may sakit sa pag-iisip si Cordelia Monteveros at sa kalibre ng matandang Monteveros imposible na ilabas nito in public ang anak.

"Bakit mo natanong sir?" tanong ni Cosmo. Sumandal ang lalaki sa upuan at sumagot ng wala.

Nagset ng date si Arlo para sa ilang mga meet up nila ni Ophelia dahil gusto niya mapalapit sa babae at malaman kung nandito ang pendant. Marami siya need iconfirmed at isa na doon is ang—

"Nasa itaas pa si madam Ophelia. Pakihintay na lang siya dito mr Arlo."

Nasa living room ngayon si Arlo at may maid na naglagay ng maiinom sa table. Iyon na ang pang-apat na date nila ni Ophelia at madalas ay sinusundo niya ito sa mansion ng mga Monteveros. Always welcome din naman doon ang lalaki sa idea na fiancee siya ni Ophelia Monteveros.

Kalaunan nasa garden naman si Cordelia as usual at hinuhukay ang flower bed. Madumi ang mga kamay at ang damit.

Pinagkaiba lang is wala bantay si Cordelia sa araw na iyon at nag-iiss ito sa garden.

Napatigil si Cordelia noong may makita siya na pusa. Agad na kuminang ang mata ng babae noong maalala nito na mahilig sa pusa ang anak na si Charlotte.

Nakita niya minsan ang anak na nagpapakain ng pusa at pinaaalis ito sa garden.

Naisip ni Cordelia na sasaktan ng gardener ang pusa kapag nakita ito doon kaya naman naisipan niya kunin ang pusa tapos ilabas iyon sa garden.

Dumaan siya sa back gate and napatigil siya noong paglabas niya nakita niya ang isang familiar na lalaki.

Nabitawan ni Cordelia ang pusa and humakbang. Nasa loob ng sasakyan ang familiar na lalaki kasama si Ophelia.

"Ah! Ah!"

Hindi ang babae makapagsalita at wala makarinig sa kaniya kaya naman hinabol niya ang sasakyan na palabas na ng main gate.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   37

    Chapter 37Narinig ni Cosmo may sumigaw sa room ni Cordelia. Napatakbo ang mga tauhan ni Arthur at kasama siya. Pagbukas ng pinto nakita nila si Arthur na nasa ibaba ng kama at nakatali. Dumudugo ang bibig nito tapos may apple sa ibaba ng sahig na may bakas ng ngipin at dugo. Mangiyak-ngiyak si Arthur habang puno ng make up ang mukha, walang kilay tapos nagkalat din ang buhok nito sa sahig. "Master Arthur!"Nagulat si Cosmo doon. Agad na dinaluhan ng mga tauhan si Arthur at naitulak si Cordelia. Doon nakabawi si Cosmo na mabilis na dinaluhan si Cordelia na nakaupo sa sahig tapos parang batang nagmamaktol na tiningnan si Arthur. Lumingon si Cordelia kay Cosmo tapos gumawa ng hand gesture. 'I hate brother in law. Iyakin siya sabi niya maglalaro kami.'"Ang buhok ko!" sigaw ni Arthur noong makita ang reflection sa salamin. Nabasag din ang ngipin ni Arthur noong ipilit ni Cordelia ipasok ang apple sa bibig niya. Galit si Arthur sinabi na kuhanin si Cordelia at parusahan. Humarang si

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   36

    Chapter 36Bakas sa mukha ng mga Hayes ang dissapointment. Malinaw na nakikita ko iyon habang kaharap si Arlo na perfectly fine. "Huwag ka mag-alala lolo. Ayos lang ako," ani ni Arlo na nakaupo sa pang-isahan na sofa. Nasa living room kami ngayon lahat habang ako is nakaupo sa arm rest ng upuan ni Arlo at nilalaro iyong doll ko. "Pero may kakaiba kasi nangyari kahapon nag-aalala ako. May nakapasok na intruder at tinangka ako patayin," ani ni Arlo. Agad naman napatayo ang tito ni Arlo. "Sino naman gagawa 'non sa isa sa mga tagapagmana ng mga Hayes!" ani ng matanda. Napairap na lang ako dahil sa biglang pagaact ng mga ito na nag-aalala kay Arlo. Parang hindi ko nakita paano mga ito nagulat after makita si Arlo at narinig usapan ng ilan sa mga tauhan ni Arlo na noong nawala kami dahil sa bagyo pinatigil ng mga ito ang paghahanap sa amin. Ngayon naiintindihan ko na bakit sobrang ingat si Arlo sa mga galaw niya at hindi nito magawang magtiwala. Even sa akin na asawa niya after malaman

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   35

    Chapter 35"Ano gagawin natin?" tanong ni Cosmo kay Benzo. Napakamot si Benzo sa likod ng ulo at bahagya tiningnan si Cordelia na nakaupo sa harap ng lamesa. Nakatayo ang dalawa sa hindi kalayuan sa table at halos lahat ng tao na nandoon is nasa kanila ang atensyon. Sinabi ni Cosmo na imposible hindi iyon lumabas sa media. Inienjoy nila ngayon dalawa ang freedom malayo sa business at gulo ngayon kapag lumabas ang issue about sa kanila is—Tumunog phone ni Benzo agad na kinuha iyon ng lalaki. Lumabas sa screen ng phone niya ang mukha ni Civian. "Ano na naman pinull niyo na trick magkapatid?" tanong ni Civian. Napahawak ng mahigpit si Benzo sa phone at sinabi iyong nangyari kanina. "Ayusin mo iyang mukha niyo. Mukha kayo pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakalimutan mo ba hindi lang artista asawa mo?"Napatigil si Benzo noong maalala kung ano isa pa identity ni Civian. 80% sa media company is hawak ni Civian Constello at iyon ang reason bakit naikikeep ng magkapatid ang identity nila

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   34

    Chapter 34Hawak ni Arlo ng mahigpit ang door knob at hahawakan siya ni Benzo para alalayan nang itaas ng lalaki ang isang kamay niya. "Pahingi ng pain killer," bulong ni Arlo. Agad naman may nilabas si Cosmo na maliit na bottle at binuksan iyon. Inilagay iyon sa palad ni Arlo na agad naman iniinom ng lalaki. Maya-maya pinihit na ng lalaki ang pinto at binuksan iyon. Walang tao sa kama at bukas pa din ang closet. Dahan-dahan lumapit si Arlo sa closet tapos umupo sa harap 'non. Nakahilig si Cordelia sa pole at kasalukuyang natutulog. Hinawakan ni Arlo ang dulo ng buhok ni Cordelia at maingat na hinawakan ang braso ng babae. "Boss iyong injury—""Wala ako plano ipahawak sa iyo ang asawa ko Benzo. Kung ayaw mo mawalan ng dila at mga daliri manahimik ka at tumabi," pagbabanta ni Arlo. Agad naman tumabi si Benzo at tinakpan ang bibig. Binuhat ni Arlo si Cordelia at bahagya napaingit noong maramdaman ang kirot mula sa kalamnan niya. Dahan-dahan ang lalaki naglakad palapit sa kama at

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   33

    Chapter 33"Hindi sisira mom ko sa usapan. Inalam niyo ba tunay na nangyari?" tanong ko habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng office ni tito Carsel kaharap ang laptop. "Sigurado ako mom mo ang nakita ko kasama si Arthur Hayes! Maayos ako kausap ngunit hindi ako maganda kaaway. Mga kapatid ko ang bottom line ko at sa pagitan lang natin tatlo ang deal kaya huwag na huwag niyo gagalawin mga kapatid ko."Kalmado sinabi ni Charlotte na imposible sinasabi ng lalaki at bumuga ng hangin. "Unang-una imposible na kasama ng mom ko si Arthur Hayes dahil hindi siya ang dad ko. Kung totoo na si Arthur Hayes ang nakita mo sigurado ako hindi makakauwi ng buo ang young miss ng mga Luzon. Pangalawa bukod sa business wala kami pa interes sa pamilya ng mga Luzon and pangatlo pare pareho tayo busy sa kaniya-kaniyang conflict ng pamilya natin," pikon na sambit ni Charlotte. Wala siya time para makipag argumento sa mga Luzon. "Si Arlo Lane Hayes ba ang dad mo?" tanong ng lalaki na salubong ang kilay.

  • The Ceo's Accidental Prodigy Baby   32

    Chapter 32Walang saplot na sumampa si Cordelia sa bathtub at binabad ang katawan sa tubig na may mga flower petal. Sumandal ang babae at tumingin sa kisame. Inangat ni Cordelia ang isang kamay at sa palad niya mag nakapatong na tatlong petal. "Once na masecure ko ang stability ng kompanya ni A-Lane sisimulan ko na din ang laro natin tatlo. Hintayin niyo ako mga mahal kong kapatid— malapit na tayo mga magtuos."Iniyukom ni Cordelia ang mga palad at bumakas ang nakakatakot na expression sa mukha ng babae. Kinaumagahan, Sikat na ang araw noong magising si Arlo. May naramdaman siya na daliri na gumuguhit sa pisngi niya na agad naman niya sinalo. Pagmulat niya ng mata bahagya siya napabangon dahil nakita niya si Cordelia na nakadapa sa kama at nasa tabi niya. "Goodmorning."Nabitawan ni Arlo ang kamay ni Cordelia at umupo. Tinanong ni Arlo kung kanina pa gising si Cordelia. Hindi pa din sanay ang lalaki sa side na iyon ni Cordelia. Pakiramdam niya kasi ibang tao ito at hindi niya m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status