LOGINHindi sumagot si Sabrina. Sa halip, tumingin lamang ito kay Michael at hinawakan ang kamay nito at hinayaan naman iyon ng lalaki. Nilapitan niya ang kapatid at malakas na sinampal.
“Why did you do that?” Naramdaman ni Samantha ang mahinang pagtulak sa kanya. Nakita na lang niya si Sophie na tumakbo palapit sa kapatid niya. “Sophie baby come here.” Pagtawag niya sa anak. “No. I hate you, mommy! I wish Tita Sabrina was my mommy and not you.” Sa sandaling iyon, tuluyan nang nabasag ang puso ni Samantha. Hindi na siya makapagsalita. Hindi na siya makagalaw. Pakiramdam niya isa siyang estranghera sa sarili niyang bahay. Kahit sarili niyang anak ay ayaw sa kanya mas gusto pa nito na ibang tao ang maging nanay niya. Sa gabing iyon, hindi lamang niya nahuli ang asawa at kapatid niya. Sa gabing iyon nawala ang pamilya niya. —------------------ Kinabukasan. Hindi nakatulog si Samantha, umiyak siya buong magdamag. Nasa sala sila ngayon kasama ang magulang niya at magulang ni Michael. Seryoso ang mga mukha nito. Bumuntong hininga naman ang si Mr. Cruz at napatingin sa tatlo. Si Sophie naman ay nakayakap sa kanyang Tita Sabrina. “Samantha, anak nangyari na ang mga bagay-bagay kaya hayaan mo na lang. Naalala mo nung bata pa kayo kapag gusto ni Sabrina pinapaubaya mo. Para maging masaya lang siya.” Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kanyang ama. Alam niyang may prinsipyo at disiplinado ito. Kaya akala niya ay maiintindihan nito ang nararamdaman niya. “Tama ang papa mo, anak. Hayaan mo na ang kapatid mo at si Michael na maging masaya.” Pagsang-ayon naman ng kanyang ina. Sa narinig niya mula sa mga magulang ay alam na niyang hindi pa rin nawawala ang favoritism ng mga ‘to. “We’ll compensate you, iha.” sabi naman ng nanay ni Michael. “What?” Hindi makapaniwala niyang tanong. “Hindi naman maghahanap ng iba ang anak ko kung masaya siya sayo.” Naramdaman niya ulit ‘yun. Naging kasalanan na naman niya. Sa kanya na naman napunta ang sisi. “So you both knew……” huminga siya ng malalim at pinigilan ang sarili na maiyak, “about their secret relationship?” Umiwas naman ng tingin ang mama at papa niya, ganun din ang magulang ni Michael. ‘So they knew.’ Payak siyang napatawa. Kaya pala ang lakas ng loob ng dalawa. Dahil supportado pala sila. “JUST SIGN THE DIVORCE.” Napaigtad siya sa gulat dahil sa paglakas ng boses ni Michael. Inabot naman ni Sabrina sa kanya ang folder. Nang hindi niya yun kinuha ay nilagay na lang nito sa mesa. “If, maghihiwalay si mommy at daddy, dito lang ako kay daddy. Ayoko sumama sa kanya.” Para namang piniga ang puso niya dahil sa sinabi ng anak. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito kay Sabrina. “Fine. I’ll sign the divorce paper and I won’t ask for custody. Also, once I sign the divorce, gusto ko rin na hindi na dalhin ang apelyido ng pamilya niyo.” Itinuro niya ang magulang. “I’m no longer your daughter.” “Samantha.” May pagbabanta sa boses ng ama pero hindi niya yun pinansin. Binalingan niya ng tingin ang anak na si Sophie. “And starting today, I am not your mother and you're not my daughter. I am an orphan and I no longer have a family.” Pagkatapos niyang pirmahan ang divorce paper ay isinara niya ang folder. “Ako na ang magfinalize nito. I’ll just get my stuff then, I’ll leave.” Hindi na niya hinayaang magsalita pa ang mga magulang. Bitbit niya ang folder at pumunta sa kwarto nila ni Michael. Kinuha niya ang mga gamit niya. Mga gamit na siya ang bumili. Ang mga bigay naman sa kanya ng magulang at ni Michael ay nilagay niya sa karton. Nagpatulong siya sa mga maids na buhatin ito pababa sa harap ng gate ilagay. Nakita naman niya ang larawan ng kasal nila ni Michael at ang larawan nilang magpamilya. Pati mga album ay kinuha niya. Pagkatapos ay inutusan niya ang katulong na kumuha ng gas at lighter. Pagkatapos niyang mag-impake ay isang maleta lang ang dala niya. —------- Sa sala naman ay tahimik ang magulang niya at magulang ni Michael, hindi nila inaasahan na isusuko nito ang lahat. Kahit ang custody kay Sophie. Napansin naman nila ang mga bagay na ibinababa ng katulong nakalagay sa kahon. Nakita nila ang damit, alahas at mga bagay na binigay nila kay Samantha. Kasali na ang mga album at mga picture frame. Pati na rin ang picture nila sa kasal. “Para saan ang gas?” tanong ni Michael. “Hindi ko po alam, sir.” Magalang na sagot ng katulong. Narinig naman nila ang mga yapak na pababa ng hagdan. “I’ll go ahead.” Hindi na niya nilingon pa ang magulang at lalo na si Michael. “Mommy,” pagtawag ni Sophie sa kanyang mommy. Pero hindi ito lumingon. Hindi rin ito tumigil. “Mommy wait!” nakaramdam naman ng kirot si Sophie sa kanyang dibdib ng hindi siya pansinin ng mommy niya. “Don’t come back and don’t ruin my family. Starting today tita is my mommy na.” Napatigil naman si Samantha at dahil doon ay napangisi si Sabrina. Alama niyang masasaktan ang kapatid dahil sa sinabi ng anak nito. Alam niyang mahal na mahal nito si Sophie. “Sure.” Maikli nitong sagot na ikinagulat ng lahat. —------------------------------- Pagkalabas ni Samantha sa gate ay kinuha niya mula sa maid ang gas at lighter. Ibinuhos niya ang gas sa mga gamit na binigay sa kanya, bags, clothes, shoes, jewelries at ang mga larawan. Nang nabuhusan na niya lahat ay sinidihan niya ang mga ito. Mabilis namang kumalat ang apoy. Napasinghap naman ang mga katulong na nakakita. Mamahalin ang lahat ng gamit na ‘yun. Nang makita na nagliyab na ang lahat ay sumakay si Samantha ng taxi. Habang umuusad palayo ang sinasakyan niyang taxi ay nangako siyang uusad na rin siya at kailanman ay hindi na babalik pa. —-------------- Mula naman sa loob ng mansion ay nakita nila Michael ang malaking usok. Sakto naman na pumasok ang isang katulong. “Manang, bakit may usok sa labas?” “Mga gamit po ni Maam Samantha sinunog niya po lahat.” Mabilis namang tumakbo si Michael papunta sa labas ng gate.Chapter 10Hindi ko agad naintindihan ang bigat ng salitang binitawan ko.“Yes.”Para bang bumagal ang mundo sa loob ng ilang segundo. Nakaluhod pa rin si Sebastian sa harapan ko, hawak ang maliit na kahon na ngayon ay tila mas mabigat kaysa sa lahat ng problema ko. Nakatingin siya sa akin na parang hindi rin makapaniwala sa sagot ko.“Wait—” natigilan siya, kumurap nang ilang beses. “Seryoso ka?”Napatawa ako nang mahina, kahit ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko mula sa pag-iyak.“Hindi ba dapat ikaw ‘yung sure?” sagot ko, pilit na pinapagaan ang sitwasyon.Dahan-dahan siyang tumayo, pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha niya. Isinara niya ang kahon sandali, saka ulit binuksan—parang chine-check kung totoo pa rin ang nangyayari.“Totoo ‘to?” tanong niya ulit, halos pabulong.“Sebastian,” napailing ako. “Ikaw ang nag-propose.”“Alam ko! Pero—” napahawak siya sa batok niya. “Akala ko tatanggihan mo ako. O sasampalin. Or both.”Napangiti ako.“Pwede pa naman,” biro
Chapter 9 “Open the door.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napalipat-lipat pa ang tingin ko sa cellphone at sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at unti-unting naglakad palabas ng kwarto ko. Narinig ko naman ang patuloy na pag doorbell. Sinilip ko muna ang peephole at nakita ko siya. Si Sebastian, nakatayo sa labas ng hotel room ko at para bang nag-aalala. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bago ko pa ‘yun tuluyang mabuksan ay itinulak na ‘yun ni Seb at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “Why are you crying?” Puno ng pag-aalala ang boses niya. Isinara niya ang pinto at hinila ako papunta sa sofa at pinaupo. “B-bakit ka nandito?” Nagtataka ko siyang tinitignan. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga mata niya. “Tsk.” Pinunasan naman niya ang pisngi ko na basa ng luha. “Ilang oras lang tayo nagkahiwalay umiiyak ka na naman.” Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang siya. “Namiss mo ba ako agad? Kaya ka u
Chapter 8“I just want to make sure you’re safe.”Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang naisipan niyang alukin ng kasal. Marami naman kasing ibang babae. Bakit sa akin pa nakakadivorce lang.It doesn't make sense at all. “Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nagmamaneho habang nakatingin sa kalsada. “Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ang weird mo na.” Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Am I that weird?” Binalingan ko siya ng tingin. “Yes.” “I’m not that weird.”“You are. Ayain mo ba naman ang tulad ko ng kasal.” “Do you dislike it?” Naramdaman ko naman sa boses niya na para bang malungkot siya or nasaktan. “Not really, I told you. Weird lang siya.” Huminto naman siya sa tapat ng hotel kung saan ako pansamantalang nagstay. Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Bago ko isara ang pinto ay nagsalita ako ulit. “I’ll think about it. Give me some time to think.” Nginitian ko siya at doon ay napansi
Chapter 7“Marry me.” Naibuga ko naman ang iniinom kung kape dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napakurap at baka hindi nagkamali lang ako ng narinig. “Ano ‘yun?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang talaga narinig ko. “Marry me.” This time, may diin na niyang sinabi. Tinignan ko naman ang mukha niya sinisigurado ko lang kung nagbibiro ba siya. Pero, seryoso ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba?” “I'm not crazy.” “So,” tinaasan ko siya ng kilay, “pinagtitripan mo lang ako?” dagdag ko.“I’m not.” Maiksi nitong sagot. “Bakit?” Nakakunot noo kung tanong. Hindi ko kasi maisip kung ano dahilan ng biglaan niyang pagpropose. Tsaka, kakadivorce ko pa lang. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang pagiging malaya. Tapos aayain na naman ako ng kasal. “Huh? Ano?” Di ko narinig ang simabi niya dahil parang bulong o baka bulong talaga.“I said, I need a wife. A contract wife.” “Bakit ako? Marami namang iba diyan?” Sa dami ng babae sa mundo akonpa talaga inaya niya. “Matagal na kitang kilala
Chapter 6: Marry me “Sebastian…?” Halos pabulong ang tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli si Sebastian. Ilang taon na rin kasi ng huli niya itong makita. Matangkad at maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling suit at dala ang presensyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Sebastian Villanueva isa sa pinaka-maimpluwensyang CEO sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat, para sa kanya ay isa lamang itong taong mula sa nakaraan. Isang taong minsang naging tahimik na tagamasid sa buhay niya. “May I sit?” kalmado nitong tanong. Napakurap si Samantha, saka bahagyang tumango. Napakunot naman ang noo niya habang tintignan ito. Para bang multo na bigla na lamang nagparamdam. “Of course.” Dahan-dahang umupo si Sebastian sa tapat niya. Sandaling natahimik ang dalawa. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa tasa at mahihinang usapan ng ibang customers ang maririnig sa paligid. Nagkatinginan sila. Matagal. Parang sinusukat ang isa’t isa. Napansin ni Sebastian
Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.Si Sebastian Villanueva.Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.Tok. Tok.“Come in,” malamig niyang sabi.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.Hin







