Share

Chapter 5

Author: Moon
last update publish date: 2026-04-15 05:29:18

Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere.

Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.

Si Sebastian Villanueva.

Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.

Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.

Tok. Tok.

“Come in,” malamig niyang sabi.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.

“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.

Hindi siya agad nagsalita. Ibinaba niya ang tablet at saka tumingala.

“Proceed.”

Tumango si Lara at binuksan ang folder na hawak niya.

“Yesterday afternoon, Mrs. Samantha left the residence of Mr. Michael Reyes,” panimula niya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Sebastian. “Continue.”

“Bandang alas-singko ng hapon, umalis siya sa bahay na may dalang isang medium-sized suitcase. Wala siyang kasamang driver o assistant. She took a taxi.”

Tahimik na nakinig si Sebastian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa armrest ng upuan.

Hindi niya inaasahan na ganito kabilis mangyayari ang lahat.

“Where did she go?” tanong niya.

“Sa isang three-star hotel sa downtown area, sir. Nag-check in siya doon under her own name.”

Nanahimik siya sandali.

Hotel.

Mag-isa.

Walang pamilya.

Walang kaibigan.

Naramdaman niya ang kirot sa dibdib at isang emosyon na matagal na niyang sinubukang itago.

“Did she stay there overnight?” tanong niya.

“Yes, sir.”

Nagpatuloy si Lara sa pagre-report.

“This morning, umalis siya ng hotel around 8:30 AM. She went directly to a law firm—Cruz & Associates.”

Biglang tumigil ang paghinga ni Sebastian.

Law firm.

Alam na niya kung ano ang ibig sabihin noon.

“Divorce,” mahina niyang bulong.

Tumango si Lara. “Yes, sir. She filed for divorce personally.”

Tahimik ang buong opisina. Parang biglang bumigat ang hangin. Hindi makapaniwala si Sebastian. Hindi dahil sa hiwalayan. Kundi dahil sa lakas ng loob ng babaeng matagal niyang minahal.

Hindi ito nagmakaawa. Hindi ito naghabol. Hindi ito nagdrama.

Sa halip ay ito mismo ang unang bumitaw.

“She also requested for immediate processing,” dagdag ni Lara.

Bahagyang napataas ang kilay ni Sebastian.

“Immediate?”

“Yes, sir. She said she is willing to pay any amount just to finalize the divorce as soon as possible.”

Tahimik siyang napangiti. Isang maliit na ngiti. Isang ngiti na puno ng paghanga.

“That sounds like her,” mahina niyang sabi.

Matagal na niyang kilala si Samantha. Tahimik ngunit matatag. Mahina sa panlabas, ngunit matibay sa loob.

“Anything else?” tanong niya.

Tumango si Lara. “Yes, sir.” Sandali itong nag-atubili bago nagsalita. “She looked… exhausted.”

Biglang tumigas ang ekspresyon ni Sebastian. “What do you mean?”

“Base sa report ng investigator, madalas daw siyang napapahawak sa dibdib niya nitong mga nakaraang buwan. She also appeared pale and weak.”

Naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

“Did she go to the hospital?” seryoso niyang tanong.

“Not yet, sir.”

Sandaling natahimik si Sebastian.

Isang kakaibang kaba ang unti-unting sumiksik sa dibdib niya. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam.

Takot.

Takot na baka may mangyaring masama sa taong matagal na niyang minahal.

“Continue monitoring her,” utos niya.

“Yes, sir.”

“And assign two bodyguards.”

Nagulat si Lara. “Sir?”

“Discreetly,” dagdag niya. “I don’t want her to know.”

Tumango agad ang secretary. “Understood.”

Pagkaalis ng secretary, naiwan mag-isa si Sebastian sa loob ng opisina.

Ngunit magulo ang isip niya. Tumayo siya mula sa upuan at naglakad papunta sa malaking bintana. Tanaw niya ang buong lungsod. Mga tao na abala sa kani-kanilang buhay.

Ngunit sa dami ng tao ay iisa lang ang iniisip niya.

Si Samantha.

Naalala niya ang unang pagkakataon na nakita niya ito. Mahaba ang buhok. Mahinhin ang ngiti. Simple ngunit elegant at sa sandaling iyon nahulog na siya.

Ngunit huli na. Dahil may ibang lalaki nang nauna.

Si Michael.

Mahigpit niyang ipinikit ang mata.

“Why did you choose him…?” mahina niyang bulong.

Hindi galit.

Hindi inggit.

Kundi sakit.

Ngunit ngayon a nagbago na ang lahat. Malaya na si Samantha at sa pagkakataong ito ay hindi na siya papayag na maagaw ito ulit.

Bigla niyang kinuha ang phone sa mesa. Nag-dial siya ng isang numero. Ilang segundo lang ay may sumagot.

“Yes, sir.”

“Prepare the car,” malamig niyang sabi.

“Where to, sir?”

Sandali siyang tumigil. Pagkatapos ay nagsalita. “To the café on Valencia Street.”

Tahimik ang boses niya. Ngunit puno ng determinasyon.

“Yes, sir.”

Pinatay niya ang tawag at kinuha ang coat niya. Habang naglalakad palabas ng opisina, isang malinaw na desisyon ang nabuo sa isip niya.

Hindi na siya magmamasid lamang sa malayo. Hindi na siya maghihintay.

Sa pagkakataong ito ay siya na ang lalapit.

Makaraan ang tatlumpung minuto. Huminto ang itim na luxury car sa harap ng isang maliit na café. Tahimik na bumaba si Sebastian. Isang tingin lang sa loob at agad niya itong nakita.

Si Samantha.

Nakaupo sa sulok.

Mag-isa.

Tahimik at mukhang pagod. Ngunit matapang. Mahigpit niyang hinawakan ang tasa ng kape na hawak niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Saya dahil malaya na ito o lungkot dahil nasaktan ito.

Ngunit isang bagay ang sigurado ay hindi na niya ito hahayaang mag-isa. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit. Nang tuluyan na siyang nakatayo sa harap nito, marahan siyang nagsalita.

“Long time no see, Samantha.”

Nagulat si Samantha.

Unti-unti siyang napalingon at nang makita niya kung sino ang nasa harap niya nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

“Sebastian…?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 10

    Chapter 10Hindi ko agad naintindihan ang bigat ng salitang binitawan ko.“Yes.”Para bang bumagal ang mundo sa loob ng ilang segundo. Nakaluhod pa rin si Sebastian sa harapan ko, hawak ang maliit na kahon na ngayon ay tila mas mabigat kaysa sa lahat ng problema ko. Nakatingin siya sa akin na parang hindi rin makapaniwala sa sagot ko.“Wait—” natigilan siya, kumurap nang ilang beses. “Seryoso ka?”Napatawa ako nang mahina, kahit ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mga mata ko mula sa pag-iyak.“Hindi ba dapat ikaw ‘yung sure?” sagot ko, pilit na pinapagaan ang sitwasyon.Dahan-dahan siyang tumayo, pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha niya. Isinara niya ang kahon sandali, saka ulit binuksan—parang chine-check kung totoo pa rin ang nangyayari.“Totoo ‘to?” tanong niya ulit, halos pabulong.“Sebastian,” napailing ako. “Ikaw ang nag-propose.”“Alam ko! Pero—” napahawak siya sa batok niya. “Akala ko tatanggihan mo ako. O sasampalin. Or both.”Napangiti ako.“Pwede pa naman,” biro

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 9

    Chapter 9 “Open the door.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Napalipat-lipat pa ang tingin ko sa cellphone at sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at unti-unting naglakad palabas ng kwarto ko. Narinig ko naman ang patuloy na pag doorbell. Sinilip ko muna ang peephole at nakita ko siya. Si Sebastian, nakatayo sa labas ng hotel room ko at para bang nag-aalala. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bago ko pa ‘yun tuluyang mabuksan ay itinulak na ‘yun ni Seb at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. “Why are you crying?” Puno ng pag-aalala ang boses niya. Isinara niya ang pinto at hinila ako papunta sa sofa at pinaupo. “B-bakit ka nandito?” Nagtataka ko siyang tinitignan. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga mata niya. “Tsk.” Pinunasan naman niya ang pisngi ko na basa ng luha. “Ilang oras lang tayo nagkahiwalay umiiyak ka na naman.” Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang siya. “Namiss mo ba ako agad? Kaya ka u

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 8

    Chapter 8“I just want to make sure you’re safe.”Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako ang naisipan niyang alukin ng kasal. Marami naman kasing ibang babae. Bakit sa akin pa nakakadivorce lang.It doesn't make sense at all. “Ang tahimik mo naman.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso siyang nagmamaneho habang nakatingin sa kalsada. “Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ang weird mo na.” Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “Am I that weird?” Binalingan ko siya ng tingin. “Yes.” “I’m not that weird.”“You are. Ayain mo ba naman ang tulad ko ng kasal.” “Do you dislike it?” Naramdaman ko naman sa boses niya na para bang malungkot siya or nasaktan. “Not really, I told you. Weird lang siya.” Huminto naman siya sa tapat ng hotel kung saan ako pansamantalang nagstay. Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Bago ko isara ang pinto ay nagsalita ako ulit. “I’ll think about it. Give me some time to think.” Nginitian ko siya at doon ay napansi

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 7

    Chapter 7“Marry me.” Naibuga ko naman ang iniinom kung kape dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napakurap at baka hindi nagkamali lang ako ng narinig. “Ano ‘yun?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang talaga narinig ko. “Marry me.” This time, may diin na niyang sinabi. Tinignan ko naman ang mukha niya sinisigurado ko lang kung nagbibiro ba siya. Pero, seryoso ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba?” “I'm not crazy.” “So,” tinaasan ko siya ng kilay, “pinagtitripan mo lang ako?” dagdag ko.“I’m not.” Maiksi nitong sagot. “Bakit?” Nakakunot noo kung tanong. Hindi ko kasi maisip kung ano dahilan ng biglaan niyang pagpropose. Tsaka, kakadivorce ko pa lang. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang pagiging malaya. Tapos aayain na naman ako ng kasal. “Huh? Ano?” Di ko narinig ang simabi niya dahil parang bulong o baka bulong talaga.“I said, I need a wife. A contract wife.” “Bakit ako? Marami namang iba diyan?” Sa dami ng babae sa mundo akonpa talaga inaya niya. “Matagal na kitang kilala

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 6

    Chapter 6: Marry me “Sebastian…?” Halos pabulong ang tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli si Sebastian. Ilang taon na rin kasi ng huli niya itong makita. Matangkad at maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling suit at dala ang presensyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Sebastian Villanueva isa sa pinaka-maimpluwensyang CEO sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat, para sa kanya ay isa lamang itong taong mula sa nakaraan. Isang taong minsang naging tahimik na tagamasid sa buhay niya. “May I sit?” kalmado nitong tanong. Napakurap si Samantha, saka bahagyang tumango. Napakunot naman ang noo niya habang tintignan ito. Para bang multo na bigla na lamang nagparamdam. “Of course.” Dahan-dahang umupo si Sebastian sa tapat niya. Sandaling natahimik ang dalawa. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa tasa at mahihinang usapan ng ibang customers ang maririnig sa paligid. Nagkatinginan sila. Matagal. Parang sinusukat ang isa’t isa. Napansin ni Sebastian

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 5

    Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.Si Sebastian Villanueva.Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.Tok. Tok.“Come in,” malamig niyang sabi.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status