LOGIN
Chapter 1: The Betrayal
Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Tanging tunog ng wall clock sa sala ang maririnig, paulit-ulit na tila nagpapaalala kay Samantha kung gaano na kalalim ang gabi. Alas-diyes na ng gabi ngunit wala pa ring paramdam ang asawa niyang si Michael. Muli siyang napabuntong-hininga habang inayos ang mesa sa dining area. Nakahain pa rin doon ang hapunang kanina pa niya niluto paboritong steak ni Michael, garlic butter shrimp, at red wine na espesyal pa niyang pinabili sa helper. Malamig na ang lahat. “Ma’am, ikukuha ko na po ba kayo ng pagkain?” maingat na tanong ng kasambahay nilang si Liza mula sa kusina. Ngumiti si Samantha kahit pagod na ang mga mata niya. “Mamaya na lang, Liza. Hintayin ko muna si Sir.” Tumango ang babae, ngunit halatang naaawa. Hindi na ito bago. Halos gabi-gabi na lang ganito ang eksena naghihintay si Samantha, habang si Michael ay laging late o minsan ay hindi na umuuwi. Napatingin siya sa cellphone na hawak. No new messages. Napakagat siya sa labi. Kanina pa siya nag-text. Samantha: Honey, uuwi ka ba tonight? I prepared dinner. Seen lang. No reply. Hindi man lang nag-abala na sabihing busy siya. Isang masakit na kurot ang naramdaman niya sa dibdib, ngunit pinilit niyang huwag pansinin iyon. Ilang buwan na ring madalas sumakit ang dibdib niya, pero lagi niya itong binabalewala. Iniisip na dahil lang sa stress. “Mommy!” Napalingon siya nang marinig ang boses ng anak niyang si Sophie, pitong taong gulang, na pababa ito ng hagdan habang yakap ang stuffed toy. “Ano ginagawa mo, baby? Dapat tulog ka na,” malambing niyang sabi. Lumapit ang bata at hinila ang kamay niya. “Mommy, when will Daddy come home?” Napangiti si Samantha kahit may kirot sa puso. “Soon, sweetheart. Busy lang si Daddy sa work.” Tumango si Sophie, ngunit halatang disappointed. Sandaling natahimik ang bata bago nagsalita ulit. “Mommy… pwede bang si Auntie Sabrina na lang ang maghatid sa akin sa school bukas?” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. “Why?” maingat niyang tanong. Nagkibit-balikat ang bata. “Because she promised me ice cream after class. And she helps me with homework better.” Napatahimik si Samantha. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya o maiinis sa sarili. “Okay,” mahina niyang sagot. “If that makes you happy.” Ngumiti si Sophie. “Thank you, Mommy!” Yumakap ang bata sa kanya bago tumakbo pabalik sa kwarto. Nanatiling nakatayo si Samantha sa gitna ng sala, hawak pa rin ang plato na kanina pa niya nililinis. Mabigat ang pakiramdam ng dibdib niya, hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa lungkot. Pakiramdam niya unti-unti siyang nawawala sa sariling pamilya. —---- Alas-onse na ng gabi nang tuluyang mapagod si Samantha sa paghihintay. Nagdesisyon siyang akyatin na ang kwarto nila ni Michael upang matulog. Bukas na lang niya kakausapin ang asawa tungkol sa dinner. Tahimik siyang naglakad paakyat sa hagdan. Ngunit pagdating niya sa hallway sa second floor, bigla siyang napatigil. May narinig siyang mahihinang boses mula sa loob ng guest room. Napakunot ang noo niya. ‘Bakit may tao doon?’ Alam niyang walang bisita ngayon at ang helper ay nasa quarters sa likod ng bahay. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan mas lalong luminaw ang mga boses. Isang babae at isang lalaki. Nanlamig ang buong katawan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya at parang may kung anong masamang mangyayari. Narinig niya ang mahinang halakhak ng babae. Pamilyar. Sobrang pamilyar. “Michael, stop… someone might hear us,” malambing na sabi ng babae. Parang tumigil ang mundo ni Samantha. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Sabrina. Ang sarili niyang kapatid. Napaatras siya ng isang hakbang, nanginginig ang kamay. ‘Hindi… imposible.’ Siguro mali lang siya ng narinig. Siguro may misunderstanding. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ngunit muli niyang narinig ang boses ng asawa. Mahina, paos, at puno ng lambing. “Relax, baby. Tulog na si Samantha.” Parang may malakas na puwersang tumama sa dibdib niya. Nanlaki ang mata niya. Hindi na siya nakahinga. Hindi na siya makagalaw. Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay sa doorknob. Nanginginig. Takot. Umaasa pa rin na mali ang lahat. Ngunit nang tuluyan niyang pinihit ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto nawasak ang buong mundo niya. Nakita niya si Michael. Hubad ang itaas na katawan. Yakayakap si Sabrina na nakasuot lamang ng manipis na robe. Magkadikit ang kanilang mga katawan sa kama at halatang-halatang hindi lamang iyon simpleng yakap. Sandaling natahimik ang lahat. Nagkatinginan silang tatlo. Nanlaki ang mata ni Sabrina. “Sam—Samantha?” Nabitawan ni Michael ang hawak nitong babae at agad tumayo mula sa kama. Doon niya nakitang nakaboxer lang asawa niya. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon. “What the hell are you doing here?” galit na tanong nito. Napakurap si Samantha. Hindi siya makapaniwala sa narinig. ‘What am I doing here?’ Ito ang bahay niya. Ngunit sa sandaling iyon, pakiramdam niya siya pa ang mali. Para bang mali na binuksan niya ang pintuan ng guest room. Mali na pumunta sa lugar na ‘yun. Para bang kasalanan pa niya na nakita niya ang asawa at kapatid na magkasama sa iisang kama. Nanghina ang tuhod niya. Pakiramdam niya may kung anong bumabasag sa loob ng dibdib niya. “Michael…” mahina niyang tawag, nanginginig ang boses. “What is this?” Tahimik sandali ang lalaki bago napabuntong-hininga, tila naiirita. “This is not what it looks like.” Napatawa si Sabrina isang mahinang, pilit na tawa. “Actually, it is exactly what it looks like,” malamig nitong sabi. Parang tinusok ang puso ni Samantha. Napatingin siya sa kapatid. Ang kapatid na tinulungan niya. Ang kapatid na pinatira niya sa bahay. Ang kapatid na pinagkatiwalaan niya. “Why?” pabulong niyang tanong. Tumayo si Sabrina mula sa kama, marahan nitong inayos ang suot na robe. “Because he loves me,” diretso nitong sagot. Parang tumigil ang mundo. Napatingin si Samantha kay Michael, umaasang magsasalita ito. Umaasang ide-deny nito. Ngunit wala. Tahimik lamang ang lalaki at iyon ang pinaka-masakit. “Tell me she’s lying,” halos pakiusap niyang sabi. Ngunit malamig ang mukha ni Michael nang sumagot. “She’s not.” Isang luha ang kusang pumatak mula sa mata ni Samantha. Pakiramdam niya biglang nawalan ng hangin ang paligid. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita. Tanging sakit lamang ang nararamdaman niya. “I’m in love with Sabrina,” diretsong sabi ni Michael. “And I want a divorce.” Parang kidlat na bumagsak ang mga salita nito. Divorce. Isang salitang hindi niya kailanman inisip na maririnig mula sa asawa. “Michael… we have a child,” mahina niyang sabi. Wala man lang emosyon ang mukha ng lalaki. “I know.” “Then why are you doing this?” halos pabulong niyang tanong. Napabuntong-hininga si Michael, tila pagod. “Because I’m tired, Samantha. Tired of this boring marriage. Tired of pretending.” ‘Boring.’ Ang walong taon ng sakripisyo niya, boring. Napahawak siya sa dibdib. Biglang sumakit iyon nang matindi. Ngunit mas masakit ang nararamdaman ng puso niya. Samantala, lumapit si Sabrina at huminto sa harap niya. May bahid ng awa ang mukha nito ngunit mas nangingibabaw ang kayabangan. “You should let him go, Ate,” malamig nitong sabi. “He deserves to be happy.” Parang sinampal si Samantha. Napatawa siya isang mapait na tawa. “So you betrayed me… for happiness?” mahina niyang tanong.Chapter 7“Marry me.” Naibuga ko naman ang iniinom kung kape dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napakurap at baka hindi nagkamali lang ako ng narinig. “Ano ‘yun?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang talaga narinig ko. “Marry me.” This time, may diin na niyang sinabi. Tinignan ko naman ang mukha niya sinisigurado ko lang kung nagbibiro ba siya. Pero, seryoso ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba?” “I'm not crazy.” “So,” tinaasan ko siya ng kilay, “pinagtitripan mo lang ako?” dagdag ko.“I’m not.” Maiksi nitong sagot. “Bakit?” Nakakunot noo kung tanong. Hindi ko kasi maisip kung ano dahilan ng biglaan niyang pagpropose. Tsaka, kakadivorce ko pa lang. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang pagiging malaya. Tapos aayain na naman ako ng kasal. “Huh? Ano?” Di ko narinig ang simabi niya dahil parang bulong o baka bulong talaga.“I said, I need a wife. A contract wife.” “Bakit ako? Marami namang iba diyan?” Sa dami ng babae sa mundo akonpa talaga inaya niya. “Matagal na kitang kilala
Chapter 6: Marry me “Sebastian…?” Halos pabulong ang tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli si Sebastian. Ilang taon na rin kasi ng huli niya itong makita. Matangkad at maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling suit at dala ang presensyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Sebastian Villanueva isa sa pinaka-maimpluwensyang CEO sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat, para sa kanya ay isa lamang itong taong mula sa nakaraan. Isang taong minsang naging tahimik na tagamasid sa buhay niya. “May I sit?” kalmado nitong tanong. Napakurap si Samantha, saka bahagyang tumango. Napakunot naman ang noo niya habang tintignan ito. Para bang multo na bigla na lamang nagparamdam. “Of course.” Dahan-dahang umupo si Sebastian sa tapat niya. Sandaling natahimik ang dalawa. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa tasa at mahihinang usapan ng ibang customers ang maririnig sa paligid. Nagkatinginan sila. Matagal. Parang sinusukat ang isa’t isa. Napansin ni Sebastian
Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.Si Sebastian Villanueva.Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.Tok. Tok.“Come in,” malamig niyang sabi.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.Hin
Ilang oras ang lumipas. Nakahanda na ang divorce papers. Tahimik na pinirmahan ni Samantha ang bawat pahina. Walang pag-aalinlangan. Walang luha. Walang panghihinayang.Sa bawat pirma, parang unti-unti niyang pinapatay ang nakaraan.Hanggang sa huling pahina. Sandali siyang tumigil. Hindi dahil sa pagdududa. Kundi dahil sa realization.Ito na ang kalayaan na hinihintay ko. Ito na ang katapusan ng kasal niya. Huminga siya nang malalim.At saka lumagda.Pagkatapos niyang pirmahan ang mga dokomento ay may ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang nakatikim ng kapayapaan. Umalis saglit ang abogado at pagbalik nito ay may ngiti na ito sa labi. “Happy Independence day, Maam!” Napangiti naman si Samantha dahil doon. “Pwede bang pakideliver na lang sa bahay ni Michael.” Tumango naman ito bilang pagsang ayon. Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumango ang abogado bilang pagsang-ayon.“Noted, Ma’am. Ipapadeliver namin agad sa residence ni Mr. Michael.”“Thank you,” mahinang sagot ni Samantha.Tuma
Pagdating ni Michael sa labas ng gate ay halos mapatigil siya sa nakita.Naglalagablab ang apoy sa harap ng mansion. Nasusunog ang mga kahon na kanina lamang ay puno ng mamahaling damit, alahas, at mga larawan. Umaakyat ang makapal na usok sa himpapawid habang patuloy na nilalamon ng apoy ang lahat.Nakita niya ang larawan nilang mag-asawa na unti-unting natutunaw sa init.Ang wedding photo.Ang picture kung saan nakangiti silang dalawa, puno ng pangako at pagmamahal.Ngayon, nagiging abo na lamang iyon.“Sir, papatayin po ba natin ang apoy?” nag-aalalang tanong ng isa sa mga katulong.Hindi agad nakasagot si Michael. Para siyang natulala habang nakatingin sa nagliliyab na apoy. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang kurot sa dibdib niya.Galit ba iyon? O pagsisisi?Maya-maya ay sumunod sa kanya ang mga magulang niya, pati ang magulang ni Samantha. Lumabas din si Sabrina, hawak pa rin ang kamay ni Sophie.Napasinghap si Mrs. Reyes nang makita ang apoy. “Oh my God… those are
Hindi sumagot si Sabrina. Sa halip, tumingin lamang ito kay Michael at hinawakan ang kamay nito at hinayaan naman iyon ng lalaki. Nilapitan niya ang kapatid at malakas na sinampal. “Why did you do that?” Naramdaman ni Samantha ang mahinang pagtulak sa kanya. Nakita na lang niya si Sophie na tumakbo palapit sa kapatid niya. “Sophie baby come here.” Pagtawag niya sa anak.“No. I hate you, mommy! I wish Tita Sabrina was my mommy and not you.” Sa sandaling iyon, tuluyan nang nabasag ang puso ni Samantha.Hindi na siya makapagsalita.Hindi na siya makagalaw.Pakiramdam niya isa siyang estranghera sa sarili niyang bahay. Kahit sarili niyang anak ay ayaw sa kanya mas gusto pa nito na ibang tao ang maging nanay niya. Sa gabing iyon, hindi lamang niya nahuli ang asawa at kapatid niya.Sa gabing iyon nawala ang pamilya niya.—------------------Kinabukasan. Hindi nakatulog si Samantha, umiyak siya buong magdamag. Nasa sala sila ngayon kasama ang magulang niya at magulang ni Michael. Seryos







