共有

Chapter 4

作者: Moon
last update 公開日: 2026-04-15 05:27:15

Ilang oras ang lumipas. Nakahanda na ang divorce papers. Tahimik na pinirmahan ni Samantha ang bawat pahina. Walang pag-aalinlangan. Walang luha. Walang panghihinayang.

Sa bawat pirma, parang unti-unti niyang pinapatay ang nakaraan.

Hanggang sa huling pahina. Sandali siyang tumigil. Hindi dahil sa pagdududa. Kundi dahil sa realization.

Ito na ang kalayaan na hinihintay ko. Ito na ang katapusan ng kasal niya. Huminga siya nang malalim.

At saka lumagda.

Pagkatapos niyang pirmahan ang mga dokomento ay may ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang nakatikim ng kapayapaan. Umalis saglit ang abogado at pagbalik nito ay may ngiti na ito sa labi.

“Happy Independence day, Maam!” Napangiti naman si Samantha dahil doon.

“Pwede bang pakideliver na lang sa bahay ni Michael.” Tumango naman ito bilang pagsang ayon.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumango ang abogado bilang pagsang-ayon.

“Noted, Ma’am. Ipapadeliver namin agad sa residence ni Mr. Michael.”

“Thank you,” mahinang sagot ni Samantha.

Tumayo siya mula sa kinauupuan, maayos na inayos ang bag sa balikat niya, at saka marahang naglakad palabas ng opisina.

Sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay gumagaan ang dibdib niya. Hindi dahil masaya siya. Kundi dahil natapos na rin sa wakas ang isang mahabang bangungot.

Paglabas niya ng law firm, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Saglit siyang napatigil sa harap ng pinto at tumingala sa langit.

Malinaw.

Maliwanag.

Tahimik.

Katulad ng pakiramdam sa loob ng puso niya ngayon. Huminga siya nang malalim.

“This is it…” mahina niyang bulong.

Wala na siyang asawa. Wala na siyang pamilya. Wala na siyang tahanan.

Ngunit may kalayaan na siya.

—----------

Samantala…

Sa loob ng malawak at marangyang bahay ni Michael, tahimik ang buong paligid.

Nasa sala si Michael, nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng business documents. Sa tabi niya ay si Sabrina, komportableng nakasandal sa balikat niya, habang naglalaro ang batang babae sa sahig.

Si Sophia.

Masaya itong nagkukulay sa coloring book, walang kaalam-alam sa kaguluhan ng mundo ng matatanda.

“Mama, look!” masayang sigaw ni Sophia habang itinataas ang drawing.

Ngumiti si Sabrina.

“Wow, ang ganda naman ng drawing ni Sophia,” malambing nitong sabi.

Napangiti rin si Michael. “Good job, sweetheart.”

Mas lalong lumiwanag ang mukha ng bata. Ngunit sa gitna ng masayang eksena ay biglang tumunog ang doorbell.

Ding dong.

Napakunot ang noo ni Michael.

“Who could that be?” bulong niya.

Tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan. Pagbukas niya, isang delivery man ang bumungad sa kanya.

“Good afternoon, sir. Delivery po.”

Tinanggap niya ang brown envelope. Napansin niya agad ang nakasulat sa harap.

From: Samantha Tuazon

Nanigas ang katawan niya. Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong sistema niya.

‘Tuazon? Hindi Reyes o Cruz?’ Mahina niyang tanong sa isipan.

“Sir?” tawag ng delivery man.

“Ah… yes,” sagot niya, saka pumirma.

Pagkasara ng pinto, dahan-dahan niyang binuksan ang envelope. Tahimik ang buong sala. Nakatingin lamang si Sabrina sa kanya.

“Ano ’yan?” tanong nito.

Hindi siya agad sumagot. Isa-isa niyang hinugot ang laman ng envelope. Nang makita niya ang nakasulat ay nanlaki ang mata niya.

DIVORCE PAPERS

At sa ibaba ang pirma ni Samantha. Official na. Hindi na sila kasal ni Samantha.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis. Hindi niya inaasahan na si Samantha mismo ang gagawa ng hakbang. Hindi siya nagmakaawa. Hindi siya naghabol. Hindi siya nagdrama.

Sa halip siya ang unang bumitaw.

“What is it?” tanong ni Sabrina, medyo kinakabahan.

Dahan-dahan siyang lumingon dito.

“Divorce papers,” malamig niyang sagot.

Saglit na natahimik si Sabrina. Ngunit maya-maya ay ngumiti ito.

“Finally,” mahinang sabi niya.

Ngunit si Michael hindi ngumiti. Sa halip, may kakaibang pakiramdam ang unti-unting sumiksik sa dibdib niya.

Hindi saya. Hindi relief.

Kundi pagkagulat at isang bagay na ayaw niyang aminin.

Panghihinayang.

Sa kabilang banda…

Habang naglalakad si Samantha sa sidewalk, naramdaman niya ang bahagyang pagod sa katawan niya.

Napahawak siya sa dibdib niya. Sandali lamang isang maikling kirot. Ngunit pinilit niyang huwag pansinin. Sanay na siya sa ganitong pakiramdam nitong mga nakaraang buwan.

“Maybe I just need rest,” bulong niya sa sarili.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa maliit na café sa gilid ng kalsada.

Umupo siya sa isang sulok at umorder ng mainit na tsaa. Habang hinihintay ang order, napatingin siya sa labas ng bintana. Doon ay may nakita siyang pamilyar na mukha.

Isang batang babae na hawak ang kamay ng ina nito. Masayang tumatawa, masayang naglalakad. Bigla naman siyang nakaramdam ng kirot sa puso niya.

Naalala niya si Sophia.

Ang anak niya.

Ang batang minsan ay mahigpit na yumayakap sa kanya tuwing gabi. Ang batang dati ay tinatawag siyang Mama.

Ngunit ngayon mas kinikilala na ang ibang babae.

Unti-unting napuno ng luha ang mata niya. Ngunit hindi siya umiyak.

Hindi na.

Pinilit niyang ngumiti.

“Be happy, Sophia…” mahina niyang bulong.

“Mama will be okay.”

—---------

Hindi niya napansin na may isang lalaking nakaupo sa kabilang mesa.

Tahimik lang itong nagmamasid at nakatingin sa kanya mula pa kanina.

Isang bilyonaryo na hanggang ngayon ay hindi pa nag-aasawa. Marami ang nag-iisip kung bakla ba ito o baka hindi lang ito interesado sa pag-ibig. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Samantha.

Ang pilit na ngiti.

Ang pagod sa katawan at ang sakit na pilit nitong itinatago.

Mahigpit niyang hinawakan ang tasa ng kape. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Saya dahil malaya na ito. O lungkot dahil nasaktan ito.

Ngunit isang bagay ang sigurado hindi na niya ito hahayaang masaktan ulit. Tahimik siyang tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad papalapit sa mesa ni Samantha at saka marahang nagsalita.

“Long time no see, Samantha.”

Nagulat si Samantha. Unti-unti siyang napalingon at nang makita niya kung sino ang nasa harap niya nanlaki ang mata niya.

“Sebastian…?”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 7

    Chapter 7“Marry me.” Naibuga ko naman ang iniinom kung kape dahil sa sinabi niya. Ilang beses din akong napakurap at baka hindi nagkamali lang ako ng narinig. “Ano ‘yun?” Paninigurado ko. Baka kasi mali lang talaga narinig ko. “Marry me.” This time, may diin na niyang sinabi. Tinignan ko naman ang mukha niya sinisigurado ko lang kung nagbibiro ba siya. Pero, seryoso ang mukha niya. “Nababaliw ka na ba?” “I'm not crazy.” “So,” tinaasan ko siya ng kilay, “pinagtitripan mo lang ako?” dagdag ko.“I’m not.” Maiksi nitong sagot. “Bakit?” Nakakunot noo kung tanong. Hindi ko kasi maisip kung ano dahilan ng biglaan niyang pagpropose. Tsaka, kakadivorce ko pa lang. Hindi ko pa nga na-eenjoy ang pagiging malaya. Tapos aayain na naman ako ng kasal. “Huh? Ano?” Di ko narinig ang simabi niya dahil parang bulong o baka bulong talaga.“I said, I need a wife. A contract wife.” “Bakit ako? Marami namang iba diyan?” Sa dami ng babae sa mundo akonpa talaga inaya niya. “Matagal na kitang kilala

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 6

    Chapter 6: Marry me “Sebastian…?” Halos pabulong ang tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli si Sebastian. Ilang taon na rin kasi ng huli niya itong makita. Matangkad at maayos ang postura. Nakasuot ng mamahaling suit at dala ang presensyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Sebastian Villanueva isa sa pinaka-maimpluwensyang CEO sa bansa. Ngunit sa kabila ng lahat, para sa kanya ay isa lamang itong taong mula sa nakaraan. Isang taong minsang naging tahimik na tagamasid sa buhay niya. “May I sit?” kalmado nitong tanong. Napakurap si Samantha, saka bahagyang tumango. Napakunot naman ang noo niya habang tintignan ito. Para bang multo na bigla na lamang nagparamdam. “Of course.” Dahan-dahang umupo si Sebastian sa tapat niya. Sandaling natahimik ang dalawa. Tanging tunog ng kutsara na tumatama sa tasa at mahihinang usapan ng ibang customers ang maririnig sa paligid. Nagkatinginan sila. Matagal. Parang sinusukat ang isa’t isa. Napansin ni Sebastian

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 5

    Sa loob ng pinakamataas na palapag ng Villanueva Holdings, tahimik ngunit mabigat ang atmosphere. Malawak ang opisina. Floor-to-ceiling glass windows ang nakapalibot, tanaw ang buong city skyline. Modern ang disenyo itim, abo, at kahoy ang dominanteng kulay. Sa gitna ng silid ay isang malaking mahogany desk, at sa likod nito ay nakaupo ang isang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, matalino, at walang kinatatakutan.Si Sebastian Villanueva.Nakasuot siya ng dark gray suit, malinis ang ayos ng buhok, at seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa tablet na hawak niya. Ngunit kahit mukhang kalmado, ang isip niya ay abala.Abala sa isang tao. Isang babaeng matagal na niyang minahal. Biglang may kumatok sa pintuan.Tok. Tok.“Come in,” malamig niyang sabi.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary—si Ms. Lara, isang professional na babae na sanay sa istriktong standards ng boss niya.“Sir, the report you requested is ready,” mahinahon nitong sabi.Hin

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 4

    Ilang oras ang lumipas. Nakahanda na ang divorce papers. Tahimik na pinirmahan ni Samantha ang bawat pahina. Walang pag-aalinlangan. Walang luha. Walang panghihinayang.Sa bawat pirma, parang unti-unti niyang pinapatay ang nakaraan.Hanggang sa huling pahina. Sandali siyang tumigil. Hindi dahil sa pagdududa. Kundi dahil sa realization.Ito na ang kalayaan na hinihintay ko. Ito na ang katapusan ng kasal niya. Huminga siya nang malalim.At saka lumagda.Pagkatapos niyang pirmahan ang mga dokomento ay may ngiti sa labi niya. Ngiti na para bang nakatikim ng kapayapaan. Umalis saglit ang abogado at pagbalik nito ay may ngiti na ito sa labi. “Happy Independence day, Maam!” Napangiti naman si Samantha dahil doon. “Pwede bang pakideliver na lang sa bahay ni Michael.” Tumango naman ito bilang pagsang ayon. Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumango ang abogado bilang pagsang-ayon.“Noted, Ma’am. Ipapadeliver namin agad sa residence ni Mr. Michael.”“Thank you,” mahinang sagot ni Samantha.Tuma

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 3

    Pagdating ni Michael sa labas ng gate ay halos mapatigil siya sa nakita.Naglalagablab ang apoy sa harap ng mansion. Nasusunog ang mga kahon na kanina lamang ay puno ng mamahaling damit, alahas, at mga larawan. Umaakyat ang makapal na usok sa himpapawid habang patuloy na nilalamon ng apoy ang lahat.Nakita niya ang larawan nilang mag-asawa na unti-unting natutunaw sa init.Ang wedding photo.Ang picture kung saan nakangiti silang dalawa, puno ng pangako at pagmamahal.Ngayon, nagiging abo na lamang iyon.“Sir, papatayin po ba natin ang apoy?” nag-aalalang tanong ng isa sa mga katulong.Hindi agad nakasagot si Michael. Para siyang natulala habang nakatingin sa nagliliyab na apoy. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaibang kurot sa dibdib niya.Galit ba iyon? O pagsisisi?Maya-maya ay sumunod sa kanya ang mga magulang niya, pati ang magulang ni Samantha. Lumabas din si Sabrina, hawak pa rin ang kamay ni Sophie.Napasinghap si Mrs. Reyes nang makita ang apoy. “Oh my God… those are

  • The Ceo's Dying Bride   Chapter 2

    Hindi sumagot si Sabrina. Sa halip, tumingin lamang ito kay Michael at hinawakan ang kamay nito at hinayaan naman iyon ng lalaki. Nilapitan niya ang kapatid at malakas na sinampal. “Why did you do that?” Naramdaman ni Samantha ang mahinang pagtulak sa kanya. Nakita na lang niya si Sophie na tumakbo palapit sa kapatid niya. “Sophie baby come here.” Pagtawag niya sa anak.“No. I hate you, mommy! I wish Tita Sabrina was my mommy and not you.” Sa sandaling iyon, tuluyan nang nabasag ang puso ni Samantha.Hindi na siya makapagsalita.Hindi na siya makagalaw.Pakiramdam niya isa siyang estranghera sa sarili niyang bahay. Kahit sarili niyang anak ay ayaw sa kanya mas gusto pa nito na ibang tao ang maging nanay niya. Sa gabing iyon, hindi lamang niya nahuli ang asawa at kapatid niya.Sa gabing iyon nawala ang pamilya niya.—------------------Kinabukasan. Hindi nakatulog si Samantha, umiyak siya buong magdamag. Nasa sala sila ngayon kasama ang magulang niya at magulang ni Michael. Seryos

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status